Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

REVIEWER PARA

SA FILIPINO
SAKLAW AT URI NG PAGTATAYA
I. PAGPILI III. MAIKLING TUGONG
1-10- Kaalamang-bayan 31-38- Alamat ng Bulkang Mayon
11-20- Alamat ng Bulkang Mayon IV. PAGSULAT NG SANAYSAY
II. TAMA o MALI 39-44- Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat
21-30- Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat 45-50- (May isang bagong alamat)

MGA KAALAMANG-BAYAN

Ang kaalamang-bayan ay itinuturing na isa sa mga pinakamatandang sining. Maari itong maging
tula, awitin, tugmang de-gulong, palaisipan, kawikaan o mismong bugtong. Ang kahalagaang nito ay
mismong pinagmulaan ng mga bagay-bagay kung saan at paano umunlad at sumulong ang
sibilisasyon at panitikan ng isang bansa.

Ayon kay Alejandro Abadilla- “bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan. Ito ang
ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang patula ng tulang
panudyo, tugmang de-gulong, bugtong, at palaisipan, at iba pang kaalamang-bayan.”

1. Tulang/Awiting Panudyo
Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan, ang layunin ay manlibak, manukso, o
mang-uyam. May himig itong nagbibiro, kilala rin rsa tawag na Pagbibirong Patula.
2. Tugmang de-Gulong
Ito ay mga paalala o babalang kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan.
Maari ito ay nasa anyong salawikain, kasabihan, o maikling tula. Karamihan ng mga uri
ng tugmang ito ay itinipon ni Dr. Paquito Badayos.
3. Bugtong
Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito nang patula at
kalimitang maiksi lamang. Noon, karaniwan ito nilalaro sa lamay upang magbigay-akiw
sa mga namatayan.
4. Palaisipan
Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang
kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ang paboritong
pampalipas oras ng ating mga ninuno.

Ang Alamat Ng Bulkang Mayon


Noong unang panahon sa bayan ng Ibalon ay isang nakatirang kabighabighang
dalagang nagngangalang Daragang Magayon. Anak siya nina Rajah Makusog ng Rawis
at Darawi, ngunit namatay ang kanyang ina matapos siyang isilang.

Ang kagandahang taglay ni Daragang Magayon ay nakaakit sa maraming maliligaw. Isa


sa kanila ay ang mapagmataas at palalong si Pagtuga, isang magaling na mangangaso
at malakas na pinuno ng Iriga, na nagpapakita ng panliligaw sa pamamagitan ng mga
mamahaling regalo sa ama ni Magayon.

Hindi iinibig ni Daragang Magayon si Pagtuga. Ang puso niya ay pag-aari na ni


Panganoron, ang matapang na anak ni Rajah Karilaya ng Katagalugan. Iniligtas siya
nito sa bingit ng kamatayan nang isang umagang maligo sa Ilog Yawa. Habang
binabalanse ang sarili sa isang bato, siya'y mapadulas at nahulog sa ilog at naman hindi
siya marunong lumangoy. Tiyempo namang nagdaan si Panganoron. Sinaklolohan siya
dito. Nang marinig siyang sumisigaw, tumalon sa ilog at isang sandali, naroon na siya
sa tabi ng dalaga.

Sa muli, nagpayag silang magpakasal. Ang balitang ikakasal ang dalaga ay nakaabotsa
pandinig ni Pagtuga. Lubos siyang nagalit at gumawa siya ng paraan upang mapigligan
ang nalalapit na kasal nina Panganoron at Magayon. Isang araw, nang pumunta sa
bundok si Rajah Makusog upang mangaso, hinirangan siya ni Pagtuga at dinala sa
kanila upang gawing bihag.

Dahil sa banta sa kamatayan ni Pagtuga sa ama ni Daragang Magayon, pumayag siyang


sumang-ayon sa alok ng Pagtuga sa kanilang kasal.

Dahilan sa biglaang pangyayari, iniwan ni Panganoron ang paghahanda sa kasal nila ni


Magayon, nagmamadali itong nagtungo sa Rawis dala ang kanyang mandirigma. Dali-
dali itong tumakbong palapit sa kasintahan, subalit isang ligaw na sibat ang tumarak sa
likod ng dalaga na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Nang sasaluhin ni Panganoron
ang minamahal sa kanyang bisig, isa ring sibat ang tumama sa binata galing sa kanang
kamay ni Pagtuga na si Linog.

Lumipas ang mga araw nakita ng mga tao ang puntod ng dalawa ay tumataas. At nang
ito mabuo, isang walang kasinggandang tatsulok na naglalabas ng nagbabagang mga
bato sa bunganga. Kahit hanggang ngayon ay nangyayari pa ito.

Sa mga pangkariniwang araw, kapag ang tutok ng bulkan ay napapalibutan daw ng


mga hamog at ulap, sinasabing nilang hinahagkan daw ni Panganoron si Magayon. At
kapag daw umuulan at bumubuhos ito sa pababa ng bundok, palatandaan daw na
umiiyak si Panganoron dahil sa pagkawala ng kanyang minamahal.

Mula noon, ang bulkan ay tinawag sa pinaiksing pangalan ni Magayon, tinawag


"Mayon." Ang magandang hugis nito ang siyang nagpatanyag sa bayan ng Albay.

Mga Tauhan
Legend:
• Rajah Makusog
• Daragang Magayon X- Pinatay
<3 -

3 <3
Mahal
• Pagtuga
</3- Di Mahal

</
• Panganoron
lol
• Rajah Karilaya
• Linog

Ang Kaligirang
Ang KaligirangPangkasasayan Ng Alamat
Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang Latin na legendus, na nangangahulugang
“upang mabasa.”

Isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga alamat. Ang mga ito ay nagsasaad kung
paano nagsimula ang mga bagay-bagay. Karaniwan itong nagtataglay ng mga kababalaghan o mga
hindi pangkaraniwang pangyayari.

Ang karaniwang paksa ng mga alamat ay katutubong kultura, mga kaugalian, at kapaligiran. Taglay
nito ang mga magagandang katangiang tulad ng kalinisan ng kalooban, katapatan, at katapangan.

Ito’y lumaganap sa paraang pasalita; at nagpasalin-salin sa bibig ng mga taumbayan.

Sa pagdating naman ng mga lahing nakipag-ugnaya at nakipagkalakalan sa ating mga ninuno tulad
ng mga Tsino, Indian, at Arabe, nagdala ang mga ito ng kani-kanilang kulturang nakapag-ambag sa
patuloy na pag-unlad ng mga alamat sa ating kapuluan.
Sa pagdating ng mga mananakop na Espanyol pinalaganap nila ang pananampalatayang Katolisismo.
Sinasabing ipinasunog ng mga prayleng Espanyol ang mga naisulat ng panitikan ng ating mga
ninuno. Ang iba’y ipinaanod sa ilog sapagkat ayon sa kanila, ang mga iyon daw ay gawa ng
demonyo.

Dahil sa pagpalaganap ng ating kultura sa tradisyong pasalindila, nagkaroon ng iba’t ibang Bersiyon
ng mga alamat ang lumabas depende sa kung saang rehiyong sa bansa ito nagsimula.

You might also like