Antas NG Wika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANTAS NG WIKA

A) PORMAL
- Mga Salitang pamantayandahil ito ay kiikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika.

2 URI NG PORMAL NA SALITA

Pambansa

-Mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing ipinalalabas sa buong kapuluan at lahat ng paaralan.
-Ang wikang ginagamit ng pamahalaan at wikang panturo sa mga nagsisipag-aral.

Halimbawa:
-Kapatid, Malaki, Katulong

Pampanitikan

-Mga salitang matatayog, malalalim, makukulay, at sadyang matataas ang uri .


-Mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika.

Halimbawa:
PAMBANSA PAMPANITIKAN
Kapatid Kapusod
Malaki ga-higante
katulong katuwang

B) DI-PORMAL o IMPORMAL
-Mga salitang karaniwan at palasak sa mga pangaraw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala o kaibigan.

3 URI NG DI-PORMAL NA SALITA

Lalawiganin (Provincialism)

-Mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito.


-May kakaibang bigkas at tono.

Halimbawa: PAMBANSA BIKOL BISAYA ILOKANO


malaki dakula dako dakil
ina mamay iloy nanang
ama papay amay tatang
habag/ awa habag louy piman
kapatid tugang utod/ utol kabsat

Balbal (Slang)

-Noong una ay hindi tinatanggap ng mga matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw maganda pakinggan.
-Kilala rin bilang salitang kanto o salitang kalye.

Halimbawa:

PORMAL tatay nanay security guard sigarilyo kotse pulis baliw gutom

BALBAL erpat ermat sikyo yosi tsikot lispu praning tom-guts

Kolokyal (Colloquial)
-Mga salitang ginagamit sa pangaraw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t may anyong repinado at

malinis ayon sa kung sino ang nagsasabi. Halimbawa:


PORMAL aywan piyesta nasaan saan ba?

KOLOKYAL ewan pista nasan san ba?

You might also like