Apssam Piece

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

PAG-IBIG Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang

ni Jose Corazon de Jesus ilaw,


Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y
nalimutan ---
Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha! Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo't
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang puso lamang!
talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata; Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa
Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa panganib
maunawa. Ay talagang maliwanag at buo ang iyong
isip:
Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa- Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa
puso! umiibig:
Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo Pag umibig, pati hukay aariin mong langit!
makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo'y Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig
naglalaho; ay di bulag;
Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy Ang marunong umibig, bawat sugat ay
ang pagsuyo! bulaklak:
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng
Ang Pag-ibig na dakila'y aayaw nang kabiyak;
matagalan, O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng
kadiliman. "Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang nakabantay!"
nahalikan, Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't minamahal!
minsan lamang. Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man
ng hukay,
Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa't Minamahal ka na niya nang higit sa
walang agos, kanyang buhay!
Walang talon, walang baha, walang luha,
walang lunos! Kayong mga kabataang pag-ibig ang
Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang ninanais,
inaanod, Kayong mga paruparong sa ilawan
Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa lumiligid,
pag-irog! Kapag kayo'y umiibig na, hahanapin ang
panganib,
Ang Pag-ibig na buko pa'y nakikinig pa sa At pakpak ninyo'y masusunog sa pag-ibig!
aral,
Si Kuneho at si Pagong
Isang araw ay nagkasalubong sa daan ang Kuneho at ang Pagong.

Ngingisi-ngising inaglahi ng Kuneho ang Pagong.

“Hoy, Pagong,” sigaw ng Kuneho, “pagkaikli-ikli ng mga paa mo at pagkabagal-bagal mong


lumakad.”

Hindi ipinahalata ng Pagong na siya ay nagdamdam. Upang patunayang may maipagmamalaki din
naman ay sinagot niya ang mayabang na kalaban.

“Aba, Kuneho, maaaring mabagal nga akong maglakad pero nakasisiguro akong matatalo kita sa
palakasan. Baka gusto mong pabilisan tayong makaakyat sa tuktok ng bundok pagsikat ng araw
bukas. Tinatanggap mo ba ang hamon ko?”

Tuwang-tuwa ang Kuneho sa hamon ng Pagong. Nakasisiguro siyang sa bagal ng Pagong ay


tiyak na mananalo siya. Upang mapahiya ang Pagong ay pinagtatawag ng Kuneho ang lahat ng
kamag-anak niya.

Pinulong niya ang mga ito at inutusang palakpakan siya kapag matagumpay na naakyat na niya
ang tuktok ng bundok. Iniutos din niyang kantiyawan sa mabagal na pag-usad ang kalaban.

Maagang-maaga dumating sa paanan ng bundok ang maglalaban.Maaga ring dumating ang iba’t
ibang hayop na tuwang-tuwang makasasaksi ng isang tunggalian.

Kapansin-pansing kung maraming kamag-anak si Pagong ay higit na maraming kamag-anak ni


Kuneho ang nagsulputan.

Nang sumisikat na ang araw ay pinaghanda na ng Alamid ang maglalaban. Ang mabilis na
pagbababa ng kaniyang kanang kamay ang hudyat na simula na ang laban.

Sabay na gumalaw paakyat ng bundok ang magkalaban. Mabilis na tumalun-talon ang mayabang
na Kuneho paitaas na parang hangin sa bilis. Nang marating na niya ang kalahatian ng bundok at
lumingon paibaba ay natanawan niya ang umiisud-isod na kalaban.

Maraming naawa sa mabagal na Pagong.

“Kaya mo yan! Kaya mo yan!” pagpapalakas ng loob na sigaw ng kaniyang tatay, nanay, kuya, ate,
at mga pinsan.

“Talo na yan! Talo na yan! Pagkabagal-bagal!” sigaw na panunudyo ng mga kamag-anak ni


Kuneho.

