Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Kabanata 1

ANG SULIRANIN

Panimula

Naituturing na bahagi sa kultura ng isang bansa ang pagkakaroon ng mga

paniniwala tungkol sa mga mitolohikong nilalang, lalong-lalo na dito sa Pilipinas.

Napakarami ng mga iba’t-ibang mitilohikong nilalang dito sa Pilipinas. Mga halimaw na

may pagkakahawig sa mga hayop tulad ng aso at kambing, mga nilalang na may

kakaibang kapangyarihan na itinuturing na “mahika” o “kababalaghan”, at mga

nakakatakot na mga nilalang sa gabi na nagpapanggap na tao sa sikat ng araw ay ilan

lamang sa mga ito. Marami ang mga nabuong paniniwala tungkol sa mga mitilohikong

nilalang na mga ito sanhi ng pagkakaroon ng samu’t-saring grupong etniko at ang

pagkakabukod ng mga isla ng Pilipinas dahil sa heograpikong katangian nito bilang

isang kapuluan.

Sinasabi na ang mitolohikong nilalang ay isang talulikas na hayop, minsan ay

hybrid, o kalahating tao na hindi pa napapatunayan na tunay o umiiral. Ang mga ito ay

inilalarawan sa alamat at sa mga makasaysayang ulat. Ang ilan ay nagmula sa ulat ng

mga iskolar sa unang panahon, may ilang nakabatay rin sa mga totoong sagupaan.

Ang mga mitolohikong nilalang ng Pilipinas ay binubuo ng mga halimaw, hayop,

at mga mahiwagang mga nilalang mula sa isang daan at apatnapu’t dalawang (142)

grupong etniko. Ipinahayag sa Spanish Document of 1691 na nagsasabing:

The superstitions and omens of these Filipinos are so many, and so


different are those which yet prevail in many of them, especially in the districts
more remote from intercourse with the religious, that it would take a great space
to mention them.
Ang pagkakaroon ng humigit-kumulang sa limang daan (500) na magkakaibang

nilalang na naitala sa mitolohiya ng ating bansa ay sanhi ng natatanging angking

sistema sa paniniwala ng bawat etnikong tao. Maari itong umabot sa isang daan (1,000)

dahil ang ilan ay hindi pa naitatala at ang iba ay nagmula sa ibang bansa sanhi ng

kolonyalismo at globalisasyon, gayon pa man, karamihan sa mga ito ay nananatili pa rin

ang kanilang katutubong paniniwala na nakapirme sa kanilang kultura.

Ang teorya ng “lower mythology” o mas kilala bilang “demonological theory” ay

tumutukoy sa pag-uuri ng mga katakata bilang salamin ng pangaraw-araw na

pangyayari. Isinulong ito nila F.L.W. Schwartz at W. Mannhardt, mga aleman na iskolar.

Ngunit, ang paggamit ng mga terminong “higher” at “lower” ni Dr. Maximo Ramos,

dating president ng The American Folklore Society at dating director ng Center for

Comparative Folklore and Mythology at the University of California, ay hindi makatwiran

ang paggamit niya ng higher at lower mythology. Nagpapakita ito ng mababa na pag-

uuri. Hindi rin tama ang pag-uugnay niya sa “lower mythology at kultura.”

Ayon kay Horton (2014), ang mitolohikong nilalang ay maaring ilarawan bilang

isang nilalang na pinaniniwalaang hindi umiiral at posibleng may kakaibang

kapangyarihan. Ngunit, hindi ito nangangahulugan na hindi ito totoo dahil lang hindi pa

ito napapatunayan na sinuportahan sa ulat ni Jacobs (2018) na sa karamihan ng mga

kultura, ang mga katakata (na binubuo ng mga mitolohikong nilalang) ay nagpapahayag

ng mas malalim na katotohanan na hindi maaaring mabigyan ng direktang kahulugan.

Sabi rin niya na hindi ito maipapahayag sa pamamagitan ng literal na gramatika. Sa

halip ay ginagamitan ito ng mga talinghaga, paghahambing, metapora, at intuwisyon,

kinakatawan sa isang kuwento, upang tamuhin ang mga katotohanan.


Sa naipahayag na talakayan nabuo ang mabigat na kaisipan para sa hangaring

mas mabigyan ng malinaw at malalim na kaisipan at konsepto ang mga mitolohikong

nilalang kung kaya ang pag-aaral na pinamagatang Mga Mitolohikong Nilalang sa

Pilipinas taong panuruan 2011-2012 ay ipinapanukala.

Balangkas Konseptwal

Ang mga nakakaibang nilalang o mga “Mythical Creatures” dito sa Pilipinas ay

isa sa mga bagay na pinapag-usapan. Ayon sa mga usap-usapan, sila ay nasa iba’t

ibang parte ng bansa; hindi lamang sa mga gubat at iba pa, kung hindi maaaring pati

narin sa sulok ng ating mga bahay. Ang mga nilalang na ito ay hindi pang-karaniwang.

Sila ay paniniwalaan ng mga Pilipino at kinakatakutan ng marami. Nang dahil sa ito,

maraming mga paniniwala ang nabuo.

Masusuportahan ang konseptong ito sa isang artikulo ni Glenn Pernes (2016) na

nagsasabing:

“As these folkoric creatures typically come from a mystical realm uknown to us,

coming out mostly at night and attacking in the dark, they essentially mirror our human

fear of what we do not understand. We avoid certain places and people, and shut down

ideas because in actuality, we fear the uncertain and unfamiliar. Some people consult

fortune tellers, carry around anting-anting, and make chanting noises to ward off

perceived evil elements and misfortunes.”

