Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAGPAPANTIG

Pantig - ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng lalamunan o walang antalang bugso
ng tinig sa pagbigkas ng salita.

Kayarian ng Pantig - gumagamit ng simbolong K para sa Katinig at P para sa patinig sa pagtukoy ng


kayarian ng pantig.

KAYARIAN HALIMBAWA

P a - so

KP ma - ta

PK ak - lat

KPK sak - lap

KKP blu - sa

PKK eks - pre - syon

KKPK plan - ta

KPKK nars

KKPKK trans - por - ta - syon

PAGPAPANTIG - ay paghahati ng salita sa pantig o mga pantig.

1. Ang magkasunod na dalawa o higit pang patinig ng salita ay hiwalay na mga pantig

Hal.

Uupo > u - u - po

Paano > pa - a - no

Noo > no - o

2. Ang magkasunod na katinig sa loob ng isang salita ay pinaghihiwalay, ang una ay kasama sa patinig na
sinusundan at ang ikalawa ay sa patinig na kasunod.

Hal.

Tukso > tuk - so

Pandak > pan - dak

1
Luksa > luk - sa

3. Sa hiram na salita, ang magkasunod na katinig ay parehong kasama sa kasunod na patinig.

Hal.

Sobre > so - bre

Pobre > po - bre

4. Sa pag-uulit ng pantig :

a. Ang patinig lamang ang inuulit kung ito ay unang tunog ng salitang ugat.

Hal.

Asa > a - a- sa

Alsa > a - al- sa

Ekstra > e - eks- tra

b. Kung ang unang pantig ng salitang ugat ay nagsisimula sa katinig-patinig ang katinig at kasunod na
patinig lamang ang inuulit.

Hal.

Punta > pu - pun- ta

Sulat > su - su-lat

PANLAPI

Uri ng Panlapi

1. Unlapi - matatagpuan sa unahan ng salitang ugat.


2. Gitlapi - matatagpuan sa gitna ng salitang ugat. Karaniwang gitlapi ( -in- at -um- )
3. Hulapi - matatagpuan sa hulihan ng salitang ugat. Karaniwang hulapi ay (-an ,-han, -in, at -hin)

You might also like