Professional Documents
Culture Documents
First Aid-Eczema
First Aid-Eczema
First Aid-Eczema
DOC WILLIE Ni Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) | Updated March 6, 2014 - 12:00am
2 54 googleplus1 1
KUNG ikaw ay may impeksiyon sa balat, minsan ay mahirap itong gumaling. May simpleng
lunas na makatutulong sa iyo. Ito ang paggamit ng Povidone Iodine at alcohol.
3. Eczema – Kapag ang sugat ay namamasa at may nana na, eczema na ang tawag dito.
Napakakati nito at pangit ang hitsura.
Mabisa at matapang ang Povidone Iodine laban sa mga nabanggit na impeksyon. Mas
mabisa pa ang Povidone Iodine kumpara sa alcohol. Kapag matindi talaga ang impeksyon,
Povidone Iodine na ang gamitin.
1. Patakan ng Povidone Iodine ang bulak o cotton buds para mabasa ito.
3. Ang gusto nating mangyari ay manuot ang katas ng Povidone Iodine sa loob mismo ng
ating balat. Mahapdi ang pakiramdam nito kapag pumapasok ang Povidone Iodine. Tiisin
lang dahil siguradong masusugpo ang impeksiyon kapag naabot ito ng Povidone Iodine.
4. Ang isang side effect lang ng Povidone Iodine ay ang pangingitim ng iyong balat. Okay
lang iyan dahil sa katagalan ay babalik din sa normal ang balat.
Alcohol sa impeksyon:
Kung hindi naman malala ang iyong impeksyon, puwede muna subukan ang alcohol. Sa
mga madalas magkaroon ng pigsa o tagihawat, alcohol din ang solusyon diyan.
Katulad ng ginawa natin sa Povidone Iodine, basain ng alcohol ang bulak o cotton buds at
ipahid ito ng 3 beses sa maghapon.
Isa pang payo: Kalinisan lang ang panlaban natin sa mga sakit. Maligo araw-araw.
Kumunsulta sa doktor kapag hindi gumagaling ang sugat. Good luck po!