Talumpati

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

rogelio lota

Mga kaibigan, ang lahat ng bagay sa daigdig na nilikha ng diyos ay may dahilan. Ang
liwanag ng sikat ng araw, ang malamig na simoy ng hangin kung dapithapon, ang
masukal na kagubatan, ang daloy ng tubig sa dalampasigan, ang huni ng ibong
malayang nakalilipad sa papawirin, ang samyo ng mga bulaklak, ang mumunting
kulisap at malilikot na paruparo, ang mga yagit sa lansangan at pati na ang
kapangitan ng daigdig; ang lahat ng ito ay kaloob ng isang kapangyarihang
lumalaganap sa langit, at sa lupa.

At ang tao, na siyang pinakamahalagang bagay na binigyang-buhay ng Diyos, ano


ang dahilan ng kanyang pagsilang sa daigdig? Bakit siya nilikha ng Diyos?

Mga kaibigan, tayo ay nilikha ng Diyos upang kumilala, maglingkod, at dumakila sa


Kanya. At sa pagtupad natin sa tungkuling ito ay binigyan niya tayo ng kaniya-
kaniyang papel na gagampanan sa dulaan ng buhay. Ang mga manananggol, mga
manggagamot, mga guro, ang mga bituin sa pelikula, ang mga payaso sa mga
dulaan, ang makapangyarihan at naaapi, mga pulubi at maharlika; silang lahat ay
pawang nilikha ng Diyos at silang lahat ay may katungkulang tumupad ng papel na
laan para sa kanya.

Subalit mga kaibigan, ilan sa kanila ang maituturing na ganap na tagumpay? Ilan sa
kanila ang naniniwala sa katotohanang ang buhay sa lupa ay pansamantala lamang?
Ilan sa kanila ang nagsasabing, "Ama namin, sa Iyo ko inihahabilin ang aking
kaluluwa at ang lahat ng aking mga gawain, pagpapakasakit at tagumpay ay alay ko
sa Iyo." Ilan mga kaibigan, ilan?

Kahabag-habag yaong mga taong dahil lamang sa taglay na kapangyarihan at


karunungan ay nakalilimot na sa tunay na kahalagahan ng buhay. Kahabag-habag
ang mga maralita at kulang-palad na walang hangad na makabangon sa
pagkakarapa at magamit ang talas ng isip at lakas ng katawan upang mabagao ang
takbo ng kanilang buhay. Hindi nila nalalamang ito ang pinakabahalagang bagay na
maaari nilang maihandog sa kanilang Lumikha.

Kailan masasabing ang isang guro ay nagtagumpay? Kung lumaki na ang kanyang
sahod? Kung siya'y isa nang punung-guro o tagamasid kaya? Hindi mga kaibigan.
Ako ay isang guro. At nalalaman kong ang tagumpay ay maaari ko lamang makamit
kung ang layunin ko sa araw-araw ay dakila, kung tapat akong nagmamahal at
minamahal naman ng mga batang aking tinuturuan sapagkat nakikita ko sa kanilang
katauhan ang larawan ng Diyos, kung ako ay naging mapalad na maipagkaloob sa
kanila ang tampok na hiyas ng aking talino at pagpapakasakit, at higit sa lahat kung
ako ay tapat sa aking layuning mabuksan ang kanilang isipang tulad ko ay
kumikilala, naglilingkod, at dumadakila sa Kanya.

Sino man sa atin na may ganitong batayan sa buhay ay magtatagumpay. Ikaw man
ay maralita, marunong, o mangmang. Ito ay katotohanang iginuhit hindi sa buhangin
kundi sa langit.

At katulad ng kalikasang nilikha ng Diyos... ang araw na nagbibigay ng liwanag, ang


tubig na dumadaloy sa batisan na nagbibigay sa mga halaman at sa mga isda...
tayong mga tao, kung makatutupad sa banal at dakilang layunin natin dito sa lupa,
pagsapit ng itinakdang araw para sa atin, ay malugod tayong haharap sa Kanya at
magsasabing, "Ama ko, naririto akong iyong anak, isang ganap na tagumpay
sapagkat natuto akong kumilala, maglingkod, at dumakila sa Iyo."

You might also like