Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Sangay ng Bukidnon
MATAAS NA PAMBANSANG PAARALAN NG TALAKAG
San Isidro, Talakag, Bukidnon

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO – GRADE 10
Pangalan: ______________________________ Iskor/Marka: ________
Taon at Pangkat: ________________________ Petsa: ______________
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Labis na kalumbayan ang baon ng hari sa kaniyang pagbabalik sa palasyo subalit agad pa rin siyang
tumalima. Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. Lumayas B. Sumunod C. Tumutol D. Umalis

2. Tinitigan lamang ni Psyche ang malaking tumpok ng mga buto. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
A. Tambak B. Kahon C. Piraso D. Bahagi

3. “Hindi pa rin sumusuko si Venus sa pagpapahirap kay Psyche”. Anong katangian ang ipinapahayag ni
Venus?
A. Malakas ang loob B. Mapagsamantala C. Mapagmataas D. Maiingitin

4. “Pinagalitan niyang muli ang kaniyang asawa dahil sa pagiging mausisa nito na humantong muli sa
kaniyang kapahamakan” Ano ang mabuting katangian ang ipinapakita ng asawang lalaki sa pahayag?
A. Maalalahanin B. Mapagmahal C. Malambing D. Mapusok

5. “Siya ang asawa ko. Ako na isang hamak lamang ay hindi tumupad sa aking pangako sa kanya” Anong
damdaming ang nais iparating ng mga katagang ito?
A. Panghihinayang B. Pagkalungkot C. Pagkamuhi D. Pagdurusa

Para sa Bilang 6-8

“Hindi kita maaaring kainin sapagka’t napakaganda mo. Ipinagpatuloy muli ni Bugan ang
kanyang paglalakbay at nakarating sa tahanan ng kinatatakutang pating. Nilabanan niya ang
pangangatog ng kaniyang tuhod. Hinarap niya ang pating at nagwika ”Pakiusap, kainin muna
ako. Kaming mag-asawa ay walang anak. Ayaw ko ng mabuhay pa kung hindi ako magkakaroon
ng anak.”

6. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?


A. Nagsasalaysay B. Naglalarawan C. Nagpapaliwanag D. Naglalahad

7. Anong mensahe ang nais ipaabot ng teksto sa itaas?


A. Mahalagang magkaroon ng anak sapagkat nagdudulot ito ng kasiyahan sa tahanan ng isang pamilya.
B. Hindi natatakot sa anumang pangyayari sa buhay kahit ito’y maaari pang niyang ikapahamak.
C. Kahit maraming pagsubok ang dumating huwag dapat mawalan ng pag-asa sa buhay.
D. Hindi batayang ang kagandahan sa pagpipili ng tunay na pag-ibig.

8. Ano ang layunin ni Bugan sa sinabi niyang “Pakiusap, kainin muna ako”?
A. Gusto na niyang sumuko dahil tinamad na siya sa buhay.
B. Naawa siya sa pating dahil gutom na gutom na ito.
C. Ayaw na niyang makita pa ang kaniyang asawa.
D. Gusto na niyang mamatay

9. Anong kaisipan ang maiiugnay sa pahayag na ito ni Bugan sa kaniyang asawang si Wigan. “Hindi man
lang tayo magkaroon ng anak; mukhang hindi pinakikinggan ng mga diyos ang ating mga panalangin!”
A. Kawalan ng pananampalataya
B. Kawalan ng tibay ng loob
C. Kawalan ng Pag-asa
D. Kawalan ng tiwala
10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na pagmamahal?
A. Lagi niyang tinutulungan ang babae sa lahat ng pagkakataon.
B. Sinunod niya ang lahat nang ipinag-uutos sa kanya.
C. Nagbigay siya ng mamahaling kwintas sa dalaga.
D. Lagi niya itong binibisita sa bahay.

11. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga diyos. Anong uri ng Pandiwa
ang salitang sinalugguhitan?
A. Pangyayari B. Karanasan C. Aksiyon D. Layon

12. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche. Anong uri ng pandiwa ang salitang sumidhi?
A. Pangyayari B. Karanasan C. Aksiyon D. Layon

Para sa Bilang 13-15


I. Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong
mga puso.
II. Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon.
III. Ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.
IV. Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito.
V. Ang taong mayaman ay may isang katiwala

13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan?


