Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Awit kay Inay Candi

Titik ni Reb. Padre Julito L. Heraldo


Musika ni Maestro Ronaldo S. Dolor

O Maria puspos ng biyaya


Ang Panginoon sa Iyo’y kaisa
Si Jesus inihain sa Ama
Upang kami’y makakita ng liwanag
Ng pananampalataya.

Espadang tagumpay ng mga manggagapi


Mapayapang tanggulan ng bayang pinili
Patnubay at Reyna ng Camarines Norte
Koronang Ginto alay naming pagpupuri

Birhen ng Candelaria
Sa dagat ng buhay nami’y tala
Birhen ng Candelaria
Sa mga pinagpala Inay Candi
Ang aming pag-asa.

Panalangin sa Nuestra Señora de Candelaria


Makalangit na Gabay ng Camarines Norte

Pangdiyosesis ng dambana ng Paracale

Maluwalhati at pinagpalang Birhen Maria, Reyna ng Sansinukob at Ina ng awa, itinangi ng Ama upang maging Ina ng kanyang Anak na si Hesus.
Ako sa Iyo ay napakukupkop, umaasang matatagpuan sa iyong pusong mapagmahal ang kapayapaan at kaganapan ng buhay.
O kayamanan ng Mabathalang Biyaya at Kanlungan ng mga makasalanan, ikaw ang maging gabay at tagapag-aliw namin dito sa lupang kahapis-
hapis. O Mabangong Bulaklak ng Kabanalan, dampian mo ng iyong mapagpalang kamay ang aking puso at kaawaan mong ipagkamit ang mga
pangangailangan ko sa buhay (banggitin sa lihim ang kahilingan). Sa pamamagitan ng pag-ibig at kababaang-loob na ipinakita mo sa paghahain
mo sa iyong anak na si Hesus sa templo, makamtan ko nawa ang mga biyayang ito.

O Nuestra Señora de Candelaria, nagpapasalamat ako sa Diyos sapagkat ipinagkaloob ka Niya sa akin upang upang maging Ina ko na nararapat
kong mahalin nang lubos. Ikaw ang mamagitan sa amin kay Hesus para sa lahat ng biyayang kailangan namin sa aming buhay.

Sa aming paghahanap ng kapayapaan at pagkakasundo, pagkalooban mo kami ng mabathalang sinag upang lumiwanag ang aming daan dito sa
sandaigdigan at akayin mo kami patungo sa walang hanggang kaligayahan sa langit. AMEN.

You might also like