Dito nabanggit ng personalidad ang tungkol sa pinanggagalingan ng mga

nilalang na ito na walang tiyak na nakakaalam kung nasaan. Dahil sa mga nilalang na

ito, may nabubuong takot sa mga Pilipino para sa mga nilalang na mga ito na walang
ebidensiya kung totoo ng aba sila o hindi. Dahil sa mga usap-usapan tungkol sa mga

ito, tayo ay nagkakaroon ng mga tradisyon o mga gawain upang maiwasan ang mga

kakaibang nilalang. Ilang mga paniniwala dito ay ang paglagay ng mga sibuyas sa mga

bintana upang mapaalis ang ilan sa kanila. Ang pagdala ng iba’t ibang uri ng anting-

anting para maiwasan ang mga nilalang. Dahil dito, nabubuo ang paniniwala na mga

epekto kung sakaling makasalubong ang mga ito. Napagsabing magdadala ng malas

ang ilan sa kanila, magkakaroon ng hindi pangkaraniwang sakit ang mga nadapuan ng

mga nilalang na ito, may ilang pagsasabi rin na maaari silang magdulot ng kamatayan

ng isang tao. Sila ay nagdadala ng takot sa mga tao. Ang mga nilalang na mga ito ay

nagiging kabilang sa ating kultura at paniniwala bilang isang Pilipino. Dahil sa pagiging

kabilang nito, ang mga kuwentong nabubuo kabilang sila ay naipapasa sa mga

sumusunod na henerasyon.

Sa pagtagal ng panahon, ang mga nilalang na ito ay patuloy na rin na umuunlad.

Habang tumatagal, mas lalo silang sumisikat. Nagiging paksa sila sa mga serye o

pelikula. Sila rin ay gumaganap sa mga local na komiks. Sa pagtagal ng panahon,

sumasabay din ang pag-unlad ng mga nilalang na ito. Dahil sa mga paniniwalang ito,

nabubuo ang mga kuwento-kuwento tungkol sa kanila. Isinaad sa libro ng isang

propesor na si Maximo Ramos na itinatawag na “The Creatures of the Philippine Lower

Mythology” ang mga karanasan ng awtor. Isinasagawa ang riserts na ito dahil ang

riserts na ito dahil naus na mas malaman ng mga mananaliksik ang nakaraan sa mga

nilalang na ito. Nais nilang matutunan kung bakit lubos na kinakatakutan ang mga

bagay na hindi naman siguradong nananatili sa ating bansa. Ito ay isang malaking

bahagi sa kultura at paniniwala ng mga Pinoy. Ito ay kabilang sa mga salik na


Mga Malayang Baryabol Mga Di-Malayang Baryabol

MGA IMPLUWENSIYA AT MGA PANINIWALA NA SALIK

EPEKTO NG MGA SA IMPLUWENSIYA NG MGA

MITOLOHIKONG NILALANG SA MITOLOHIKONG NILALANG

PANINIWALA NG MGA PILIPINO


 Pagkakaroon ng mga

 Pagkakaroon ng mga anting-anting

nilalang na hindi natin alam

o nakakatakot  Hindi paglalabas sa gabi

 Nagpapaliwanag sa mga o sa gitna ng dilim

bagay na nagyayari sa ating

paligid na hindi pa  Pagpupunta sa mga

naipapaliwanag ng agham manghuhula at mga

 Pagkakaroon ng kaugnayan albularyo

sa mga ibang mitolohikong

nilalang sa iba’t ibang lugar  Pagiging matatakutin

sa Pilipinas at sa buong

mundo  Pagiging mapamahiin

Pigura 1

ISKEMA NG PAG-AARAL NA NAGPAPAKITA SA UGNAYAN NG MGA MALAYA AT

DI MALAYANG BARYABOL
nagpapaunlad ng kultura. Dahil sa mga mitikang ito, mas nakikilala ang kultura ng mga

Pilipino. Isa ito sa mga sumasalamin sa ating mga Pinoy at kung gaano tayo malikhain

at malawak ang pag-iisip. Dahil sa paksang ito, maaaring malalaman kung paano, kung

bakit, at kung saan nagmula ang mga nilalang na ito at bakit nga ba iba-iba ang mga

usapin o pagkakasalubong sa mga nilalang na ito.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa ebalwasyon ng mga Pilipino mula sa iba’t

ibang lugar sa Pilipinas, na nagmula sa mga iba’t ibang grupo etniko o lalawigan, na

may naiibang kaalaman tungkol sa mga mitolohikong nilalang, upang masuri kung ano-

ano ang mga impluwensiya at epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino.

Sa walang sawang pagriserts at pananaliksik, pagsusumikapang masagot ang

mga sumusunod na katananungan:

Suliranin 1. Saan at paano ng aba nagmula ang mga ito?

1.1 Sirena

1.2 Duwende

1.3 Manananggal
Suliranin 2. Ano ang impluwensiya at epekto ng mga mitolohikong nilalang sa

mga Pilipino?

1.1 Edukasyon

1.2 Lipunan

1.3 Pag-uugali

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa impluwensiya ng mga mitolohikong nilalang

sa pamumuhay ng mga Pilipino. Saklaw nito ang iba’t ibang baryabol tulad ng mga

paniniwala, dahilan, at epekto ng pagkakaroon ng mga mitolohikong nilalang sa

Kahalagahan ng Pag-aaral

Masasabi natin na marami pa rin ang nakakaalam ng mga nilalang na kadalasa’y

kinakakatakutan nating mga Pilipino na mas kilala sa Ingles bilang Philippine Folklore.

