Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Marahil marami na sa atin ang nakarinig sa mga salitang ito na binitawan ng ating pambansang bayani:

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda".

Mula sa mga salitang iyon ni Rizal ay namutawi na sa lahat ng Pilipino na marapat nating mahalin ang
ating wika. Ngunit, higit pa sa ating sariling wika ay ang marami pang mga katutubong diyalekto na
siyang pinangangalagaan ng ating kultura at kasaysayan pero buhat ng pagbabago ng panahon, ang mga
ito kasama na ang ating sintang wika ay unti-unting nakakalimutan.

Nababalewala. Nang dahil sa pagsulpot ng mga makabagong wika na likha ng mga modernong tao,
tuluyan na nga nating nababalewala ang mga katutubong wika ng bansa. Napapalitan at nahahaluan na
ito ng iba pang wika kaya't nawawala na ang konteksto at kahulugan nito.

Lingid sa ating kaalaman na ang ating wika kasama ang mga katutubong diyalekto ang nagsisilbing tulay
ubang mapagbuklod ang lahing Pilipino. Binubuhay nito ang kulturang siyang tumatayong identipikasyon
ng ating lahi na ating maipagmamalaki sa iba pang mga banyagang tao.

Nagkakaisang bansang Pilipinas. Kung ating yayakapin ang ating mga kinagisnang wika sa ating bansa,
hindi malabong mangyari ito-- ang magkaisa ang bawat Pilipino. Dahil mayroon tayong iisang pananalita
at iisa ang lengguwaheng lumalabas mula sa ating bibig na siyang bubuo sa isang bansang maunlad at
progresibo.

Hindi pa huli ang lahat, hindi pa sila nawawala, hindi pa sila nakabura sa kasaysayan, ang wikang maka-
Pilipino ay masugid na naghihintay upang maibangong muli, maipagmalaki, at muling mamutawi sa dugo
ng bawat taong bumubuo sa isang lupang hinirang ng Diyos na kung tawagin ay Pilipinas.

You might also like