Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“Iba’t – Ibang Uri ng Estudyante”

Ni: Lovely Ann G. Geraldino

Sa loob ng paaralan, ay mayroong mga silid-aralan. Sa loob naman ng silid-arala’y


may mga upuan. At sa bawat upuan ay mayroong mga estudyante. At ang mga estudyante’y
may iba’t – ibang uri. Sa iyong palagay, anu-ano nga ba ang iba’t - ibang uri ng estudyante sa
loob ng silid – aralan?
Lahat tayo’y naiiba sa iba’t – ibang aspekto. Isa na dito ang pagkakaiba ng ating mga
ninanais. Mayroong mga bagay na maaring gusto natin na hindi sangayon ang iba, o kaya
nama’y mga bagay na mapagkakasunduan ng nakararami. Ito nama’y nakabatay sa opinyon ng
isang indibidwal.
Sa klase’y hinding hindi mawawala ang pagkakaiba ng bawat isa. Narito ang aking mga
halimbawa;
Sa isang klase ba’y mawawala ang isang sporty type? Sila yung mga uri ng mga
estudyante na mahilig/maalam pagdating sa isports. Madalas na ginagamit ang mga tulad nila
bilang example sa P.E. upang mag-demonstrate ng mga maaring binabanggit ng guro, Madalas
din silang inilalaban sa mga kompetisyon sa loob man, o labas ng paaralan. Maaari ring
pagdating sa pisikal o mental na lakas ay mas nakahihigit sila sa ibang estudyante. Kaya’t
asahan natin ang kanilang mga kakayahan sa ganitong usapan.

Sunod nama’y ang mga otaku o weaboo. Sila naman ang mga japanese wanabees.
‘Pag usapang mga anime o manga ay siguradong game na game sila. Ang kanilang mga
hobby ay wala ng iba kundi ang panonood ng anime pagbabasa ng manga (isang uri ng komiks
na kilala sa Japan bilang parte ng kanilang kultura, hindi po yung prutas.) Mas gugustuhin pa
nilang manood o magbasa buong araw kaysa sa lumabas at makipag halubilo. Maalam din sila
sa mga salitang Hapon dahil sa kapapanood nito. Mahilig din sila sa pag-kanta, lalung lalo na
ng mga J-pop songs, na kadalasang opening themes ng anime (tulad ng ate ko). Sila ang parte
ng klase na maaaring tahimik, at gusto nilang maupo sa gilid ng bintana tulad ng mga
protagonista sa mga napapanood nila.

Syempre! Hindi makakalimutan ang mga smarty type o mga estudyanteng kagila-
gilalas pag-dating sa akademiks .Kilala natin sila sa pagiging masipag at pagpa-prioritize sa
kanilang mga grado,karaniwan natin silang nakikita sa top o with honor list, tinagurian din silang
suki pagdating sa mga quiz bee o kompetisyong ginagamitan ng kaalaman na may kinalaman
sa kasaysayan,Scientia atbp. Kadalasan din silang nagiging lider sa mga grupong pang-
aktibidad dahil sila ang mga maasahan pagdating dito.