Mahalaga na alam ng bawat mamamayang Pilipino ang mga ito dahil maaaring ituring

ito sa isa sa ating mga kayamanan bilang Pilipino. Ang mga maaaring maging

benepisyaryo sa nga kaalamang ukol sa mga Philippine Folklore ay ang mga

sumusunod:

Sa kabataang Pilipino. Ang pag-aaral nito ay mahalaga sa mga kabataan dahil

sila ang magdadala sa mga estorya ng mga ito sa kanilang buhay. Nasa kanila ang

kabuhayan ng mga Philippine folklore ng bansa. Mabibigyan din ng pansin ang iba’t

ibang uri ng mga nilalang na paniniwalaan sa iba’t ibang lugar ng bansa.


Sa mga Turista o Dayuhan sa bansang Pilipinas. Kung ang mga turista o

dayuhan sa ating bansa ay mananatili sa matagal na panahon dito ay dapat magkaroon

sila ng mga kaalamang tungkol sa alamat ng iba’t ibang nilalang na kung ituturing na

nakakatakot o mga folklore. Mas makakabuti sa kanila na tanggapin an gating kultura,

tradisyon, at ang ating mga paniniwala nang sa ganoon ay hindi sila tuluyang maging

dayuhan sa bansang Pilipinas. Ito na rin ay para sa kanilang paghahanda kung sakaling

sila man ay maninirahan sa mga lugar na laganap ang sinasabing mga nilalang na ito.

Sa mga Pamilyang naniniwala sa mga Philippine Folklore. Kadarag-dagang

kaalaman ang pinakalayunin ng pagsasaliksik na ito. At ang pinakaangko na

benepisyaryo ay ang mga pamilyang naniniwala sa mga folklore ng ating bansa Ang

mga pamilyang Pilipino ang siyang pangunahing dahilan kung bakit nabubuhay parin

ang mga paniniwala sa mga kakaibang mga nilalang na ito. Kung kaya’t dapat mas

maraming kaalaman ang mga pamilyang Pilipino nang sa ganoon ay tama at

makabuluhan ang mga bagay-bagay na kanilang isinasalin sa paglipas ng panahon.

Sa iba pang Mananaliksik. Sa pag-aaral na ito, makatutulong ang mga

nakolektang impormasyon at datos para sa mga kaparehong riserts at pag-aaral.

Makakapagdagdag ang pag-aaral na ito ng mapatunayan sa iba’t-ibang solusyon,

epekto, o suliranin na nais nilang hanapin.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Binigyan ng kahulugan sa bahaging ito ang mga katawagang ginagamit sa mga

baryabol sap ag-aaral. Mahalagang malaman ng mambabasa ang mga depinisyon ng


mga sumusunod na mga salita at terminilohiya upang mas maunawaan nila ang

gustong ipahayag ng mga mananaliksik.

Mitolohikong Nilalang. Ito ay mga ang mga gawa-gawa na hayop, halimaw, at

mga marahuyo na nilalang na higit sa 140 pangkat etniko sa Pilipinas. Ang bawat

etnikong tao ay may sariling natatanging hanay ng mga sistema ng paniniwala, na

kinabibilangan ng paniniwala sa iba't ibang mga gawaing gawa-gawa.

Kultura. Ito ay ang nagbibigay ng pagkikilala sa isang bansa at sa kanyang mga

mamamayan. Ang kultura ay mabisang kasangkapan sa pambansang pagkakaisa

dahil dito naipapahayag ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa.

Pamahiin. Ito ay ang mga iba’t ibang paniniwala o kasanayan na pinaniniwalaang

hindi makatwiran o supernatural.

Sirena. Ito ay isang uri ng nilalang kung saan ito ay may katawan na kalahating

tao at kalahating isda. Binibiktima nila ang mga mangingisda, maging mga baguhan sa

paglalakbay-dagat.

Duwende. Ito ay isang maliit na anyo ng tao. Meron itong kapangyarihan. Maaari

rin itong ihambing sa nuno sa punso.

Manananggal. Ito ay isang nilalang na may kakayahang magbago ng anyo

tuwing kabilugan ng buwan. Ito ay sinasabing nagpapalit ng anyo kapag sumapit na ang

hatinggabi.
Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang nilalaman ng bahagi na ito ay mga babasahin na may kinalaman sa

ginagawang pag-aaral at pananaliksik. Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

inilakip sa pananaliksik na ito ay nagbibigay ng higit na malinaw na kaalaman na ang

layunin ay mabigyan ng mas matibay na impormasyon ang mga mambabasa.

Mga Kaugnay na Literatura

Sa literaturang Filipino, ang pinag-ukulan nila na punto ay ang pagbibigay halaga

o pag intindi sa mga pinapaniwalaan natin tulad ng mga Aswang, Serena, Duwende at

iba pa.

Sa pananalita ni Jocano (2018), dahil sa mga paniniwala sa mga ito ay

nakatungo tayo sa nakaraan nating paniniwala at nakapagbigay ng kaunawaan sa ating

henerasyon ngayon. Sabi ng Anthropologist, ”Myths are ways in which the institutions

and expectations of the society are emphasized and made dramatic and persuasive in

narrative form. Myths show that what people has to enjoy or endure is right and true –

true to the sentiments that people hold.”. Ang ibig sabihin nito ay kapag hindi natin

mabigyan halaga ang ating tradisyon, hindi natin makikilala ang pagka-Pilipino natin.

