Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG PAMPANGA
Lungsod ng San Fernando

Ikaapat na Markahang Pagsusulit


Filipino I0

Pangkalahatang Panuto: Basahin ang mga tanong, isulat sa sagutang papel ang tamang sagot ayon sa
hinihingi ng bawat panuto.

I. Pagsusuring Panglingguistika: Pillin ang pinakamalapit na sagot ng salitang nakasalungguhit


ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
_______1. Kumatig si Padre Camorra sa pagpapalaya kay Kabesang Tales.
A. ‘Di- Pumanig C. Sumang ayon
B. Lumaban D. Tumutol

______2. Nililibak ng mga kaparian ang kagustuhan ng mga Pilipino na matuto ng Wikang Kastila.
A. Dinudumihan C. Hindi Pinapansin
B. Hinahangaan D. Tinutuya
______3. Kahanga- hanga ang mga kabataang tumutulong sa mga adhikain ng pamahalaan
A. Alituntunin C. Kahilingan
B. Balakin D. Layunin
______4. Nagtanong si Simoun kung ano ang nangyari sa demonyong naging bato noong nagdilubyo sa
daigdig?
A. Nagambala C. Nagulat
B. Nagunaw D. Natulala

______5. Ang Alamat ng malapad na batong buhay ay isa sa mga sagrado bago pa lamang dumating ang
mga Kastila.
A. Banal C. Sagabal
B. Mahalaga D. Sarado

II. A. Piliin ang pinakatamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
_______6. Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang Panlipunan, samantalang ang El Filibusterismo ay
isang nobelang Pampulitika. Kailan nailimbag ang nobela?
A. Setyembre 18, 1981 C. Setyembre 18, 1918
B. Setyembre 18, 1891 D. Setyembre 18, 1819

______7. Binitay sila sa Bagumbayan noong ika-28 ng Pebrero 1892. Tinawag silang mga martir, sa kanila
inihandog ni Rizal ang kanyang Obra Maestrang El Filibusterismo. Sino-sino ang tatlong paring martir?
A. Gomez, Burgos, Zanora C. Gomez, Burgos, Zamora
B. Gonez, Bustos, Zamora D. Gonez, Bustos, Zanora

_____8. Ang orihinal na sipi ng El Filibusterismo na may lagda pa ni Rizal ay ibinigay sa taong
pinagkakautangan niya ng loob. Siya ay si________
A. Andres Bonifacio C. Basa Lopez
B. Sixto Lopez D. Valentin Ventura

_____9. Ano ang huling tulang naisulat ni Rizal bago siya binaril sa Bagumbayan noong Disyembre 30,
1896.
A. El Amigo Delos Ninos
B. Mi Ultimo Adios
C. Pasion
D. Trisagion
_____10. Ang tula ni Rizal ay naging pag-aari ng mag-anak niya. Ngunit ito ay dinala sa Hongkong ng
kanyang dayuhang asawa na si___________
A. Jocelyn Bracken
B. Josephine Brocken
C. Jocelyn Brocken
D. Josephine Bracken

III. A. Kilalanin ang mga tauhan mula sa mga pangyayaring tumutukoy sa kanilang karanasan at
kontribusyon mula sa nobela. Piliin ang mga ito mula sa arrow box. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

