Posisyong Papel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PCSO Gaming Scheme: Tama bang Pahintuin?

Ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ay isang ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa mga
nangangailan ng tulong medikal sa pamamagitan ng pag-abot ng tulong pinansyal gamit ang pondo na
nakukuha mula sa iba’t ibang gaming scheme ng organisasyon. Kamakailan lamang ay sinuspinde ang
pagpapatakbo ng mga gawain nito dahil sa korupsyon na umiiral sa loob ng organisasyon. Tiyak
makaaapekto ang desisyong ito sa kalagayan ng bansa at ng mga mamamayan nito kaya hindi kami
sumasang-ayon sa desisyon ng pamahalaan na ipahinto ito.
.
Hindi ito dapat ipahinto sapagkat ito ay kilala sa pagbigay ng tulong pinansyal sa mga tao – lalo na sa mga
mahihirap. Kung tuluyan mang ipahihinto ang pagpapatakbo ang mga gawain ng PCSO ay tiyak na
maaapektuhan ang pondo na ilalaan para sa mga kababayang nangangailangan ng tulong sa
pagpapagamot. Maaari dahil rin sa pagpapasara dito ay hindi na mabibibgyan ng pansin ang
pangangailangan ng lahat ng humihingi ng tulong. Ang pagkakaroon ng PCSO ng malaking papel sa sistema
ng Universal Health Care o UHC ay isa ring dahilang kung bakit hindi ito dapat ipahinto. Ang PCSO ay isa
sa mga nagbibigay ng pondo sa sistema, at kahit na 1.2% lamang ng kabuuang pondo ang galing dito ay
tiyak na maya malaking epekto ito sa pagpapa-iral sa sistema. Huli sa lahat, hindi ito dapat ipasara dahil
mas malaking problema lamang ang maaaring dalhin nito. Ayon kay Action for Economic Reform (AER)
Coordinator Filomeno S. Sta. Ana III “[It’s the] wrong policy. It will just drive the activity underground.”
Hindi dapat ipasara ang mga gaming outlet ng PCSO sapagkat maaari itong magdulot ng mas malalang
problema tulad na lamang ng pagkakaroon ng “underground economy” kung saan nangyayari ang mga
illegal na transaksyon na tiyak makaaapekto rin sa kawastuhan ng Gross Domestic Product o GDP ng bansa
at ang patakarang pananalapi ng gobyerno ng Pilipinas. May mga nagsasabing ito ay dapat ipahinto dahil
ito raw ay nag-aanyaya sa mga tao na sumugal ng pera, ngunit hindi dahilan ang pagiging tukso nito sa
mga tao na sumugal dahil ang bawat isa sa atin ay may taglay na kapangyarihan na humindi sa mga bagay
na alam nating ikapapahamak natin.

Hindi naman talaga ang pagpapasara sa mga ito ang solusyon sa isyung ito, kung hindi ay ang paglutas sa
problema ukol sa korupsyon na umiiral sa organisasyon, sapagkat malaki ang posibilidad na may hindi ito
kanais-nais na epekto sa bansa. Kung ang isyu naman sa labis na pagsusugal ang pag-uusapan ay nasa tao
na ang solusyon, dahil siya lamang ang makatutulong sa kanyang sarili. Sana ay bawiin ng gobyerno ang
desisyong ito at mapagtanto ang mga benepisyong naibibigay nito kung ito ay pinapatakbo sa tamang
paraan.

You might also like