Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 55

Mga Kwentong Asyano

Ni Rody Vera

UNANG KUWENTO: TINAWID NI USAGI ANG DAGAT!

Papasok ang mga artista. Lima rito ay naka-costume mula


sa kanilang mga pinanggalingang kuwento. Si USAGI,
isang kuneho na galing sa Japan. Ang MONGHE na galing
sa India. Si YOON na isang Koreanong mangangahoy. At
ANG BATA na nagmula ng Biyetnam. Kasama nila ang
iba pang mga artista ng dula.

AWIT: MGA KUWENTONG ASYANO

Ang daigdig nati’y punung-puno ng kuwento


Walang tigil ang bibig ng tao.
Binigyan ng tunog bawat bagay sa mundo
Walang tigil ang utak ng tao.

Pilit niyang sinsagot ang lahat ng tanong


Kahit na walang tanong, pilit pa ring tumutugon
Kung bakit nagkaganoon, paano ba nangyari yun?
Kung saan nagsimula, kung mayroon ba o wala?

Bawat sulok ng mundo, may kuwenton nabubuo.


Mga Kuwentong Asyano ang amin ituturo
Sa paglulubid-lubid ng pinong buhanginan
May nabubuong kaharia’t kahiwagaan

Mga Kuwentong Asyano ang mapapanood niyo


Sa malayo pa nanggaling, ngayon ay narito!
Ang iba’y may dalang araw, ang iba’y masaya lang
Ngunit anuman ang marinig
Lahat sana’y inyong magustuhan!

USAGI
May kuwento na kung saan ang bida ang mga hayop.

1
MONGHE
May kuwentong ang problema’y parang walang kalutasan.

YOON
May kuwentong kataka-taka’t di mapaniwalaan.

BATA
At kung paano mauutakan ang taong gahaman.

LAHAT
Mga Kuwentong Asyano ang mapapanood niyo
Sa malayo pa nanggaling, ngayon ay naririto!
Ang iba’y may dalang aral, ang iba’y masaya lang
Ngunit anuman ang marinig
Lahat sana’y magustuhan!

TAPOS ANG AWIT

Lalabas ang mga artista maliban kay USAGI. Lalabas ang


isang bahagi ng mapa. Makikita ang bansang Hapon.
Maaring may marking sta ang Okinawa.

Okinawan Guitar Music. Mabilis.

Si USAGI, ang kuneho. Ang costume niya ay maaaring


traditional costume ng mga OKinawan, pero may bahid ng
modernong kasuotan tulad ng shades, halimbawa.
Okinawan rock and traditional music ang isasayaw ni
USAGI. Sa saya rin niya’s naipapahiwatig ang pagiging
kuneho niya: Patalon-talon, maliksi, masigla.

USAGI
Hai! Ako si Usagi, isang kunehong taga-Oki.
(sabay talon at sayaw)
Gusto kong tumalon nang tumalon. Siyempre, kuneho nga, e. Kaya mahilig tumalon! Mahilig
din akong sumayaw. Dito sa isla ng Okinawa, hilig naming tumugtog ng gitara at sumayaw
hanggang umaga. Hai!

2
Sasayaw ng mabilis na mabilis. May papasok ng malaking
tambol. Isang dance number ng mga ibang artista na
nakasuot ng Okinawan costume. Sila’y mga kuneho.
Magpapakita sila ng isang sayaw. Masaya silan lahat.

AWIT NG MGA KUNEHO

Kahit kami’y kunehong patalon-talon


Kahit lumalaktaw-laktaw maghapon
Ay masaya ang buhay, may sake pang pantagay
Kahit kami’y kunrhong patalon-talon.
Hai! Hai! Hai! Hai!

Mapapansin ng ibang kuneho na si USAGI ay laging


nakatanaw sa malayo. Umaakyat pa ito sa isang tuntungan
para tanawin kung ano nga ba ang nasa kabilang ibayo ng
dagat.

KUNEHO 1
Hoy! Usagi! Anong tinatanaw mo diyan? Ang layo-layo na ng naaabot ng mga mata mo!
Mag-ingat ka, baka mahulog ka sa tubig!

USAGI
Ano kaya’ng nasa kabilang isla?

KUNEHO 2
E, bakit mo naman gustong malaman?

USAGI
Yung mga ibong lumilipad dito sa atin, doon umuuwi. Hindi niyo ba napansin? Kapag malapit
nang lumubog ang araw, tinatawag ng mga uwak ang kanyang mga anak at kabarkada. Tapos
sabay-sabay silang lumilipad pauwi doon sa kabilang isla.

KUNEHO 1
(Tatanaw din. Tatanggalin ang shades.)
Wala naman akong makita, e.

USAGI
Siyempre, ‘no! E, ilang milya yata’ng layo ng islang yun.

3
KUNEHO 2
E, anong balak mo?

USAGI
Gusto kong tumawid ng dagat para makaabot doon!

KUNEHO 1
Nahihibang ka na talaga no? Paano ka naman tatawid, hindi ka naman marunong lumangoy. At
saka mababasa ang balahibo mo, bibigat iyan at lulubog ka lang.

USAGI
Talunin ko kaya?

KUNEHO 2
Maikli lang ang laktaw mo. Kailangan mo nang malalandingan palagi. Wala namang mga bato
na maari mong laktawan hanggang doon. Huy! Tama ka na nga. Marami ka na yatang nainom na
sake.

Sasayaw ang mga kuneho. Hihilahin nila si Usagi. Aawit si


USAGI:

Sa may dalampasigan tatalon-talon


At parang di mapakaling tipaklong
Tinitingnan ang alon, tinatanaw maghapon
Ang isla sa malayong dako paroon!
Hai! Hai! Hai! Hai!

Lilingo na naman si USAGI. Titingin siya sa dagat.


Lumalakas ang alon.

KUNEHO 1
Hoy, Usagi! Huwag kang masyadong lalapit! Baka mahulog ka sa tubig. Maraming malalaking
hayop ang dagat. Kuneho ka lang, isang lunok ka lan!

Ngingiti si USAGI. Isasawsaw niya ang kanyang paa sa


loob ng “tubig”.

4
Biglang may lilitaw na isang BUWAYA. Magugulat ang
mga kuneho. Tatakbo palayo. Mamamangha si USAGI.

KUNEHO 2
Hoy! Usagi! Lumayo na tayo’t umaahon na ang malalaking buwaya!

USAGI
Aba! Ba’t hindi ko naisip agad yun? Mister Buwaya! Good morning!

BUWAYA
Good morning! Mukhang nagsipagtago ang mga kaibigan mo! Natakot yata sa akin. Mukha ba
akong nakakatakot?

USAGI
Mga duwag kasi yun, e.

BUWAYA
Ikaw, di ka natatakot sa akin?

USAGI
Hindi, a. Bakit naman ako matatakot sa iyo, e… Kaibigan kita, di ba?

BUWAYA
Oo naman. Ano ba’ng ginagawa niyo?

USAGI
Eto, nagkakasiyahan. Inom ka muna! Sake, masarap na alak!

Papainumin ni USAGI ang BUWAYA. Magtatawanan sila.


Dahan-dahang lalabas ang dalawang KUNEho. Lilingon si
BUWAYA. Ilalabas ang kanyang mga ngipin. Matatakot
uli ang dalawa.

USAGI
Hoy! Labas na kayo. Tugtugan uli tayo!

Lalabas uli ang mga KUNEHO. Tutugtog sila sa drum at


guitar. Muling tutugtog ang music. Sasayaw si USAGI.

5
Susunod si BUWAYA. Pabilis nang pabilis. Hanggang sa
mahilo si BUWAYA at bumulagta, tawa ng tawa.

USAGI
Inom ka pa!

BUWAYA
Masarap ang sake!

USAGI
Marami kami niyan. MArami kaming gumawa niyan dito.

BUWAYA
(lilinga-linga)
Marami kayo rito?

USAGI
Oo!

BUWAYA
E, maliit lang na isla ito, a.

USAGI
E, ikaw ng. Nag-iisa ka lang.

BUWAYA
Diyan ka nagkakamali. Kayong mga kuneho, nagsisiksikan sa maliit na isla ng Okinawa.
Samantalang kami, ang buong karagitang iyan ay amin. Kaya mas marami kami!

KUNEHO 1
Ganoon?

KUNEHO 2
(nangangatog)
Buti hindi kayo umaahon ng sabay-sabay.

BUWAYA
Ke-liit-liit ng isla niyo. Baka kung umahon kaming lahat dito, lumubog ito sa bigat.

6
USAGI
Inom ka pa?

Iinom si BUWAYA. Hihilahin ng dalawang KUNEHO si


USAGI palayo kay BUWAYA.

KUNEHO 1
Nababaliw ka na bang talaga?

USAGI
Siya ang paraan ko para makatawid sa kabilang isla!

KUNEHO 2
Ano? Paano? Ibuka lang niya ang bunganga niya, kaya tayong lunuking tatlo!

USAGI
Huwag kayong matakot. Kaya malaki ang bunganga ng buwaya, dahil maliit ang utak. Hindi pa
masyadong ginagamit. Tingnan niyo, doble na’ng tingin sa atin ng isang iyan… Buwaya!