Kahit kinukutya ay sumige pa rin si Pagong. Buong loob siyang nagpatuloy sa pag-isod.
Malayung-malayo na ang naakyat ni Kuneho. Nagpahinga ito ilang sandali upang tanawin ang
anino ng kalaban. Nang walang makitang anumang umuusad ay ngingisi-ngising sumandal ito sa
isang puno at umidlip.

Kahit na sabihing napakabagal umusad ay pinagsikapan ng Pagong na ibigay ang lahat ng lakas
upang unti-unting makapanhik sa bundok.

Nang matanawang himbing na himbing sa pagtulog ang katunggali ay lalong nagsikap umisud-
isod pataas ang pawisang Pagong.

Palabas na ang araw nang magising si Kuneho. Nanlaki ang mga mata nito nang matanawang
isang dipa na lamang ang layo ng Pagong sa tuktok ng bundok.

Litong nagtatalon paitaas ang Kuneho upang unahan si Pagong. Huli na ang lahat sapagkat
narating na ng masikap na Pagong ang tuktok ng tagumpay.
Si Paruparo at si Langgam

Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam na pabalik-balik sa paghahakot ng pagkain sa


kanyang lungga sa ilalim ng puno.

“Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di ka man lang
magpahinga?” tanong ni Paruparo. “Bakit di ka magsaya na tulad ko?”

“Naku, mahirap na,” aniya. “Malapit na ang tag-ulan. Iba na ang may naipon na pagkain bago dumating ang
tag-ulan.”

“Kalokohan iyan. Tingnan mo ako. Hindi natitigatig,” pagmamalaki ni Paruparo.

“Bakit nga ba?” Nagtataka si Langgam.

“Ganito iyon, e. Nakikita mo ba ang kaibigan ko sa damuhan?” inginuso niya ang nasa di kalayuan.

“Sino?’ tanong ni Langgam.

“Si Tipaklong, kaibigan ko iyan, Alam mo, matapang ang kaibigan ko. Nabibigyan niya ako ng proteksyon.
Baka akala mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa akin,” pagyayabang ni Paruparo.

“A, ganoon ba?” sabi ni Langgam.

“Utak lang, utol. O, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito. Ikaw lang e,” sabi ni Paruparo.

“Wala akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya kayod dito, kayod doon,” mababa subalit madiin ang
tinig ni Langgam. “O, sige, ipagpapatuloy ko muna ang aking gawain.”

Pagkatapos ng usapang iyon nagkahiwalay ang dalawa.

Ang mga sumusunod na araw ay maulan. Hindi lamang mahabang tag-ulan. May kasama pang bagyo at
baha. Mahirap lumabas at kung makalabas man wala ring matagpuang pagkain.

Lalong umapaw ang tubig. Walang madaanan ang tubig dahil malalim din ang mga ilog at dagat. Tumagal
ang baha. Palubha nang palubha ang kalagayan dahil malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan.

Ano kaya ang nangyari kay Langgam? Naroon siya sa guwang ng puno. Namamahinga. Sagana siya sa
pagkain. Naisipan ni Langgam ang dumungaw upang alamin ang kalagayan ng paligid. Aba, ano ba ang
kanyang nakita?

Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig. Patay ang dalawa. Mayamaya’y dalawang
mabilis na ibon ang mabilis na dumagit sa kanila.

Napaurong sa takot si Langgam sa kanyang nakita. Subalit nasabi pa rin niya sa kanyang sarili: “Kung sino
ang may tiyaga, siya ang magtatamong pala.”
Ang Araw at ang Hangin

Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang hangin? Madalas daw ay nag-aaway itong
dalawang ito noong araw dahil sa nagpapalakasan nga.

Isang araw, sinabi ng hangin, “O, gusto mo ba talagang patunayan ko na mas malakas ako
kaysa iyo?”

Ngumiti ang araw. “Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin. Hayun, may
lalaking dumarating. Kung sino sa ating dalawa ang makakapagpaalis ng suot niyang polo,
siya ang
kikilalaning mas malakas.”