Sinuportahan naman ito ni Daskeo (2012) na ang mga Pilipino ay naniniwala sa

mga aswang, duwende, at iba pa. Lalo na ang mga matandang mamamayan. Dahil sa

mga paniniwala, nakaimpluwensiya ito sa kanilang mga pang-araw na gawain. Marami

parin ang naniniwala sa mga ito at nakakatulong sa kanila. Bagama’t ang mga kabataan
ngayon ay hindi na naniniwala at naaapektohan sa mga ito. Ngunit, mayroon pa din ang

mga Pilipino na naniniwala sa mga ito at malakas pa ang kanilang paniniwala dahil para

sa kanila, nakatutulong ito sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

Dagdag ni Cabarles (2015), halos lahat ng mga mamamayan ay alam na sa mga

nilalang na aswang, engkanto, kapre, manananggal, tikbalang at tiyanak. Dahil sa mga

pelikula tungkol sa mga nilalang marami na ang nakaaalam sa mga ito. Noong 70s, 80s

at dekadang 90s ay hindi masyado nakilala ang mga nilalang na ito dahil kaunti lang

ang mga nakaalam.

SIRENA

Samantala sa mga dayuhang artikulo, nagsagawa sila ng mga pag-aaral na

nakatuon sa mga mitolohikang nilalang na may kaugnayan sa mga nilalang dito sa

Pilipinas, mga kasaysayan na maaaring maihahalintulad sa ating mga paniniwala, at

mga pagtutulad sa kanilang mga mitolohikang nilalang dito sa atin.

Kinikilala ang mga Sirena na mayroong maganda at kabigha-bighaning boses na

nakaaakit ng mga kalalakihan, lalo na ang mga mangingisda. Kinakantahan ng mga ito

ang mga mandaragat upang abalahin sila sa kanilang mga trabaho. Kasunod dito ang

kanilang pag talon mula sa barko o rumeresulta sa pagkawasak ng bapor. Kumakanta

sila gamit ang kanilang kaakit-akit na mga boses habang nagtatago sa likod ng mga

bato sa karagatan. Habang pinapakinggan ito ng mga kalalakihan, sila ay

nahihipnotismo at nakukuha ng mga sirena. May ibang nagsasabing ang mga sirena ay

nagpapanggap na nalulunod upang sila ay matulungan, pagkatapos nito ay dadalhin

nila ang mga biktima upang ialay sa kanilang mga diyos ng tubig.
Ang mga sirena ay mga nilalang na pantubig na may ulo at katawan ng taong

babae at may buntot ng isda. Ang mga ito ay lumalabas sa mga kwento sa maraming

kultura sa buong mundo, kasali na dito ang Near East, Europe, Asia at Africa kung saan

sila ay itinatawag na “Mermaid”. Ang mga kauna-unahang kwento ang lumitaw sa

Ancient Assyria kung saan ang diyosang si Artagis ay nag-ibang-anyo bilang sirena

dahil sa kahihiyan sa aksidenteng pagpatay sa kanyang minamahal na tao. Minsan, ang

mga sirena ay nauugnay sa mga nakapipinsalang mga kaganapan katulad ng

pagkakalunod, baha, at bagyo.

Samantala, ang ibang mga hinala sa mga Sirena o mas kinikilala bilang

“Mermaid” sa dayuhang bansa ay maaaring naimpluwensiya ng Greek Mythology. Sa

mga makasaysayang mga account ng mga Sirena o “Mermaid” kagaya ng mga naiulat

ni Christopher Columbus sa kanyang pagsaliksik sa Caribbean, maaaring naging

inspirasyon ang mga “Manatees” at ibang kahawig na mga pantubig na mamal. Sa

kapanahunan ng taong 1493, isang italyanong manggagalugad na si Christopher

Columbus ay umulat na nakakita ng Sirena (Mga manatees sa katotohanan). Sa

kanyang paglayag malapit sa Dominican Republic, ang sabi ay nakakita raw siya ng

tatlong Sirena. Inilarawan niya ito na: “Not as beautiful as they were painted”.

Mga sirena, mga katakatang kalahating babae at kalahating isdang mga nilalang,

ay namalagi sa kultura ng seafaring simula noong panahon ng mga sinaunang Griyego.

Inilalarawan bilang may ulo ng babae at buntot ng isda sa halip ng mga tao at

humahawak ng salamin at suklay, ang mga sirena ay nakatira sa dagat. Ayon sa mga

alamat, sila ay maaaring maging tao at magpakasal sa mga mortal na lalaki.


Sa pagbabalik-tanaw sa kasaysayan, ang mga unang sirena ay lumabas sa

unang pagkakataon na nakapinta sa mga kuweba noong huling yugto ng Paleolitik

30,000 na taon na ang nakalipas noong ang mga tao ay may malakas na kontrol sa

lupa at simulang naglayag sa karagatan. Ang terminong “Sirena” ay nagmula sa

terminolohiyang Griyego na “Seiren” na nangangahulugang lubid o rope.

Sa Tsina, maraming mga mitolohikang alamat ang nagkukwento tungkol sa mga

Sirena o Mermaid bilang mga kahanga-hanga, bihasa, at maraming nagagawa na mga

nilalang na ang mga luha ay nagiging perlas. Ang mga Sirena rin ay nakikita sa mga

Romanesque Columns, nagbabahagi sa kanilang katanyagan sa mga Nereids at mga

Harpies.