BUWAYA
Oy!

USAGI
Ilan ito?

BUWAYA
Apat.

USAGI
Ilan kami?

BUWAYA
Anim.

Magtitinginan ang mga KUNEHO.

USAGI
Ibig mong sabihin? Mas marami pa rin kayong mga buwaya siyan sa dagat kaysa sa aming mga
kuneho?

7
BUWAYA
Ayaw mong maniwala?

USAGI
Ibig mong sabihin, pag pinagdugtong-dugtong niyo’ng mga katawan niyo, aabot kayo ng
kabilang isla?

BUWAYA
Kung gusto mo, kahit umabot ka pa sa Korea.

USAGI
Stir! Binobola mo kami, e.

BUWAYA
Ayaw mo talagang maniwala?

Hihiyaw ng malakas si BUWAYA. Nakakatulig. Matutulig


ang mga KUNEHO. Mula sa dagat, surrounding the island,
lalabas ang mga Buwaya.

KUNEHO 1
Walanghiya ka, Usagi! Ano ‘tong ginawa mo?

USAGI
Aaaaaaanggggg daaaaaaaaammmmmmiiiii!

KUNEHO 2
Bigyan mo ng sake ang lahat, para dumoble ang tingin sa atin. Nang sa ganoon mas marami
parin tayo!

Ibubuhos ni USAGI ang sake sa harapang ng mga Buwaya.


Iinom ang mga ito.

BUWAYA
Ano? Bilib ka na?

DALAWANG KUNEHO
Oo! Bilib na bilib kami! O sige na! Baka lumubog ang isla! Di ba…. Sabi mo…. Ha?

8
USAGI
Hindi pa ako bilib. Paano ko malalaman kung ilan kayo? E hindi ko pa kayo binibilang?

KUNEHO 1
Usagiiiii!

BUWAYA
E, paano mo kami bibilangin?

USAGI
E, di isa-isa. Ihanay niyo ang sarili niyo hanggang kung saan kayo umabot! Bibilangin ko isa-isa!

BUWAYA
E, baka umabot kami hanggang China!

USAGI
E, di ganito na lang. Lalaktaw ako sa inyong isa-isa. Nang mabilang ko nang maigi. Pero huwag
kayong gagalaw at baka ako naman ang malunod.

BUWAYA
O sige. Mga kapatid! Hanaaaay na!

“Hihilera” ang mga BUWAYA pero pabilog sa entablado.


O maari rin namang palayo at pabalik sa entablado.

USAGI
O, paano, mga kaibigan ko? Aalis na ako! Paalam na sa inyo!

KUNEHO 1
Babay! Kung ano man ang mahanap mo doon, sana masaya ka.

USAGI
Kahit hindi maganda, masaya pa rin ako. Tama si Buwaya, maliit ang islang ito. Doon ako sa
malawak na lupain.
(Sa Buwaya)
Redi ka na?

BUWAYA

9
Reding-redi.

Patutugtugin ng dalawang KUNEHO ang gitara at drum.

USAGI
Ichi! Nichi! San! Si! Go!

Habang bumibilang si USAGI, pabilis nang pabilis ang


music. Tatawa si USAGI habang nagbibilang. Hanggang
umabot it sa awit.

AWIT NI USAGI 2

Kahit kuneho pa ‘kong tatalon-talon


Daig ko ang Buwayang tatanga-tanga
Hindi nila nalaman, sila ay naisahan
Ay, nababagay ngang sila ay laktawan!
Hai! Hai! Hai! Hai!

BUWAYA
Ano’ng sinasabi mo?

USAGI
Malapit na ako sa kabilang isla, kako!

BUWAYA
Malapit ka nang matapos sa pagbilang? Marami pa kami!

USAGI
Tatlong talon na lang, nariyan na ako!

Mula sa malayo, chi-ni-cheer ng mga KUNEHO si USAGI.

DALAWANG KUNEHO
Sige, Usagi! Malapit ka na. Hindi nila malalaman. Na sila’y iyong nautakan! Mas matalino ka
talaga kaysa mga utak buwayang iyaaaan!

Biglang titigil si USAGI. Gulat na gulat.

10
BUWAYA
Ano’ng ibig nilang sabihin?

USAGI
Mga pahamak kayong mga kaibigan kayooooo!

Mabilis na tatalong si USAGI. Pero madadawit siya ni


BUWAYA na nasa hulihan ng linya.

BUWAYA
Walanghiya ka! Nilasing mo kami para lang gamitin sa iyong balak. Akala mo madali kaming
lokohin? Puwes! Eto’ng parusa mo!

USAGI
Huwag niyo ‘kong kakainin! Kung mas marami kami kaysa sa inyo, mas mabuti yun, di ba? Para
mas marami kayong kakainin. Pero kung hindi pa kami dumadami, at mas marami kayo sa amin,
pag kami naubos, ano’ng kakainin niyo? Pleeeeease!

BUWAYA
Pakiulit mo nga? Hindi ko makuha ang sinabi mo.

Uulitin ni USAGI, mas mabagal.

USAGI
Kung mas marami kami kaysa sa inyo, mas mabuti yun, hindi ba? Para mas marami kayong
kakainin sa hinaharap. Pero kung hindi pa kami dumadami, at mas marami na kayo sa amin, pag
kami naubos, ano’ng kakainin niyo? Pleeeease!

BUWAYA
Mga kasama… Tama ba iyun?

Pagkaraan ng ilang bulung-bulung, maririnig ang mga


boses ng mga Buwaya.

MGA BUWAYA (V.O.)


Oo nga.

BUWAYA
Pero kailangan pa rin siyang parusahan!

11
MGA BUWAYA (V.O.)
Hubaran!

USAGI
Nakupo! Huwag niyong tanggaling ang aking balahibo! Malamig na dito sa norte ng Japan.

BUWAYA
Game!

Tatanggalin ng mga Buwaya ang balahibo ni USAGI. Ang


matitira’y isang payatot na kuneho.

Magtatawanann ang mga Buwaya. Lalabas sila.

USAGI
Help! Saklolo! Para akong bagong panganak na daga nito! Help!

Papasok ang MONGHE. Makikita si USAGI.

MONGHE
Ano’ng klaseng hayop ka? Ngayon lang ako nakakita ng isang hayop na tulad mo.

USAGI
Isa akong kuneho.

MONGHE
Ganito ang kuneho sa panig ng daigdig na ito?

USAGI
Hindi. May aksidenteng nangyari. Nakalbo lang ako.

MONGHE
Ano’ng nangyari?

USAGI
Kinalbo ako ng mga buwaya.

MONGHE

12
Hmmm. Malaki siguro’ng atraso mo. Hindi nangangalbo ang mga buwaya nang walang dahilan.
At kung ako’ng buwaya, hindi lang kita kakalbuhin, kakainin pa kita.

USAGI
Mangsisi ba?

MONGHE
Magsisiunungaling ka pa? E, nakalantad na’ng tunay mong anyo?

USAGI
Mamang monghe. Tulungan niyo na lang ako. Nagsisisi na nga ako, di ba?

MONGHE
Gusto mong bumalik ang balahibo mo, ganoon?

USAGI
Opo.

MONGHE
Ipahid mo ito. Huwag mong tatanggalin hangga’t tumubong muli ang balahibo mo.

USAGI
Ano po iyan?

MONGHE
Nakuha ko sa mahaba kong paglalakbay. Ang tawag nila diyan ay “baby powder”

Tatanggapin ang baby powder at ilalagay ni USAGI sa buo


niyang katawan. Magic! Magkakaroon uli siya ng balahibo.
This time, mas makulay!

USAGI
Wow! Bagay na bagay! Mas maganda na ang kulay ng aking balahibo. Salamat ho, mamang
monghe. Monghe nga ba kayo?

MONGHE
Oo.

USAGI

13
Saan ang punta niyo?

MONGHE
Sa India.

USAGI
May alam akong paraan para makaabot kayo doon. May kaibigan akong bu…

MONGHE
Hindi na bale. Magbabarko na lang ako. May kailangan pa akong sagiping isang kaibigan.

USAGI
Sagipin? Nasa peligro?

MONGHE
Tulad mo. Kailangan niya rin ang tulong ko.

USAGI
Salamat sa iyo. Dito na ako.

MONGHE
Diyan ka na. Malayo pa ang INdia.

Music segue to Sitar music and tabla.

IKALAWANG KWENTO: NAISAHAN NG MONGHE SI BRAHMA!

Lalabas ang isang mapa sa kabilang bahagi ng entablado.


Makikita ang subcontinent ng India. May markang star ang
timog na bahagi nito, sa rehiyon ng Tamilnadu.

MONGHE
Hindi ko papayagang manaig ang kapalaran. Matapos kong libutin halos ang buong Asya para
hanapin ang kasagutan sa malaking misteryong ipinataw ni Brahma. Ah! Si Brahma!

Tutunog ang sitar para i-anunsyo ang paglabas ni Brahma.