A. I, II B. I, III C. II, III D. IV, V

14. Mula sa mga pahayag na makikita sa itaas, alin sa mga ito ang nagsasaad ng kabutihan?
A. I, II B. I, III C. I, IV D. III, IV

15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kagandahan asal?


A. V B. IV C. II D. I

16. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang
kanyang ari-arian. Tungkol saan ang pahayag na ito?
A. Taong mayaman C. Ari-arian
B. Taong nagsumbong D. Katiwala

17. Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Anong pamantayang moral
ang taglay nito?
A. Pagpapahalaga C. Magandang pakikitungo
B. Magandang-asal D. Magandang-kalooban

18. Naglalakad si Ginoong Juan patungong simbahan nang biglang nakasalubong niya si Maria.
Huminto siya sabay kindat sa dalaga. Anong komunikasyon ang ginamit sa pahayag?
A. Berbal B. Di Berbal C. Pakikinig D. Pasulat

19. Anong damdamin o emosyon ang ipinapakita sa larawan?


A. Nagmamadali C. Natataranta
B. Natatakot D. Natutuwa

20. Naging mabuting pinuno sina Indarapatra at Sulayman, _______ itinuring silang mga bayani ng mga
taga- Mindanao. Anong wastong pang-ugnay ang ipupuno sa patlang?
A. Kung B. Saka C. Dahil D. Kaya

21. “Ang seremonya ng kodla at kiwil ay binibigkas sa sumusunod ng mga pagkakataon: pagkatapos ng
isang mahabang paglalakbay”. Anong pang-ugnay ang ginamit sa pahayag?
A. Sumusunod C. Mahabang Paglalakbay
B. Pagkakataon D. Pagkatapos

22. Payamot na sumagot ang babae sa kanyang asawa. Ano ang ibig sabihin ng salitang payamot?
A. Pagka-inis B. Pagkagalit C. Pagkapoot D. Pagkamuhi
23. Labis ang kaniyang panlulumo, nawalan siya ng sigla at nawalan ng kakayahang mag-isip ng
anuman. Ang ibig sabihin ng salitang panlulumo ay___________.
A. Panlalambot B. Panghihina C. Pagdaramdam D. Hinanakit

Para sa Bilang 24-27

…”Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at karakarakang
mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakakisa, at ang kabuhayan ay
matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis...”
Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto

24. Ano ang pangunahing kaisipan o ideya ng Sanaysay na nakasulat sa loob ng Kahon?
A. Ang bayan ay hindi nagtatagal.
B. Ang Pag-ibig sa bayan ay dakila.
C. Ang pagkakapisan at pagkakaisa ay mahalaga sa bayan.
D. Ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na nalalanta.

25. Bakit dakila ang pag-ibig sa bayan?


A. Dahil siya lamang ang makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig.
B. Dahil nakakaakay sa tao sa mga dakilang gawa ngunit nagbubunsod ng kapahamakan sa sarili.
C. Dahil hindi nakakalimot sa mga alaalang nagdaan na nagdulot ng kasawian sa bayan.
D. Dahil siya ang nagtatanggol sa mga naaapi at masasamang tao.

26. Alin sa mga sumusunod na reaksiyon ang nagsasaad sa pahayag na “Nakakadena ang mga binti at
leeg kaya’t di sila makagalaw.”
A. Pagkatuwa B. Pagkamuhi C. Pagkabigla D. Pagkaawa

27. Anong reaksiyon ang isinasaad ng pahayag na “Wala! Wala akong damit na maisusuot kaya hindi
ako makadadalo sa kasayahang iyan!”
A. Nagmamaktol B. Nagsusuplada C. Nagagalit D. Naiinis

