Kasarian Sa Lipunan (3rd Quarter Examination)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

Araling Panlipunan 10

Pangalan: ____________________________ Marka: ____________________


Baitang at Pangkat: ____________________ Petsa: ____________________

MARAMIHANG PAGPIPILIAN
-Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang LETRA ng tamang sagot at isulat sa nakalaang ESPASYO bago
ang bilang.

1. Alin sa mga sumusunod na aspeto ang batayan sa pagtukoy ng gender?


A. kilos at gawi B. Pisikal C. Emosyonal D. Ispiritwal
2. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO tungkol sa sex?
A. Namamana ito ng bawat isa
B. Natural itong naitatalaga sa tao
C. Tumutukoy ito sa biyolohikal na katangian ng indibidwal
D. Binibigyang-diin dito ang sokolohikal na katangian ng tao
3. Bakit kailangan nating maintindihan ang kahulugan ng gender?
A. Para hindi magkaroon ng kalituhan kung paano gamitin ang nasabing konsepto.
B. Para malaman ng bawat isa ang eksaktong pagkakaiba ng nasabing ideya sa sex
C. Para malaman ng bawat isa na ang kanilang mga gawi o kilos ay ay nakabatay dito.
D. Lahat ng nabanggit
4. Alin sa mga pahayag ang nagpapatunay na magkatulad na tinatamasa ng parehong babae at lalaki sa
panahon ng mga Amerikano ang pagkakapantay-pantay bago tuluyang umusbong ang mga LGBT?
A. oportunidad na makapag-aral C. kalayaang pamahalaan ang sariling bansa
B. karapatang makaboto D. A at B
5. Bakit hindi agad tanggap noon sa bansa ang mga LGBT nang ito’y magsimulang umusbong?
A. dahil hindi naayon ang kilos o gawi ng mga ito sa kulturang nakagisnan.
B. dahil naiiba ang pisikal na katangian ng mga ito na mahirap pang tanggapin.
C. dahil palagi nilang kinokwestiyon ang mga paniniwala sa lipunang kinalakihan.
D. dahil hindi pa nila naipakita ang kanilang magiging kontribusyon sa lipunan.

6. Anong aral ang makukuha natin mula sa pakikipagsapalaran ng mga babae at LGBT sa iba’t ibang
panahon?
A. Dugo at pawis ang puhunan sa pagkamit ng kalayaan at mga karapatang-pantao.
B. Umasa sa tulong ng iba upang mas lalong lumakas at mapagtibay ang puwersa
C. Gumamit ng marahas na paraan upang matamo ang mga mithiin sa buhay.
D. Maghanap ng kakampi sa buhay upang mapagtagumpayan ang mga hamon

7. Ano ang mahihinuha natin sa gampanin ng babae at lalaki sa iba’t ibang panahon at mga LGBT sa
kasalukuyan panahon?
A. Nakararanas ng pagkapantay-pantay ang mga babae at lalaki noon sa lipunan at mga LGBT sa
kasalukuyan.
B. Sa paglipas ng mga panahon, ang gampanin ng babae at lalaki ay nagbabago at ang mga LGBT ay unti-
unti ng nakikilala.
C. Hindi masyadong nagbago ang gampanin ng mga babae, at ang lalaki ay nanatili pa ring nakatataas sa
lipunan at maging ang mga LGBT ay hindi pa rin kinikilala sa bansa.
D. Nanatili pa ring ang mga kababaihan sa tahanan at ang mga kalalakihan ay naghahanapbuhay sa pamilya,
at ang mga LGBT ay patuloy na umaasa na matanggap sa lipunan.