Habang nagsasalaysay ang MONGHE, si BRAHMA ay


makikitang lumilitaw mula sa pagbuka ng mahiwagang

14
lotus. At lalabas siya na apat ang ulo! Ang bawat isa’y
nakatanaw sa apat na direksyon ng daigdig. Apat din ang
kanyang kamay, ngunit dalawa lamang ang paa. Nakalotus
position siya. Ang isang kamay niya ay may hawak na
stylus. Ito ang pang-ukit niya sa noo ng mga isinilang na
bata sa daigdig.

MONGHE
Si Brahma ang isa sa tatlong makapangyarihang Diyos na sinasamba sa India. Siya ang dakilang
tagapaglikha ng buong sansinukob. Ang paniniwala namin sa India, nilikha ang buong univers
nang imulat ni Brahma ang kanyang mga mata. Siya na sumulpot mula sa isang halamang lotus
na nagmula sa pusod ni Vishnu ay dumilat at sa kanyang pagdilat ay nagkaroon ng liwanag, ng
mga planeta, g daigdig, mga bundok, karagatan, at buhay! Darating ang araw, si Brahma ay
muling pipikit at magugunaw ang lahat ng ating paligid. Muli siyang ititklop ng mahiwagang
lotus at muli siyang babalik sa pusod ng Diyos na si Vishnu. At pagkaraan ng panahon ay
mauulit ang lahat, didilat siyang muli at malilikha muli ang buong universe. Yun ang proseso ng
paglikha at pagkagunaw. Dilat, pikit, dilat, pikit. Kung kaya’t si Brahma para sa amin ang siya
ring tagaukit ng kapalaran sa ating mga noo. Siya lang ang nakakaalam noon! Walang iba! At
kapag naiukit na niya ito sa araw ng ating pagsilang, iyun ang magiging kapalaran natin sa
buhay. Pero hindi! Hindi maaari! Masyadong malupit ang kapalarang innukit ni Brahm sa aking
mahal sa buhay. Hindi maaaring mangyari yun kina Kailash at Kajel! Siguro nagtataka kayo
kung bakit alam ko ang kapalarang sasapitin ng dalawang taong malapit sa akin, ano? Ganito
kasi yun.

Tatanggalin ng MONGHE ang kanyang suot na robes.


Tatanggalin rin niya ang kanyang white hair wig, white
beard, at ibibigay ang lahat ng ito sa isang nagaabang na
artistang naka-sari.

Makikita na ang nagsasalitang MONGHE ay isang binata.

MONGHE
Noong ako’y bata pa, nakasalubong ko si Brahma! Oo! Ang makapangyarihang Diyos na
nag-uukit ng ating kapalaran sa ating mga noo sa oras ng ating pagsilang. Nakausap ko siya! Oo!
Ay, naku, sa maniwala kayo’t hindi. Ganito ang nangyari. Ako’y manasukan sa tahanan ng isang
matandang philosopher sa kailaliman ng gubat. Dahil ang sabi ko, gusto kong matuto sa kanya.
Kaya kahit ako’y isang mayamang binata, kilala sa aming bayan, iniwan ko ang malalawak kong
lupain, iniwan ko ang marangyang buhay. Hinarap ko ang mabangis na gubat para lamang
makipamuhay sa ilalim ng aking dakilang Guro.

15
Lalabas ang GURO, isang matanda. Mayroon din siyang
isang asawa. Buntis ang asawa niya.

Magba-bow ang MONGHE sa GURO.

GURO
Dahil gusto mong matuto, tuturuan kita. Mabubuhay ka dito, kasama ng aking asawa. Kakainin
natin ang biyaya ng gubat, walang iba. Tahimik tayong mabubuhay, malayo sa gulo ng syudad.
Doo kasi, maraming ingay. Maraming nagliliparan, maraming nagpapatayan, maraming
nagsisigawan, hindi nakikinig sa bawat isa. Dito’y mapagiisipan natin ang lahat, kahit tayo’y
simple laman kung mamuhay. Bukod pa riyan, ituturo ko sa iyo ang mga iba’t ibang orasyon,
iba’t ibang kapangyarihan na puwed mong gamitin para sa kaligtasan mo at kaligtasan ng iba.
Makikita mo ang mga bagay na di nila naririnig!

MONGHE
At itinuro nga niya sa akin ang mga iyon!

Isang sayaw na susundan ng MONGHE habang ginagawa


ng GURO. Ito ang sayaw ng pagbibigay ng kapangyarihang
occult. Lahat ng ito’y sa isang sayaw.

GURO
Ngayong may alam ka na, ako naman ang hihingi ng tulong sa iyo.

MONGHE
Ano ho iyon?

GURO
Ako’y maglalakbay, patungo sa Banal na Ilog, Yun ang aking panata isang beses kada taon.
Malapit na ang araw kung saan lahat ng mga Philosopher, Monghe, at iba pang mga banal na tao
ay magkikita-kita sa Banal na Ilog na iyon.

MONGHE
Ano hong maitutulong ko?

GURO

16
Kung hindi lamang buntis ang asawa ko, maisasama ko siya sa paglalakbay. Pero sa maniwala
ka’t hindi, ngayon lag kami pinagpalang magkaroon ng isang anak. At hindi ko mapapayagang
malagay siya sa peligro. Kaya ako tutungo sa Banal na Ilog ay para magpasalamat. Puwede mo
ba siyang bantayan habang ako’y naglalakbay? Yung asawa ng kapitbahay ko’y handang
tumulong sa kanyang labor. Magaling na kumadron yun.

MONGHE
Aba, opo!

GURO
Hay, salamat. Hamo’t pasasalubungan kita.

MONGHE
Ako na ho’ng bahala rito.

GURO
(Sa Asawa)
O, mag-ingat ka. Huwag kang masyadong magtatrabaho. Matuto kang magpahinga.

ASAWA
Gusto ko nang matamis!

GURO
Sige.

Aalis ang GURO.

MONGHE
At wala pang dalawang araw…

ASAWA
Araaaay! Sumasakit na ang tiyan ko, ngayon na yata ako manganganak.

Papasok ang KUMADRONANG kapitabahay ng GURO.

KUMADRONA
Oy! Aura! Nasisilip ko mula sa amin, namimilipit ka na! Doon tayo sa loob at nang madali ang
pagsilang ng bata. At ikaw naman, magbantay ka riyan at huwag kang magpapapasok ng kahit na
sino!

17
MONGHE
Opo!
(Sa audience)
Pero dahil sa itinuro sa akin ng aking Guro, marami akong nakikita na hindi dapat makita ng
ordinaryong tao. At isa na rito…

May papasok na isang matandang nagmamadali. May


hawak-hawak na stylus. Madadapa-dapa pa ito.

BRAHMA
Nakum ilan ngayon ang isisisilang? Tsk, tsk, tsk. Ke rami. Naman. Aba, naku! Sumosobra na
kayo! Anak na lang kayo ng anak. Matuto naman sanang magplano ng pamilya ang mga tao sa
mundo! Kawawa naman ang mga bata. Hayy! Nakakapagod din itong trabaho ko ‘no? Hindi
naman puwedeng… Paano na lang kung… Isipin ko lang ay gusto ko nang himatayin. Aaaaahh!

MONGHE
Sino ka at bakit ka nang-iistorbo rito?

BRAHMA
Sino ka?

MONGHE
At ikaw sino ka? Trespassing ka na!

BRAHMA
Ba’t nakikita mo ako?

MONGHE
At bakit naman hindi?

BRAHMA
Naku, there’s something wrong here. Hindi mo ako dapat makita. At saka makikita mo rin lang
ako, hindi pa ako naka-costume. Nakita mo tuloy ang anyo ko pag hindi nakabihis properly.
HIndi ko pa dala ang tatlo kong ulo.

MONGHE
Huwag niyong sabihing…

18
BRAHMA
(biglang magbabago ng posture, that of a God.)
Oo! Ako si Brahma.

Sound of sitar and tabla. Mapapaluhod at mapapayuko ang


MONGHE.

ASAWA (V.O.)
Araaaaay ko! Lalabas na nga.

KUMADRONA (V.O.)
Sige! Umire ka! Kumare! Sige!

BRAHMA
Malapit na siyang manganak. Kailangan kong maiukit ang kapalaran ng batang isisilang!

MONGHE
Sandali! Mahabaging Brahma! Papayagan ko kayong pumasok kung sasabihin niyo sa akin kung
ano ang magiging kapalaran ng bata. Siya po ang panganay ng aking guro. At gusto kong tiyakin
na ang magiging kapalaran niya’y hindi magiging masama. Sana po ay pagpalain ang kanyang
mga anak.

BRAHMA
Nakakaiyak man ang kuwento mo ay wala akong magagawa. Hindi ko rin alam kung ano ang
isusulat ng mahiwaga kong stylus. Sa bawat batang isinisilang sa mundo, itinatapat ko ang aking
mahiwagang stylus sa kanilang mga noo. Kusang isinusulat ng stylus na ito ang kanyang
kapalaran ayon sa naging nakaraang buhay niya.

KUMADRONA (V.O.)
Ayan, nakikita ko na ang ulo ng bata!

BRAHMA
Paraan at kailangan ko nang pumasok!

