Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

 ANO ANG PANITIKAN?

Ang PANITIKAN ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga


damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin
ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o
tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na
kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa
salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na
ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga
pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri
ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,
pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

ANO ANG KARUNUNGANG BAYAN?


Ang KARUNUNGANG BAYAN ay isang sangay ng panitikan na
naipapahayag ang mga kaisipang tinataglay ng bawat kultura at
tribo. Ang mga kaisipang ito ay nagpapatalas ng isipan upang mag-
isip at bigyang-kahulugan ang mahalagang kaisipan nakapaloob dito o
ang mga salitang inilalarawan nito.

Ang mga bugtong, palaisipan, salawikain, at kasabihang ay mga


karunungang bayan dahil pinapatalas nito ang isipan ng isang
tao.
 MGA URI NG PANITIKAN
 Ang mga SALAWIKAIN, kawikaan, kasabihan, wikain, o
sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang
makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga
karunungan.
Halimbawa:
"Kapag may tyaga, may nilaga"

Ang SAWIKAIN o idioma ay salita o grupo ng ma salitang


patalinghaga. Ito ay hindi tuwirang nagbibigay ng kahulugan at
hindi komposisyonal.

Halimbawa:
1. ahas- traydor, taksil
2. anakodalita mahirap
3. alilang-kanin- utusang walang sweldo
4. balitang-kutsero
5. bantay-salakay- mabuti pag nakaharap, taksil sa likuran

 KASABIHAN-ay iba sa salawikain sa dahilang ito ay hindi


gumgamit ng mga talinghaga.Payak ang kahulugan.Ang
kilos,ugali at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga
kasabihan.
halimbawa:
1.tulak ng bibig
kabig ng dibdib
2.utos na sa pusa
utos pa sa daga
3.ubos-ubos biyaya
bukas nakatunganga

 BUGTONG-isang pangkaisipang katanungan na binibigkas ng


pasalaysay.karaniway ito ay tinutulungan tayo upang
machallenge anf ating utak sa ibang bagay.mahirap man
ngunit pilit itong iniisip ng nakararami
Halimbawa:
1.mataas kung nakaupo mababa kung na ka tayo
sagot: aso

2.araw-araw namamatay,taon taon nabubuhay


sagot: kalendaryo.

 Ang BULONG ay isang panalanging binuhay dahil sa


pagnanais na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago
sa hinaharap na mga pangyayari sa kapalaran. Ito ay
matandang katawagan sa orasyon.

Mga Halimbawa
1. Tabi tabi po
2. Makikiraan po
3. Mano po
4. Paabot po
5. Paalam
6. Ingat po sa biyahe
7. Pagpalain ka nawa
8. Pakabait ka
9. Ingat lagi
10. Kaawaan ka nawa
***WAKAS***

You might also like