“Payag ako. Ngayon din, magkakasubukan tayo,” malakas na sagot ng hangin.

“Ako ang uuna,” dugtong pa niya dahil ayaw niyang maging pangalawa sa anumang
labanan.

Sinimulan niyang hipan ang naglalakad na lalake. Sa umpisa ay tila nagustuhan ng tao ang
hihip ng hangin kaya naging masigla at bumilis ang lakad nito.

Nilakasan ng hangin ang pag-ihip. Isinara ng tao ang lahat ng butones hanggang sa may leeg
ng kanyang polo. Inubos ng hangin ang buong lakas sa pag-ihip. Lalo namang pinakaipit-ipit
ng mga braso ng lalake ang damit dahil tila giniginaw na siya.

Nanghina na nang katakut-takot ang hangin sa pag-ihip niya ay talagang hindi niya
makuhang mapaalis ang damit ng lalaki.

“Sige,” sigaw niya sa araw, “tingnan naman natin ang galing mo. Marahil, hindi mo rin
naman mapapahubad ang taong iyon.”

Pinalitaw ng araw ang sinag niya, at unti-unti niyang pinainit ito. Tumulo ang pawis ng
lalaki.

Dinagdagan pa ng araw ang init na inilalabas niya at ang lalake ay nagkalas ng mga ilang
butones sa baro.

Maya-maya, nang uminit pang lalo ang araw, hindi na nakatiis ang tao at tinanggal nang lahat
ang mga butones ng polo at hinubad ito.

Panalo ang araw! Mula noon, di na nagyabang uli ang hangin.


Ang Sapatero at ang mga Duwende

May isang sapatero na ubod ng hirap at may materyales lang para sa isang pares na sapatos. Isang gabi
ginupit na niya at inihanda ang mga materyales para gawin sa umaga ang sapatos.

Anong laking gulat niya nang magisnan niya kinaumagahan na yari na ang mga sapatos at kay husay pa ng
pagkakagawa! Madaling naipagbili niya ang sapatos at nakabili siya ng materyales para sa dalawang pares.

Inihanda na uli ang mga gagamitin para sa kinabukasan. Paggising niya sa umaga nakita uli na yari na ang
dalawang pares na sapatos.

Naipagbili niyang madali ang mga sapatos at bumili naman siya uli ng mga gamit para sa apat na pares.
Inihanda niya uli ito sa mesa para magawa sa umaga.

Ganoon na naman ang nangyari, na tila may tumutulong sa kanya sa paggawa ng mga sapatos. Kinalaunan,
sa tulong ng mahiwagang mga sapaterong panggabi, gumaling ang buhay ng sapatero.

“Sino kaya ang mabait na tumutulong sa akin,” tanong niya sa asawa.

“Sino nga kaya? Gusto mo, huwag tayong matulog mamaya at tingnan natin kung sino nga siya?” alok ng
babae.

Ganoon nga ang ginawa ng mag-asawa kinagabihan. Nagkubli sila sa likod ng makapal na kurtina para
makita kung ano nga ang nangyayari sa gabi. Nang tumugtog ang alas dose, biglang pumasok sa bintana ang
dalawang kalbong duwende.

Tuloy-tuloy ito sa mesa at sinimulan agad ang pagtatrabaho. Pakanta-kanta pa at pasayaw-sayaw pa na


parang tuwang-tuwa sila sa paggawa. Madali nilang natapos ang mga sapatos at mabilis din silang tumalon
sa bintana.

“Mga duwende pala!” sabi ng babae. “Kay babait nila, ano?”

“Oo nga. Paano kaya natin sila pasasalamatan? Ayaw yata nilang magpakita sa tao.”

“Hayaan mo. Itatahi ko sila ng mga pantalon at baro at iiwan na lang natin sa mesa sa gabi.”

Dalawang pares na maliliit na pantalon at dalawang pang-itaas ang tinahi ng babae para sa mga
matutulunging duwende. Ipinatong nila ito sa mesa kinagabihan at nangubli uli sila sa likod ng kurtina.