A. BASILIO B. SIMOUN C. KABESANG TALES


D.ISAGANI E. HULI F. PADRE FLORENTINO

________11. Sila ng kanyang ama ay nagkaingin sa isang kagubatan sapag-aakalang walang nagmamay-
ari rito.
________12. Ipinagbiling lahat niya ang kanyang mga alahas maliban sa laket na yari sa brilyante at
Esmeralda na bigay sa kanya ng kanyang irog.
________13. Uminom siya ng kemikal na magwawakas sa kanyang buhay matapos niyang maipagtapat
ang lahat sa isang taong makakaunawa pero hindi umayon sa mga naging balakin.
________14. Natalo siya sa usapin ngunit patuloy pa rin siyang lumaban sa abot ng kanyang makakaya
hanggang sa dukutin siya ng mga tulisan.
________15. Ang aninong kumuha at pumasok sa bulwagan sabay agaw sa lampara na tatapos sana sa
buhay ng lahat ng mga naroon sa handaan.
________16. Pinayagan siyang makapag-aral ng kolehiyo subalit ang kapalit nito ay maninilbihan siya
kay Kapitan Tiago.
________17. Palihim siyang nagtutungo sa kagubatan na naging libingan ng kanyang ina na dating
pagmamay ari ng mga Ibarra.
________18. Siya ang huling taong nakausap at pinagtapatan ni Crisostomo Ibarra/ Simoun ng kanyang
lihim.
________19. Ipinaliwanag niya kay Simoun na hindi naging mapili ang Diyos kundi hindi lamang
umaayon sa Kanyang kagustuhan ang mga pamamaraang ginamit ng binate sa paghahanap ng
katarungan.
________20. Naging bigo siya noong una na mahikayat si Basilio na sumama sa kanyang paghihiganti
subalit napasakamay din niya ang binata sa panahon ng kagipitan nito.
B. Mula sa mga tauhang nakatala sa arrow box sa itaas, suriin ang mga pahayag sa ibaba, tukuyin kung
sino ang nagpahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
_____ 21. “Pinapadali ko ang pagkabulok…Pinalalala ko ang pag-iimbot. Inaayunan ko ang kabaluktutan
upang tumindi ang pagmamalabis.”
_____22. “Patawarin ninyo ako sa pagkuha ng inyong pag-aari sa sarili kong bahay. Ngunit ako’y napilit
ng isang pangangailangan at pinapalitan ko ito ng ibig ninyo.”
_____23. “ Kung ako man ay gumagawa ng masama ay upang makagawa ng mabuti”
_____24. “ Itago ka nawa ng kalikasan sa kailaliman, kasama ng mga perlas at kolaresng kanyang walang
hanggang dagat.
_____25. “ May labingtatlong taon na ngayong ako’y tinulungan ninyo , Ginoo sa paglilibang dito sa
aking ina. Ikalulugod kong makaganti naman ako sa inyo ngayon.

B. Suriin ang mga pahayag. Pag-ugnayin ang akmang mensahe sa ibaba. Isulat ang bilang 21-25 sa
patlang para sa bilang 26-30.
_____26. Wakasan na ang pinag-ugatan ng kasakiman. Hindi dapat ipagpatuloy o gamitin ang alinmang
ginamit sa masama.
_____27. Pilit na ibinabaon sa mali at masama, lalo namang nalulugmok sa kasalanan.
_____28. Ipinagpapasalamat ang mga naibahagi at ngayo’y nais tumanaw ng utang na loob.
_____29. Sa kabila ng maling pamamaraan, ang kabutihan pa rin ng lahat ang nilalayong
mapagtagumpayan.
_____30. Mayroon mang pagkakamali at pag-aminat may kapalit ang sariling interes,napilitan mang
magkasala subalit makikita ang katapatan.

Suriin ang mensahe/ kahulugan/implikasyon ng bawat pahayag ng mga piling tauhan sa kanilang
paniniwala o adhikain.
_____31. “Ang aking landasin ay iba, ang tanging hangad ko’y mapagaling lamang ang mga sakit na
dinaramdam ng aking mga kababayan” (Basilio) Anong damdamin o paniniwala mayroon siya?
A. Masaya at walang planong pumasok sa anumang gulo.
B. Kuntento at ang tanging layon ay para sa Ikabubuti ng may karamdaman lamang.
C. Tahimik na buhay at nais na tumulong sa ibang tao na kailangan ang kanyang paglilingkod.
D. Malungkot at gustong manggamot lamang dahil ang kanyang ina ay namatay ng hindi
nagagamot.
_____32. “ Sa halip na gawing malaya ang inyong sarili ay gagawin ninyo lamang itong tunay na alipin”
(Pahayag ni Simoun kay Basilio ukol sa usaping pagtatatag ng wikang Kastila). Ano ang implikasyon nito?
A. Hindi solusyon ang pagkakatatag ng Wikang Kastila para mapag-isa ang lahat.
B. Ang pagkawala ng sariling wika ay pagkawala nang tuluyan sa sariling pagkakakilanlan.
C. Ang wikang Kastila ang magpapalaya sa pagkaalipin kapag natutuhan itong bigkasin.
D. Hanggang walang sariling wika, mapaKastila man o mapaPilipino ay mananatiling alipin.
______33. “Hindi ba ninyo alam na ang buhay na hindi inuukol sa isang dakilang layunin ay isang buhay
na walang kabuluhan”. Ipaliwanag ang ibig sabihin nito.
A. Ang mabuhay para sa sariling kapakanan lamang
B. Ang pagbubuwis ng buhay para sa iba ay isang kabayanihan.
C. Ang mabuhay at mamatay para sa adhikaing pansarili ay dinadakila ng bayan.
D. Ang ilaan ang sarili para sa ikabubuti nang marami ay isang mithiing dakila para sa bayang
sinilangan.
_____34.” Ang bayan ay hindi maililigtas sa pamamagitan ng pagpapahirap dito” (Padre Florentino)
Anong mensahe ang nakapaloob dito?
A. Hindi lalaya ang bayang hindi lumalaban.
B. Hanggang maraming mahirap walang makakamit na kalayaan.
C. Kung nagdurusa ang sambayan walang o hindi ganap ang kalayaan.
D. Sa paghahangad ng kalayaan, hindi dapat taong bayan ang malulugmok sa kasamaan.
_____35. “Ang isang pamahalaang malupit ay magkakaroon ng mamamayang mailap, dungo sa bayan
ngunit mga kilabot na tulisan.” Kanino nauugnay ang pahayag na ito?
A. Pilipinas at Pilipino
B. Espanya at Kastila
C. Pilipinas at Kastila
D. Espanya at Pilipino