Sa kabilang dako, ang tekstong pampanitikan na nagpakilala sa mga Sirena sa

kasaysayan ay ang kuwentong “Odyssey” na isinulat ng isang tanyag na manunulat na

si Homer. Dito ipinaliwanag kung paano ang bayaning si Ulysses ay nakatali sa

kanyang barko upang mapakinggan ang mga Sirena ng hindi napapahamak. Ayon din

sa mga Aleman, noong mga panahon kung saan may mga malulungkot na mga sirena

ang nakita sa mga ilog ng Alemanya, ginagamit nila ang kanilang mga boses upang

mang-akit ngunit sa ibang pagkakataon, ang kanilang ganda ang higit na kabigha-

bighani tuwing nakikita silang nakatitig sa salamin habang sinusuklayan ang kanilang

mahabang buhok. Isang kuwentong sikat na nagpapakita ng mga Sirena ay ang

kuwento ng “The Little Mermaid” na isinulat ni Hans Christian Andersen.


DUWENDE

Ito ay ang mga maliit na nilalang na hindi nakikita ng karaniwang tao. Ang mga

ito ay naninirahan sa mga gubat, puno, at mga malalaking tirahan na madalas na

matatagpuan sa mga probinsya. Ang mga duwende ay nagpapakita sa iilang mga tao

lamang, kung ikaw ay kanilang nagugustuhuhan. Naisabi rin na ang mga duwende ay

may mga sariling lugar na mala-paraiso. Hindi rin inaakala na ang kanilang kaharian ay

puno ng ginto.

Sa artikulo sa ibang bansa, ang duwende ay maihahalintulad sa mga “elf”. Ang

mga ito ay isinasabing isang uri ng may hugis taong nilalang na nagmula sa mitolohiya

ng Alemanya. Ayon sa mga kulturang Alemanya, “Elves seem generally to have been

thought of as beings with magical powers and supernatural beauty, ambivalent towards

everyday people and capable of either helping or hindering them.”

Ang mga elves ay naging isang kilalang paksa sa mga kuwentong kathang-isip

mula sa “A Midsummer Night’s Dream” patungo sa mga pantasyang nobela ni J.R.R.

Tolkiens pagkatapos ng 300 taon. Ang mga Elves ay sikat sa pagiging mga nilalang na

tumutulong sa pagtatrabaho kay Santa Claus sa North Pole. Ang mga nilalang na ito, sa

isang anyo o iba pa, ay nabubuhay sa halos lahat ng kulturang Alemanya. Sila ay

karaniwang na naiuugnay sa mga kagubatan, bukid, at mga ligaw na lugar. Sinasabi rin

na sila ay may bukod tanging kagandahan. Sa ibang mga tekstong Alemanya, ang mga

elves ay nakikita bilang masama, nakakatakot na pigyur, ngunit hindi ito palaging

ganito. Minsan, itinatawag ang mga duwende bilang kaakit-akit. Ngunit minsan, sila ay

kinikilala bilang mga rapist. Habang maraming mga alamat ng Bayang Alemanya ang
nagsasabing ang mga nilalang na ito ay mga espiritu ng kagubatan na nabubuhay

ngunit hindi nagpapakita, ang Norse Mythology ay may ibang pakikitungo. Ang Norse

Mythology ay ang mga katakata ng mga taga-hilagang Alemanya. Ayon dito, ang mga

elves ay isang higit na naiibang lahi na naninirahan sa mga mundong nakahiwalay sa

atin. Ang mga ito ay nahahati sa dalawa: ang light elves at ang dark elves. Sila ay

mayroong kapangyarihang higit pa sa mga tao, bagaman hindi katulad ng mga diyos.

Isang halimbawa nito ay karakter na si “Dobby” na matatagpuan sa isang sikat na serye

na tinatawag na “Harry Potter”.

Ang mga Dwarves ay ang mga nilalang na hindi nakikita. Ang kaibahan ng Dwarf

at elf ay ang mga Dwarf ay nahahalata bilang mga nilalang na mayroong mga

makapangyarihang kakayahan. Inilalarawan ang mga dwarf bilang mga maliliit na mga

nilalang na nagmumukhang tao. Sila ay madalas na tinatawag na pangit dahil sa hindi

pagkakabalanse ng kanilang mukha sa kanilang katawan. Sa kabilang dako ang mga

elf ay napapansin bilang mga menor na mga diyos, partikular sa mga diyos ng

pagkamayabong at diyos ng kalikasan. Sila ay mas bata kaysa sa mga dwarves na

mayroon mahahabang mga balbas. Sa pangkalahatan, sila ay mga babae at lalaki na

humahawak ng angking kagandahan bagaman mayroong iba na nagmumukhang pangit

depende sa tiyak na klase nito. Bilang miyembro ng mga mitolohikang nilalang na may

mahiwagang kapangyarihan, ang mga elves ay tumatago at naninirahan sa malalim sa

loob ng luntiang gubat. Bukod sa mga gubat, nakikita rin silang nakatira sa mga tagong

lugar kagaya ng mga kuweba, batis, at sa ilalim ng lupa. Nagdadala ng dakilang alindog

at mahika, kilala rin ang mga elves sa kanilang paglaban sa pagiging matanda Dahil sa

kanilang kapangyarihan na maging imortal. Kung ang sariling katangian ang pinag-
uusapan, ang mga dwarves ay mas tao dahil sila ay nakikita na mayroong emosyon na

katulad sa mga tao katulad ng kaligayahan at kalungkutan. Sa kabilang dako, ang mga

elves ay mas mga seryosong nilalang, at sila ay minsan na mga manloloko. Sa

kasalukuyang panahon, ang salitang “dwarf” ay ginagamit rin sa paglalarawan sa mga

taong maikli o maliit, hindi kinakailangang maging mitolohikang mga nilalang.

