Mga kalamidad na likas sa ating mundo Napapahamak ang buhay at kabuhayan Kaya naman kailangan ngang paghandaan
Maging Handa, maging alerto
Tungkulin ‘to ng bawat mamamayan, kaya…
Tara na, Kilos na
‘Lika na, tumulong tayo Gawin na po ang karapat-dapat Nang maging laging handa… (2x)
Instrumental
Kalamidad ay maaasahang darating
Sa ‘di inaasahang oras Kaya naman hindi na dapat hintayin Unahan na habang ‘di pa natataranta…
Rap
Suriin mong mabuti ang iyong kapaligiran
Saan ka ba nakatira, diyan ba ay bumabaha Tubig, gamot, pagkain, kumot, pangsindi, first aid kit Mga gamit panligtas ng buhay ang dapat mabitbit At sakaling lumindol o sumabog ang bulkan Meron bang madadaanan palayo sa kasawian Panahon ay malupit, at ang hangin hagupit Mabuti na lang na tayo ay laging nakahanda