IV. Mula sa mga mahahalagang pangyayaring naitala sa Obra MAestra, piliin ang tamang sagot
sa bawat aytem. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

______36. Ayon kay Elias, kung walang darating sa gubat at ariin ang kayamanang nakabaon, kunin ito
ni Basilio at gamitin. Sino ang dumating doon labingtatlong taon na ang nakakaraan.?
A. Si Simoun na nakasalamin ng dekulay
B. Si Crisostomo Ibarra na tinugis ng mga guardia sibil
C. Si Crispin na nakababatang kapatid na matagal ng hinahanap.
D. Si Maria Clara dahil hinahabol si Ibarra kaya tumakas sa kumbento
______37.Bakit hindi pinatay ni Simoun si Basilio gayong natuklasan ng binata ang kanyang lihim? Piliin
ang hindi dahilan ni Simoun?
A. Kapwa sila sawing palad sa pamahalaan at sa simbahan.
B. Ayaw mabahiran ng dugong dukha ang mga palad ni Simoun
C. Kakailangani ni Simoun ang mga kabataang katulad niya.
D. Naniniwala si Simoun na higit siyang mauunawaan ni Basilio.
______38. Si Basilio ay dumanas nang maraming hirap maging noong namamasukan pa siya bilang
utusan ni Kapt. Tiago.Bakit ginamot pa niya at hindi na lamang hinayaang mamatay? Suriin ang
pinakamalapit na sagot.
A. Dahil siya ay doctor at kailangan niyang manggamot .
B. Malaki pa rin ang utang na loob niya kay Kapt. Tiago
C. Si Basilio ay maymarangal na budhi at mayroong takot sa Diyos.
D. Kailangang kumita ng malaki dahil mayroon siyang pinaglalaanan para kay Huli.
______39. Si Kapt. Tiago ay inihalintulad sa pamahalaang Pilipinas ni Simoun? Suriin ang pinakatamang
pagmamatuwid.
A.Siya ay isang kapitan, tulad ng pamahalaangPilipinas kailangan ng isang naninilbihan.
B. Si Kapt. Tiago ay lulong na sa apyan, ang pamahalaan ay puno ng kabulukan.
C.Ang tao ang nagpapalakad sa pamahalaan, ang pamahalaan ay nagangailangan ng
mamamahala para sa lahat.
D. Si Kapt. Tiago ay tumutulong pero nanlalamang, ang pamahalaan ay sumusulong pero
papaurong.

