Professional Documents
Culture Documents
Inp M
Inp M
Inp M
Pagsulat ng Balita
Kawastuhan – Ang mga datos ay inilalahad nang walang labis at walang kulang
Katimbangan – Inilalahad ang mga datos ng bawat panig sa isang kontrobersyal na isyu na timbang at walang
pinapanigan.
Makatarungan – Katotohanan lamang ang inilalahad at walang bahid ng pagkiling sa alinmang panig na sangkot.
Makatotohanan – Ang mga impormasyon ay tunay at hindi gawa-gawa lamang .
Kaiklian – Diretsahan ang pagkalahad ng datos at hindi maligoy.
Napapanahon – Ang pangyayari ay abgo pa lamang naganap .
Mga Sangkap ng Balita
Kapanahunan
Kalapitan
Kabantugan
Kakatwahan o Kaibahan
Tunggalian
Makataong Kawilihan
Romansa at pakikipagsapalaran
Pagbabago at kaunlaran
Bilang o estadistika
kahalagan
Pangalan
Hayop
Kalamidad
Mga Uri ng Balita
A. Ayon sa istilo ng pagkakalahad ng datos
Tuwirang Balita
Pabalitang Lathalain
B. Ayon sa lugar ng pinangyarihan
1. Lokal na balita
2. Balitang dayuhan
C. Ayon sa nilalaman
1. Balitang Pang-agham at teknolohiya
2. Balitang pangkaunlarang komunikasyon
3. Balitang pang-isports o pampalakasan
D. Ayon sa pinagbabatayan o pinagkukunan
Balitang batay sa aksyon.
Balitang batay sa tala.
Balitang batay sa talumpati.
Balitang ayon sa pakikipanayam.
Pakikinayam
Dalawang Uri ng Pakikipanayam ayon sa Pamamaraan
1.Pormal
2.Impormal
Mga Dapat Tandaan sa Pakikipanayam
Sulatan, tawagan sa telepono o makipagkita nang personal sa taong kakapanayam upang hingin ang kanyang
pahintulot at maitakda ang oras at lugar ng pakikipanayam.
Bago ang aktwal na pakikipanayam, ihanda ang mga tanong at ihanay ang mga ito ayon sa pababang kahalagahan.
Maging magalang at huwag kaligtaang ipakilala ang sarili sa kinakapanayam.
Unahing itanong ang mahahalagang tanong. Kailangan ito lalo na sa ambush interview kung saan ang kinakapanayam
ay maaaring nagmamadali rin at bigla na lamang aalis.
Maging mabuting tagapakinig upang makapagbigay ng kaugnay o follow up na mga tanong.
Huwag sumabad at makipagtalo sa kinakapanayam. Pabayaan mo siyang magsalita upang makakuha ka ng mga sagot
mula sa kanya.
Sarilihin mo ang anunamg personal na bayas tungkol sa kinakapanayam. Kung may hindi nagustuhan sa kanyang
sinabi, pabayaan mo na. ang sinusulat mong istorya ay sa kanya at hindi sayo.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita
Ilista ang nakalap na datos.
Isaayos ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan.
Gawing mabisa at kawili-wili ang pamatnubay.
Ilahad ang iba pang mga detalye ng balita sa mga susunod na talata upang masagot ang iba pang mga tanong.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Balita
Isulat kaagad ang balita matapos makalap.
Itala ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan.
Unahing itampok ang pinakamahalagang datos bilang pamatnubay.
Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit at Paano sa isang pangungusap
lamang kung ito ay makasisira sa kaisipan ng talata at makalilito sa mambabasa. Tandaang ang pangalawang talata ay
pangalawang pamatnubay rin.
Tiyaking wasto ang inilahad na mga datos.
Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o pinagkunan ng datos at ang katungkulan. Sa muling pagbanggit sa
kanya, gamitin na lamang ang kanyang apelyido o anumang titulong angkop sa kanya.
