Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panukala sa Pagpapagawa ng Poso sa Bawat Purok

para sa Mamayan ng Barangay San Ramon

Mula kay: Clarince D. Aucena


Purok 5
Barangay San Ramon
Manaoag, Pangasinan
Ika 7 ng Enero sa kasalukuyang taong 2020
Haba ng Panahong gugulin: 3 buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang Barangay San Ramon ay isa lamang sa 26 na Barangay sa Manaoag, Ang Barangay
na ito ay maliit lamang di gaya ng ibang Barangay dito sa Manaoag. Isang malaking suliranin ng
mga tao dito ay kung saan makakakuha ng malinis na tubig. Dahil isang mahirap na Barangay
lamang ang San Ramon wala silang kakananan magpatayo ng sariling Poso. Kayat ang iba sa
kanila ay nakiki-igib lang sa kapit-bahay na may Poso. Karamihan ng mga tao dito ay
nahihirapan dahil walang mapagkukuhanan ng malinis na tubig upang gamitin sa araw-araw.
Dahil dito mas mainam na Magpatayo ng Poso sa bawat purok ng Barangay San Ramon.
Kung ito ay maisasakatuparan maraming mamamayan ng San Ramon ang matutulungan at
makikinabang sa panukalang ito, Lalong lalo na ang mahihiram nating kababayan .

II. Layunin
Magpapagawa o Magpapatayo ng Poso na may bobong sa pitong Purok na makakatulong
at upang hindi na mahirapan ang mga tao sa mapagkukunan ng malinis na tubig para sa araw-
araw.

III. Plano na Dapat Gawin


1. Pagpapasa, paghahanda, paglalabas ng budyet at maging pag- aaproba. (1 linggo)
2. Pagbibidding na gagawin sa mga kontaktor at magongontrata sa paggawa at pagpapatayo ng
Poso. (2 linngo)
Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani- kanilang tawad para
sa pagpapatayo ng mga Poso kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagsasagawa ng pagpupulong ng conseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na
gagawa at magpapatayo ng Poso. (2 araw)
Gagawin rin sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontaktor para sa
kabatiran ng nakakarami.
4. pagsasagawa at pagpapatayo ng Poso sa ilalim ng pamamahala ng mga opisyal ng Barangay
San Ramon. (2 na buwan at kalahati)
5. Pagbabasbas at pagpapasinaya ng Health Center. (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gagastusin Halaga


Presyo o Halaga ng Pagpapagawa ng Poso
batay sa isinumite ng napiling kontraktor,
Kalakip narin dito ang Materyales at sweldo ng
lahat Trabahador. 220,000.00
Halaga ng mga gastusin sa Pagpapasinaya 30,000.00
Kabuuhang Halaga 250,000.00

VI. Benepesyo ng proyekto at mga Makikinabang nito.


Ang Pagpapagawa at Pagpapatayo ng mga Poso ay malaking pakinabang at tulong para
sa mga mahihirap na mamamayan ng San Ramon.

You might also like