Hahawakan ng MONGHE ang kamay ni BRAHMA para


pigilin.

MONGHE

19
Kung ganoon ay ipangako niyo sa akin, na paglabas niyo’y sasabihin niyo sa akin ang kanyang
magiging kapalaran.

BRAHMA
Siya sige!

MONGHE
Peks man!

BRAHMA
Cross my heart! Hope to die! Tabi!

Papasok si BRAHMA. Maririnig ang iyak ng sanggol.


Lalabas ang KUMADRONA.

KUMADRONA
Lalaki!

Palabas na rin si BRAHMA.

BRAHMA
Hay! Akala ko’y mahuhuli na ako.

Muling sisigaw ang ASAWA ng GURO. Magugulat ang


KUMADRONA at si BRAHMA.

BRAHMA AT KUMADRONA
Meron pang isa?

Muling babalik sina BRAHMA at ang KUMADRONA sa


loob.

Naghihintay ang MONGHE. Maririnig uli ang iyak ng


isang sanggol.

Lalabas ang KUMADRONA. Pagod na pagod at


nagmamadaling umalis.

KUMADRONA

20
Babae! Kambal! Kambal ang anak ng iyong guro! Sige, uuwi na muna ako. Napagod ako!

MONGHE
Kambal!

Lalabas si BRAHMA.

BRAHMA
Mag-family planning na kayoooo! Dumadami na ang bilang ng tao!

MONGHE
Makapangyarihang Brahma!

BRAHMA
O, bakit?

MONGHE
Ang pangako niyo!

BRAHMA
Ano’ng pangako?

MONGHE
Na sasabihin niyo ang kapalaran ng mga anak ng aking guro.

BRAHMA
Nangako ba ako?

MONGHE
Ay, naku, Mang Brahma, saksi ko ang mga nanonood ng mga batang iyan. Pag hindi ninyo
sinabi sa akin, hindi ko kayo papayagang makaalis. At tiyak akong kailangan niyo pang pumunta
sa susunod na panganganak.

BRAHMA
(after a thought)
Sige na nga. Pero, huwag na huwag mong sasabihin sa iba ang impormasyong ito. Dahil kung
hindi sasabog ang ulo mo! Iyan ang kapalit ng lihim na ibubunyag mo. Naiintindihan mo?

MONGHE

21
Opo.

BRAHMA
At sinasabi ko sa iyo, mahirap ilihim ang bagay na ito, mabuti man o masama ang balita.

MONGHE
Ililihim ko po.

BRAHMA
(iiling-iling)
Masama ang balita.

MONGHE
Po?

BRAHMA
Kawawang mga bata. Ang lalaki’y magiging pobre. Ang tanging ikabubuhay niya’y isang baka
at isang kabang bigas, walang labis, walaang kulang.

MONGHE
Hindi maari!

BRAHMA
At ang babae’y magiging…
(iiling-iling)
Bayarang babae sa gabi. ISang kalapating mababa ang lipad. Dahil sa sobra niyang hirap,
mapipilitan siyang ibena ang sarili niyang katawan.

MONGHE
Hindi puwedeng mangyari iyan!

BRAHMA
Yan ang inukit ng kapalaran. Wala tayong magagawa.

MONGHE
Mahabaging Brahma! Maawa kayo! Mabuting tao ang aking guro. Hindi niya gugustuhing
mangyari ito sa kanyang mga anak. Nakikiusap ako, baguhin niyo ang inukit sa noo!

BRAHMA

22
Hindi ko magagawa iyun! Yan ang kanilang Karma. At ang karma ay isang batas na hindi ko
puwedeng baguhin.
(assumes a Godly pose bago niya sabihin ang linyang susunod)
Ang batas ay batas!

MONGHE
Siguradong may paraan para naman mabagao ang kapalarang iyan.

BRAHMA
Walang ibang paraan. At ikaw, dahil alam mo na ang kanilang magiging kalagayan, ang siyang
magdurusa. Dahil hindi mo ito maaaring sabihin kaninuman. Kahit na sa ama ng mga batang
iyan. Pag sinuway mo ang sabi ko, sasabog ang ulo mo! Aalis na ako. May manganganak na
naman sa kabilang bundok. Ay talaga naman, oo. Nang likhain ko ang tao, hindi ko akalaing para
silang kuneho. Anak dito, anak doon, ang dami-dami na niyooooo!

Aalis si BRAHMA.

MONGHE
Nilihim ko ang aking nalalaman nang mabigat sa puso. At nagpasya akong maglakbay para
hanapin ang kalutasan sa nakatakdang kapalaran. HIndi ako naniniwalang walang paraan para
baguhin ang kapalaran ng mga bata. Kaya’t nagtungo ako kung saan-saang lugar. Umabot ako sa
China, Japan. Nag-aral ako ng maraming mga bagay. Natuto akong magpagaling ng may sakit,
basahon ang hinaharap, at kung anu-ano pang kapangyarihan. Hinanap ko ang solusyon sa
problema. At saka ako nagpasyang bumalik.

Sound of Sitar.

MONGHE
Pero nang ako’y bumalik, patay na ang matanda kong guro at ang kanyang asawa. Hinanap ko
ang kanilang mga anak. At natagpuan ko ang lalaki, si Kailash.

KAILASH
(may hila-hilang baka)
Tsk, tsk, tsk. Maghapong nagtatrabaho. Ang resulta, isang kabang bigas, na kailangang
pagkasiyahin sa buong taon. Hay, buhay!

MONGHE
Kailash?

23
KAILASH
Sino iyan?

MONGHE
Hindi mo na ba ako nakikilala?

KAILASH
Sino po kayo?

MONGHE
Ako ang tinuruan ng iyong matalinong ama, Isa rin akong Philosopher na tulad niya.

KAILASH
Pare-pareho na lang po tayong pobre. Pasok tayo. Maliit man ang bahay ko, ay bukas ang pinto
sa inyo. Deva! May bisita tayo.

Papasok si DEVA, may dalang inumin.

MONGHE
Hindi ako nagkamali. Isa ka ngang mabuting tao. Sino’ng matinong Diyoos ang magbibigay ng
ganitong kapalaran sa iyo?

KAILASH
Siguro ay pinagbabayaran ko po ang mga naging kasalanan ko noong nakaraang buhay.

MONGHE
Imposible. Kailash, makinig ka. Sundin mo ang lahat ng sasabihin ko sa iyo. May paraan para
isahan ang iyong kapalaran.

KAILASH
Ano’ng ibig niyong sabihin?

MONGHE
Bukas, pagkagising mo, ibenta mo ang iyong alagang baka at ang kaban ng bigas na iyong inani.
Huwag kang mag-atubili. At sa perang kikitain mo’y bilhin mo ang lahat ng kailangan mo para
sa isang magarbong handaan. Para sa iyo at sa iyong pamilya. Kailangan ubusin rin niyo ito
bukas. Huwag kayong magtatabi, huwag kayong magtitira. At pag may pera ka pang nalalabi.
Ilimos mo sa mga pulubi at regaluhan niyo ang nangangailangan. Pag ito’y sinunod mo, tinitiyak

24
ko, hindi ka magsisisi. Ako ang disipulo ng iyong ama at sinasabi ko ito sa iyo para sa iyong
kapakanan.

KAILASH
Ano? Ang sako ng bigas na iyan ay titipirin namin hanggang sa susunod na anihan. Pag binenta
ko iyan, at kinain namin lahat bukas, gugutumin ang buong pamilya ko. Para ko na rin silang
pinatay ngayon.

DEVA
Kailash, mukha naman malalim ang pang-unawa ng matanda. Tulad ng inyong ama, marami rin
siguro siyang nalalamang lihim. Sundin natin ang kanyang payo kahit isang araw lang. Ano’ng
malay mo?

KAILASH
Kapag may masamang mangyari sa amin, sasagutin mo’ng lahat ng gagastusin ko.

MONGHE
Magtiwala ka.
(sa audience)
At kinabukkasan nga’y binenta ni Kailash ang kanyang baka at nag-iisang kaban ng bigas.
BUmili sila ng maraming-maraming pagkain. At nagpakabusog maghapon. Ang natira’y ibinigay
nila sa mga pulubi. At nuong gabing iyon ay nagkasayahan sila.

Isang sayaw ni DEVA. Nanonood lamang ang MONGHE.


Si KAILASH ay nasa labas.

KAILASH
Tinamaan ng lintek. Ano’ng kakainin namin bukas? Mamumulubi na rin kami tulad ng iba.

DEVA
Kailash, halika, sumayaw tayo.

KAILASH
Marami akong iniisip.

DEVA
Hindi mo ba narinig ang payo ng matanda? Huwag kang mag-isip ng masama. Bukas pa darating
ang bukas. Sa ngayon, maging maligaya tayo.

25
Sasayaw sila sa tugtog ng sitra at tabla. Pabilis ng pabilis
hanggang dagling matapos. Maaring ang music na
gagagmitin ay yung napapanood natin sa Indian Musicale
channel.

Babagsak ang mag-asawa. Nakapalibot ang mga pulubi.


Nananaginip si KAILASH.

