Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

10. Ama ng Humanidades?

A. Aristotle B. Petrarch C. Plato D. Socrates

11. Ito ay isang uri ng paglalahad na nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang
mahalagang karanasan o pangyayari.
A. Agenda B. Lakbay Sanaysay C. Replektibong Sanaysay D. Posisyong Papel

12. Mga konsiderasyon sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay.


A. ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na kailangang gamitin.
B. naglalahad ng interpretasyon.
C. pagandahin ang panimulang bahagi.
D. lahat ng nabanggit.

13. Mga halimbawa ng Replektibong Sanaysay maliban sa isa…


A. Editoryal B. Literatura C. Proposal D. Talumpati

14. Layunin n Replektibong Sanaysay ay…


A. Naglalayong maipahatid ang mga nakalap ng impormasyon.
B. Nagtatalakay ng iba’t-ibang aspeto ng karanasan.
C. Rebyuhin nang ilang ulit ang repleksiyon.
D. Wala sa nabanggit.

15.Bahagi ng Replektibong Sanaysay na kung saan matatagpuan kung paano gagamitin ng may-akda ang kanyang
mga natutuhan sa buhay sa hinaharap.
A. Katawan B. Kongklusyon C. Simula D. Pambungad

16. Ito ay naglalaman ng pananaw ng may-akda tungkol sa paksa.


A. Katawan B. Kongklusyon C. Simula D. Pambungad

17. Nakalakip sa bahaging ito ay ang mga napagnilay-nilayan ng may-akda at kung paano umunlad ang pagkatao ng
awtor mula sa mga karanasan o gintong aral.
A. Katawan B. Kongklusyon C. Simula D. Pambungad

18. Alin ang hindi katangian ng isang replektibong sanaysay?


A. may kawili-wiling introduksyon
B. may maayos na daloy ng mga pangyayari
C. may maayos na pagtatapos o konklusyon
D. may malinaw na paglalahad at pangangatwiran sa mga karanasan

19. Ito ay kamangha-manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay sa


mga larawang sinundan ng maikling kapsyon kada larawan.
A. Lakbay Sanaysay B. Sanaysay ng Larawan C. Posisyong Papel D. Replektibong Sanaysay

20. Tipikal sa pictorial essay ang pagkakaroon ng pamagat at pokus ng isang tema.
A. Larawan B. Paksa C. Pokus D. Teksto

21. Ito ay mahalagang sangkap tungo sa matagumpay na pictorial essay na may malalim na pang-unawa,
pagpapahalaga, at tamang obsrbasyon sa paksa.
A. Larawan B. Malinaw na paksa C. Orihinalidad D. Pokus

22. Ang pangkalahatang kahulugang ipinapahayag ng nilikhang larawan ay ikaw mismo ang kumuha.
A. Lohikal na estruktura B. Malinaw na paksa C. Orihinalidad D. Pokus

23. Kailangang may kawili-wiling simula, maayos na paglalahad ng katawan at kawili-wiling wakas.
A. Lohikal na estruktura B. Malinaw na paksa C. Orihinalidad D. Pokus

24. Pagpili ng paksang mahalaga sa iyo at alam na alam mo at hindi kailangang engrande ang paksang pipiliin.
A. Lohikal na estruktura B. Malinaw na paksa C. Orihinalidad D. Pokus
25. Ang paggawa ng pictorial essay ay
A. Ilalahad ang mga material sa paraang interesante ang target na kalahok.
B. Madaming larawan.
C. Tiyakin na ang layunin para sa pagsulat.
D. Lahat ng nabanggit.

26. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng mahusay na pictorial essay maliban sa:
A. Komposisyon B. Malinaw na paksa C. Orihinalidad D. Pokus

27. Allin sa mga sumusunod ang hindi dapat sundin sa pagsulat ng posisyong papel?
A. Di-lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga ebidensya
B. Lagyan ng angkop na pamagat
C. May kawili-wiling introduksyon
D. May tiyak na aksyon bilang konklusyon

28. Alin sa mga sumusunod na kurso ang nabibilang sa Humanidades?


A. Biolohiya C. Linggwistiks
B. Heograpiya D. Sikolohiya

29. Ito ay tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/ o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala
sa pinagmulan nito
A. Cheating b. Plagiarism c. Robbery d. Stealing

30 Ang pangongopya ay pandaraya at di-katanggap-tanggap sa pananaliksik. Maaari din itong humantong sa mga
problemang legal. Iwasan ito para huwag mapasok sa gulo at gusot. Paano ito maiiwasan?
A. Pag-aangkin at/o paggaya sa pamagat ng iba
B. Pagkilala sa ginamit na mga ideya at datos
sa pamamagitan ng mga tala at bibiliograpiya.
C. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap at hindi kinilala
ang awtor.
D. Tahasang pag angkin sa gawa ng iba.