Ibigay ang awtoridad o pinagkunan ng balita upang mapalakas ang tiwala ng mambabasa sa kawastuhan ng istorya at
upang mapangalagaan ang pahayagan sa anumang kasong libelo.
Ipakilala ang mga pangalang babanggitin. Kung ang tao ay maraming titulo, gamitin ang anumang may kaugnayan sa
mga datos ng istorya.
Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.
Maging makatarungan . Ilahad ang mga dats nang walang bayas at kinikilingan.
Gawing maikli ang talata. Ayon sa pamantayan sa talataan ng balita, sapat na ang isang pangungusap na talata, ngunit
kung magdagdag man, hindi ito maaaring lumampas sa tatlong pangungusap.
Gumamit ng payak na mga salita.
Gawing maikli ang pangungusap at pag-iba-ibahin ang haba nito.
Huwag ilagay ang sarili sa balita o gumamit ng unang panauhan.
Hangga`t maaari, gamitin ang pangungusap na karaniwan kaysa sa kabaligtarang ayos.
M-INP 3
Kaayusan ng Balita
Pangunahing Pamatnubay
PangalawangPamatnubay
Kasunod na Mahahalagang Datos
Di-gaanong Mahahalagang Datos
Limitasyon
Alito M. Malinao
(Journalism for Filipinos)
1.Libelo (Libel)
2.Batas Laban sa Kahalayan (Anti-obscenity)
3.Batas sa Paglusob sa Kapribaduhan (Invasion of Privacy)
4.Batas sa Pambansang Seguridad (National Security Law)
5.Karapatang-ari (Copyrights)
Libelo
Libelo bilang isang Krimen
Mga Pagkakakinlanlan sa Libelo (Jose Cruz)
1.Paninirang puri sa Karangalan
2.Malisya, maging sa batas o sa paksa
3.Pagkilala at pagtiyak sa biktima
Artikulo 26. Dapat irespeto ng bawat tao ang dignidad, pagkatao, kasarinlan, at kapanatgan ng isip ng kanyang kapwa at ng
ibang tao. Ang mga sumusunod at mga kahalintulad na gawain, bagamat hindi bumubuo ng krimen, ay magbubunga ng
batayang asunto para sa kapinsalaan, pag-iwas, at iba pag kaginhawaan:
Artikulo 32. Ang sinumang lingkod-bayan o manggagawa o sinumang pribadong indibidwal, na tuwiran o di-tuwirang
bumabalakid, tumataliwas o lumalabag, o sa anumang paraan ay pumipigil o pumupuksa sa mga sumusunod na karapatan at
kalayaaan ng ibang tao, ay mananagot ng bayad-pinsala:
Seksyon 11.
Ang kasarinlan ng komunikasyon at pagkalatas-liham;
Artikulo 138 at 142.Nagpapataw ng parusa pagkabilanggo o multa mula anim na libong piso hanggang labindalawang piso, o
parehong pagkanilanggo at multa sa mga kilusang nag-uudyok ng rebelyon o sedisyon, o paninira, sa anumang pamamaraan, sa
pananalig at katapatan ng mga mamamayan sa kanilang pamahalaan at ang ligal na mga may katungkulanh awtoridad.
Panghahamak sa Korte
Karapatang-ari
Isang pahayag sa isang gawain na nagpapakita ng pagmamay-ari ng gawaing iyon.
1.Panitikan
2.Peryodikal
3.Pampublikong talumpati
4.Iskrip pantelebisyon, pampelikula, o kareograpiya
5.Trabahong Pangmusika
6.Productong ng sining
7.Geograpikal, topograpikal, artitektural, at trabahong siyentipiko
8. Sinematograpikal
9. Trabahong audio-visual
10. Larawang ginamit sa patalastas
11. Programang pang-computer
12. Pagbabalitang pangradyo at pantelebisyon
1.Pasulat
- Ito ay pasulat kung ang midyum na ginagamit ay ang magasin, at iba pang basahin.