MGA PULUBI
Ang kapalaran mo ay kailangan tuparin.
Ang nakaukit sa iyong noo
Ay kailangan mangyari,
Anuman ang balakid,
Yun ang mananaig.
Hindi maaaring baguhin ang kapalaran.
Hindi maaring baguhin ang kapalaran.

Titilaok ang manok. Magigising si KAILASH at si DEVA.

KAILASH
Panaginip lang kaya lahat ng nangyari?

Ililibot ni KAILASH ang kanyang mga mata.

MONGHE
Sige, Kailash, pagmasdan mo ang iyong maliit na bahay. Nagbago ba ang iyong kapalaran?

DEVA
Kailash! Ang sako ng bigas, nariyan pa!

KAILASH
At ang baka, naroon sa labas!

MONGHE
Ibenta nyong muli at magpakasaya. Basta’t huwag kayong magtitira, kahit na isang kusing.
Tuparin ang inyong kapalaran.

KAILASH
Ibig sabihin…

26
MONGHE
Ibenta niyo ang baka’t bigas, ubusin niyong lahat sa pagkain at limos. At tiyak na bukas, may
naghihintay na kaban at baka sa inyong bakuran.

KAILASH
Maraming salamat, manong! Maraming salamat.

MONGHE
Ngayon, gusto kong malaman kung nasa ang kapatid mo.

KAILASH
Ayaw ko siyang makita. Isa siyang maruming babae.

MONGHE
Kakambal mo siya!

KAILASH
Pero nagpakababa na siya nang husto, manong. Hindi ko na siya kayang makita pa. Doon,
malayo sa bayan siya nakatira. Pinupuntahan ng kung-sinu-sinong lalaki.

MONGHE
Ituro mo sa akin at pupuntahan ko.
Lalabas si KAJEL, isang magandang babae, nakasari. May
isang lalaking papalabas at babayaran siya.

MONGHE
Kajel?

KAJEL
Sino ka? Bago ka rito?

MONGHE
Ako ang estudyante ng iyong ama noong kayo ay sinilang ni Kailash.

KAJEL
Anong kailangan mo?

MONGHE

27
Ikaw.

KAJEL
(ngingiti)
Baka bumangon ang tatay ko sa hukay at batukan kayo, manong. Pero kung yang ang gusto mo,
sige. Mura lang naman ako.

MONGHE
Hindi yun ang ibig kong sabihin.

KAJEL
E, ano?

MONGHE
Gusto kitang tulungan dahil naging mabait sa aking ang tatay mo.

KAJEL
(yuyuko)
Para ano? Para hiyain lang ako. Kung yung kapatid ko, tinakwil ako. NAgtataka nga ako’t hindi
pa ako kinikidlatan sa kinatatayuan ko. Kaya ko lang nama nagawa ito dahil sa sobrang
kahirapan ko.

MONGHE
Makinig ka. Sundin mo ang lahat ng sasabihin ko at hindi ka magsisisi.

KAJEL
Ano’ng ibig mong sabihin?

MONGHE
Mula ngayon, sabihin mo na nagtaas ka na ng presyo. Papayag ka lamang sumiping sa sinumang
makapagbabayad ng isang bayong ng perlas.

KAJEL
Ay, tanda! Wala namang ganyan kayaman sa bayang ito. Sino pa ang magiging kliyente ko?

MONGHE
Basta, magtiwala ka.

KAJEL

28
(mag-iisip sandali)
Kung hindi lang ako namumuhi sa sarili kong buhay… Isang gabi. Ngayong gabi lang.

MONGHE
Oo.

Isang tugtog. Papasok ang isang lalaki.

LALAKI 1
Ano? Isang bayong ng perlas? Aba! E hindi ka na dalaga, a! Masyado ka namang magtaas ng
presyo!

Papasok pa ang isang lalaki.

LALAKI 2
What? Ang kapal naman ng mukha mo! Kung hindi ka pa nagpalimos sa akin noon hindi kita
pagtitiyagaan! Magutom ka!

At isa pa.

LALAKI 3
Laos ka na, ngayon ka pa magtataas! Diyan ka na. Doon na lang kami sa kabilang bayan
maghahanap ng iba!

KAJEL
Naku! Paano ako kakain bukas. Yung kakaunti kong kliyente, ayaw na sa akin. Ano ba’ng
pumasok sa isip ko’t sinunod ko yung matandang iyun? Ngayon, talagang hindi na sila babalik.
Ano’ng kakainin ko bukas?

MONGHE
Ang kapalaran mo ay kailangan tuparin.
Ang nakaukit sa iyong noo
Ay kailangan mangyari,
Anuman ang balakid, yun ang mananaig.
Hindi maaaring baguhin ang kapalaran.
Hindi maaring baguhin ang kapalaran.

Lalabas si BRAHMA. Hapoong-hapo, may dalang isang


bayong ng perlas.

29
BRAHMA
Aaaaaah! Ang bigat! Ano itong ginawa mo sa akin? Kailangan kong tuparin ang kanilang mga
kapalaran. Yung ang inukit sa kanilang mga noo. Kapag hindi nangyari iyun, laking gulo sa
daigdig.

MONGHE
Ang batas ay batas!

BRAHMA
Waaah! Ang bigat nitong kaban ng perlas. Ako tuloy ang kailangan sumiping sa kanyang tabi.

MONGHE
E, di mabuti, ang magiging asawa ni Kajel ay isang makapangyarihang Diyos! Tandaan mo ang
sinabi mo, ang batas ay batas!

Kakatok si BRAHMA kay KAJEL.

BRAHMA
Tao po!

KAJEL
Ano iyun?

BRAHMA
Eto ang perlas! Wala nang iba pang darating dito gabi-gabi kundi ako. Dahil ako lang ang may
kayang magbigay sa iyo niyan.

KAJEL
Sino ka?

BRAHMA
(assumes a pose)
Ako ang Diyos na makapangyarihang si Brahma!

Mapapayuko si KAJEL. Itatayo siya ni BRAHMA.

BRAHMA
Magmula ngayon, wala ka nang sisipingan kundi ako at ako lamang. Ito ang iyong kapalaran.

30
MONGHE
Hep, hep, hep! Makapangyarihang Brahma!

BRAHMA
Ano iyun?

MONGHE
Huwag mong kalilimutan bukas!

BRAHMA
Ang alin na naman?

MONGHE
Ang baka at bigas ni Kailash!

BRAHMA
Haaaa!

Aalis si BRAHMA, patungo sa bahay ni KAJEL. Ngingiti


si KAJEL.

KAJEL
Maraming salamat.

MONGHE
Walang anuman. At kayong mga bata! Kung sa palagay niyo’y ang kapalaran niyo’y hindi niyo
gusto, may paraan para ito’y mapabuti ninyo.

Sound of sitar and table. Magsasayaw ang MONGHE.

Magpapahinga. May bababang isang mahiwagang balde


mula sa langit. Titigil ang lahat. Mamamangha ang
MONGHE.

MONGHE
Saan naman nanggaling ang baldeng ito?

Papasok si YOON, Siya’y nagmamadali.

31
YOON
Paraan! Paraan! Ito na ang mahwagang balde!

MONGHE
Mahiwagang balde?

YOON
Ang baldeng magdadala sa akin sa aking asawa.

MONGHE
May magic balde na nagbibigay ng asawa?

YOON
Ang asawang matagal ko nang hinihintay na muling makita!

IKATLONG KUWENTO: ANG ASAWA NI YOON AY ISANG DIWATA

Isang malakas na tunog ng Korean gong.

YOON
Tatlo sila noong bumaba mula sa langit. Itinuro sa akin ng isang kaibigang usa na tinulungan ko
minsan. Ang sabi niya,

USA (V.O.)
Maghintay ka sa tapat ng maliit na batis sa gitna ng gubat. At doon makikita mo ang tatlong
magkakapatid na diwatang bumababa mula sa langit para maligo sa batis. Itago mo ang
karamitan ng isa sa kanila at di na siya makakalipad pang muli. Siya ang iyong magiging asawa.

YOON
Ganoon?

USA (V.O.)
Huwag na huwag mong ibabalik sa kanya ang mga damit na iyon kundi’y makakbalik siya sa
kanilang bahay sa langit at di mo na siya makikita pa!

YOON
Ganoon talaga?

32
USA (V.O.)
Ayaw mong maniwala? Diyan ka na.

YOON
Ang akala ko, hindi yun totoo. Pero sabi ko, wala naman akong gagawin mamayang gabi kaya
sinubukan ko na rin. Kung wala mang diwata doon, e di ako na lang ang maliligo

Mag-aakmang maghuhubad nang biglang: Korean music.

YOON
Ano yun?

Papasok ang mga KOREAN SISTERS. Tatlo silang


sasayaw sa gitna. Huhubarin nila ang kanilang mga damit
at ang matitira na lamang ay ang mga kamison.

Magtatakip ng mata si YOON.

Isang swimming dance ang kanilang gagawain. May isang


telon na plastic na bababa upang ipahiwatig na sila ay nasa
tubig.