Gayunpaman, ang mga Goblin ay inilalarawan bilang mga nilalang na may hindi

maintindihang buhok at may kulay berde na balat. Ang mga Goblin ay kilala bilang mga

nilalang na mahusay, madalas sila ay hindi kanais-nais, mahiganti at matakaw na mga

nilalang na ang pangunahing layunin ay magdala ng gulo sa sangkatauhan. Ang mga

ito ay ang mga karaniwang mga Goblin na matatagpuan ayon sa mga alamat ng mga

taga-Europa. Ang mga nilalang na ito ay nagmula noong ika-14 na siglo at pinaka

laganap sa hilagang-kanlurang Europa, sa Scandinavia, the British Isles, at sa Estados

Unidos. Ang pangalang “Goblin” ay isinabing nagmula sa lumang salitang Pranses na

“gobelin”. Datapwa’t, napagsabi rin na ito ay nagmula sa Griyego at Latinong salita na

mayroong negatibong konotasyon. Ito ay ang salitang “Gobelinus”, na isang pangalan

ng demonyo na kalagim-lagim sa Bansang Normandy. May iba’t ibang klase ng Goblin

at Ilan sa mga ito ay ang mga Hobgoblins, Hogboon, at Tengu. Depende sa kultura, ang

mga ito ay maaaring magkaroon ng mga mahiwagang kapangyarihan na maaaring

magamit sa mabuti o masamang asal. Ang mga nilalang na ito ay ang mga

mitolohikang nilalang na may pagkakatulad sa ating Duwende. Ang mga ito ay

magkawangki sa ating mga paniniwala sa mitolohiya.


MANANANGGAL

Isa sa mga karaniwang nilalang na kakaiba ay ang manananggal. Ang mga

manananggal nakikita bilang isang magandang babae sa umaga na nagiging bisyoso,

may kalahating katawan, at kumakain ng lamang loob tuwing gabi. Isinabi na ang mga

manananggal ay lumalabas sa kanyang bahay tuwing hatinggabi upang magtago sa

mga palumpong, o sa mga punong saging. Doon, hinahaplos niya ang kaniyang

katawan gamit ang isang uri ng langis at ilang minuto ang lilipas, siya ay magkakaroon

ng mga pakpak na katulad ng sa mga paniki at ang kanyang katawan ay nahahati

hanggang sa baywang. Ang katawan ng babae ay naiiwan kung saan ito umalis, at ang

kalahati nito ay lumilipad upang maghanap ng makakain. Dahil sa matinding pag-amoy,

mararamdaman nito ang mga taong may sakit o di kaya ay mga buntis kahit na ang

mga ito ay nasa malayo. Ang salitang manananggal ay nagmumula sa salitang Tagalog

na “tanggal”. Sinasabing ang madalas maging biktima ng mga manananggal ay ang

mga natutulog na buntis na babae. Gamit ang kanilang mahahabang dila, kanilang

sinisipsip ang mga puso ng mga sanggol.

Sa dayuhang artikulo, mayroon din ang mga nilalang na kahawig sa mga

manananggal. Isa dito ay si Rokurokubi na isang nilalang na mula sa mga hapon. May

dalawang uri ng Rokurokubi: ang isa ay kung saan ang kanyang leeg ay may

kakayahang uminat ng mataas at ang isa ay kung saan ang leeg ay maaaring umalis

mula sa katawan at lumilipad kung saan-saan o mas tinatawag na “Nukekubi”. Ang mga

ito ay madalas na gumagawa ng hindi mabubuting asal katulad ng paglusob sa gabi at

pag-inom sa mga dugo ng kanyang biktima. Ang klasikong literatura tungkol sa mga

Rokurokubi ay isinasabing mga kuwento ng mga tao na nakakakita ng mga lumilitaw na


ulo sa gabi. Sa kasaysayan ng mga ito, sila ay parte sa kultura ng mga Hapon,

minamahal at pinapahalagahan, ngunit madalas ay kinakatakutan. Gayunpaman,

habang sila ay inaakalang mga taong babae sa araw, ang kanilang tunay na anyo ay

lumalabas at nagpaparamdam tuwing gabi. Ang mga ito ay sumasaya tuwing

nakakatakot ng mga tao, maliliit na mga hayop, at pagsira sa mga gamit. Isinasabing

nagiging isa Rokurokubi ang isang babae kapag ito ay sinumpa. Maaari rin maging

ganitong nilalang ang isang babae kung sila ay nagkakasala at hindi tapat sa kanilang

mga asawa. Gayunman, kung ang kanilang ama, asawa, o ibang kapamilyang lalaki ay

nagkakasala, ang sumpa ng Rokurokubi ay naipapasa sa mga babae. Sa kasamaang

palad, sinasabi rin na naipapasa ng isang babae ang sumpang ito sa kanyang magiging

anak na babae.

Sa ibang paniniwala, isang kahawig ng mga manananggal ay si Lilith na isang

masamang pigura ng mga taong Hudyo. Ang kanyang pangalan at mga katangian ay

pinaniniwalaang nanggaling sa mga Mesopotamian na demonyo na itinatawag na “lilītu”

na nangangahulugang “Night Monster”. Ayon sa literaturang rabbinic, si Lilith ay

madalas na tinatanghal bilang ina ng demonyong anak ni Adam kasunod sa kanyang

pagkahiway kay Eve. At ayon sa mga alamat ng Hudyo, siya ay ang unang asawa ni

Adam. Sa pagtanggi na maging sunud-sunuran ni Adam, iniwan niya ito at ang Harden

ng Eden. Batay sa mga mitolohiya, ang kanyang anak ay nababagabag ng isang

archangel na si Samael. Si Lilith ay madalas na itinatawag na “Halimaw sa Gabi” na

nagnanakaw ng mga sanggol tuwing gabi.

