Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ibalon

Si Baltog, isang bantog na mandirigma, ay mula sa Batavara at naparaan sa


Bikol. Napamahal sa kanya ang Bikol dahil sa maganda nitong tanawin.
Lumipas ang mga taon at siya ay naging hari ng Ibalondia. Siya ay napamahal
sa mga tao roon dahil sa siya’y maunawain, matapang at makatarungan.

Sa gitna ng kasaganaan ay sumipot ang isang dambuhalang baboy-ramo na


pumuksa sa ani ng mamamayan at pumuti ng buhay ng maraming kawal. Si
Baltog, ang bayaning katulad ni Beowulf, ay siyang pumatay sa higanteng
baboy-ramo. Nagbalik na muli sa Ibalondia ang katahimikan.

Nang tumanda si Baltog, sumipot naman sa Ibalondia ang mga higanteng


kalabaw, mga pating na lumilipad at buwayang ganggabangka. Si Handiong na
naparaan doon ang sumagip sa kahambal-hambal na katayuan ng kaharian.
Pinagpapatay niya sa tulong ng kanyang mga kawal ang mga damulag.

May isang kaaway na hindi mapasuko ni Handiong. Ito’y si Oriol na minsa’y


ulupong at minsa’y nakabibighaning binibining nais manlinglang. Siya’y hindi
nagtagumpay kay Handiong. Hindi niya madaya ang bayani kaya kanyang
tinulungan ito upang lipulin ang mga salimaw, ang mga malignong
mapanligalig. Si Oriol ay naniniwala sa kasabihang “Kung hindi talunin,
makiisa sa layunin.”

Ang kilabot na si Rabot ay dumating sa Ibalondia. Kung kanyang maibigan,


ang mga tao’y kanyang nagagawang pawang bato. Sapagkat na si Handiong,
ang humalili sa kanya na bagong tagapagligtas ay si Bantong.

Ang dambuhala ay napatay ng makapangyarihang espada ng bagong


manunubos. Dahil sa labanan, ang lupa ay yumanig at umalon ang karagatan.
Nang matapos ang malagim na sagupaan, namalas na may maliliit na pulo sa
dagat sa kalapit ng Ibalondia. Nagbago ng landas ang Ilog Inarinan. Ang
bundok ng Bato ay lumubog at ito’y naging lawa. Namalas sa gitna ng mga
sira-sirang paligid ang isang umuusok na bulkan. Iyan ang Bulkan ng Mayon
ngayon.
Ullalim
Ang kwento ay nagsimula sa nakatakdang kasal nina Ya-u at Dulaw nang
makapulot ng nganga o ua (na tawag ng taga-Kalinga). Ang magkasintahan ay
naanyayahan sa isang pistahan sa Madogyaya. Nang sila ay nasa Madogyaya,
naakit ang pansin ni Dulliyaw kay Dulaw hanggang si Dulaw ay magkagusto
sa kanya. Sa pagplano na ligawan ni Dulaw si Dulliyaw ay naisip nitong
painumin ng alak si Ya-u hanggang sa malasing. Habang si Ya-u ay natutulog
sa ibang bahay ay saka niligawan ni Dulaw si Dulliyaw. Pinakain nito ang
babae ng nganga at sinabi niya sa babae na sa pamamagitan ng pagtanggap
niya ng nganga ang ibig sabihin ay tinanggap na niya ang pag-ibig na kanyang
iniaalay. Bago siya umalis ay sinabi niya sa babae na siya ay babalik
kinabukasan. Naiwan na nag-iisip ang dalaga.

Kinabukasan sa kalagitnaan ng gabi ay dumating si Dulaw sa bahay nina


Dulliyaw. Habang sila’y kumakain ng nganga, sinabi nito sa babae na siya ay
nagpunta roon upang isama ang dalaga sa kanilang bahay. Nagulat si
Dulliyaw sa winika ng lalaki. Iyon lamang at nagkagulo na ang mga tao sa
nayon. Sa pagtakas nila ay nakasalubong sila ng isang lalaki na may dala-
dalang palakol at balak silang patayin. Bago sila maabutan ng lalaki ay
nakaakyat na si Dulaw sa isang puno upang tumakas. Samantala wala
namang mangahas na siya ay lusubin kaya naipasiya ni Ya-u na tawagin ang
mga sundalong Español ng Sakbawan.

At noon nga si Guwela na kumander ng Garison ay umakyat sa kaitaasan ng


Kalinga na kasama ang mga sundalo. Iniutos niya na dakpin si Dulaw na
nakaupo pa rin sa puno. Napag-alaman niya na marami ang tutol sa ginawa
niya kaya wala na siyang lakas na lumaban nang siya ay lagyan ng posas. Sa
utos pa rin ni Guwela siya ay dinakip at nakulong sa Sakbawan.

Makalipas ang tatlong taon na pagkakabilanggo, naging payat na siya.


Humingi si Dulliyaw ng nganga kay Dulaw. Kinuha ni Dulaw ang huling
nganga sa bahay at ito’y pinagpirapiraso. Bago niya ito maibigay kay Dulliyaw
bigla na lamang itong nawala.

Samantala, sa pook na Magobya naliligo si Duranaw. Sa paliligo niya sa ilog


ay nakapulot siya ng nganga. Kinain niya ito nang walang alinlangan.