YOON
Magkakamukha silang lahat! Parang mga pinagtiyap na kawayan! Sino sa kanila ang pipiliin ko?
Bahala na. NArito ang damit ng isa. Kulay asul! Eto ang isa, kulay pula! Eto naman, kulay
dilaw! Ano ba ang mas maganda? Eto na lang.

Itatago ni YOON ang damit ng isang diwata sa loob ng


kanyang sisidlan. At saka aalis.

Tutunog ang gong. Matitigilan ang mga KOREAN


SISTERS.

KOREAN SISTER 1
Halina kayo! Hinihintay na tayo sa atin! Baka masarhan tayo ng gate ng langit.

KOREAN SISTER 2
Halika na, Kim! Baka maabutan tayo ng bukang-liwayway.

33
Magbibihis sila. Pero hindi makita ni KIM ang kanyang
kasuotan.

KIM
Nasaan ang damit ko?

KOREAN SISTERS
Ha?

KIM
Nawawala ang damit ko!

KOREAN SISTER 1
Hindi puwede yun. Sabay-sabay nating inilagay dito yun.

KIM
Itinabi ko nga lang sa mga damit niyo.
KOREAN SISTER 2
Baka naman nilipad ng hangin.

Maglalakad si KIM at hahanapin ang kanyang damit.

KIM
Nasaan ang damit ko?

Maririnig muli ang Korean gong.

KOREAN SISTER 1
Naku, tinatawag na tayo. MAgsasara na ng gate ng langit! Mauuna na kami. Tiyak akong nariyan
lang iyan. Baka naman dinampot ng isang usa. Pag nahanap mo, isuot mo lang at makakalipad ka
na uli. Sumunod ka na lang.

KIM
Huwag niyo akong iiwan!

KOREAN SISTER 2
E, kesa naman tatlo tayong maiwan dito, mas delikado iyun!

KIM

34
Natatakot ako.

KOREAN SISTER 1
Huwag kang mag-alala, bukas makikita mo na’ng damit mo. Makakalipad ka na uli. Samantala,
doon ka muna sa loob ng kuweba.

KIM
Ate! Ditse! Huwag niyo akong iiwan! Natatakot ako!

Hindi na siya maririnig ng mga kapatid niya.

Iiyak si KIM. Papasok naman si YOON. Maririnig ito ni


KIM, magtatago siya sa hiya.

YOON
Huwag kang matakot!

KIM
Sino ka?

YOON
Huwag kang matakot!

KIM
Umalis ka rito!

YOON
Hindi kita pababayaan.

KIM
Ano’ng sinasabi mo?

YOON
NAmangha ako nang husto sa iyong kagandahan. Hindi ko natiis na kunin ko’ng damit mo.

KIM
Saan mo nilagay ang damit ko?

YOON

35
Ito muna’ng isuot mo.

Iaalok ni YOON kay KIM ang isang karamitang ordinaryo.


Isusuot naman ito ni KIM at haharapin si YOON.

KIM
Ibalik mo’ng damit ko. Hindi ako makakauwi sa amin kapag hindi ko naisuot iyun.

YOON
PAtawarin mo ako. Pero hindi ko magagawa iyun.

KIM
Bakit hindi?

YOON
Dahil, na-in-love na ako nang husto sa iyo.

KIM
Ano?

YOON
Yun ang totoo.

KIM
HIndi tayo pwede sa isa’t isa.

YOON
At bakit hindi?

KIM
Ordinaryong tao ka, ako’y diwata. Di pwede yun.

YOON
Pero hangga’t hindi mo suot ang iyong damit, mananatili kang tao, hindi ba?

KIM
Ba’t ako ang napili mo? Maawa ka na sa akin.

YOON

36
Ako ang iyong kaawaan. Nang makita kita, hindi na ako napakali. Ang sabi ko’y ito ang gusto
kong maging asawa at kasama sa buhay magpakailanman.

KIM
Naduduling ka lang.

YOON
Kahit bulagin mo pa ako.

KIM
HInihintay ako sa amin.

YOON
Hinihintay ko rin ang sagot mo.

KIM
Hindi mo pa nga ako lubusang nakikilala…

YOON
Tapat akong magmahal, Kim. Maniwala ka sana.

AWIT NI YOON AT KIM

YOON
Hindi ko maipaliwanag
Ang marahas kong pag-ibig
Ako’y nananalig
Na sana’y sa paglaon
Ako’y iyong mamahalin.

KIM
Mapapatawad ko ba
Ang marahas mong pag-ibig?
Ako’y natatakot
Na sa paglipas ng panahon
Magsasawa ka rin.
Ako’y binihag mo.

YOON

37
Ikaw ang bumihag sa ‘kin.

KIM
Walang ibang magagawa
Kundi ika’y sundin.
Baka nga tama ka
Baka nga sa paglao’y
Matuto kang mahalin.

YOON
Walang ibang tinitibok
Ang kabog ng puso ko
Isang pagkakataon lang
Ang hinihiling ko sa iyo.
Kung sa paglipas ng panahon
Ay di mo kaya akong ibigin
Ay ibabalik kita sa kaharian mong
Langit.

KIM
Tingnan nga natin kung paano
Umibig ang isang tao?

YOON
Subukan mo’t ako’y iyo.

KIM
Teritoryo mo kasi ito.

YOON
Hindi sa ganoon.

KIM
Kahit ano, payag na ako.
Dahil
Wala na akong magagawa
Kundi ika’y sundin.
Taglay mo’ng kalayaan ko.
Ganyan ang asaw ng mga tao sa mundo.

38
YOON
Mahal kita, Kim.

KIM
Turuan mo akong mahalin ka, Yoon.
(titingin sa langit)
Babay, mga kapatid. Babay, kalangitan.

Magsisimula ng Sayaw ng Gawaing Bahay si KIM, sa


segue ng tugtog ng Korean Music.

YOON
Nagdaan ang ilang taon at napatunayan ko sa iyo, Kim. Na mahal kitang talaga. Ikaw at ang
ating dalawang anak.

KIM
Natuto na rin kitang mahalin, Yoon. Pero tuwing tumitingala ako sa langit, naaalala ko ang aking
mga kapatid. Tuwing kakain tayo ng pagkaing tao, hindi pa rin ako sanay. Tuwing nagpupunta
ako sa bayan, nalilito pa rin ako sa mga daan. Hindi pa rin ako sanay maging tao sa mundo niyo.
Yoon,

YOON
Kim?

KIM
Miss na miss ko ang langit.

YOON
Talaga bang hindi kita lubusang mapapaligaya?

KIM
Yoon. Maligaya ako sa piling mo. Pero tuwing natutulog ako, lagi kong napapanaginipa ang mga
kapatid ko. Lahat sila’y masaya doon sa itaas. At tinatawag nila ako.

Ang mga KOREAN SISTERS ay nasa likod, nagsasayaw.

KOREAN SISTERS
Kim! Kim!

39
Halika na, Kim!
Palubog na ang buwan.
Naghahari’ng kadiliman.
Kim! Kim!
Dalian mo, Kim!
Masaya’ng kalangitan
Pag narito ka, Kim!

KIM
Yoon, maari ko bang makita man lang ang damit ko? Gusto ko lang siyang mahawakan uli. Ang
tagal ko na ring hindi iyun nakikita. Kahit man lang sa damit ko sila maalala.

YOON
Kim…
(bungtunghininga)

Kukunin ni YOON ang damit. Maluluha si KIM. Kukunin


niya ito at hahaplusin.

KOREAN SISTERS
Kim! Kim!
Lipad ka na, Kim!
Ano pa’ng hinihintay
Diyan sa lupa’ng marumi?
Kim! Kim!
Isang talon, Kim!
Kami ay nag-aabang
Sa iyong pagdating!

KIM
Mga kapatid ko! Mahal ko ang pamilya ko.

KOREAN SISTERS
Dalhin mo lamang ang iyong madadala.

YOON
Kung ako’y talagang mahal mo, hindi mo ako iiwan.

KIM

40
Hindi mo alam ang nararamdaman ng malayo sa tahanan.

KOREAN SISTERS
Ang iyong mga anak, kaya mo silang kargahin.

YOON
Kim, mahal ka namin ng ating mga anak.

KIM
Kung kaya’t di ko sila kayang iwa.

Isusuot ni KIM ang damit.

KIM
Ganito ako noon! Tingnan mo! Ganito ako nang ako’y iyong makita noon!

YOON
Hubarin mo na’t…

KOREAN SISTERS
Kim! Kim!
Pagkakataon na, Kim!
Sa isang iglap na lang
Ay ililipad ka na
Ng damit mong mahiwaga!

KIM
Yoon…

YOON
Kim…

KIM
Patawad!

BIglang kukunin ni KIM ang kanyang dalawang sanggol at


lilipad sa himpapawid.

YOON

41
Kim! Kim! HUwag mo akong iiwan!

KIM
Patawarin mo ako, tulad ng pagpapatawad ko sa iyo noon, Yoon!

YOON
Kim! Ano’ng gagawin ko? Naglaho ang buong pamilya ko. Usa! Kaibigang usa! Tulungan mo
ako!

USA (V.O.)
Hindi mo sinunod ang payo ko. Ang sabi ko’y huwag mong ibibigay sa kanya ang damit.