Tuwang-tuwa ang maliliit na sapatero nang makita ang mga damit dahil nahulaan nilang para sa kanila iyon.
Isinuot nila ang mga ito at sumayaw-sayaw sa galak.

Pagkatapos nilang magawa ang mga sapatos na handang gawin, mabilis silang tumalon sa bintana na suot
ang mga bagong damit.

Buhat noon hindi na bumalik ang dalawang duwende ngunit nagpatuloy naman ang swerte sa buhay ng mag-
asawa na marunong gumanti sa utang.
Si Juan at ang mga Alimango

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. “Juan, pumunta ka sa
palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian.”

Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.

Nang makarating si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang mga
alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang tindera ng alimango at
nagpasalamat siya.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay nila
sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na may
malalabay na sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya’t naipasya niyang
paunahin nang pauwiin ang mga alimango.

“Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming bahay.
Lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay
sa gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo.”

Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang mga
iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin ay
nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na
tumayo. Naramdaman niyang kumakalam ang kanyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi
si Juan.

Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may puno ng
kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa tarangkahan.

“Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga alimango?”

“Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?” Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. “Juan, ano ang ibig
mong sabihin?”

“Nanay, kaninang umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na.”

“Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon.”

Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit hindi
nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay
hindi katulad ng mga tao na may isip ay naliwanagan si Juan na mali nga ang ginawa niyang
pagpapauwi sa mga alimango.
Ang Engkantada ng Makulot

Ang mga naninirahan sa munting bayan ng Cuenca ay maligaya, matahimik at matakutin sa diyos. Ang
Cuenca ay tirahan ng mabait na prinsesang reyna ng Makulot. Siya ay mahiwaga. Ang kanyang
kinalulugdang alaga ay Torong Ginto. Ang Torong Ginto, katulad din ng pangkaraniwang baka, ay malimit
makitang nanginginain ng damo sa kaparangan.

Ang Torong ito ay siyang tulay ng pag-iibigan at pagmamagandang-loob ng mga mamamayan at ng prinsesa.
Ang prinsesa ay napakabait at mapagkawanggawa sa mga taong dukha. Dahil sa Torong Ginto nabibigyan
ng salapi ng prinsesa ang mga mahihirap na nangangailangan ng tulong upang ipagtawid-gutom.

Sila ay dapat may mabuting budhi’t malinis na asal. Ngunit kung ang mga tao’y mahilig sa pagkakasala wala
silang hihintaying gantimpala sa prinsesa.

Lumakad ang mga araw at ang mga mamamaya’y nakalimot sa magandang halimbawa at malinis na
pamumuhay. Dahil diya’y nawalang bigla ang Torong Ginto. Nawala rin ang prinsesa.

Sakali mang makita ang Torong Ginto, ito’y nangangahulugang magkakaroon ng gutom, salot, sakit at kung
anu-anong sakuna, kaya ang mga tao ay nagprusisyon, nagdasal, nagpamisa at tumutupad ng sari-saring
pangako sa kanilang mga anito.

Naging hampas na parusa ng mga anito sa mga tao ang paglabas ng Torong Ginto. Kung makita ang Torong
Ginto, ito’y babalang matutuyo ang mga halaman o di kaya’y magkakaroon ng malaking baha o masamang
ani.

Ang raha’t lakan ng magkakaratig na balangay ay nagkaisang tumawag ng pulong. Kanilang isinaalang-
alang kung ano ang dapat gawin upang ang Torong Ginto ay huwag nang makita. Pinagkaisahan ng lahat na
ang pinakamatapang at makisig na binata at subok na kawal ay ialay sa prinsesa upang maalis ang kanyang
galit.

Ang kaawa-awang binata ay itinali sa puno ng kahoy upang sunugin. Di-umano’y ang usok nito ay isusubo
sa Reyna ng Makulot. Anong pagpapakasakit!

