Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Talumpati: I love Philippines, I pay my taxes correctly

by Mariel Cassandra B. Bantilan

Sa aking maganda at butihing mahal na guro, magandang hapon. At sa aking mga


masasayahin, kooperatibo at aktibong mga kaklase, magandang hapon din. Naway sa maikling
sandali ay hayaan ninyong hiramin ko ang inyong mga taynga at ang inyong atensiyon.

Sisimulan ko ang aking tulampati sa tanong na: Nagbabayad ba kayo ng saktong buwis?
Maliban sa ating guro, Ma’am Ann, na nagbabayad buwan buwan ng buwis. Tayong mga mag-
aaral? Mga kaklase? Nagbabayad din ba tayo ng buwis? Kayo? Ikaw? Ang sagot sa tananong na
ito ay ‘Oo’. Kahit tayo ay mga estudyante pa lamang at hindi pa umaabot sa legal na edad, tayo
ay nagbabayad ng buwis pero hindi natin ito namamalayan.

Sa mga chichirya o kendi para sa mga palaging gutom na tiyan, mga panulak o inumin
para sa mainit na panahon, mga kagamitan pang eskwela, lahat yan ay may tax na binabayaran.
Kaya kahit na hindi pa tayo nagtratrabaho ay nagbabayad na tayo ng tax.

Ang sabi nila tumatanggap ng buwis ang gobyerno para gamitin pang-paunlad sa bansa.
Pero sa nakikita ko, nakikita mo, nakikita nating lahat, bakit tayo'y di umuunlad? Bakit tayo'y di
umuusbong? Bakit tayo'y di nagbabago? Bakit naghihirap pa rin tayo? Ito ang palagi nating
tanong at hinaing sa ating pamahalaan. Yung mga mayayaman, hindi sa nilalahat ko, pero meron
tayong mga naririnig sa mga balita na hindi sila nagbabayad ng buwis, halimbawa nalang nito ay
ang isyu ng ABS-CBN, sa totoo lang paborito ko ang kanilang mga palabas. Pero hindi naman
tama at makatarungan na hindi sila magbayad ng kanilang buwis dahil meron silang koneksyon
sa pamahalaan. Hindi lang ang ABS-CBN ang may ganitong isyu, marami pang malalaking
kompanya ang nasasangkot sa hindi pagbabayad ng saktong buwis o ito ay tinatawag na Tax
Evasion. Tayo ngang mga kapos palad, pinagbabayad ng buwis kahit hindi na magkandauga sa
pagtratrabaho para lang mabuhay at may maipakain sa pamilya, dinagdagan pa ng bayarin para
sa buwis. Sila pa kaya na biniyayaan na ng magandang buhay at maraming pera.

Sabi nila pag mataas ang buwis ng isang bansa uunlad ito , pero sa tingin ko, pag mataas
ito, uusbong ang gobyerno. Alam nating sa mata ng Diyos, sa mata ng tao at sa mata ng batas
bawal ang mandaya, pero bakit ito ang nangyayari sa ating bansa. Bakit dinadaya tayo ng ating
sariling pamahalaan? Bakit may korupsyon? Bakit hindi parin tayo umuunlad kahit na
napakataas na ng ating mga bayarin?

Nakakapagtaka at nakakalula kapag iniisip mo nang mabuti. Madami silang dahilan, mga
dahilang: ginamit sa ganito, napunta dito, nagastos doon. Grabe andaming dahilan, daig pa ang
mga manloloko sa daming dahilan, madaming palusot! Tayo namang mga tao walang magawa
kundi lunukin nalang ang malaking gastusin, daig pa ang martir sa pagtitiis. Wag nating hayaan
na maloko nalang tayo, mga kababayan. Naloko na nga tayo sa pag-ibig, maloloko pa ba tayo sa
mga buwayang pamahalaan? Hindi! Dapat matuto tayong ipaglaban ang ating inang bayan sa
mga sakim at mga mapangahas na pamahalaan. Wag nating hayaan na mabalewala ang
pinaghirapan ng ating mga ninuno dahil lang sa mga may masamang balak na tao. Tayo ay mga
Pilipino, tayo ay matatapang! Kaya mali ang: I love Philippines, I pay my taxes correctly. Ang
tama ay We, hindi I kasi tayong lahat ay magtulungan para mapabago at umunlad ang ating
bayan. Kaya ang tama ay: We are Filipinos. We love Philippines, and we pay our taxes correctly!
Ganun yun!

You might also like