Ap Lesson Plan Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Philippine Normal University


The National Center for Teacher Education
Mindanao
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

Detailed Lesson Plan in Teaching Araling Panlipunan and Edukasyong Pagpapakatao


Grade V
Inquiry Method
Encourages divergent thinking, freedom to explore and originality and creativity. Emphasis is on
the processes of gathering and processing of information.

Presented to:
Dr. May Q. Apat
MSE-05 Professor

Presented by:
Fiona Maurrice T. Bahian
Jeowanamie T. Fabe
Anna Mae M. Malabo
Rhyzsa D. Mamugay
BMSEE II
Pinagsanib na Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan at Edukasyong Pagpapakatao
Baitang 5
(Opening A Unit)

I. Layunin: Pagkatapos ng 45 na minuto, ang mga bata ay inaasahang:


1. makabubuo ng mga tanong batay sa mga larawan na ipepresenta.
2. makapagsalaysay sa iba’t ibang katangian ng isang Pilipino.
3. makapagsasadula tungkol sa mga katangian ng mga Pilipino

II. Paksang Aralin: Ang Pilipinas at Pinagmulan ng Lahing Pilipino (Opening A Unit)
Sanggunian: Encabo, M. P., & Battad T. T., (2016). Pilipinas sa Ikadalawampu’t
Isang Siglo (Serye ng Araling Panlipunan). The Bookmark, Inc.
Kagamitan: Projector, printed materials, charts, laptop, cut-outs
Pagpapahalaga: Pagiging Makabansa
III. Gawaing Pagkatuto
Teacher’s Activity Students’ Activity
A. Paghahandang Gawain

1. Pagbabalita

Magandang Hapon mga bata! Magandang Hapon rin po mga guro.


Bago natin simulan ang ating klase sa taong ito
ay pakinggan mo na natin ang isang balitaan.
(Pakikinig sa balita tungkol sa mga sakuna na
nangyayari sa paligid)

Patungkol saan ang balita? Tungkol sa mga sakuna na nangyayari sa


paligid.
Ano ang ginagawa ng mga Pilipino pagkatapos
ng sakuna? Ang mga Pilipino ay nagtutulungan upang
bumangon sa sakuna.
2. Balik-Aralin
Ano ang inyong mga natandaan sa inyong
nakaraang leksyon?

3. Bagong Aralin
Ngayong hapon na ito ay atin munang tuklasin
ang kabuuan ng isang markahan sa taon na ito,
sa pammagitan ng pag-oobserba sa mga
larawang nakadikit sa bawat istasyon. Hahatiin
ko kayo sa apat na grupo/pangkat.
1, 2, 3 at 4. 1,2,3,4 …..

3.1 Pagganyak
Pero bago yan , magkakaroon muna tayo ng
isang laro. Ang pamagat nito ay “Buohin Mo
Ako!” Bibigyan ko ang bawat pangkat ng tig-
iisang envelope. Sa loob nito ay may mga
ginupit na papel na kung saan bubuohin niyo ang
isang larawan.
Naintindihan ba? Opo, Ma’am!
B. Paglinang ng Gawain
1. Paglalahad
Ang unang grupo ay pupunta sa unang istasyon.
Habang ang ikalawang pangkat naman ay sa
pangalawang istasyon. Ang ikatlong pangkat ay
sa pangatlong istasyon at ang ikaapat na pangkat
ay sa pang-apat na istasyon. Magdala ng papel at
ballpen at siguraduhing makatala kayo ng mga
impormasyong inyong naobserbahan o nakita sa
bawat larawan na nasa bawat istasyon. Bibigyan
lamang kayo ng isang minute kada istasyon.
Naiintindihan niyo ba?
Opo, Ma’am!
Ngayon, pumunta na kayo sa inyong istasyon.
Ang isang minuto ay magsisimula na.
2. Panunuod ng Paskilan

A.

B.

C.

D.
E.

F.

G.

3. Pagbubuo ng mga suliranin

Tungkol saan ang larawan A?


Lokasyon ng Pilipinas
Ano ang mabubuo mong tanong base sa
larawang inyong nakita?
Saang bahagi ng mapa makikita ang
Magaling! Pilipinas?
Tungkol saan ang larawan B?
Klima ng Pilipinas
Ano ang iyong mabubuong katanungan base sa
larawan?
Ilang klima mayroon ang bansang
Pilipinas?
Tungkol saan ang larawan C?
Ang unti-unting pagkawatak-watak ng
kontinente sa paglipas ng panahon.
Ano ang mabubuo mong katanungan?
Ano ang dahilan kung bakit nagkawatak-
watak ang mga kontinente?
Tungkol saan ang larawan D?
Mga sinaunang tao.
Ano ang mabubuo niyong katanungan?
Saan nga ba nagmula ang lahing Pilipino?