8. Alin sa mga sumusunod na gampanin ang hindi pa masyadong niyayakap ng mga kababaihan o
maging ng mga LGBT at patuloy pa ring dinuduminahan ng mga kalalakihan sa Pilipinas?
1.) Pagsisilbi sa military 2.) Pagiging Tricycle Driver 3.) Pagiging Guro 4.) Piloto ng
Eroplano

A. 1, 2, 3 B. 1, 2, 4 C. 1, 3, 4 D. 1,2,3,4
9. Paano mo pahahalagahan ang gampanin ng isang pangkat-etniko kung sakaling ikaw ay aatasang
gumawa ng isang dokumentaryo ukol sa gampaning pangkasarian ng babae at lalaki o maging ang
mga miyembro nitong LGBT?
A. Bibigyang diin lamang sa dokumentaryo ang gampaning pangkasarian ng babae.
B. Parehong iprepresenta ang gampaning pangkasarian ng babae at lalaki.
C. Pantay na ipapakita ang mga gampaning nagagawa pareho ng mga babae, lalaki at miyembro ng LGBT.
D. Patas na iprepresenta na may gampanin ang babae, lalaki at LGBT subalit bibigyan ng diin ang LGBT.

10. Anong pagpapahalaga ang makukuha natin mula sa gampanin ng babae, lalaki at LGBT?
A. Ang kasarian ay mahalagang basehan kung mahusay nga bang magagawa ng isang indibidwal ang isang
gawain.
B. May pakinabang ang lahat sa lipunan, pero mas mainam pa ring ibigay sa mga kalalakihan ang mahirap
na gawain.
C. Babae man, lalaki o LGBT, pwedeng gampanan ng bawat isa ang magkakaparehong gawain sa lipunan.
D. Dapat ibigay sa mga babae o LGBT ang mga mabibigat na gampanin upang matutunan nila ang mga ito.
11. Ano ang tawag sa paraan ng pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang karapatan o
kalayaan?
A. Stereotyping B. Pang-aabuso C. Diskriminasyon D. Pang-aapi
12. Sino ang ginawaran ng Nobel Peace Prize dahil sa kanyang paglaban para sa edukasyon ng mga babae
sa Pakistan?
A. Betty Williams B. Emily Greene Balch C. Malala Yousafzai D. Mairead Corrigan
13. Ano ang tawag sa mga kalalakihang naiiwan na gumagawa ng mga gawaing bahay?
A. House keeper B. House Boy C. House Husband D. Wala sa nabanggit
14. Ano ang iyong dapat gawin kung sakaling ikaw kay nakararanas ng pangmamaliit mula sa inyong
paaralan?
A. Makipag-away B. Hayaan ang sitwasyon C. Iulat sa otoridad D. Gumanti sa
ng paaralan ibang tao

15. Alin sa mga sumusnod ang nagpapahayag ng pisikal, sekswal o mental na pananakit o pagpapahirap sa
kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan?
A. Karahasan B. Diskriminasyon C. Karapatan D. Deadly sin of
women
16. Ano ang tawag sa isa tradisyon sa India na kung saan ang mga Muslim at ilang Hindu ay nagsasagawa
ng pagtatabing ng tela sa kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng
kanilang katawan?
A. Babaylan B. Purdah C. Lotus Feet D. Dowry
17. Alin sumusunod ay HINDI palatandaan ng isang uri ng karahasan batay sa pahayag na nasa ibaba?

Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa
isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay
biktima rin nito.

A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.


