Professional Documents
Culture Documents
Buod
Buod
Buod
Ang Hello Love Goodbye ay nakasentro sa buhay ng isang babaeng nagngangalang Joy. Si Joy
Nursing. Nagtrabaho siya sa Hongkong bilang isang domestic helper sa kabila ng naabot ng kanyang
pag-aaral. Ito ay dahil sa kagustuhan niyang tumulong sa kanyang pamilya. Gusto rin niyang
makapagtrabaho sa Canada nang sa gayo'y mabago ang estado ng kanyang pamumuhay. Nag-aalaga
si Joy ng isang matandang babae at isang batang babae. Bukod dito ay nagtitinda rin siya ng iba't ibang
paninda upang makadagdag sa kaniyang kita. Ngunit siya ay sinubok ng pagkakataon nang magipit ang
kanyang amo at akmang siya ay tatanggalin na sa trabaho. Nakiusap siyang ipagpapatuloy ang
kanyang trabaho kahit na kalahati lang ang ipasuweldo sa kanya. Naghanap din siya ng iba pang
puwedeng pagkunan ng kanyang pangtustos sa pamilya. Nag-apply siya bilang ilegal na waitress sa
isang bar. Dito niya nakilala si Ethan, ang matipuno ngunit babaerong bar tender ng kanyang
napasukang bar. At dahil ilegal ang kanyang trabaho, siya ay nagtatakbo ng makakita siya ng pulis na
rumoronda. Doon ay nagawa niyang malusutan ang mga pulis ngunit si Ethan ay pabirong sumunod
sakanya at nagbirong isang pulis. Dito nagsimula ang kanilang pagkilala sa isa't isa.
Masugid na niligawan ni Ethan si Joy kahit na hindi siya nito pinapansin noong una. Ngunit si
Ethan ay may lihim na nakaraan kung saan ang kanyang huling kasintahan ay iniwan siya. Noon ay
pumunta ang huling kasintahan ni Ethan sa Canada at pinili ni Ethan na sumunod sa kaniya. Nahuli siya
bansa.Natutunang mahalin ni Joy si Ethan pagkatapos niya itong lubos na makilala. Bagama't ang
muling makakapunta sa naturang bansa dahil sa pagbabawal sa kanya ng embahada. Silang dalawa ay
lubos ng nagmamahalan ngunit minabuti nilang maghiwalay upang maipagpatuloy ang kani-kanilang
pangarap.