Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Umuulan. Basang-basa na ako dahil sa sobrang lakas ng ulan.

Pero wala akong magagawa kung hindi


pumara ng taxi at mabilis makauwi sa bahay.

Lintek na bagyo na ‘yan panira na nga araw, panira pa ng sahod. Ang hirap sumayd-line sa buhay tapos
ganito pa ang kahahantungan.

Buti na lang at mayroon kaagad huminto sa tapat ko. Pagpasok ko, hindi tumingin sa sakin si manong,
Hinayaan ko lang.

Hindi rin siya nagtanong. Nang sinabi kong taga Bario Obrero lang ako baba saka pa lang siya umandar.
Ang weird naman ng taong to para bang may hindi nakain kaya nagtatampo.

Napansin kong mabilis ang pagtatakbo niya ng sasakyan. Hindi naman siya amoy alak.

“ kuya, pwedi wag po masyadong mabilis? Baka sa sementeryo na abot ko nito” Pagkatapos kong sabihin
sa kanya ito. Wala siyang imik at bigla na lang siyang nagsabi na talagang kinatakot ko.

“ Doon naman talaga tayo tutungo”

Lintek na taxi driver ‘to. Hindi na naawa sa akin.

Habang mabilis ang kanyang pagmamaneho tumingin ako sa labas kabang-kaba ako. Gusto kong umalis
pero hindi ko alam kung paano. Kung ano ang una kong gagawin para makalabas.

Tumingin ako muli kay manong. Pero laking gulat ko na wala na akong katabi.

Hanggang sa tuluyan nang nahulog ang taxi sa ----

Isang bangongot lang pala.


Tisay

“ble ble ble ble ble!!!!!! Babaeng puno ng tigyawat, pangit pangit!!! Sigaw ng bata sa isang babae. “Hoy!!
Batang bastos umalis ka! alis! Ganting sigaw ng babae. Iyan ay iilan lamang na panunukso na
nararanasan ng babae. Pangit ba talaga ako? Katukso-tukso ba ako? Ang tanong niya sa sarili.

Isang araw habang si Tisay naglalakad patungo sa plaza may narinig siya mula sa grupo ng mga tao sa
gilid ng daan. “ Tisay kailan ka mag-aasawa?” tanong ni Aling Mitch na kapit bahay ni Tisay. “Hindi na
siguro yan makakapag-asawa bukod sa hindi kagandahan mapili pa sa lalaki” ang sabi naman ni Aling
Agata. “ eh anu ang paki-alam niyo kung hindi ako makahanap ng kabiyak” agad umalis si Tisay at
umuwi sa kanilang bahay.

Sa isang sulok ng Bario may isang matandang dalagang nakatira na nagngangalang Tisay. Siya ay nag-iisa
sa buhay dahil walang nagkakagusto sa kanya.Tampulan siya ng tukso ng mga taong hindi siya kilala,
ngunit sa kabila ng kanyang pag-iisa siya ay patuloy na namumuhay.

Maagang naulila c Tisay kayat namulat siya ng may pagsisikap at determinasyon sa buhay na magkaroon
ng magandang buhay. Nagtapos siya ng kolehiyo na nagtamo ng mataas na karangalan. Nagkaroon siya
nga magandang trabaho at may mataas na posisyion. Dito niya itinuon ang kanyang oras at atensyon.

Isang araw habang naglalakad c Tisay marami siyang nadadaang mga batang palaboy , mga
namamalimos, mga pamilya na sa gilid ng kalye nakatira halos madurog ang puso nya sa
nararamdamang awa. Bigla siyang napaisip, “Paano kaya ako makakatulong sa mga taong ito? Mas
mapalad pa pala ako kahit na nag iisa lang ako, pero bakit kahit na salat sila sa pamumuhay bakit
nakukuha pa rin nilang tumawa ?Samantalang ako palagi na lang malungkot at nakasimangot.”

Sa kanyang paglalakad biglang siyang natalisod at nadapa lumapit ang mga bata sa kanya at tinulungan
siyang tumayo. Nagulat si Tisay sa inasal ng mga bata hindi niya akalain na ang mga batang nasa kalye
ay may busilak din palang kalooban. Napahiya c Tisay dahil parang sinampal siya sa mga pag uugali
niyang di magandang ipinakikita sa ibang tao. Pagkatapos niyang pasalamatan at bigyan ng konting
pambili ng makakain ang mga bata

Hindi hadlang ang kanyang pag-iisa upang patuloy na tumulong at maki-isa sa mga orginisasyon kung
saan siya mismo ang namumuno. Malapit sa kanya ang mga bata at mahihirap.

Malungkot man ang buhay ni Tisay dahil siya ay nag-iisa pero naging makulay naman ito sa
pamamagitan ng pagtugon sa mga nangangailangan ng tulong.

Naging inspirasyon niya ang mga batang napapangiti niya, mga taong napapasaya niya sa pamamagitan
ng kanyang mga nagagawa upang maayos at magkaroon ng direksyon ang kanilang buhay.

Hindi nakakalimutan ni Tisay ang mag pasalamat sa Diyos sa biyayang natanggap.


Hindi mahalaga ang panlabas na kaanyuan upang maging biyaya sa iba. Ang pagtulong sa kapwa ay
kusang loob at walang hinihintay na kapalit.

You might also like