Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Eugene B.

Canada

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino

( Wika )

I. Layunin
Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy kung anong uri ng pangngalan ang mga salitang gumagamit ng malaking titik.
2. Naisusulat nang wasto ang mga salitang dapat magsimula sa malaking titik.
3. Naibibigay ang kahulugan ng pangngalang pantangi.

II. Paksang-Aralin

Gamit ng Malaking Titik

Sanggunian: PLUMA IV

Kagamitan: Manila paper/ kartolina, test paper.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing mag-aaral

A. Balik-Aral

Basahin ang nasa kahon.

Hanay A Hanay B

Ryan lalaki

Safeguard sabon

Maynila

Ano-ano ang mga salita na nasa hanay A? Ryan,Safeguard,maynila

Ano-ano ang mga salita na nasa hanay B? lalaki, sabon, lungsod

Aling hanay ba ang may mga pangalang pantangi? Hanay A


Ano ang pangngalangpantangi? Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa tiyak
o tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, o
pangyayari.
B. Pagganyak

Basahin at suriin ang mga sumusunod na


salita.

Kiara

Linggo

Sunsilk

Legazpi

Pasko

Alin sa mga salita ang pangngalan ng tao?


Pangngalan ng araw? Pangngalan ng bagay? Kiara, Linggo, Sunsilk, Pasko, Legazpi
Pangngalan pagdiriwang?at Pangngalan ng lugar?

Sa inyong napapansin anong titik nagsisimula ang


mga salita na nasa kahon? Sa malalaking titik

C. Ngaun ay tatalakayin natin ang wastong


paggamit ng malaking titik.

Basahin ang isang usapan sa susunod na slide.

Mga mag-aaral basahin ang mga sumusunod na


salita.

Ang mga sumusunod na salita ay nagpapakita ng


tamang paggamit ng malaking titik.

. Carlo

. Marmi

. Ang Mahabang-Mahabang pangalan

. Maynila

.Linggo
D. Pagtalakay

Basahin at suriin ang pangungusap.

1. Masaya sa Pilipinas

2. Gusto kong makarating sa Amerika

Bukod sa simula ng pangungusap ano ano pa ang


mga salitang gumagamit ng malalaking titik?
Amerika at Pilipinas
Anong uri nang pangngalan ang Pilipinas at
Amerika?
Tiyak na pangngalang isang pook

Basahin natin ito.

1. Ngayon ay Araw ng Pasko.

2. Bukas ay Araw ng mga Puso.

Anong uri ng pangngalan ang mga


nakasalungguhit?

Pangngalang ng pagdiriwang
Sa inyong palagay bakit malalaking titik ang mga
salitang Araw, Puso, at Pasko gayong nasa gitna at
hulihan ito ng mga pangungusap? Anumang uri ng salita basta ito ayPanggalan
pantangi ito ay nagsiimula sa malaking titik maging
ito ma'y nasa hulihan man o maging sa gitna.
E. Paglalahat

Kailangan ginagamit ang malaking titik?


Ang malaking titik ay ginagamit sa pangngalang
pantangi ( tao, bagay, pook,) pangngalan ng araw,
buwan, pagdiriwang, pangngalang dinaglat at
unang salita ng pangugusap.

F. Paglalapat

Bilugan ang mga salita sa pangungusap


na hindi tama ang pagkakasulat.
1. Hindi na Ako bata.
2. Pupunta ako kay ara.
3. Ang Palmolive na Sabon ay mabango.
4. Kumain ako Dito.
5. Masipag si lina.
IV. PAGTATAYA

Hanapin ang mga salitang hindi tama ang 1. Si Ella at ana ay Magkaibigan.
pagkakasulat.bilugan ang mga salitang nararapat 2. siya ay Pumunta ng Maynila.
magsimula sa malaking titik at kahunan ang 3. Kumain Ka na Ba?
salitang nararapat magsimula sa maliliit na titik. 4. Si Danica at carlo ay Magpinsan.
5. Ang aming Bahay ay Malaki.
6. Ako ay may alagang Pusa.
7. Siya ay galing sa amerika.
8. Nagsaing si alfred Kagabi.
9. Ikaw at Ako ay sasayaw.
10. Masaya Sa korea.

V- TAKDANG-ARALIN

Sagutan ang Madali lang Iyan sa pahina 59 sa


aklat na PLUMA IV.

You might also like