YOON
Pero naawa ako sa kanya. Aaay! Paano ko siya makikitang muli.

USA (V.O.)
May isa pang paraan. Naaalala mo ba yung batis sa gitna ng gubat?

YOON

Paano ko makakalimutan…

USA (V.O.)
Tama na ang sentimyento. Makinig ka. Magpunta ka doon, tulad ng dati, pagsikat ng buwan.
May bababang ginintuang balde galing sa kalangitan.

YOON
Ginintuang balde?

USA (V.O.)
Ginintuang balde. Magmula kasi nang mahuli mo si Kim, ayaw nang maligo ng mga diwata sa
batis. Nagsasalok na lang sila ng tubig sa pamamagitan ng ginintuang balde.

YOON
Ganoon?

USA (V.O.)
Ganoon. Kaya antayin mo ang baldeng yun at doon ka sumakay. Dadalhin ka noon sa tahanan ng
iyong asawa’t mga anak.

42
YOON
Kaya eto ako ngayon, tyinetyempuhan ang magic balde. Ayan na, paparating, kailangan kong
sakyan!

Bababa ang isang malaking ginintuang balde. Papasok si


YOON at muli itong aakyat pataas sa langit.

KOREAN SISTERS
Ay! Ano’ng naisalok sa magic balde? Imbis na tubig, isang lalake!

KIM
Yoon! Ang asawa ko!

YOON
Kim!

Magyayakapan ang dalawa.


KOREAN SISTERS
Ngayon naman iyong tikman
Ang buhay sa ibang daigdig.
Ngayon ikaw ang tatanaw
Sa dati mong kinagisnan.

Pero matagal pang mangyayari iyan. Magsaya ka muna’t kalimutan ang iniwan mong tahanan.

Sayaw ng mga KOREAN SISTERS, kasama si KIM.


Paikot-ikot, may isang diwatang papasok na pasayaw na
ibabalot ang buong entablado ng malambot na telang
hinihipan ng hangin.

Magpapahiwatig ito ng paglipas ng panahon. Magiging


malungkot si Yoon. Matatagpuan ni KIM si YOON na
laging nakatanaw sa ibaba.

KIM
Ngayon, alam mo na ang nararamdaman ko noon.

YOON

43
Masaya naman ako rito. Kanya lang, innaalala ko lang ang iniwan kong ina. Kumusta na kaya
siya?

KIM
Gusto mong bumisita?

YOON
Kahit isang beses lang. Ni hindi ako nakapagpaalam sa kanila.

KIM
Sakyan mo ang diwatang kabayo. Bumaba ka sa mundo niyo, at bisitahin ang iyong mga
magulang. Pero huwag na huwag kang bababa sa lupa. Oras na umapak ang paa mo sa lupa’y
hindi ka na makakabalik dito.

YOON
Tatandaan ko.

Tutugtog muli ang Korean Music. May mga gongs na


pinatutunog ang mga KOREAN SISTERS

KOREAN SISTERS
Huwag mong kalilimutan
Ang pinayo ng iyong asawa.
Kung nais mo pang makita
Ang mahal mong pamilya!

Sasakyan ni YOON ang mahiwagang kabayo. Hanggang


makabalik siya sa kanyang ina.

YOON
Inay!

INA
Anak! Ang tagal mong nawala!

YOON
NAgbalik lang ako para magpaalam, Inay. At dahil gusto ko lang kayong makita kahit sandali
lang. Doon na ako nakatira kapiling ng mga diwata ng ikalawang daigdig. Sa langit.

44
INA
Siguradong wala doon ang paborito mong kinakain.

YOON
Kung minsan nga’y walang lasa ang kanilang kinakain doon, e.

INA
Eto! Mayroon akong nilutong paborito mong sopas. Halika muna’t maupo ka rito.

YOON
Hindi maaari, Inay. Hindi dapat umapak ang paa ko sa lupa kung gusto ko pang makabalik sa
asawa’t mga anak ko.

INA
E, kung ganoon, ay eto, kainin mo na’t habang mainit pa.

Kukunin ni YOON ang bowl of soup subalit napakainit


nito. Titilapon ang sopas sa KABAYO na siya namang
mapapatayo sa sakit!

Babagsak si YOON sa lupa. Kakaripas ang KABAYO


paakyat ng langit. Gong sounds.

KIM
Yoon! Ano’ng ginawa mo?

KOREAN SISTERS
Habambuhay ka nang mawawalay sa sarili mong asawa’t mga anak.

YOON
Kim! Tulungan mo ako!

KOREAN SISTERS
Anong kapalaran! Anong kamalasan!
Ang nagmamahalan! Naghiwalay magpakailanman!

Magdidilim ang entablado. Lalabas ang buwant at bituin.

YOON

45
Kim! Kahit ako’y narito sa lupa, lagi kitang tatanawin. Makita ko lamang ang liwanag mo’y
masaya na ako! Subali’t tuwing mag-uumaga ang liwanag mo’y nawawala. Kung kaya’t ako’y
napapaiyak tuwing sisikat ang araw.
(Sa audience)
At araw-araw any iyak kong ito’y naririnig niyo. Pakinggan niyo ang iyak ko tuwing naglalaho
sa paningin ko ang buwat at mga bituin.

Titilaok si YOON. Patuloy ang pagtilaok hanggang ito’y


magliwanag.

Lalabas ang TAUMBAYAN, Sila’y nakasuot ng costume


ng sinaunang Biyetnam.

Lalabas ang mapa ng Indotsina. Makukumpleto ang buong


mapa ng Asya (mula India hanggang Japan)

IKAAPAT NA KUWENTO: SAKSI ANG LANGAW!

Nag-uusap-usapan ang mga TAUMBAYAN tungkol sa


pagdating ng MANDARIN sa kanilang bayan.

TAUMBAYAN 1
Laking gulo! Napakalaking gulo!

TAUMBAYAN 2
Nasasakdal sina Mang Da Trang at Aling Tu Nhi Kanh.

TAUMBAYAN 3
Naku, at bakit daw?

TAUMBAYAN 4
Dahil hindi nagbabayad ng uutang nila kay Tring Qui, ang pinakamayaman panginoon dito sa
bayan.

TAUMBAYAN 3
E bakit? Wala silang pera?

TAUMBAYAN 2
Ay, naku, hindi! Ayaw magbayad!

46
TAUMBAYAN 1
Biruin mo! Ang tapang ng mag-anak na iyon!

TAUMBAYAN 2
Kunsabagay, tuso at walang patawad magpautang yang si Trong Qui! Doble-doble ang interes
kaya’t hanggang ngayon, maski ako ay hindi ko matapos-tapos ang hinuhulugan kong utang
sampung taon na ang nakakaraan!

TAUMBAYAN 1
At dahil wala nang balak magbayad ang pobreng pamilya, naghabla na ang mayamang usurero.

TAUMBAYAN 3
E, ano’ng parusa?

TAUMBAYAN 4
Mabigat ang parusa sa mga ganyan! Kadalasan, sabay silang mag-asawa sa loob ng kulungan.

TAUMBAYAN 3
Lalong mamimihasa ang mayamang usurerong yun! Magbayad na kasi sila.

Papasok si CUOI. Ang batang saksi.

CUOI
Hindi puwede. Sinungaling si Manong Trong Qui! Nag-usap kami, mayroon pang saksi!

Papasok si TRONG QUI, ang mayamang usurero.

TRONG QUI
(galit)
Sabihin mo ang kasinungalingan mong iyan sa kagalang-galang nating Mandarin!

Tunog ng gong. Vietnamese music. Papasok ang mga


magulang ni CUOI na sina DA TRANG at TU NHI KANH
mula sa kanan. Papasok naman mula sa gitna ang
MANDARIN. Lahat ay yuyuko.

MANDARIN

47
Ang sarap-sarap ng tulog ko iniistorbo niyo. Pag hindi ako nasiyahan sa sasabihin niyo, humanda
kayo.

TRONG QUI
Kagalang-galang na panginoong Mandarin, sir. Ipagtanggol niyo po ako sa mga mangagantsong
iyan!

MANDARIN
Ikaw na naman? Ang dami-dami mo nang isinasakdal rito? Hindi ka pa ba nagsasawa? Tuwing
nagpupunta ka na lang dito, may hindi nagbabayad ng utang sa iyo.

TRONG QUI
Aba naman, ginoong Mandarin. E, sa iyan po ang aking trabaho. Ang mga hampaslupang ito na
kung mangutang noon ay sing-amo ng tupa ngayon ay sing tigas ng bato! Ayaw magbayad ng
utang!

MANDARIN
E, sa baka hindi makabayad!

TRONG QUI
Patatawarin ko pa sana yun, mahal kong Mandarin. Pero ang walanghiyang anak nilang iyan ay
nagsasabi ng kung-anu-anong kasinungalingan! Kaya ayaw na nilang magbayad kahit may
pambaya pa sila!

MANDARIN
Ano? Kakaiba ito! Sino’ng anak nila ang may sabi nito?

CUOI
Ako po!

MANDARIN
Ano’ng pangalan mo?