Nang kakanin na ng apoy ang bagong taong ubod ng tapang ay siyang paglabas ng Torong Ginto sa yungib
ng bundok. Sakay rito ang Engkantada ng Makulot. Iwinagayway ng prinsesa ang kanyang mahiwagang
baston.

Ang binata ay tinangay ng hangin at naagaw sa nagngangalit na apoy. Sa isang iglap ay iniupo siya sa
Torong Ginto. Ang prinsesa at binata na kapuwa sakay ng Torong Ginto ay pumasok sa yungib ng bundok.
Ang Torong Ginto mula noon ay hindi na napakita.

Ang mga mamamayan naman, dahil sa takot na baka sumipot uli iyon, ay nagbago na rin at nanatiling
mabubuting tao.
Ang Bulkang Taal

Nahulog sa dagat ang gintong singsing ni Prinsesa Taalita kaya’t nag-utos ang amang si Datu Balindo sa mga
kawal na hanapin ito. Isang linggong nilangoy ng mga matipuno at matapat na alagad ng barangay ang lawa
ng Bunbon ngunit wala isa man sa kanilang makakita sa singsing.

Hindi pa rin nagtugot ang datu dahil ang singsing daw ay napakahalaga hindi lamang dahil ginto ito kundi
dahil makasaysayan ito sa buhay niya. “Iyang singsing na iyan ay nagpasalin-salin sa kamay ng aking mga
ninuno na pawang mga raha at lakan. Iyan pati ang piping saksi nang pagbuklurin ang puso naming mag-
asawa.”

“Patawarin ninyo ako, mahal kong ama,” luhaang sabi ni Taalita. “Alam ko po ang kahalagahan niyan.
Minamahal ko ang singsing nang higit sa buhay tulad ng pagmamahal ko sa nasira kong ina, subalit…”

“Huwag kang lumuha, anak,” sabi ng ama. “Hayaan mo’t makikita pa rin iyan.”

Sa mga naghahanap ng singsing, isang binata ang di naglulubay sa pagsisikap na makita ito. Hiningi niya ang
tulong ng langit at di nga nagtagal ay nakita ang hinahanap. Nalunok pala ito ng isang malaking isda.

Ibinalik niya ito sa prinsesa at sa laki ng utang na loob ng mag-ama naging malapit sa kanila ang binata.
Hindi naglaon at naging magkasintahan si Taalita at Mulawin. Pumayag naman ang ama sa pag-iisang-dibdib
nila dahil alam niyang mabait, matapat at mapag-kakatiwalaan ang lalaki.

Masaya ang buhay ng mag-asawa, at nang matanda na ang raha, si Mulawin na ang namahala sa barangay.
Madalas na ang ginagawa nilang pasyalan ay ang lawa. Namamangka ang mag-asawa at natutuwang
minamasdan ang mga isda at ibang nabubuhay sa dagat.

Isang araw, sa pamamangka nila, natanawan ni Taalita ang isang di-karaniwang bulaklak na nakalutang sa
tubig. “Kay ganda ng bulaklak na iyon. Kukunin ko,” at bago napigilan ng asawa ay nakatalon agad sa tubig.
Hinintay ni Mulawin na lumitaw ang asawa ngunit hindi ito pumapaibabaw. Dagling tumalon din ang lalaki
para saklolohan ang asawa, ngunit pati siya ay nawalang parang bula.

Laking pagluluksa ng buong barangay sa nangyari sa kanilang mahal na Raha Mulawin at Prinsesa Taalita.
Hindi naglaon, may lumitaw sa gitna ng lawa sa kinalinuran ng magsing-irog na isang pulo.

Iyan ang Bulkan ng Taal, ngalang ibinigay ng amang datu para laging ipagunita ang nawalang mga anak.

Ayon sa mga mangingisda, madalas daw nilang marinig kapag napapalapit sila sa bulkan ang masayang awit
ng mag-asawang Mulawin at Taalita, na kahit sa kabilang-buhay ay masaya at nagmamahalan.
Ang Aral ng Damo

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang sa
kagubatan ay nasisiyahan.

