Kabanata III - Docx (Pananaliksik Draft)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kabanata III

Metodolohiya ng Pananaliksik

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral ng mga

mananaliksik sa pangangalap o pagkuha ng mga datos o impormasyon sa loob ng Village

Montessori School and Colleges of Bulacan.

Disensyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng ______________ Metodolohiya ng

Pananaliksik. Ito ang ginamit ng mga mananaliksik upang makalap ang mga impormasyon o datos

na kinakailangan sa pananaliksik na kanilang gagawin. Sa lahat ng uri ng metodolohiya, ito lamang

ang naa-angkop na disenyo sa pag-aaral sapagkat ang layunin ng mga mananaliksik ay malaman

kung ano ang mas epektibong instrumento na gamitin sa Libro at Internet, na magbibigay ng mas

madaling paraan ng pagkatuto sa pag-aaral sa Asignaturang Filipino sa mga mag-aaral ng ika-10

baitang pangkat Humility, Excellence, at Integrity

Ang ___________ disenyo ang pinaka-angkop na gamitin sa pananaliksik na ito dahil sa

mas organisadong paraan ang magagawa ng mga mananaliksik upang makahanap o makakuha ng

mga impormasyon na kinakailangan sa kanilang isinasagawang pag-aaral at pananaliksik.

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng

disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng mga sumagot sa talatanungan. Kung kaya

lubos na mas nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral upang

makadagdag sa pangangalap ng mga datos.


Ang disenyong ______________ ay ang nakita nakita ng mananaliksik na magiging mabisa

sa pagaaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananalisksik.

Pamamaraan ng Pagpili ng Respondente

Upang makakuha ng mga impomasyon ang mga mananaliksik ukol sa paksang “Laban sa

Mundo ng Kaalaman: Ang Pagkatuto Gamit ang Libro at Internet ng mga Mag-aaral sa Larangan ng

Asignaturang Filipino” ginamit ang simple random sampling kung saan ang pagpili ng respondente

ay malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo.

Ang napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral na nasa ika-sampung

baitang ng Village Montessori School and Colleges Bulacan. Nahahati sa tatlong pangkat ang

seksyon ng mga ika-sampung baitang na mag-aaral, malayang pumili ang mananaliksik nang

dalawang pu’t lima (25) mag-aaral na maaring kumatawan sa kabuuan ng pag-aaral.

Talahayan 1

Mag-aaral at tagasagot ng mga talatanungan mula sa ika-sampung baitang sa Village

Montessori School and Colleges Bulacan taong 2019-2020.


Ang mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral upang

masiguro na nauunawa ng mga sasagot sa mga talatanungan ang bawat bagay maging ang pagiging

kompidensyal ng bawat datos upang maipahayag ang kanilang nararapat at kailang mga

impormasyon.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang

talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat: ang profile at ang survey ukol sa paksang

pinagaaralan. Ang survey ay nagbigay ng iba’t ibang persepsyon sa mga mag-aaral kung

sa papaanong paraan makakatulong ang youtube sa kanilang pag-aaral.

Narito ang sipi ng survey questionaire upang lubos na maunawaan ang

komposisyon ng mga talatanungan na ginamit sa pag-aaral.


Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Ang mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos na

maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad na kasagutan sa pag-aaral upang matiyak

ang kalidad ng ipipresentang datos. Ginamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga

datos upang mas mapadali sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang

mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at siniguro ang

pagiging kompidensyal ng mga nakakalap na datos bago ang pamamahagi ng talatanungan

upang mas makapagpahayag ang mga sasagot ng tanong. Ang pagkolekta ng datos ay

sinagawa ng isang araw kung saan maalwan na oras para sa mga mag-aaral. Upang

masiguro ang mga impormasyong nakalap ay nagsagawa ng interbyu na pamamaraan ang

mga mananaliksik sa saklaw ng pag-aaral: guro, matataas na opisyal ng paaralan.

Istatistikal na Pagsusuri ng mga Datos

Ang nakalap na datos ay mabuting susuriin ng mga mananaliksik upang mas mapadali ang

pagtataya rito. Gagamit ang _______________ ng mga mananaliksik upang ipresenta ang mga

datos kung saan gagamit ng mga talaan upang suriin ang mga datos. Ito ang napili ng mga

mananaliksik dahil mas madaling maintindihan ang mga datos sapagkat nakabuod ang mga datos

gamit ang iba’t ibang uri ng talaan gaya ng talahanayan, tsarts at graphs gayon din ay may

pagtatalakay sa mga resulta ng datos.


Sa pagbuo ng interpretasyon at resulta, pinakamaigi at mabilis na maintindihan para sa mga

mananaliksik ay ang paggamit ng talahanayan at graphs kung gayon ay magiging epektibo ang

_______________ sa pag-aaral na ito.

You might also like