2. Pasalita
- Kung ito ay nasa Radyo.
3. Pampaningin
- Kung ito ay nasa telebesyon naman.
Anyo ng Pamahayagan
1.Palayong Pamahayagan
Ito ang anyo ng pag-uulat ng mga pangyayari na nakatuon lamang sa mga datos at sumasagot sa mga
tanong na Ano, Sino, Kailan, Bakit, at Paano.
2. Pagpapakahulugang Pamahayag
Nagpapaliwanag sa kahalagahan ng pangyayari sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kasagutan sa tanong
na Bakit at Paano.
M-INP 6
3. Katunggaliang Pamahayag
Tumutukoy sa anyo ng pag-uulat kung saan ang mamahayag, bilang kabahagi ng tinaguriang ikaapat na
Estado, ay nagsisilbing “watchdog” o asong tagabanay ng mga gawain ng tatlong sangay ng pamahalaan:
ang Ehekutibo (Executive), leheslatibo (Legislative) at hudikatura (Judgeship).
4. Pangkaunlarang Pamahayagan
Ito ay taliwas sa katunggaling pamahayagan.
Layunin nito na itaguyod ang panlipunan, pang-ekonomiya at pampulitikang kaunlaran ng bansa.
5. Dilaw na Pamahayagan
Isang anyo ng pamahayagan na ginagawang sensasyonal ang mga istorya tulad ng mga krimen, karahasan,
kahalayan, at imoral na mga Gawain ng mga artista at mga kilalang tao.
Tungkulin ng Pamahayagan
1.Maglathala ng Balita
Maipabatid sa mambabasa ang mga kaganapan sa lipunan nang wasto, tumpak, walang labis at walang
kulang ang mga impormasyon at walang kinikilingan.
Tatlong tungkulin:
5. Maasahan
Walang pinipiling panahon ang pangangalap ng balita.
M-INP 7
Ayon kay Alito L. Malinao, may akda ng Journalism for Filipinos, ito ang sumusunod na tuntunin sa mabisang pagsulat:
Kinakailangan mong maging mapagmahal sa mga tao. Kung hindi mo magawa ito, ibig sabihin hindi para sa iyo ang propesyong
ito.
5. Hanapin ang katotohanan
Tulad ng isang palasak na kasabihan, “ang katotohanan ang siyang magpapalaya sa iyo”.
6. Maging mapamaraan
Maging mapaghanap ng mga bagay na maaring maisulat.
7. Lakasan ang loob
Huwag matakot na panindigan at ipaglaban ang katotohanan.
Maging matapang sa karapatan mong ipahayag ang sarili.
8. Sauluhin ang iyong balarila
Kailangan mong masaulo ang balarilang Filipino,
Ingles o anumang wikang gagamitin mong midyum
upang mas mapagaan ang iyong trabaho.
9. Alamin mo ang iyong midyum
Maging tapat sa pagtataya ng iyong sariling kakayahan.
Kung hindi ka komportable sa sa radio o telebisyon manatili ka nalang sa pagsusulat para sa print media.
10. Mapagbasa
Ang pagbabasa at pagsulat ay hindi
magkahiwalay sa pamahayagan.
1.Kawastuhan
a. Dapat makatotohanan lamang ang lahat na nasa balita.
b. sikapin na matamo ang pagiging makatarungan.
c. Dapat maging bayas sa impormasyon.
2. Pananagutan
a. Pagtimbang-timbang ng anumang isusulat sa pampublikong kapakanan sa lahat ng panahon.
b. Piliin, iwasto at ilathala ang balita ayon sa kahalagahan nito.
c. Iwasto ang balitang apektado ang moral na aspeto.
d. Bigyang diin ang balitang kabayanihan at pagiging makabayan.