______40. Sa kasalan, paano nakapasok si Isagani?


A. Dahil maayos ang kanyang bihis
B. Dahil imbitadosiya sa kasalan
C. Dahil patapos na ang pagdiriwang ng siya ay pumasok
D. Dahil kumakain ang mga tanod ng dumaan siya sa pinto
_____41. Bakit si Padre Florentino ang paring pinagkumpisalan ni Simoun? Anong pag-aakala ang naging
tama sa hinuha ni Simoun?
A. Inakala niyang may pusong Pilipino ang pari
B. Inakala niyang higit na mauunawaan siya ng pari
C. Inakala niyang bilang pari hindi niya ipagsasabi sa iba
D. Inakala niyangitatago siya ng pari sa mga taong humahabol sa kanya.
_____42. “Ako nga’y nagkamali, ngunit dahil lamang basa pagkakamali ko’y ipagkakait ng ng Diyos na
iyan ang kalayaan ng isang bayan at ililigtas ang napakaraming higit na salarinkaysa akin? Bakit
pinahahalagahan pa ng Diyos ang aking kasamaan kaysa daing ng napakaraming walang sala?
Sa pahayag na ito ni Simoun, anong damdamin ang napahihiwatig ukol sa Diyos?
A. Naghihinanakit at nanunumbat
B. Nagsisisi at naghihinanakit
C. Nanunumbat at nagagalit
D. Nagagalit at nawawalan ng tiwala
_____43. Anong mabisang pagpapaliwanag ang maibibigay sa pahayag ni Simoun?
A. Ang pamamaraan niya ay makasarili
B. Ang pamamaraan niya ay hindi katanggap tanggap sa Diyos
C. Ang pamamaraan niya ay mapaghiganti at marahas sa mata ng Diyos
D. Ang pamamaraan niya ay mapag-imbot, sariling kapakanan ang nangingibabaw.
_____44. Piliin ang tamang paliwanang sa pahayag ni Padre Florentino.
“Siya ang Diyos ng kalayaan na nag-uutos sa atin na Siya ang ibigin sa tulong ng pagpapabigat sa
ating pasanin”
A. Ang Diyos ang pinakamakapangyarihan kaya Niya tayo pinahihirapan.
B. Pinagpapaisip Niya ang bawat tao bago makamit ang gusto, nang sa gayon ay pahalagahan
ng bawat isa ang kaloob Niya..
C. Nararamdaman natin ang kalayaan kapag nararamdaman nating maraming suliranin.
D. Matapos masolusyunan ang problema doon nararamdaman ang kalayaan.
_____45. NAging makatwiran ba ang pagtatapon sa kailaliman ng dagat sa mga alahas ni Simoun?
A. Oo, dahil namatay na si Simoun dapat lamang na mawala na rinang mga ito.
B. Oo, dahil dapat kay BAsilio mapupunta ang lahat ng mga alahas ni Simoun dahil ipinagtapat
ni Elias ang mga ito.
C. Oo, dahil ang mga alahas ay hindi na kailangan ni Padre Florentino , isa na siyang pari at
bawal sa kanila ang luho.
D. Oo dahil ang mga alahas na iyan ang mga naging ugat ng pagiigng masama ni Simoun.

V. Hanapin sa Hanay B ang katumbas na pangyayari sa Hanay A. Hango ito sa nilalaman ng


nobela at pangyayari sa kasalukuyan
HAnay A Hanay B
A. Anomang masamang batikos sa Iglesia
46.Makamit ang kalayaan ng bayan kahit sa Katolika, kahit ng pinakamataas na pinuno ng
anong paraan bansa, alam nilang tama at nasa katwiran ang
kanilang pahayag ay nagsasalita sila sa panig ng
katotohanan.
47.Manindigan para sa sarili at laban kung laban B. Sila ang mga pinatakbong pulitiko, ginastusan
at sinuportahan para gawing sandalan sa sariling
interes.
48. Nangingibabaw ang katwiran, pinakikilala ang C. Mga taong totoong sangkot o hindi totoong
katotohanan, hindi sinasang-ayunan ang sangkot sa isyu pero hinaharap sa mga usapin.
anumang baluktot na misyon
49.Mga kabataang kinasangkapan para sa D.Maraming namamatay!, masugpo lang droga at
misyon, nawalan ng saysay o diresyon ang dating lipulin ang lahat ng mga nagbebenta at
matinong buhay, naging bigo sa labang hindi gumagamit.
alam saan ang tungo.
50. Taong ginipit sa sitwasyon, pinaikot at naging E. Matapang magsalita handang panindigang ang
sunod-sunuran. kanyang laban mula sa senado hanggang bilibid.

SUSI NG PAGWAWASTO
1. C
2. D
3. D
4. B
5. A
6. B
7. C
8. D
9. B
10. D
11. C
12. E
13. B
14. C
15. D
16. A
17. A
18. F
19. F
20. B
21. B
22. C
23. B
24. F
25. A
26. 24
27. 21
28. 25
29. 23
30. 22
31. C
32. B
33. D
34. D
35. D
36. A
37. B
38. C
39. B
40. A
41. B
42. A
43. C
44. C
45. D
46. D
47. E
48. A
49. C
50. B

You might also like