Narito naman ang tinatawag nating mga K-Addict’s o K-fans, Kung saan ay mayroon
silang dalawang bagay na kinahihiligan; k-pop fans o ang mga mahihilig sa mga sikat na
Korean groups tulad ng Blackpink,Twice,BTS,EXO atbp. Sila ay kadalasang kumakanta kahit
mali mali ang mga lyrics basta’t alam nila ang tono at sumasayaw nalang pabigla-bigla pag
narinig ang tugtog kahit parehong kaliwa ang mga paa,sa klase man ito o sa kalsada. K-drama
fans,sila naman ang mga handang isakripisyo ang kanilang tulog para lang matapos ang
dramang pinapanood,kilalang- kilala din nila ang mga aktor na gumaganap rito at ‘di lang
‘yon,ugali rin nilang gumamit ng mga ilang salitang banyaga na natututunan nila,tulad ng Hajima
(Stopit),Kamsahamnida (thank you) Jinja (really), Araseo (All rignt), Oppa (brother/endearment),
Annyeong haseyo (Hello or Hi) atbp. na kadalasan nilang ginagamit sa kanilang araw- araw na
pakikipag-usap.
Higit sa lahat, Hindi natin makakaligtaan ang isa sa mga kinaiinisan ng mga
nakararaming estudyante, binabansagan pa nga nila ito bilang jolibee o sa madaling salita, ang
mga bida-bida.Isa sa mga rason kung bakit kinaiinisan sila ay ang paguugali nilang pangunguna
sa mga aktibidad na wala naman silang kinalaman,eto pa,madalas rin silang magsambit ng mga
side comments sa tuwing nagsasalita ang guro,lalung lalo na ang pagiging sumbungero’t
sumbungera nila,halimbawa nito, isang maling galaw mo lang ay isusumbong kana agad. At
pinakahuli sa lahat,ang pagiging aktibo nila pagdating sa recitation,na ang mga sagot naman
nila ay malayo sa tinatalakay nilang paksa.
Kung ako ang tatanungin,malamang sa malamang ay hindi mawawala ang mga artist
sa listahang ito,sila ba naman kasi ang nangunguna at kinikilala sa usapang may kinalaman sa
sining,dahil sa mahuhusay sila sa pagdodrawing,pagpipinta,pagkacalligraphy pagdidisenyo
atbp. kadalasan silang ipinanlalaban sa mga kompetisyong tulad ng poster making.kadalasan
rin sila ang nangunguna pagdating sa pagbibigay ng tulong sa tuwing maghahanda ng mga
pangdekorasyon sa mga okasyong nagaganap sa loob ng eskwelahan.
Dahil nga sa mga napapanahon ngayong mga online games ay mas dumarami na ang
mga estudyanteng naglalaro sa kani-kanilang mga gadyets, tinatawag natin silang mga gamer,
dahil sa pagkahilig nila sa mga laro na ginagamitan ng internet tulad ng mobile legends,league
of legends,rules of survival,DOTA, atbp. kadalasan natin silang nakikita sa likod na sulok ng
silid-aralan upang patagong maglaro ng hindi nakikita ng ilan lalo na ang kanilang guro.
Anti-Social? Misterious ba kamo? Naku!,’ayan na sila, ang kinikilala natin sa tawag na
introvert o most commonly known as TAHIMIK type of student ,pano ba naman kasi
napakamisterious nila at madalang lang silang makipagusap, ung iba pang klase nila ay
nakakapangawkward ng sitwasyon ,na ang parang ang hirap makipagcommunicate dahil most
sa mga pinagsasabing words nila ay “ok” and “geh”, sa tingin mo may mabubuong friendship?
Haystt… pero ganun talaga sila,hindi siguro sila sanay makipagusap sa maraming tao na hindi
naman nila masyado kakilala.makikita natin sila kadalasan na mag-isa sa upuan,kahit tuwing
recess man hanngang uwian,pero wag natin sila maliitin dahil karamihan sa mga tahimik na tao
ay ang mga matatalino.
Hmmm… Kung ang introvert ay kilala natin bilang silent/shy type mayroon rin naman
tayong tinatawag na extrovert o “the friendly type of person” kung saan totally na kabaliktaran
ng paguugali ng introvert,sila kasi ung uri ng tao na masayahin at mabilis makipagcommunicate
sa iba, maaaring kilala rin siya bilang famous type of student sa klase sa dami ba naman ng
naging friends mo pano ka ‘di magiging famous?. Makikita natin siya kadalasan na nageexplore
sa loob ng room para makipagusap sa mga taong ka-close niya o kung sino mang gusto niyang
kausapin.
Joke ba kamo? Naku di mawawala yan dahil nandiyan ang kilala nating estudyante sa
tawag na joker,siya lang naman ang nagbibigay kasiyahan sa buong klase,walang siyang
pinipilng oras para magpatawa,maski na sa mga seryosong sitwasyon ay pinapakita parin niya
ang paguugali niyang ito,kahit pa sa mga group chat ay di siya papaawat,palagi siyang Ha Jima
(Stop it ) Otteoke -( How ), Jinja- ( really),araseo(All rignt),oppa(brother/eanderment),Annyeong haseyo(
Hello) nagsesend ng mga litratong nakakatawa o mas kilala natin sa katawagang “memes”.

May mga instrumento ka bang kayang patugtugin?hmm..ako ewan hahaha pero may
kilala ako,hindi lang ako kundi ang nakararami, halimbawa nito ang aking mga kapwa mag-
aral,tinatawag naming silang music lovers, mahihilig kasi sila sa pakikinig at pagpapatugtog ng
mga instrumentong pangmusika sa loob ng aming silid aralan,kung minsan ay gumaganap sila
ng isang kanta sa tuwing may okasyon sa aming klase,tulad ng christmas party,teacher’s day
atbp. sa tingin ko ay marami sa bawat mga silid-aralan ang mga mga tulad nila. Madalas natin
silang nakikitang nakaearphones at nagdadala ng mga instrumentong pangmusika.

You might also like