3. Integridad
a. Panatilihin ang pamantayan sa katapatan sa mga pinagkukunan ng balita.
b. Maging timbang sa mga kontrobersyal na mga paksa.
c. Maging mapagkumbaba sa gitna ng magkasalungat na opinion.
4.Pamumuno
a. Maging matapang sa paglilingkod sa publiko.
b. Nakakapukaw at buong tatag na sumusuporta sa mga pampublikong mga opisyales sa kanilang kapuri-puring mga
nagawa.
c. Nagsisilbing konstruktibong tagapagtuligsa sa pamahalaan sa lahat ng antas o anumang hindi mabuting paggamit ng
pampublikong kapangyarihan.
d. Sasalungat sa mga mapagmalabis at iba pang makasarili at hindi mabuting interes.
KREDO NG MAMAHAYAG
(Journalist Creed)
Ako’y naniniwala na ang pampublikong talarawan ay isang pampublikong pagtitiwala; na lahat ng may kaugnayan nito, tungo sa
ganap na pamantayan ng kanilang responsibilidad, ma katiwala sa puliko; na lahat ng pagtanggap ng mababang paglilingkod
kaysa sa pampublikong paglilingkod ay pagtataksil sa pagtitiwalang ito.
Ako’y naniniwala sa ang malinaw na pag-iisip at maliwanag na pangungusap, tumpak at makatarungan, ay pangunahing
pangangailan sa mabuting pamahayagan.
Ako’y naniniwala na ang isang mamahayag ay dapat lamang sumulat ng isang bagay na sa kaibuturan ng kanyang psuo’y
makatotohanan.
Ako’y naniniwala na walang sinumang dapat sumulat bilang mamahayag ng anumang bagay na hindi niya masasabi bilang isang
maginoo.
Buong ingat kong iuulat at bigyan-kahulugan ang balita, pakaingatan ng walang masupil na mahahalagang katotohanan at
walang mabaluktot na mga pangyayari sa pamamagitan ng pagbabawas o di-tamang pagdidiin. Kilalanin ko ang tungkulin na
ipahayag ang kabilang panig at ang tungkulin na iwasto kaagad ang mga kamalian.
Hindi ko lalabagin ang impormasyong kompidensyal ng mga bagay na ibinigay sa akin sa pagtupad ko sa aking tungkulin.
III Gagamit lang ako ng patas at tapat na mga pamamaraan sa pagnanais kong makapangalap ng mga balita, mga
larawan at/o mga dokumento, at ipakilala ko nang maayos ang sarili bilang kinatawan ng pamahayagan sa paghiling ko ng
personal na pakinayam upang ilathala.
IV Magpipigil ako sa pagsusulat ng ulat na makakasama sa pribadong reputasyon maliban lamang kung ito ay para sa
pampublikong kapakanan. Kasabay nito, mahigit kong ipaglaban ang pagbubukas ng impormasyon para sa publiko ayon sa
nakasaad sa Kontitusyon.
Hindi ako sa anumang paraan, mangungutya, pupukol ng paninirang-puri o manghamak ng sinuman sa kadahilanan sa
sekwalidad, kredo, panrelihiyong paniniwala, kombiksyong pulitikal, kultural, at etnikong pinagmulan.
Ituturing kong inosente ang akusado sa krimen haggang sa mapatunayan. Gagawin ko ang pag-iingat sa pagpalathala ng mga
pangalan ng mga menor at mga babae dawit sa mga kasong kriminal upang hindi masira ang kanilang integridad sa lipunan.
Aayusin ko ang aking pag-uugali sa harap ng publiko o habang ako ay gumagawa ng aking mga tungkulin bilang mamahayag
upang mapanatili ko ang dignidad ng aking propesyon. Sa panahon ng pagdududa, desensya ang pananatilihin kong salita.