“Ginoong Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?” tanong ng anghel.

“Hindi,” ang sagot sa tinig na walang sigla, “sapagkat ako’y walang bulaklak.”

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. “Binibining Bulaklak, ikaw ba’y maligaya sa iyong
paligid?”

“Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda roon. Siya’y
umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!”

Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. “Ano ang masasabi mo sa iyong
halimuyak?”

“Ako’y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya’y natatanaw ko. Ang
kanyang mga piling ay hinog na!”

Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, “Ginoong Saging, kumusta? Ikaw ba’y
nasisiyahan sa iyong sarili?”

“Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas ang hangin lalo’t
may bagyo, ako’y nababali! Nais ko sanang matulad sa narra!”

Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, “Anong palagay mo sa iyong matibay na puno?”

“Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis. Ang mga ito’y
nagsisilbing proteksiyon!” pakli ng narra.

Ang anghel ay nagpunta sa damo. “Kumusta ka? Ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?”

“Masaya ako!” sagot ng damo. “Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga. Ayaw ko rin ng
matibay na puno. Gusto ko’y ako’y ako… Hindi nananaghili kaninuman pagkat maligaya!”
Araw, Buwan, at Kuliglig

Noong unang mga panahon, laganap pa sa kapaligiran ang mga punong siyang maaaring
panirahan ng mga kuliglig. Kakaunti pa ang tao sa mundo, masagana ang kabukiran.

Isang araw, ang Buwan at ang Araw ay naglalakbay sa alapaap. Masaya ang mag-asawang
ito. Gwapo ang Araw at maganda ang Buwan. May anak silang lalaki. Mahal na mahal nila
ang anak nilang ito. Masaya silang namumuhay na mag-anak.

Ang kasayahan nilang mag-anak ay ginulo ng isang alitan. Nagsimula lamang iyon sa isang
munting pagtatalo, hanggang sa magpalitan na sila ng mabibigat na mga salita. Nagalit si
Buwan. Inihampas ang walis sa pisngi ni Araw. Umalis si Araw dahil sa malaking galit sa
asawa.

Isang araw, habang pinaliliguan ni Buwan ang kanilang anak biglang dumating si Araw.
Isinaboy niya sa mukha ni Buwan ang dalang mainit na tubig. Napasigaw si Buwan. Nasira
ang magandang mukha nito. Dahil sa kabiglaan ni Buwan sa nangyari sa kanya, nabitiwan
niya ang kanyang anak at nahulog ito sa lupa.

Sinasabing ang anak na ito ang naging kuliglig. Umiiyak ito tuwing lumulubog na ang araw
sa kanluran. Nais niyang makita ang kanyang mga magulang na matagal nang nawalay sa
kanya. Dahil naman sa pagkakagalit ng mag-asawa hindi na sila nagsamang muli. Kung araw
lamang makikita si Araw, kung gabi naman makikita si Buwan .
Ang Kalabasa at ang Duhat

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat. Gusto niyang makita kung papano
magsilaki ang mga ito.

Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki pataas na ang itinuturo’y
kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na itong mamunga.

“Sabik na sabik na akong mamunga,” wika ni Duhat.

Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas. Gumapang lang ito nang gumapang, hanggang sa ito’y
nakatakda nang mamunga.

Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang ipagkakaloob niya sa dalawang ito.

Matamang nag-isip si Bathala.

“Ang duhat na nilikha ko’y malaki, nararapat lamang na malaki rin ang kanyang bunga. At si Kalabasa
naman ay gumagapang lamang, at walang kakayahang tumayo, nararapat lamang na ang mga bunga nito’y
maliliit lamang.” Wika ni Bathala.

