Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MANUEL L.

QUEZON

Si Manuel Luis Quezon y Molina (19 Agosto 1878 – 1 Agosto 1944) ay ang
ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (15 Nobyembre 1935 – 1 Agosto 1944) na makikita
sa dalawampung pisong papel na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ang kinilala bilang
ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi
kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga
kapisanang internasyunal).
Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na
ngayong Aurora) noong 19 Agosto 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon.
Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-
aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893. Bilang isang binata, nakilahok siya sa
pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong
Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo.
Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa
Estados Unidos.
Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng
lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng
Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916,
nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa
panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng
Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil
dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.[1]
Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong
1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng
bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli
siyang nahalal noong 1941. Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy
sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas
habang malayo sa bansa.[1]
Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin Country, New
York noong 1 Agosto 1944 sa edad na 66.[1] Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington
National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North
Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.
Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan
ng Quezon.Siya rin ay tinawag bilang 'Ama ng Wikang Pambansa'
SERGIO OSMEŇA, Sr.
Si Sergio Osmeña (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon
bilang Sergio Osmeña, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (1 Agosto 1944 –
28 Mayo 1946) na makikita sa limampung pisong papel na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmeña III, John
Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas Osmena.
Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna sa
mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San
Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala
niya si Manuel L. Quezon.
Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmeña.
Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa
Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.
Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung
saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay
pinahintulutan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit
tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen
sa bar.
Dalawampu’t limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at
pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng
lalawigan.
Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea
Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal
siyang ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging
senador siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong
1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmeña-Roxas), isa sa mga misyong
ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang
pangalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L.
Quezon na tumungo sa Estados Unidos at doon itinatag ang Pamahalaang Komonwelt ng
Pilipinas kung siya nagsilbing pangalawang pangulo ni Quezon. Namatay si Quezon sa sakit na
tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanyang Pangulo. Kasama niya
si Heneral Douglas MacArthur at mga puwersang Amerikano gayundin ng Pilipinong Heneral na
si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo na dumating sa Leyte noong Oktubre 20,
1944. Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa mga Hapones, nagsilbi
siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946.
Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.
Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio
Osmena ay namatay noong 19 Oktubre 1961.
MANUEL A. ROXAS
Si Manuel Acuña Roxas (1 Enero 1892 – 15 Abril 1948) ay ang
ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (28 Mayo 1946 – 15 Abril 1948) na makikita sa sandaang
pisong papel na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Isinilang si Roxas noong 1 Enero 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay
mamatay, ang lalawigang Capiz ngayon ay lalawigang Roxas. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuña
ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of
the Philippines) noong 1912 at naging topnotcher sa Bar Exams. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang
Piskal Panlalawigan. Nagsilbi sa iba't-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang
Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa
sumunod na taon ay naging Speaker of the House. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas
(1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938–1941) bilang Kalihim ng
Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon.
Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng
Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para
sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang
pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas
MacArthur kasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing
sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at
ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito
ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa
pagkapangulo noong 23 Abril 1946 laban kay Sergio Osmeña. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya
ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong 15 Abril 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya
ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados
Unidos sa Clark Air Base wala na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni Pangulong Elpidio Quirino
ELPIDIO R. QUIRINO

Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890—29 Pebrero 1956) ay ang ika-6
na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (17 Abril 1948-30 Disyembre 1953).
Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong 16 Nobyembre 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria
Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong
1915.
Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hinirang na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy
noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya
ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong 17
Abril 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang
komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli
niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.
Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya
sa atake sa puso noong 29 Pebrero 1956 sa gulang na 65.
RAMON D.MAGSAYSAY

Si Ramón "Monching" del Fierro Magsaysay[1] (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang
ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na nagsilbi
hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong kanyang
sinasakyan.
Isinilang siya sa Castillejos, Zambales noong ika-31 ng Agosto, 1907 kina Exequiel Magsaysay
at Perfecta del Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal College (kilala
ngayon bilang Pamantasang Jose Rizal).
Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors noong panahong bago magdigmaan.
Nang bumagsak ang Bataan, inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at
pinalaya ng puwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26 Enero 1945. Noong 1950,
bilang Kalihim ng Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil
niya ang panganib na binabalak ng Pulahang Komunista at naging napakatanyag sa
mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng
Pangatlong Republika ng Pilipinas. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.
Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang
pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc,
Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya
si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".
Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas
dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya
ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral.
Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong
kanyang sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17 Marso
1957.
JOSE P. LAUREL

Sa panahon ng Pananakop ng mga Hapones ay nagtayô ng isang pamahalaan noong 14 Oktubre


1943 at itinuturing itong Ikalawang Republika ng Filipinas. Si Jose P. Laurel (Ho·sé Pi Law·rél) ang
nahalal na pangulo ng naturang pamahalaan.

Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong 9 Marso 1891 kina Sotero Laurel at Jacoba Garcia.
Nagtapos siyá ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas at ikinasal sa kaeskuwelang si Paciencia
Hidalgo. Nagkaroon silá ng siyam na anak at ilan ang humawak din ng mataas na tungkulin: si Jose
Laurel Jr. na naging ispiker ng Mababàng Kapulungan (1953-1957), si Sotero Laurel na naging
pangulo ng Lyceum of the Philippines, at si Salvador Laurel na naging pangalawang-pangulo ng
Filipinas (1986-1991).

Dahil sa talino, ipinadalá siyáng pensiyonado sa Yale University. Pagkatapos, nag-aral siyá ng
pilosopiyang political sa Oxford University. Pagbalik ay humawak siyá ng iba’t ibang tungkulin sa
gobyernong Amerikano hanggang kumandidato noong 1925 at manalong kinatawan sa Asamblea.
Naging majority floor leader din siyá sa Senado at delegado sa 1935 Kumbensiyong Konstitusyonal,
at naglingkod na kagawad ng Kataas-taasang Hukuman. Sa panahon ng digma, hinirang siyá ni
Quezon na Kalihim ng Katarungan, at sa ilalim ng mga Hapones ay hinirang siyáng Komisyoner ng
Katarungan at pagkatapos ay Komisyoner Panloob sa Philippine Executive Commission sa ilalim ni
Jorge B. Vargas. Nahalal siyáng pangulo ng Filipinas ng itinatag na Ikalawang Republika sa ilalim ng
mga Hapones. Nása Hapon siyá nang makabalik ang mga Amerikano at kasáma doon ang pamilya
at ilang lider na sina Camilo Osias ng edukasyon, Ispiker Benigno S. Aquino, at Hen. Mateo
Capinpin.

Isa siyá sa mga inihablang kolaboreytor ngunit nabigyan ng amnestiya ni Pangulong Manuel A.
Roxas. Kumandidato siyáng senador noong 1953 at nagwagi. Bahagi ng tagumpay niya ang
Kasunduang Laurel-Langley na nagtatakda ng panahon para sa pag-iral ng karapatang hanggang 3
Hulyo 1974. Pumanaw si Laurel noong 6 Nobyembre 1959 dahil sa atake sa puso. (VSA)

You might also like