Maliban kanila Rokurokubi at ni Lilith, isang nilalang na kasingtulad ng mga

manananggal sa Pilipinas ay si Penanggalan. Si Penanggalan ay nagmula sa mga


alamat ng mga Malaysian. Ayon sa mga kuwento, siya ay maaari maging isang

magandang matanda o dalagang babae na nagkaroon ng kanyang kagandahan sa

paraan ng paggamit ng itim na mahika, higit sa karaniwan, o paranormal na

pamamaraan na madalas na inilalarawan na mahiwaga o demonyo sa kalikasan. Ang

Penanggalan ay karaniwang isang babaeng komadrona na nagkaroon ng kasunduan

sa mga demonyo upang magkaroon ng mga kapangyarihang hindi karaniwan. Isinabi

na isinira niya ang isang kasunduan na hindi kumain ng karne sa loob ng 40 ka araw.

Dahil sa pagkasira ng kasunduan, habang buhay na isinumpa ang komadrona na

maging pagdadguo ng dugo na nilalang. Isang kuwento rin tungkol dito ay isang

magandang babae na naliligo na may hawak na suka. Habang siya ay naliligo, isang

lalaki ang pumasok ng walang paalam na ikinagulat ng babae. Sa kanyang pagkagulat,

inangat niya ang kanyang ulo ng sobrang lakas na ang kanyang ulo ay nahiwalay sa

kanyang katawan. Ang kanyang mga lamang loob ay lumabas sa pinagbubuksan ng

kanyang leeg. Dahil sa galit sa ginawa ng lalaki, inilapitan niya ito gamit ang kanyang

bisyosong ulo na may dala-dalang lamang loob at tumutulo na dugo. Dahil dito, ang

Penanggalan ay sinasabing may dala-dalang amoy ng suka sa tuwing siya ay lumilipad,

at bumabalik sa kanyang katawan tuwing araw at nagpapanggap bilang isang babae.

Maaaring ang Penanggalan din ay isang babae na namatay dahil sa panganganak. Sila

ay naghahanap ng pagkain at katulad ng mga Manananggal, sila ay naghahanap ng

mga bahay ng mga buntis, hinihintay na lumabas ang sanggol at gamit ang kanyang

mahaba at hindi nakikitang dila, iniinom nito ang dugo ng Bagong Silang na bata. Ang

pagkakaiba ng Penanggalan sa Manananggal ay sila ay humihiwalay sa katawan

kasama ang kanilang baga, sikmura at bituka at bumabalik sa katawan na ibinababad


ang lamang loob na may kasamang suka upang maibalik ito sa katawan. Maliban sa

pagkakaroon ng mahahabang dila, ang Penanggalan ay mayroong mga panga. Ang

Penanggalan ay nabanggit sa “Hikayat Abdullah” na isinulat noong 1845, dahil sa

pagkakaaliw ni Ginoong Starnford Raffles.

Ang mga artikulong dayuhang mga ito ay ilan sa mga nakaimpluwensiya sa ating

mga paniniwala bilang Pilipino. Nakukuha natin sa mga ito ang ating mga kaalaman

tungkol sa mga Sirena. Dito rin natin nakukuha ang mga ideya sa pagkakaroon ng mga

mitolohikang nilalang na mga ito. Dahil sa impluwensiya na ibinibigay ng ibang bansa o

kultura, lumilinang din ang ating mga paniniwla at mitolohiya sa Pilipinas. Dahil dito,

masasabi natin na maraming mga pagkakatulad ang mga dayuhang literatura sa ating

lokal na literatura. Ang mga literaturang ito ay mag pagkakaugnay sa isa’t isa. Sa

pagkakaroon natin ng mga paniniwalang mitolohiya na ito, mas nabubukas ang ating

kaisipan ang imahinasyon bilang mga Pilipino. Mas nagiging kawili-wili ang ating mga

paniniwala. Dahil rin sa mga ito, naapektohan ang mga gawain o kasanayan ng mga

Pilipino. Sa pagkakabuo nito, kasabay rin ang pagkakaroon ng paniniwala sa pamahiin.

Ito na ay naging parte ng ating kultura bilang mga Pilipino na maaaring inimpluwensiya

rin ng mga dayuhang lugar at dayuhang literatura.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Sa pag-aaral ni Price(2017) mahalaga ang mitolohiya at mga alamat sa pag-

uunawa sa mga lipunan sa nakaraan. Kasali na dito ang mga mitolohikong nilalang.

Marami tayong matutunan mula sa nakaraan at mula sa mga ito ay maaari tayong

lumago upang maunawaan natin ang ating sarili.


Ayon sa kanya:

Not only did myths and legends explain the origin of man and Earth, but gave the

people alive at the time a model on how to lead their lives. All civilizations have been

formed on the basis of laws. Laws are based on moral codes and ethics. Where do

moral codes come from? Gods, Goddesses, Heroes, etc.

Mahalaga rin ang mga ito dahil nakakatulong ang mga ito sa mga historians na i-

ugnay ang nakaraan. Kasali na dito ang pamumuhay ng mga tao, ang mga pinuno at

lider, ang uri ng edukasyon, at iba pa.