“Nakababahala ang tumataas na antas ang pagkalulong ng mga kabataan sa kompyuter, lalo na sa mga
mag-aaral na nagmula pitong gulang pataas. Sila ang laging laman ng mga internet café, na ang mga may-
ari o nangangasiwa ay walang ibang iniisip kundi magkamal ng salapi na hindi man lamang iniisip ang
kapakanan ng mga batang sa halip na nasa silid aralan ay puro na lamang paglalaro ng kompyuter ang
ginagawa.”
G. E. Alkuino, Pampaaralang Pamahayagan p.
88
28. Ano ang pangunahing kaisipan ng talata sa itaas?
A. Ang Kawalan ng Pagpapahalaga sa Edukasyon.
B. Ang Pagkalulong ng mga Kabataan sa Kompyuter.
C. Nagsasayang lamang ng salapi ang mga kabataan dahil sa kompyuter.
D. Ang mga Kabataang may edad pitong taon pataas ay walang pagpapahalaga sa pag-aaral.

29. ________ Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Alin sa mga sumusunod na ekspresiyon ng pagpapahayag ang angkop gamitin sa pahayag?
A. Ayon sa/kay B. Hinggil sa/kay C. Batay sa D. Batay kay

30. Anong uri ng pagpapahayag ng emosyon ang pahayag na “Dinaramdam ko, hindi na ako lalahok sa
paligsahan”.
A. Pagkasiya B. Pagtanggi C. Pagtataka D. Pagkainis

31. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng emosyong pag-asa?


A. Naku! Sayang hindi ako nanalo sa Awit ng Tanghalan kahapon.
B. Sobrang sipag naman ng mga mag-aaral sa ating paaralan.
C. Saan ka man mapapadpad hindi ka makakaligtas sa akin.
D. Sana makapasa ako sa aming pagsusulit ngayon.
Para sa bilang 32-36
Ang Tulay ng Kinabukasan
I. May isang matandang patungong kanluran, III. Ang agos ng ilog ay humahagibis
Mata’y nakatitig sa lubungang-araw Subalit sa kanya yao’y di panganib
Habang nalalapit sa patutunguhan sa kabilang pampang nang siya’y sumapit
Ang galak sa puso ay nag-uumapaw Gumawa ng tulay ang kanyang naisip

II. Sa kanyang paglakad ay kanyang nararating IV. Ang tulay na kahoy nang mayari na,
Ang dulo ng landas na may isang sagwil, May isang lalaking nagtanong sa kanya
Ito’y isang ilog na dapat tawirin “Ang tulay na ito’y bakit ginawa pa,
Upang sa paglakad ay huwag dilimin Sa gulang mo ngayo’y babalik ka pa ba?”

32. Mula sa tula, aling taludtod sa ikalawang saknong ang nagpapahayag ng talinghaga?
A. Una B. Ikalawa C. Ikatlo D. Ikaapat

33. Anong imahe o larawan ang nabuo pagkatapos mabasa ang tula?
A. Maraming paraan ang maaaring gawin ng tao upang malampasan ang mga pagsubok sa buhay.
B. Ang bawat suliranin sa buhay ng tao ay may katumbas na solusyon.
C. Maraming pagsubok sa buhay ng tao.
D. Maraming panganib sa buhay ng tao.

34. Ano ang anyo ng tugmaan ng tula?


A. Tugmaang Patinig C. Tugmaang Katinig
B. Tugmaang Patinig-Katinig D. Tugmaang Katinig-Patinig

35. Ang salitang tulay sa tula ay nagpapahiwatig ng __________


A. Gabay sa pagtawid ng ilog ng buhay C. Tungkod ng matanda
B. Tawiran upang marating ang paroroonan D. Sagwil ng patutunguhan

36. Ano ang tema ng tula?


A. Pag-asa B. Pag-ibig C. Pagsubok D. Paglakbay

37. Bakit itinuturing na iba ang epiko sa iba pang uri ng akdang pampanitikan?
A. Dahil ang pangunahing tauhan ng epiko ay nagtataglay ng kapangyarihan at kabayanihan.
B. Dahil ito ay nagbibigay ng kuru-kuro o opinyon ng may akda.
C. Dahil nagsasalaysay ng mga pangyayari sa tunay na buhay.
D. Dahil sumasalamin ito sa kasaysayan ng isang bansa.

