Formative Assessment For Rama at Sita

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panuto: Piliin ang tamang letra ng iyong sagot. Isulat ang sagot sa kalahating papel.

1. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan.


a. Elehiya b. Epiko c. awit d. tanaga
2. “Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Ang pahayag ay ___________.
a. Nakikiusap b. nagmamakaawa c. nag-uutos d. nagpapaunawa
3. Kaharian kung saan ipinatapon sina Rama, Sita at Lakshamanan.
a. Lanka b. Ayodha c. India d. Sri Lanka
4. Ito ang kaharian ng mga higante at demonyo.
a. Lanka b. Ayodha c. India d. Sri Lanka
5. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?
a. Nagsasalaysay b. naglalarawan c. naglalahad d. nangangatwiran
6. Anong damdamin ang namayani nang makita ni Surpanaka na niyakap ni Rama si Sita?
a. Tuwa b. selos c. galak d. lungkot
7. Siya ang kapatid ni Rama na masunurin at tapat.
a. Lakshamanan b. Maritsa c. Ravana d. Surpanaka
8. Kanino humingi ng tulong si Rama para salakayin ang Lanka upang mailigtas si Sita?
a. Pusa b. Unggoy c. Tigre d. Leon
9. Bakit takot na saktan ni Maritsa si Rama?
a. Dahil takot siya kay Rama b. Dahil mahal niya si Rama c. Dahil kakampi ni Rama ang Diyos

10. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan,”sabi ni Ravana pero hindi niya
napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay nangangahulugang ________.
a. Natatakot b. Mahal ang kanyang asawa
c. Hindi si Ravana ang kanyang gusto d. Naniniwala sa milagro

Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na pahayag ayon sa daloy ng kwento sa Rama at Sita.
Gamitin ang bilang 1-10.
___ Nagselos si Surpanaka at sa galit ay bigla siyang naging higante.
___ Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karuwaheng hila ng mga kabayong may
malalapad na pakpak.
___ Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong bumagsak sa lupa.
___ Nagyakap nang mahigpit sina Rama at Sita at muling nagsama nang maligaya
___ Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita.
___ Nakakita si Sisa ng isang gintong usa.
___ Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka.
___ Nagpanggap si Ravana na isang matandang paring Brahmin
___ “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan,”sabi ni Ravana.
___ Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sundan si Rama sa gubat.

You might also like