Ayon sa pananaliksik ni Jacobs (2018) ang mga mitolohiya ay mga kuwento na

sinasabi ng isang kultura upang maipaliwanag ang sarili nito. Bawat kultura ay may

mitolohiya na paulit-ulit na sinasabi bilang bahagi ng proseso sa pag-uugnay ng

kabataan sa kultura. Ipinaliwanag niya na ang pagtawag ng isang kuwento bilang

"myth" ay hindi nangangahulugan na ito ay hindi totoo.

Ayon sa nauna:

“That is a corruption of the word. In fact, in most cultures, myths express a

deeper truth that cannit be conveyed directly, by literal grammar, instead using parable,

comparison, metaphor, and intuition, embodied in a narrative tale, to elicit those truths.”

Ang mga myths, lalong-lalo na ang mga mitolohikong nilalang, ay hindi lang

'tumatangkilik (refer)' sa mga relihiyosong paniniwala, tulad ng mga Griyegong kuwento

ng mga Olympian gods. Ito ay mga sibika, pampolitika, ekonomik, at sosyal na mga

myths.
Ayon kay Horton (2014), ang mitolohikong nilalang ay maaaring maipaliwanag

bilang isang nilalang na pinaniniwalaang hindi totoo o tunay, at posibleng nagtataglay

ng kakaibang kapangyarihan. Ayon din kay Hawkridge (2018), ang salitang "myth" ay

maaring i-ugnay sa salitang "fiction". Dahil dito, masasabi na ang mitolohikong nilalang

ay mauunawaan bilang isang nilalang na hindi tunay.

Ayon sa pag-aaral nina Adams, et al. (2017), ang paghahanap ng nga

mitolohikong nilalang, o mas kilala bilang "cryptozoology", ay nakakatulong sa

pagkakaroon ng konserbasyon sa iba't ibang pamamaraan. Una, hindi pa tapos ang

proseso sa pagtatala ng mga species sa mundo. Inaasahan ng mga 'conservationists'

na 'i-preserba' at iligtas ang mga kilalang halaman at hayop ngunit hindi talaga

ikinatutuwa kung gaano karami ang mga "undescribed" ng mga 'scientist’.

Ang mga nabanggit na mga pahayag taglay ang mga mahahalagang punto

hinggil sa pag-aaral na ito na kung saan ang mga mitolohikong nilalang sa Pilipinas na

isang malaking bahagi sa kultura ng mga Pilipino ay may epekto o impluwensiya sa

pamumuhay ng mga Pilipino.


Kabanata 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, makikita ang pagtatalakay ng mga pamamaraang ginagamit

sa pangangalap ng datos sa pag-aaral. Dito makikita ang mga patunay ng suliranin at

pamamaraan kung paano makukuha ang mga kasagutan. Kabilang dito ang mga

sumusunod: Disenyo ng Pananaliksik, Kinalalagyan ng Pag-aaral, Mga Respondente

ng Pag-aaral, Instrumento ng Pananaliksik at Pangangalap ng Datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng arkaybal na pananaliksik o

pamaraang deskriptib. Isa itong proseso ng pangangalap ng impormasyon at datos,

nalalaman o napag-alaman, karagdagang patunay at panukala na galing sa mga

sekondaryang sors o mapagkukunan. Kinabibilangan ng arkaybal na pananaliksik ang

pag-aanalisa ng datos at pag iinterpreta ng nalalaman.

Sa tiyakang pagpapakahulugan:

“Archival Research is a type of primary research which involves seeking


out and extracting evidence from original archival records. These records may
be held either in collecting institutions, such as libraries and museums, or in
the custody of the organization whether a government body, business, family,
or other agency that originally generated or accumulated them, or in that of
successor body. Archival research can be contrasted with: 1) Secondary
research and are taken in a library or online which involves identifying and
consulting secondary resources relating to the topic of inquiry and 2) with the
other types of primary research and empirical investigations such as fieldwork
and experiment.”
Ang Kinalalagyan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa antas tersarya ng Pamantasan ng Xavier

University – Ateneo de Cagayan, lungsod ng Cagayan de Oro. Ito ay isang pribado at

Katolikong unibersidad na pinamamahalaan ng Society of Jesus. Kinilala ito bilang

Ateneo de Cagayan simula nang ito ay itinatag noong 1933, ito ay nagging isang

unibersidad noong 1958, kung kalian ito binigyan ng bagong pangalan sa karangalan ni

St. Francis Xavier. Ito ay kasalukuyang pinamumunuan ni Fr. Roberto C. Yap, SJ.

Kasapi ng institusyong Xavier University ang pagpapalaki ng mga indibidwal na may

kakayahan ang Senior High School – Kagawaran ng Filipino Ang Kagawaran ng Filipino

ay may nagliliyab na determinasyong linangin ang mga mag-aaral nang may

kahuyasan, dedikasyon, konsensya, at pagmamahal sa kultura, tradisyon, at wika ng

bansang Pilipinas sa iba’t ibang larangan ng edukasyon.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumento na ginagamit sa pag-aaral ay dalawa upang makapangalap ng

sagot ang mga mananaliksik at lubusang maunawaan ang mga suliranin ng pag-aaral:

Katangian ng Mitolohikong Nilalang

Saklaw nito ang mga impormasyong katangian tulad ng pinagmulan o

kinaroroonan, personalidad, pagkilos o galaw, kakayahan, estila ng pamumuhay, at

pakikipagkapwa o Relasyong Intrapersonal.

Pangangalap ng Datos

Ang mga datos na kinakailangan sa pag-aaral na ito ay nagmula sa mga silid-

aklatan, Internet, arkayb, at ibang pinted na materyales. Makikita ang mga binanggit sa

loob ng silid-aklatan at sa pamamagitang ng pananaliksik sa Internet.

You might also like