Professional Documents
Culture Documents
Brgy Ordenansa... Jenalyn
Brgy Ordenansa... Jenalyn
SERYE 2020
Ordinansa para sa Kaligtasan ng lahat ng mamamayan ng Barangay Canaway.Kabilang na dito ang mga
taong nakikitira o nag babakasyon sa mga kamag-anak.
Ang Ordinansang Ito ay makikilala bilang Ordinansang mag bibigay ng proteksiyon at kaligtasan sa
lahat.At parang din upang magkaroon ng disiplina ang bawat isa.
Ang Barangay Canaway ay kailangang sumunod sa Ordinansang ito dahil sa ang sino man ang lumabag
dito ay may kaukulang parusa.
Seksiyon 3:Layunin
Ang bawat Ordinansa ay may mga layuning nais maisakatuparan. Kaya't ang Ordinansang ito ay may mga
layunin.Una ay ang maprotektahan ang bawat mamamayan ng Barangay at maging ang mga nag
babakasyon din sa naturang Barangay.Pangalawa ay ang maiwasan at mabawasan ang mga kaso ng
aksidente na ang dahilan ay dahil sa paggamit ng selpon habang naglalakad sa kalsada.Pangatlo,ay upang
magkaroon ng disiplina ang bawat isa.
Ipinapahayag na iligal at labag sa batas ang sino mang gumagamit ng selpon o kahit anong gadget
habang naglalakad sa Kalsada.
Unang huli,sa unang huli ang nasasangkot ay isasama muna sa Barangay upang pagsabihan at ipaintindi
ang kanyang paglabag.
Pangalawang huli,ang sino mang mahuli sa pangalawang pagkakataon ay pag babayarin ng hindi tataas
sa 200.
Pangatlong huli,at sa pangatlong huli,kukumpiskahin ang gadget at isasama sa Barangay Hall ang
nasasangkot at pag mumultahin ng 500.Isasauli lamang ang nakumpiskang gadget pagkalipas ng limang
araw(5days) ngunit kailangan kasama ang magulang.
Seksiyon 6:Pagkakabisa
Sa loob ng isang linggo(1week) Mula sa pag gawa ng batas ng Ordinansang ito,ang Sanguniang Barangay
ay magbibigay ng mga kopya nito sa Sanguniang Panlungsod ng Lungsod ng Malilipot para sa pagsusuri.
Pagkatapos nito ang Ordinansa ay kailangang maaprubahan sa tulong ng Kapitan at mga Kagawad ng
naturang Barangay.
Pinagtibay: SGD
Gloriosa Buena
Kalihim
SGD
Ignacio B. Bobis
Punong Barangay
SGD
Tirso Bolanos
Kagawad
SGD
Arline Binas
Kagawad
SGD
Derick Bo
Kagawad
SGD
Rogelio Binaday
Kagawad
SGD
Arnolfo Brutas
Kagawad
SGD
Reynaldo Binas
Kagawad
SGD
Ricardo Bonaobra
Kagawad
SGD
Joey Binaday
Kagawad