38. Ito ay tumutukoy sa katutubong panitikan ng Pilipinas na nagsasalaysay ng mga mahihiwagang


pangyayari.
A. Tula B. Dula C. Epiko D. Pabula

39. “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Anong damdamin ang
ipinalilitaw sa pahayag?
A. Panunumbat B. Panghihinayang C. Paniningil D. Paninisi

“Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo
ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at makapangyarihan. Ngunit mayabang
siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na nanananalangin ang
kaniyang ma nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya” Epiko ni Gilgamesh

40. Ano ang suliranin ng pangunahing tauhan sa kwento?


A. Ang kaniyang pagiging mapang-abuso sa kapangyarihan.
B. Ang kaniyang pagiging kalahating tao at kalahating diyos.
C. Ang kaniyang pagiging matipuno at matapang.
D. Ang kaniyang pagiging mayabang sa ibang tao.

Para sa bilang 42-43. Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit


41. Hinuli ng mga alagad ng hari si La Esmerlada sa pag-aakalang siya ang may kagagawan ng
paglapastangan sa kapitan.
A. Kahangalan B. Kawalang-galang C. Kabastusan D. Kabulastugan
42. Dahil sa matinding kalungkutan, kasamang nagdadalamhati ang lahat ng himaymay ng kanyang
laman.
A. Naghinanakit B. Nagsaya C. Nagtampo D. Nagluksa

43. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng hindi kapani-paniwala sa mga pangyayari sa
kwento?
A. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala siyang isinilang siya
maligaya at mayaman.
B. Inihagis niya ang sobre sa ibabaw ng mesa at sinabing ibigay na lamang ito sa mga kasama.
C. Ginamit ni M. Loisel ang namanang labingwalong libong prangko. Nangutang at lumagda sa mga
kasulatan.
D. Sampung taong naghirap ang mag-asawa sa pagbabayad ng kanilang mga utang.

44. Ano ang pangunahing wika ng France?


A. French B. Ingles C. Flemish D. Arabic

Para sa bilang 45-46

45. Sa maikling kwentong “Ang Kwintas ni G.D. Maupassant ano ang ibinunga ng pagiging maluho ni
Mathilde sa buhay?
A. Lalo silang naghirap na mag-asawa C.Naging mayaman siya
B. Gumanda siya D. Namatay siya

46. Ano ang kahulugan ng salitang maluho?


A. Magarbo B. Magastos C. Matipid D. Magaslaw

47. Ang busilak na hangarin ng ating mga bayani ng tayo’y lumaya sa kamay ng mga mananakop ay
hindi nabigo.
A. tunay B. malinis C. malinaw D. huwad

48. “Bata pa ako, Anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka ibig ko magpundar ka
ng sarili mong negsoyo.” Ang ama ay…
A. Nangangatal B. Nagmamalaki C. Nananakot D. Nanunuya

49. “Ang pangit na ‘yan ay aking alipin”. Ano ang katangian ng tauhan?
A. Malupit ang amo sa kaniyang alipin.
B. Mausisa ang amo sa kaniyang alipin
C. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin.
D. Mapanlait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo.

50. “Ayaw kong ako’y magapos ng batas.” Ang nagsasalita ay ___________


A. Nais na maging malaya sa kaniyang ginagawa
B. May sariling prinsipyo sa buhay
C. Ayaw paalipin kaninuman
D. May matigas na kalooban

II. Pagbubuo
Panuto: Sumulat ng maikling dayalogo mula sa teleseryeng inyong napanood. (10 puntos)

Inihanda nina: PINKY E. PELONG MAYFLOR D. CELESTINO


SST-I SST-I

EVELYN C. MALIGMAT
SST-III

Iniwasto ni: EVELYN C. MALIGMAT


Tsirman sa Filipino

Pinagtibay ni: SAMUEL B. QUIJARDO, Ph.D


Prinsipal I
Noted by:

SAMUEL B. QUIJARDO, Ph.D.


Secondary School Principal I

You might also like