CUOI
Cuoi po.

MANDARIN
At ilang taon ka na?

48
CUOI
Siyam po.

MANDARIN
Tutoo ba’ng lahat ng ibinibintang ni Trong Qui sa iyo?

CUOI
Hindi po! Nagsisinungaling po siya.

MANDARIN
Mag-ingat-ingat ka. Sa dinami-dami ng inireklamo ni Trong Qui dito sa akin, wala pang hindi
nananalo sa kanyang mga akusasyon. Ano ang kwento mo?

CUOI
Siya pa nga ho ang nagsabing wala na kaming utang!

TRONG QUI
Sinungaling na bata! Sino’ng maniniwala sa iyo?

CUOI
Sumumpa ka sa langaw!

TRONG QUI
Ako ba’y talagang pinaglololoko mo?

MANDARIN
Ano’ng langaw? Ba’t may langaw?

DA TRANG
Cuoi, ikuwento mo nang buo!

Magbabago ang eksena habang nagsisimulang magkuwento


si CUOI.

CUOI
Tutoo nga pong may malaking utang ang mga magulang ko kay Trong Qui. Ang totoo po niyan,
hindi na po makapagbayad ang mga magulang ko dahil sa laki ng interes na ipinapatong niya sa
inutang namin.

49
TRONG QUI
Nakita mo na! E, di nagtapat ka rin!

CUOI
Sandali! Di pa ako tapos. At dahil hindi na po kami makapagbayad, kinailangan pong maghanap
ng dagdag na trabaho ang aking nanay at tatay. Pero kahit na po marami silang ibang ginagawa,
hindi pa rin sapat para bayaran ang mayamang usurerong iyan. Isang araw, balak po yatang ilitin
na ni Trong Qui ang lupa namin. Pero...

Tutulungan ng mga TAUMBAYAN na magpalit ng damit


si TRONG QUI. Maglalabas siya ng malaking pamaypay.

Maglalabas ng sipa (​da cau​ sa Vietnamese) si CUOI at


maglalaro.

TRONG QUI
Hoy, bata! Nariyan ba’ng mga magulang mo?

CUOI
Wala po.

TRONG QUI
Saan nagpunta?

CUOI
(titigil sandali, titingnan si Trong Qui, at muling magsisipa.
Habang nasisipa.)
Si tatay ko po. Nagputol ng buhay ng puno
At saka naman po nagtanim ng patay ng puno.
Si nanay naman po, nagtinda ng malakas na hangin
At para naman po pambili ng buwan.

TRONG QUI
Ano? Ano’ng kalokohan ang pinagsasabi mo? Oy, sabihin mo na kung nasaan sila at baka
hambalusin kita nito’ng tungkod ko. Puno, puno, hangin, buwan. Ano ba yun?

CUOI
E, sa hindi ko naman po kayo binibiro.
Si tatay ko po. Nagputol ng buhay ng puno

50
At saka naman po nagtanim ng patay ng puno.
Si nanay naman po, nagtinda ng malakas na hangin
At para naman po pambili ng buwan!

TRONG QUI
Talaga bang hindi mo ko titigilan? Isa! Dalawa! Tatlo!

Akmang ihahampas ang tungkod kay CUOI. Bubulalas ng


iyak si CUOI.

CUOI
(habang sumisinghot-singhot)
E, sinabi ko na nga po sa inyo, e.
Si tatay ko po, nagputol….

TRONG QUI
O siya! Siya! Nagpunta ako rito para singilin ang mga magulang mo. Malaki ang utang nila sa
akin. Kapag sinabi mo sa akin ang tutoo kung saan sila naroroon at kung ano’ng ginagawa nila,
kakalimutan ko na’ng lahat ng inutang nila sa akin. Maliwanag ba?

Titigil sandali sa pag-iyak si CUOI. Pero hihikbi uli ito.

CUOI
Naku, mamang Trong Qui, hamak na bata lang po ako, bakit ako pa ang pinili niyong lokohin?
Sa palagay niyo ba maniniwala ako sa offer niyo?

TRONG QUI
Aba, gusto mo pa akong sumumpa? Sa langit at sa lupa, sila ang saksi sa aking sinabi.

CUOI
Naku, hindi naman po nakakapagsalita ang langit at lupa. Hindi nila kayang tumestigo.
Kailangan e yung buhay para handang sumumpa sa korte.

May papasok na langaw at dadapo ito sa balikat ni CUOI.

TRONG QUI
Buhay ba kamo? E di yang langaw sa balikat mo. Buhay naman iyan. Puwede na bang saksi
iyan?

51
CUOI
Itong langaw? O sige po. Buhay naman ang langaw. Pwede na siyang tumestigo.

TRONG QUI
Sabihin mo na dali!

CUOI
Hep, sumumpa muna kayo sa harap ng langaw na ito.

TRONG QUI
(nagpipigil)
Sumusumpa ako sa harap ng langaw, na kapag sinabi mo kung nasaang ang mga magulang mo’y
kakalimutan ko na ang lahat ng inutang nila sa akin.

CUOI
Ang tatay ko po ay nagputol ng punong kawayan at nang ito’y matuyo at mamatay ay ginamit po
niyang bakod para sa isang bahay sa may ilog. Ang nanay ko naman po… E, hindi niyo
kakalimutan ang sinumpa niyo, ha?

TRONG QUI
Hindi! Hindi! O, sumusumpa na uli ako sa langaw!

CUOI
Ang nanay ko po’y nagtitinda ng pamaypay para mo may pambili ng langis para sa amin
lampara. Di po ba ang pamaypay ay malakas na hangin at ang lampara’y liwanag ng buwan?

TRONG QUI
Pilosopong bata ito! Masyadong matalino!
(sa audience)
Pero walang sinabi ang talino niya sa talino ko. Sino ba namang matinong tao ang papayag na
gawing saksi ang isang langaw?

MANDARIN
(tatawa ng malakas)
Ang ibig mong sabihin, ang saksi mo sa naging usapang ito ay isang langaw> Sino ba namang
matinong tao ang papayag na gawing saksi ang isang langaw?

CUOI
Isa nga pong langaw!

52
MANDARIN
Mag-ingat-ingat ka, bata! Yang mga kalokohan mo’y hindi pupuwede sa imbestigasyong ito!
Mandarin ako! Aba!

CUOI
Pero tutoo nga po ang sinasabi ko!

TRONG QUI
Sinungaling!

CUOI
Dumapo pa nga ang langaw sa ilong niya!

TRONG QUI
Tingnan mo na, sinungaling kang talaga! E, samantalang hindi naman dumapo sa ilong ko ang
pesteng langaw! Nakadapo lamang siya sa balikat mo dahil ang mga tulad mo’y marumi at
mabaho!

Katahimikan, realization. Matitigilan si Trong Qui sa


kanyang nasabi, magsisimulang magtawanan ang mga tao
pati na ang MANDARIN. Matatawa ang lahat, hanggang
pati na rin si TRONG QUI ay mapapakamot ng ulo.

MANDARIN
Puwes! Alam na natin ang tutoo. Kung saan man dumapo ang saksing langaw, ke sa balikat o sa
ilong, ang tutoo’y naganap ang inyong pag-uusap! At ikaw, Trong Qui, ay huwang nang hihirit
pa. Ang utang nila’y kalimutan mo na! At ikaw, Cuoi, matalino kang bata. Mabuti kang anak sa
iyong mga magulang. Sige na! Humayo na kayo, mga langaw, mga tao!

Papasok si USAGI, ang MONGHE, at si YOON.


Kakamayan nila si CUOI.

USAGI
Kung saan-saan umabit ang mga kuwentong ito. Napagod ba kayo sa paglalakbay natin?

MONGHE
Naglakbay nang pasikut-sikot, parang walang dulo. Para na rin kayong nag-tour sa buong Asya!

53
YOON
Di niyo ba napapansin? Ang kuwento nati’y nagdudugtong-dugtong?

CUOI
Parang kuwintas na nag-uugnay sa ating mga buhay!

USAGI
Ang dami-dami oang kuwento sa ating paligid.

MONGHE
At marami pang kuwento sa iba pang bansa.

YOON
Kung ang bawat bansa’y nagkuwentuhan na lang sana,

CUOI
Imbis na nag-gera, o nang-away kaya. Hindi ba mas masaya?

HULING AWIT
Nagdudugtong-dugtong ang ating mga kuwento
Bawa’t isang kuwento’y nagluluwal pa ng bago
Isang kuwintas ang nabubuo
Lumilibit sa buong mundo!
Nag-uugnay sa bawat tao!

Iyan ang kapangyarihan


Ng kuwento-kuwentong bayan
Wala sanang kaguluhan
Kung lagi lang pakikinggan
Ang kuwento ng mga bayan
Kung lahat lang ay nakinig
E di sana, tayo ngayo’y
Nagkakatuwaan!

Mga Kuwentong Asyano ang napanood niyo


Sa malayo pa nanggaling, ngayo’y naririto!
Ang iba’y may dalang aral, ang iba’y masaya lang
Ngunit anuman ang marinig

54
Lahat sana’y inyong magustuhan!

WAKAS

55

You might also like