Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I.

PAMAGAT Ang Kwintas

II. SANGAY NG PANITIKAN Maikling Kwento

III. BUOD NG AKDA Si Mathilde ay ang asawa ni Ginoong


Loisel, isang clerk. Sila ay kapos sa pera.
Isang araw, sinabi ni Ginoong Loisel kay
Mathilde na inimbitahan sila sa isang party.
Nagalit si Mathilde sa kanya sapagkat wala
siyang masusuot na damit at alahas.
Binigyan ni Ginoong Loisel ng pera si
Mathilde upang bumili ng bistida ngunit
hindi nakuntento ang huli dahil wala naman
siyang alahas na kwintas.

Ang nangyari ay nanghiram ng kwintas si


Mathilde sa kanyang kaibigan na si Madam
Forestier. Nawala ni Mathilde ang kwintas
sa party. Dahil dito naghirap sila ng
sampung taon upang bayaran ang ipinalit
na kwintas.

Pagkatapos ng isang dekada, nagkita muli


sina Mathilde at Madam Forestier.
Kinuwento ni Mathilde kay Madam
Forestier ang nangyari. Ngunit sinabi ni
Madam Forestier na peke lamang ang
nasabing alahas na ito. Ito ay
nagkakahalaga lamang ng 500 Francs.

IV. PAKSA ang akdang ito’y napapanahon sapagkat


ang aral nito ay nagagamit pa rin sa
kasalukuyan. Nagbibigay din ito ng
sensibilidad sa mga mambabasa na
matutong makuntento sa tinatamasa nilang
buhay at matutong umamin at akuin ang
kanilang pagkakasala.

V. BISA Bisang Pang-damdamin: matutong


makuntento at maging masaya sa kung ano
ang mayroon ka.

Bisang Pangkaisipan: Hindi masamang


mangarap ngunit alamin parin ang
limitasyon..

Bisang Pangkaasalan: Walang mapapala


sa pagsisinungaling kaya aminin na lang
ang nagawawang kasalanan

VI. MENSAHE Ang kwento ng “Ang Kwintas” ay nagtuturo


sa mga mambabasa kung paano maging
panatag at masaya sa simpleng buhay.
Ang labis na pagpapahalaga sa mga
materyal na bagay na nakikita natin sa
ating kapwa ang kadalasang nagtutulak sa
tao upang makagawa ng hindi mabuti sa
sarili at sa kanyang kapwa.

You might also like