Matapos nguyain ang nganga ay bigla na lamang itong nagbuntis hanggang sa


siya ay magsilang ng isang malusog na lalaki at pinangalanan niya itong
Banna. Tatlong taon ang lumipas. Si Banna ay mahilig makipaglaro sa mga
Agta, subalit siya’y madalas na tinutukso ng kanyang mga kalaro. Sinasabi na
kung siya raw ang tunay na Banna ang ibig sabihin ay siya ang anak ni Dulaw
na nakulong sa Sakbawan. Sinumbong niya ito sa kanyang ina ngunit
pinabulaanan ito ng kanyang ina.

Sa isang iglap, si Banna ay naging malakas at naghangad ng paghihiganti.


Isang mahiwagang pangyayari ang nagdala kay Banna pati ng kanyang mga
kasama sa Sakbawan. At doon ay kanyang pinatay si Dulliyaw. Sinabi ng
isang kasama ni Banna kay Dulaw na si Banna ay kanyang anak, iyon lang at
sila ay dali-daling sumakay sa isang bangka at sa isang iglap ay nakaratingsila
sa pook ng Magobya. Mula noon ay nauso na ang kasalan sa kanilang pook.
Ang Alamat ng Rosas

Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na


nagngangalang Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin
sa kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya't pinagkakag- uluhan si Rosa
ng mga kalalakihan.

Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang
mga manililigaw na si Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at
humihing ng pahintulot na manligaw kay Rosa kung saan ay masaya naman
siyang pinayagan ng mga magulang ni Rosa at dahil na rin sa rason na si
Antonio lamang ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa kanila. Ang
kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay ang mapatunayan ang sarili
kay Rosa at pasiyahin ito.

Iyon ang naghimok kay Antonio, kaya naman ay pinagsilbihan niya ang
pamilya ni Rosa sa pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga
magulang ni Rosa, lalong-lalo na ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog na ang
loob sa masugid na binata.

Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang


manliligaw ay doon rin siya labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din
niya nalaman na pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio nang marining niya
ito habang kausap ang kanyang mga kaibigan. Parang pinagsakluban ng langit
at lupa si Rosa sa kanyang narining. Nadurog ang kanyang puso sa kanyang
unang pag-ibig. Hindi tumigil ang pag-iyak ni Rosa habang siya ay bumalik sa
kaniang bahay. Nag-aalala naman siyang tinanong nang kanyang mga
magulang pero hindi sumagot ang dalaga. Kinabukasan ay hindi na nakita si
Rosa at pati na rin sa susunod na mga araw.

Isang araw, ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat


sanang tagpuan nina Rosa at Antonio. Tinawag ang halaman na rosas dahil
ang pulang kulay nang bulaklak ay nagsisilbing paalala sa mga mapupulang
pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na napapalibot sa halaman na
pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing wala sinumon ang makakakuha
sa magandang bulaklak na hindi nasasaktan.
Ang Alamat ng Paru-Paro

Noong unang panahon may magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang


na baryo sa Laguna. Ito ay sina Amparo na ang palayaw ay Paro samantalang
ang nakababata naman ay si Perla na pawang sumisibol na dalagita.
Pagtitinda ng bulakalak ang kanilang ikinabubuhay. Magkaiba ang ugali nila,
si Amparo ay tamad at walang kinagigiliwang gawin kundi ang lumapit sa mga
bulaklak at amuyin ito. Samantalang si Perla naman ay masipag at masinop sa
kabuhayan. Likas na mabait si Perla pasensiya na lamang ang kaniyang
binibigay sa kapatid na si Amparo na ubod na tamad.

Ngunit isang araw ay naubos na ang pasensiya ni Perla at nagalit kay Amparo
na laging nagrereklamo sa kanilang ulam. Galit din sumagot si Amparo “Anong
gusto mo alilain ako at busabusin, ako ang masusunod dahil ako ang
nakakatanda.” Sabay nanaog at pumitas ng halaman sa hardin at nagtuloy sa
ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok. Pagdukwang niya ay
tuloy-tuloy siyang nahulog sa ilog. Sa pag-aalala pala sa kapatid ay sumunod
si Perla at kitang-kita niya nang mahulog siya sa ilog. Sumigaw ng malakas si
Perla “Paro!Paro!, marami ang nakarinig at tinulungan siya ngunit walang
Amparo silang nakita.

Habang balisang nagmamasid ang mga tao sa ilog, ay may isang bulaklak ang
lumutang sa knahulugan ni Amparo at unti-unti itong gumalaw, dahan-
dahang nawala ang hugis bulaklak nito at unti-unting umusbong ang pakpak
na may iba’t-ibang kulay. Walang ano-ano ay lumipad at nakita ni Perla ito na
pumunta sa halamanan at nagpalipat lipat sa mga bulaklak. Kinutuban si
Perla at nasambit niya ang katagang “Paro! Paro…!

Simula noon, ang maganda at makulay na munting nilikha ay tinawag ng mga


tao na PARUPARO.
AGAW-DILIM

Namatay ang araw

sa dakong kanluran,

nang kinabukasa’y

pamuling sumilang,

ngunit ikaw, irog, bakit nang pumanaw

ay bukod-tangi kang di ko na namasdan?

Naluoy sa hardin

ang liryo at hasmin,

Mayo nang dumating

pamuling nagsupling,

ngunit ikaw, sinta, bakit kaya giliw

dalawang Mayo nang nagtago sa akin?

Lumipad ang ibon

sa pugad sa kahoy,

dumating ang hapon

at muling naroon,

ngunit ikaw, buhay, ano’t hangga ngayo’y

di pa nagbabalik at di ko matunton?

You might also like