Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tekstong Naratibo

“Ang kwento ng Aking Buhay”

Noong unang panahon, may mag-asawang nag ngangalang Amelita at Gelasio. Isinilang ang munting
anghel at ipinangalang “Gemaica Sobrio” na kung tawaging “Maymay”. Si Maymay ay napakatahimik na
bata simula kinder hanggang hayskol. Kaya nga maraming nagtatanong kung bakit siya ganyan,kaya
tinatawag nila itong “Dyosa bg Katahimikan”.

Ang buhay ni Maymay ay simple lamang. Ang kanyang ina ay nagtitinda ng mga prutas at gulay ang
tanging hanapbuhay nila upang may makakain sila. Habang ang kanyang ama naman ay nasa bahay
lamang. Lumaki sila na may pananalig at may takot sa Diyos.Tinuturuan din sila ng mabuting asal. Si
Maymay ay may apat na kapatid. Nag-aaral sila sa Libagon Central Elementary School, ngunit lumipat ng
mag-isa si Maymay noong ika-apat na baitang na siya kasama ang kanyang lola bilang katulong narin
dahil matanada na.Natuto siyang maging independente kahit sandali lang mapag-isa.Mahirap pa lang
walang magulang sa tabi mo. Natutobna rin siyabg manglaba ng sarili niyang damit, magluti ng kanin,
tumulong sa gawaing bahay kahit sa paaralan siya'y nagtitinda ng balekotsa, ampaw at iba pa tuwing
resis para matumbasan ang pangangailangan at pambayad sa gastosin. Si Maymay ay mabait na bata at
matulungin kaya nga hanga ang mga pinsan nito dahil sa mabuting gawi niya sa kapwa. Napahanga pa
niya ang kanyang magulang at lola dahil sa hindi inaasahang nakuha siya bilang honor student ss
Mauylab Primary School.Pagtapos ng isang taong namalagi sa kanyang lola ay bumalik naman siya sa
kanyang magulang at ipinagpatuloy ang pag-aaral hanggang nakapagtapos sa ika-anim na
baitang.Nagkaroon siya ng matatalik na kaibigan at tinatawag itong “GMA” dahil sa pangalang Gemaica,
melca at Anamae. Masaya naman sila kahit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan, nagkakaayos naman.

Minsan may mga pagsubok ang dumaan sa buhay ni Maymay, mapamilya man o sa mga taong
nakapaligid sa kanila. Alam mo ba na ang masakit isipin na ang tanging kapitbahay ang tumraydor sa
kanila. Maraming malulungkot na pangyayari ang dumaan sa kanila.Una, ang panahon na naaksidente
ang pang-apat na kapatid na si Joyjoy sa isang motorsiklo, mabuti nama't ligtas siya. Pangalawa, isang di
inaasahang pangyayaring muntik ng patayin ang panganay niyang kapatid sa dahilang punagbintangan
siayang “nanlasik ng niyog” sa may-ari na ikinagalit nito dahil lasing ito. Si Makmak ay napakasaway'ng
panganay na kapatid ni Maymay kaya'y kadalasan ito'y ikinagalit ng kapitbahay. Ilang beses na siyang
binugbog ng kanyang barkada dahil napaka ‘bugoy' nito. Kaya nungvnagyari iyon, siya’y nagbago't
nagtrabaho sa Maynila.Pangatlo, ang pinakaayaw ng kapitbahay ang tumira sa kanilang lugar noon
paman. Ngunit hindi maaari dahil ang magulang ni Maymay ay isang Born Again pastor nakaassign sa
simbahan kung saan sila nakatira ngayon.Ngunit hindi pa rin natiis ang ugali ng kapitbahay ay sila na
mismo ang lumipat sa Sogod dahil sa isang misyong (church ministry) at iwas gulo na rin sa pamamahay
nila. Masakit man isipin na iwanan ang lugar kung saan ka lumaki ay nanatili parin nasa puso.

Patuloy narin si Maymay nag-aaral noong ika-sampung baitang haanggang naging senior high. Dala
parin ang katahimikan niya kasama ang mga kaklase. Matatag pa rin ang pagkaroon ng matalik na
kaibigan kassma si Melca na umabot na anim na taon kahit ang layo na nila sa isa't isa.

Naging tahimik at masaya na rin ang buhay nila ngayon. Wala ng away ang naririnig mo, wala ng sama
ng loob ang makikita mo. Kahit gaano man kahirap, ay patuloy parin at mananatiling matatag kasama
ang Diyos ay mararanasan mo ang kasayahan.
Ito si Gemaica Sobrio a.k.a Maymay. Nag-aaral ng mabuti at patuloy na nangarap para ss mabuting
kinabukasan. Handang harapin ang mga pagsubok upang maging matatag magpakailanpaman. Huwag
kalimutang manalig samaykapal dahil siya ang gabay tungo sa magandang kinabukasan.

You might also like