Damit 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagsusuri sa Maikling Kwento

SANDAANG DAMIT
Fanny A. Garcia

Buod:

May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-pansin ang kanyang pagiging
walang imik sa klase at madalas na nakaupo lamang siya sa isang sulok. Siya ay madalas na tinutukso
ng kanyang mga kaklase sapagkat pabalik-balik lamang ang kanyang damit at kung oras na ng kainan ay
nakikita nilang ang kanyang baon ay kapiraso lamang ng tinapay na madalas pang walang palaman.

Sa tuwing siya ay umuuwi sa kanilang bahay ay sinasabi niya sa kanyang ina ang kanyang
dinaranas. Totoong naawa ang kanyang ina sa kanyang kalagayan. Sinasabi na lamang nito sa batang
babae na ibibili na lamang siya ng bagong damit at masarap na baon kung makakakuha na ng trabaho
ang kanyang ama.

Dumating ang araw na naintindihan na niya ang kalagayan ng kanilang pamilya. Hindi na niya
sinasabi sa kanyang ina ang kanyang nararanasang panunukso mula sa kanyang mga kaklase at natuto
na siyang sarilinin ang kanyang nararamdaman.

Isang araw ay hindi na nagtiis ng bata ang panunukso ng kanyang mga kaklase at natuto na
siyang lumaban. Sinabi niya sa kanila na siya ay may sandaang damit sa kanilang bahay. Hindi naniwala
ang kanyang mga kaklase. Upang mapaniwala sila, inisa-isa niya ang mga disenyo ng bawat damit niya
at dahil ditto ay naniwala na sila sa kanya.

Dulot nito, natanggap na siya ng kanyang mga kaklase. Naging kaibigan na siya ng mga ito.
Naging palasalita na siya at hindi na siya mahiyain. Minsan nga ay binabahagian pa siya ng mga ito ng
kanilang masarap na baon.

Subalit, isang araw ay hindi nagawang pumasok sa klase ng batang babae. Nang lumipas ang
isang lingo ng kanyang pagliban ay nagpasiya ang kanyang mga kaklase na dalawin siya sa kanilang
bahay. Nang nakarating sila ay nadatnan nila ang isang paytat na babae at nakita nila ang isang bahay
na tagpi-tagpi lamang, luma at salat sa marangyang kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan nila ang
batang babae na nakahiga at may sakit pala.

Sa tabi ng papag ay nakita nila ang napakaraming papel na nakapaskil sa dingding. Nakita nila
ang mga larawang tulad ng binanggit ng batang babae. Totoong naroroon ang sandaang damit na ni
minsan ay hindi pa nila nasilayan. Sandaang damit na pawang drawing lamang.

You might also like