Lahat ng pagsubok ay kayang mapawi kung kaya nating panindigan
ang ating sarili sa anumang bagay dito sa mundo. Ang mga pagsubok na yan ay isang impluwensya ng poong maykapal kung kaya ba nating harapin at ilagay sa saktong pamamaraan o di kaya’y pabayaan nalang at ibasura ang lahat? Katulad ng ating pag-aaral, ipinagawa tayo ng mga proyekto upang mapalaganap at maisiwalat sa isang indibidwal ang pagtapos nito at pagpasa sa guro.
Ako ngayon ay si Radney Bless D. Villegas, 16 taong gulang na may
paninindigan sa sarili na kayang tumayo sa sariling mga paa upang maipakita ang sariling prinsipyo. Ako ay anak nina G. at Gng. Larry lou at Darlene Villegas. Nakatira ako sa Brgy 23, Gingoog City. Ako ay kasalukuyang nag aaral sa Gingoog Christian College na ngayo’y 10 na baitang. Sa susunod na henerasyon, gusto kong maging Abogado dahil gusto kung ipamulat sa mga nasawi na dapat ipaglaban ang katarungan laban sa mga masasama. At sa pakikipaglaban, dapat nating panindigan kung ano ang ating sinasabi sa harap ng husgado. At yan ako na kayang humarap sa anumang pagsubok na kaya naman talagang lampasan sa isang iglap.
Dati noon at ngayon, meron akong mga imahinasyon tungkol sa
paglaki natin at kung ano ang magiging resulta pero bago ko napagtanto na isang imahinasyon lang pala ang lahat, naisip ko na, kailangan pala ng pawis at pagod bago natin marating ang ating hinahangad sa buhay. Inisip ko rin na dapat palang makasuot ka pa ng toga na kung saan ito ay nagsisimbolo ng pagwagi mo sa iyong kursong kinuha na parang wala kanang kailangang isipin kundi ang paghahanap na lamang at pagpasok mo sa trabaho at gayun ko mailalarawan ang aking sarili sa totoong buhay. PASASALAMAT
Sa proyektong ito, mas lumawak ang ating mga isipan sa pagdiskubre
ng ibat ibang nakatagong at makabagong kasaysayan ng ating bansa higit sa lahat sa mismong bansang Pilipinas at sa ibang sulok ng mundo. Sa pamamaraang pagpapalaganap ng ideya ay mas nakakaintindi tayo ng mga makabagong balita tungkol sa mga pangyayari ng ating bansa.
Pinsasalamatan ko ang taong nanguna ng proyektong ito, ang aming guro
na si Bb. Lilibeth S. Socatre na nagbigay liwanag sa aming pag aaral tungkol sa asignaturang ito. Pinasasalamatan ko rin ang mga taong nasa likod ng mga balita na mismong naglahad sa atin ng mga makabagong balita ang mga estudyanteng nagbuhis pagod at pawis sa harapan ng mga tao.
Para sa pangkalahatang pasasalamat, ang teknolohiyang tumulong sa
atin kung paano magsaliksik ng impormasyon na nababasi sa kasaysayan natin. INTRODUKSYON
Ang asignaturang AralPan ay isang bagay na nagbibigay tulong sa
atin bilang isang estudyante upang madiskubrehan ang iba’t ibang panibagong kasaysayan ng bansa. Ipinapakita rito ang interes ng mga mamamayan sa ating kasaysayan noon at ngayon.
May maraming nagaganap sa ating bansa ngayon, lalong lalo na sa
pampolitikang isyu higit sa lahat ang tungkol ky Leila De Lima na may ginawang kasalanan sa pagtago na isa siya sa mga taong nagprotekta sa mga taong gumawa ng hindi kaaya-ayang gawain na labag sa batas natin isa na rito ang isyung druga sa bansa.