Dito sa pilipinas, ang pagpapaunlad ng pamamahayag ay sinisimulan sa mga bata, mula sa elementarya hanggang
sa kolehiyo. Ito ay lalo pang pinatibay ng implementasyon ng Republic Act No. 7079 na tinaguriang Campus
M-INP 10
Journalism Act of 1991.Idineklara nito ang pagtataguyod at pangangalaga sa kalayaan sa pamamahayag kahit na
sa mga paaralan.
Ang pagtuturo at pagsasanay sa mga batang manunulat ay lalo pang nagiging mabisasa pamamagitan, hindi
lamang ng pagpapalimbag ng mga pampaaralang pampahayagan kundi ang pagdaraos ng taunang kapulungan sa
pamamahayag: Division Schools Press Comperence, Regional Schools Press Comperence at National Schools
Press’s Comperence sa antas elementarya at sekundarya.
TUNGKULIN NG PAMPAARALANG PAMAHAYAGAN
Magbigay ng pagkakataon sa mga batang manunulat na matuto ng mabisang pagpapahayag ng kani-
kanilang kaisipan at saloobin.
.Maipaabot sa mambabasa ang anumang kaganapan sa loob at labas ng paaralan.
Matuto ang mga batang manunulat na maging higit na mapagmasid, mapanaliksik, mapanuri at mapalawak
ang kamalayan sa nangyayari sa kanilang kapaligiran.
Mabigyan Ng pagkakataon ang mga batang mag-aaral na malinang at mahasa ang kanilang kakayahan sa
pagsusulat tungo sa pagiging ganap na at propesyonal na manunulat.
Magsilbing tagapaglinang ng pagapahalaga sa pangkatang pagtutulungan tungo sa hinahangad na
tagumpay.
Mahubog sa mga batang manunulat sng pagpapahalaga sa pagiging mapanagutang mamamahayag.
Magsilbing talaan ng mgamahahalagang kaganapan sa loob at labas ng paaralan.
Magsibing tagapangalaga sa karapatan ng mag-aaral dahil ito ang magsisilbing tainga at mata ng mga
mambabasa.
1.Pangmukhang pahina
Pangalan ng pampaaralang pamahayagan – taglay nito ang pangalan at lugar ng paaralan, tomo, bilang ng isyu,
saklaw namga buwan at taon ng pagkalimbag.
Tainga – naglalaman ng logo ng paaaralan,kasabihan,kartun o panimula ng mga mahahalagang panloob na balita.
Ulo ng pinakamahalagang balita – nagsisilbi itong pamagat ng pinaktampok na balita at nakalimbag sa malalaking
titik.
Deck – tawag sa linya o mga linya ng ulo ng balita.
Mga ulo ng balita – ang mga pamagat ng mga balita na nakalimbag sa malalaking titik ngunit hindi kasinlaki ng
pinakamahalagang balita.
Istorya ng balita – ang kabuuang istorya ng balita.
Pamatnubay – ang tawag sa panimula ng balita karaniwang binubuo ng una at pangalawang talata.
Column – ang tawag sa bertikal na pangkat ng inemprentang materyal.
M-INP 11
Pangmukhang pahina
Pahinang Editoryal
Pahinang Lathalain
Pahinang Pampanitikan
Pahinang Pangmalakasan
• Ang mga patnugot ay kailangang piliin sa pamamagitan ng isang pagsusulit o maaaring hirangin ng tagapayo ng
pampaaralang pahayagan na inerekomenda ng pangkat ng mga gurong pangwika.
A. Punong Patnugot
- Tumawag ng mga pagpupulong ng mga patnugot na may konsultasyon sa tagapayo ng pampaaralang pamahayagan.
B. Pangalawang Patnugot
C. Tagapamahalang Patnugot
D. Pampahinang Patnugot
-(Patnugot na balita)
-(Patnugot sa Lathalain/panitikan)
-(Patnugot sa Isports)
E. Patnugot sa Pag-aanyo
F. Litratistang Mamamahayag
G. Tagapamahalang Patnugot