B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o ang iyong alagang hayop.
18. Aling aspeto ng pagkatao ang naapektuhan kapag ang isang tao ay nakaranas ng isang pang-aabuso sa
kanyangkabataan, ito ay maaari niyang madala sa kanyang pagtanda na magbubunga ngdi mabuting
gawain?
A. Sosyolohikal B. Pisikal C. Pisyolohikal D.Mental
19. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?
A. Nilalayon nito na maipahayag ang mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga kababaihang biktima
ng pang-aabuso at diskriminasyon.
B. Isinisiwalat nito ang mga pang-aabusong nararanasan ng mga kababaihan
C. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan at inaatasan nito na
itaguyod ang mga magandang resulta sa mga ito
D. Nagsusulong ng mga impormasyon ukol sa mga patakarang nais iparating sa gobyerno na may kinalaman
sa estado ng mga kababaihan.
20. Anong International Bill sa kababaihan na kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na
komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na
larangan at iba pa na inaprubahan ng United Nations General Assembly noong Disyembre 18,1979?
A. VAWC B. CEDAW C. Magna Carta of Women D. Wala sa nabanggit
21. Alin sa sumusunod na organisasyon na nnagtataguyod ng tunay na paggalang at pagkakapantay-
pantay, nagpapatupad ng mga batas laban sa diskriminasyon, at karahasan?
A. Yogyakarta B. UDHR C. UN-OHCHR D. NGO
22. Ano ang nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?
A. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa mga kababaihan
B. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksyon o patakarag umaagrabiyado sa kababaihan
C. May responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaaring bawiin.
D. Lahat ng nabanggit
23. Ano ang tugon na ginawa ng Pandaigdigang Samahan upang masolusyunan ang naganap na
karahasan at diskriminasyon ng kababaihan, kalalakihan at LGBTQ+?
A. Gumawa ng batas para maprotektuhan laban sa karahasan
B. Itinaguyod ang batas ng pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki sa lahat ng bagay
C. Batas na hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan at pakinggan ang kanilang boses
D. Gumawa ng hakbang para kilalanin ang mga miyembro ng LGBTQ+ community
24. Ano ang ginawang pagtugon ni Ban Ki Moon, isang UN Secretary General tungkol sa pandaigdigang
samahan sa karahasan at diskriminasyon at winika niya na “LGBT RIGHTS ARE HUMAN RIGHTS”
A. Hikayatin ang mga miyembro ng estado na wakasan na ang pang-aapi at pang-aabuso.
B. Pakikilahok sa mga hinaing ng mga biktima sa karahasan at diskriminasyon.
C. Pagpapatupad sa mga benepisyo na hinihingi ng mga miyembro ng LGBTQ+
D. Pagbibigay tulong sa mga miyembro ng LGBTQ+ na nakararanas ng pang-aapi
25. Bakit nagpanukala ng batas ang ating pamahalaan para sa mga kababaihan at LGBTQ+?
A. upang mabigyan ng pagkakataong makilala ang mga kababaihan at LGBTQ+ sa lipunan.
B. upang matigil na ang karahasan at diskriminasyon sa mga kababaihan at LGBTQ+ sa lipunan.
C. upang malaman ng mga kababaihan at LGBTQ+ ang kanilang mga panlipunang karapatan.
D. upang maranasan nila ang tahimik na buhay na malayo sa anomang uri ng gulo.
26. Anong kasunduan ang tumatalakay sa mga karapatan ng mga kababaihan hindi lamang sibil at
politikal maging sa aspetong kultural, pang-ekonomiya at iba pa?
A. Prinsipyo 2 ng Yogyakarta C. CEDAW
B. Magna Carta of Women D. Republic Act No. 8353
27. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa karahasan at diskriminasyong nararanasan ng mga
kababaihan at LGBTQ+ sa lipunan?
A. Nakararanas ng pisikal na pang-aabuso
B. Nakararanas ng seguridad sa lipunan
C. Nakararanas ng emosyonal at sikolohikal na pang-aabuso
D. Nakararanas ng ekonomiko o pinansyal na pang-aabuso
28. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit
nakararamdam din ng parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam
na siya ay nabubuhay sa maling katawa at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi
magkatugma. Siya ay tinatawag na:
A. bakla B. transgender C. lesbian D. homosexual
29. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng
maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita
niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa
sa kababaihan.
30. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong
kayo ay mga bata pa at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong
seksuwal, ano ang iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an gaming pagkakaibigan.

Current Events: Bansa sa Timog-Kanluran ng Indonesia na nakaranas ng pagkawasak ng kalikasan nito dulot ng
wildfire sagot: ________________________________
1. A
2. C
3. D
4. D
5. A
6. A
7. B
8. B
9. C
10. C
11. C
12. C
13. C
14. C
15. A
16. B
17. A
18. D
19. A
20. B
21. C
22. D
23. A OR C
24. A
25. B
26. B
27. B
28. B
29. D
30. D

AUSTRALIA

You might also like