Professional Documents
Culture Documents
Problema Sa Droga
Problema Sa Droga
Ang suliranin tungkol sa droga ay hindi lamamg para sa aitng bansa, ito ay
laganap rin sa ating mga karatig na bansa sa Asya at maging sa mga ibang mauunlad na
bahagi ng mundo.
Dito sa ating bansa noong sinauna pa, ang problema sa droga ay masasabi nating
simple lamang na uri ng suliranin. Marijuana, solvent at mga gamot sa ubo, hika ang
karaniwang gamit ng mga taong lulong noong panahon na iyon. Ngunit sa pagdaaan ng
taon at mas dumami pa ang bilang ng tao, bumaba na rin ang antas ng kanilang
pamumuhay, lumaganap ang gutom, taghirap at naging mahilig sa material na bagay ang
karamihan sa mentalidad ng tao sa lipunan. Dahil dito ay natuto ang mga tao na kumita
ng mas malaki sa mabilis na pamamaraan at isa na ditto ang pagbebenta ng droga.
Ilan sa ating mga tao ay kung ano pa ang ipinagbabawal ay siya pa din ang
patuloy na ginagawa. Tinawag na ngang “bawal na gamot”, ngunit bakit patuloy pa ring
lumalaganap ang nasabing bawal na ito ? na kung iisiping mabuti ay di dapat
problemahin sapagkat napakadali lamang ng solusyon kung sadyang bawat isa ay mulat
ang isipan.