Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

In SERVICE TRAINING 2018

PAKITANG-TURO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN sa FILIPINO 10
(PANITIKANG PANDAIGDIG)

I. LAYUNIN
Sa loob ng 60 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Nabibigay ang sariling reaksyion sa pinanood na video na hinango sa you tube


((F10PD-IIId-e-77)
b. Mapanuring naihahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng
akda sa ((F10PS-IIId-e-81)
- Sarili
- Panlipunan
- pandaigdig
c. Naiuugnay ang mga pahayag sa lugar, kondisyon ng panahon at kasaysayan
ng akda. (F10PB-IIId-e-83)

II. NILALAMAN
A. Paksa: 3. 5 Panitikan: ANG ALAGA
(Maikling kuwento mula sa East Africa)
Orihinal na panulat ni: Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni: Magdalena O. Jocson

B. Values Integration: Dapat na tayo’y matutong magpahalaga at pangalagaan ang ating


mga alagang hayop, matutunan din nating tumanggap ng mga pangyayari na hindi
inaasahan katulad ng pagkamatay ng mga hayop, dapat na magpatuloy pa rin sa buhay

C. Kagamitan LCD monitor, Lap Top, Manila paper, babasahing materyal


Pentel pen, Aklat ng panitikang pandaigdig

III. PAMAMARAAN

A. Mga Panimulang Gawain


1. Pagsagot sa PRE-TEST. Gawain 1 at 2
2. Maglaan ng tig dalawang minuto para sa kanilang pagsagot
3. Talakayin ang naging kasagutan ng mga mag-aaral
4. Group activity: Paligsahan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng konsepto sa maikling
kuwento. (ipahango sa naging kasagutan nila sa Gawain 1) Ipalagay sa manila paper
ang kanilang mga naging kasagutan.

5. Ipabasa sa mga mag-aaral ang bahaging Alam mo ba na sa batayang aklat nila


Pahina 290.

B. Paglalahad ng Paksa
1. Batay sa mga naging talakayan, tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang
posibleng pag-aaral nila?
2. Ipanood ang isang video ng balita hinggil sa sinapit na kalupitan ng
dalawang aso sa kamay ng dalawang tao
3. Kunin ang kanilang naging reaksiyon o damdamin hinggil sa kanilang
napanood. ( maaraing isahan o dalawahan )
4. Ipanood ang video ng Africa
5. Tanungin sila kung ano ang kultura ng africa na nalaman nila sa video

C. Pagtalakay sa Paksa
6. Ipanood ang video ng paksang tatalakayin
7. Group activity( Hatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat)
Group 1. Fan Fact Organizer
Si Kibuka

Bunga ng
D. Kilos/gawi Pananaw/ kaniyang
pananaw sa buhay
ambisyon

Group II. Pagtatala ng mga pangyayari sa akda na kinapapalooban ng realidad sa buhay sa


tulong ng Step Chart
Step 5

Step 4

Step 3

Step 2

Step 1

Group III- Papagbigayin sila ng mga patunay na ang kuwentong tinalakay ay isang uri ng
kuwento ng tauhan sa pamamagitan ng graphic organizer.
Pamagat ng Kwento Uri ng Akda Mga Patunay

Group IV- Pagbuo ng sintesis


Dugtungan ang mga sumusunod upang makabuo ng kaisipan
1. Sa mga alagang nating hayop dapat na tayo’y matutong……..
2. Matutunan din nating tumanggap ng mga pangyayari na hindi inaasahan
katulad ng sa nangyari sa kuwento na ………..
3. Iwasan maging malupit sa mga hayop dahil ………..
4. Bahagi ng buhay ng anomang nilalang ang kamatayan kaya dapat nating
matutunan ang ………

D. Paglalapat
Itanong sa mga mag-aaral kung ano at paano nila iaaplay sa totoong buhay ang kanilang
mga natutunan sa tinatakay na paksa.

IV. PAGTATAYA
Pagsagot sa POST-TEST

V. TAKDANG ARALIN (Pangkatan)


Bumuo ng patalastas na pasulat batay sa tamang pangangalaga ng mga hayop gamit ang
sumusunod na pamantayan:
1. Makatotohanan
2. Masining
3. Kaalaman sa paksa
4. Maayos na paglalahad

Inihandani

EDNA C. MOSTOLES
Master Teacher I
Kagawaran ng Filipino

Pinagtibay ni:

FRANCIS B. MARQUEZ
Head Teacher III, Filipino

You might also like