Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Saan Binuo ang katipunan?

Naitatag ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892, matapos na mahuli at maipatapon si Jose Rizal na
isa sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda at siya ding tagatatag ng La Liga Filipina, na kung
saan miyembro rin si Andres Bonifacio. Ang La Liga ay binubuo ng mga panggitnang uri na
intelektual o mga ilustrado na nagtataguyod ng mapayapang reporma. Ang paghahadlang ng
rehimeng Espanyol sa La Liga ang nagpatunay kay Andres Bonifacio na walang saysay ang
mapayapang reporma sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Ito ay binuo sa isang bahay sa
Kalye Azcarraga (ngayon ay Abenida Claro M. Recto) sa Tondo, Maynila.

Magtala ng anim na miyembro ng katipunan.


1. Dr. Pio Valenzuela
2. Josefa Rizal
3. Melchora Aquino
4. Emilio Jacinto
5. Marina Dizon
6. Trinidad Tecson

Ano ano ang layunin ng katipunan?

1) LAYUNING PAMPULITIKA na isasagawa sa pamamagitan ng isang armadong himagsikan


upang palayain ang mga Pilipino.

2) Ang LAYUNING SIBIKA naman ang magpapanatili ng ng katarungan sa bayan sa pamamagitan


ng pagtatanggol sa inaapi, tumulong sa nagangailangan at parusahan ang nang-aapi.

3) Ang LAYUNING MORAL ng KKK ay magpapakalat ng kabutihang asal at kalinisn ng kalooban.

You might also like