31. Alin ang nagpapahayag ng pagkakatulad ng lakbay-sanaysay at replektibong-sanaysay?

A. Tungkol sa kalakasan at kahinaan batay sa karanasan, personal at kritikal.


B. Tungkol sa paglalakbay, nakatuon sa mga nakita at naranasan,
C. May panimula, katawan at katapusan, impormal, batay sa karanasan, naglalarawan at nagsasalaysay.
D. May panimula, katawan at katapusan, pormal, batay sa karanasan, naglalahad at nangangatwiran.

32. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng konklusyon?


A. Ang pag-aaral ay isang pangunahin o eksploratoryong pag-aaral sa ugnayan ng wika at ang mga
tradisyon/pamamaraan ng paggamot o medisina.
B. Tunay ngang mayaman ang festival bilang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon bilang daluyan ng
kultura at identidad ng anumang wika, lahi at kultura.
C. Marapat lamang sundan, hamak man, ang mga katangi-tanging pinasimulan ng mga Pilipino propesor na
gumamit ng wikang Filipino bilang instrumento sa pagsusuri.
D. Wala sa nabanggit.

33. Alin akademikong sulatin ang ginagamitan ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplinang pang-akademya?
A. agham B. agham panlipunan C. humanides D. lahat ng nabanggit

34. Alin sa mga sumusunod ang angkop na kahulugan ng posisyong papel?

A. Ang posisyong papel ay isang akademikong teksto/ sulatin na nangangatwiran at nagbibigay ng paninindigan sa
isang partikular na isyu.
B. Ang posisyong papel ay naglalarawan ng mga napapanahong isyu.
C. Ang posisyong papel ay hindi naglalahad ng aksyong ginagawa ng sumulat sa isyung inihain.
D. Ang posisyong papel ay pagkuha ng mga ebedinsya na di na kailangang manaliksik .
35. Ang pangangatwiran ay isang uri ng panghihikayat. Alin sa mga sumusunod ang hindi makakatulong upang
mahikayat ng manunulat ang mambabasa na pumanig sa kanyang opinyon?
A. Ang mga ebidensya sa mga argumento ay maaaring kunin sa obserbasyon, mga pahayag mula sa awtoridad
tulad ng abogado, doctor at propesor at istatistiks o kaya’y mga mapagkakatiwalaang datos at pag-aaral.
B. Bumuo ng mga matitibay na argumento o mga dahilan upang mapasang-ayon ang mga mambabasa.
C. Gamiting matibay na ebidensya para sa argumento
ang narinig na kwento at sariling karanasan upang mas makumbinsi ang mga mambabasa.*
D. Suportahan ng mga ebidensya ang mga argumento upang mapatibay ito.
36. Ito ay parang mapa na nagsisilbing gabay na nagbibigay ng malinaw na direksiyon kung paano mararating nang
mabilis ang patutunguhan.
A. Agenda B. Lakbay sanaysay C. Posisyong papel D. Replektibong sanaysay

37. Ang responsible sa gaganaping pulong kasama ang kalihim sa pamamahagi sa lahat ng mga kalahok.
A. Nagpatawag ng pulong B. Tagalista ng kalahok C. Panauhin D. Wala sa nabanggit

38. Epekto ng Hindi Paghahanda ng Agenda.


A. Mawawala sa pokus ang mga kalahok, na nagdudulot sa tila walang katapusang pagpupulong.
B. Umuunti ang bilang ng dumadalo sa pulong.
C. Tumatagal ang pagpupulong at nasasayang lamang ang panahon ng mga kalahok.
D. Lahat ng nabanggit

39. Kahalagahan ng Paghahanda ng Agenda maliban sa isa.


A. Masisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong.
B. Ang lahat ng kalahok ay patungo sa isang direksyon.
C. Mas mabilis natatapos ang pagpupulong kung alam ng lahat ang lugar na pagdarausan.
D. Nagdudulot sa tila walang katapusang pagpupulong.

40. Anu-ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong? Sa bahaging ito ng agenda, sinasagot nito ang tanong
na:
A. Anu-ano ang mga paksa o usapin ang tatalakayin?
B. Bakit tayo magkakaroon ng pagpupulong?
C. Saan at Kailan idaraos ang pagpupulong?
D. Sinu-sino ang mga kalahok sa pagpupulong?

II. 41-45 – Pagsulat ng Posisyong Papel. (5 puntos)

- Dapat bang ipatupad ang “No Homework Policy?”

46-50 – Pagsulat ng Replektibong Sanaysay. (5 puntos)

- Sumulat ng isang Replektibong Sanaysay tungkol sa kursong napupusuan ninyo.

Pamantayan sa Pagmamarka

Pokus, Detalye at Organisasyon - 3 puntos


Pagpili ng mga angkop na salita at gramatika - 2 puntos

Prepared by: Checked by: Noted by:

MARIAN M. GARCIA JANET C. MOYANO JULIAC. TAGULAO


SHS Teacher SHS Coordinator Principal IV

You might also like