Tungkol saan ang larawan E? Mga Datu, Alipin at Katayuan ng Tao

Ano ang mabubuo niyong katanungan? Anu-ano ang iba’t ibang antas ng mga tao
sa sinaunang lipunan?

Sa larawan F, ano naman ang nakikita ninyo? Mga hanapbuhay at kagamitan noong
unang panahon.

Ano ang mabubuo niyong katanungan? Anu-ano ang iba’t ibang hanapbuhay noon
sinaunang panahon?

Ano naman ang naoobserbahan niyo sa huling


larawan? Mga ritwal, Panliligaw, Kasal

Ano ang mabubuo niyong tanong base sa


larawan? Ano ang kultura ng sinaunang Pilipino?

Magaling!

4. Pag-oorganisa ng mga suliranin

Sa tingin niyo ano ang una,


pangalawa, pangatlo hanggang
panghuling topiko an gating
tatalakayin sa buong markahan na
ito? Ang una po nating pag-uusapan ay kung
saang bahagi ng mapa makikita ang
Pilipinas.

Pangalawa, ay kung ilang klima mayroon


ang bansang Pilipinas.

Pangatlo, ay pag-uusapan natin ang mga


dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang
mga kontinente.

Pang-apat naman po ay ating tatalakayin


natin ang pinagmulan ng lahing Pilipino

Panglima, ay pag-uusapan natin kung anu-


ano ang iba’t-ibang antas ng mga tao sa
sinaunang lipunan.
Pang-anim naman po nating tatalakayin ay
ang iba’t-ibang hanapbuhay noong
sinaunang panahon.

At ang panghuli po nating pag-uusapan ay


ang kultura ng sinaunang Pilipino.

Magaling mga bata!

Tatalakayin natin ang bawat tanong sa susunod


na mga araw.

5. Paglalahat
Kung inyong titingnan ang lahat ng larawang
nakadikit sa pisara, ano nga ba ang ating
kabuuang topiko sa yunit na ito? Sa tingin ko po ang ating kabuoang topiko
ay tungkol sa Pilipinas at Pinagmulan ng
Lahing Pilipino

C. Pagsanib sa Edukasyong
Pagpapakatao, Edukasyong
Pagpapalakas ng Katawan, Musika at
Sining

Gumawa ng isang minutong dula-dulaan na may


kaugnay sa mga larawan na nagpapakita ng
katangian ng Pilipino.
Ang klase ay hahatiin sa dalawang grupo. Kaya
ang una at ikalawang grupo ay bubuo ng isang
grupo (Pangkat 1) at ang ikatlo at ikaapat na
grupo ang bubuo rin ng isang grupo (Pangkat 2).
Bibigyan ko lang kayo ng 5 minuto para sa
pagpaplano.

Naiintindihan niyo ba? Opo Ma’am!

Kaya pumunta na kayo sa inyong mga grupo at


bumuo na ng plano.

Pamantayan sa gagawin niyong presentasyon


(Dula-dulaan)

Kahusayan sa pag-arte- 10%


Mensahe- 20%
Kaugnayan sa napiling litrato- 20%

Ang limang minute ay tapos na kaya ang unang


magpepresenta ay ang unang pangkat. (Presentasyon ng unang pangkat)

Magaling! Bigyan ng 3 bagsak ang unang grupo.

Ang susunod ay ang ikalawang pangkat.


(Presentasyon ng ikalawang pangkat)
Magaling! Bigyan ng 3 bagsak ang ikalawang
grupo.

(pagbibigay ng feedback sa mga presentasyon)

D. Pagkikilatis
Bilang isang mamamayang Pilipino at ngayo’y
isa pa lamang mag-aaral, ano ang pwede mong Bilang isang mag-aaral, naniniwala ako na
maitulong upang mapanatili ang kultura ng ang pagiging isang tunay na Pilipino ay
pagiging isang tunay na Pilipino? kumikilala, nagmamahal at tumatangkilik
sa sariling kultura.

IV. Takdang-Aralin
Iguhit o iprint ang bansang Pilipinas pagkatapos ay lagyan kung saang rehiyon ito makikita.

You might also like