Ganyan nga ang nangyari. Si Duhat ay namunga ng sinlaki ng banga. Agad niyang nakita na hindi tama ito,
sapagkat nababali ang mga sanga nito dahil sa bigat ng bunga. Si Kalabasa nama’y hindi bagay dahil maliit
ang bunga. Di pansinin ang mga bunga nito lalo’t natatakpan sa malalapad na dahon.

Muling nag-isip ng malalim si Bathala. Tunay na hindi siya nasiyahan.

Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito. At napatunayan niyang tama ang kanyang
ginawa, sapagkat ang kalabasa, mahinog man ito’y hindi malalaglag dahil ang puno ay gumagapang lamang.
Samantalang ang duhat, malaglag man ay magaan, hindi masisira at ginawa naman niyang kulay berde ang
kalabasa sa dahilang ito’y malayo sa araw. At kulay itim naman ang duhat. Pagkat ito’y malapit sa araw.

At sa kanyang ginawa’y nalubos ang kasiyahan ni Bathala.


Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol,
mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng
bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

“Tingnan ninyo ako,” wika ni Santol. “Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.”

“Daig kita,” wika ni Mangga. “Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa
aking mga sanga.”

“Higit akong maganda,” wika ni Kabalyero. “Bulaklak ko’y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay
kitang-kita na.”

“Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,” wika ni Niyog.

“Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala
siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.”

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang
paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at
nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang
sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.
Bakit Itim ang Kulay ng Uwak?

Noong unang panahon, pinarusahan ng Bathala ang mundo. Ginunaw Niya ito sa pamamagitan ng
napakalaking baha. Walang nalabing buhay maliban kay Noah at sa mga kasama niya sa malaking arko. Ang
arkong ito ang ipinagawa ng Bathala bago pa man maganap ang pagbaha.

Kasama ni Noah sa kanyang arko ang dalawang ibon, ang uwak at ang kalapati. Ang mga ibong ito ay
parehong kulay puti. Kapwa rin sila may magandang tinig.

Nang humupa ang baha, inutusan ni Noah ang uwak.

“Lumabas ka ng arko at alamin kung maaari na tayong bumaba sa lupa.”

Agad na tumalima ang uwak sa utos ni Noah. Labis siyang nagimbal sa nakita niya. Nagkalat ang mga
bangkay ng tao at mga hayop. Bumaba siya sa isang patay na kabayo. Dahil marahil sa pagod ay nagutom
ang uwak. Kumagat siya sa katawan ng patay na kabayo at sa iba pang patay na hayop.

Nainip si Noah sa tagal ng uwak. Inutusan niya ang kalapati.

“Humayo ka sa labas ng arko upang tupdin ang dalawang utos ko sa iyo. Una, tingnan mo kung ano na ang
nangyari sa uwak at ikalawa, alamin mo rin kung maaari na tayong bumaba sa lupa.”

At umalis na ang kalapati. Tulad ng uwak, nalungkot siya sa mga nakahambalang nabangkay sa lupa. Napag-
alaman din niyang ligtas nang bumaba sa lupa. Pabalik na sana siya sa arko nang may mapansin siyang
gumagalaw sa ibaba. Lumapit siya ng kaunti. Kitang-kita niya ang uwak na patuloy parin sa pagkagat sa mga
bangkay ng hayop.

Dali-daling nagbalik ang kalapati sa arko. Ibinalita niya kay Noah ang nasaksihan. Natuwa si Noah sa
katapatan ng kalapati subalit nagalit siya sa inasal ng uwak.

Ang sabi ni Noah:

“Dahil sa iyong katapatan, kalapati, ikaw ay magiging simholo ng kalinisan, katapatan at kapayapaan at ang
uwak naman ay magiging kulay itim. Papangit ang kanyang tinig at kaiinisan siya ng mga tao at ibang
hayop. Ang kanyang tinig ay mapapaos.”

Magmula nga noon ang uwak ay naginging itim. Pumangit siya, ang kanyang tinig ay naging paos. At ang
tanging salitang lumalabas sa kanyang bibig ay “Uwak, uwak, uwak.”

You might also like