Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kahulugan at Terminolohiya

Ang mga salitang nabanggit sa ibaba ay nakapaloob sa pananaliksik na ito. Binigyan

ng kahulugan ang mga terminong ito upang mas mauunawaan ng mga mambabasa

ang nilalaman ng pananaliksik na ito.

Adiksyon. Ito ay tumutukoy sa kondisyon na pagkahumaling o pagkakalulon

sa isang gawi o bisyo (Collins Dictionary). Isang proseso na nakakahumaling kung

saan ang isang pag-uugali na naglalayong makaramdam ng kasiyahan at magbigay ng

mistulang panandaliang pagtakas mula sa hindi komportableng nararamdaman.

(British Journal of Addiction). Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa partikular na

kalagayan kung saan ang pagkalulon o pagkakahumaling sa paglalaro ng mobile

games ay hindi maiwasan.

Gadget. Ito ay tumutukoy sa maliit na kasangkapan o aparato na maaring

mekanikal o elektronik na may particular na gamit (Cambridge Dictionary). Sa pag-

aaral na ito, ito ay tumutukoy sa mga aparato o kasangkapan tulad ng cellphone at

tabet, na nagsisilbing plataporma kung saan maaaring maglaro ng mobile games.

Mobile games. Ito ay tumutukoy sa mga larong dinisenyo para sa mga mobile

devices tulad ng smartphones, tablets, at personal digital assistants (Technopedia).

karaniwang nai-download sa pamamagitan ng network ng mobile operator o sa isang

online store (Mobile Media: Towards a Definition and Taxonomy of Contents and

Applications). Sa pag-aaral, ito ang tumutukoy sa mga laro o apps na ginagamit ng

mga manlalaro o users upang makakonekta sa isa’t isa.

Stress. Ito ay tumutukoy sa mga alalahanin at pagkabalisa sa isipan dulot ng mga

suliranin sa buhay (Oxford Dictionary). Umuukol sa kalagayan ng isang tao kung

saan naraaranasan ang pagkapagod ng katawan at utak (International Journal of


Fatigue). Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa mga salik na nagdudulot ng

alalahanin at pagkabalisa.

Teknolohiya. Ito ay tumutukoy sa praktikal na aplikasyon ng kaalaman sa

siyensya kaugnay sa particular na larangan tulad ng inhinyerya, medisina, industiya at

pagmamanupaktura (Merriam-Webster Dictionary). Sa pag-aaral na ito, ito ay

tumutukoy sa mga moderno at makabagong pamamaraan na hatid ng siyensya upang

mapadali at mapabuti ang paraan ng pakikipag-ugnayan, paglalakbay at maging sa

halos lahat ng aspeto ng pamumuhay ng mga tao.

You might also like