Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region VII, Central Visayas


DIVISION OF CITY OF BOGO
DON POTENCIANO CATARATA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Guadalupe, Bogo City, Cebu
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 8
Pangalan:__________Baitang at Pangkat___________Petsa:__________Marka:__________

PANUTO: Basahin mabuti at piliin ang TITIK ng tamang sagot.

1. Lahat ng nasa ibaba ay katangian ng bourgeoisie noong Gitnang Panahon MALIBAN sa:
A. Mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian
B. Tinagurian silang middle class o panggitnang uri.
C. Nagmula sila sa mga banker at mangagalakal sa mga bayan at lungsod
D. Nagamit ang kanilang propesyon at panulat sa pagbubunsod ng rebolusyong
pampolitika at pang-ekonomiya.
2. Alin ang pinakawastong kahulugan ng Renaissance?
A. Muling pagsikat ng Kulturang Helenistiko
B. Muling pagsilang ng kaalamang Griyego- Romano
C. Panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europe
D. Nagamit ang kanilang propesyon at panulat sa pagbubunsod ng rebolusyong
pampolitika at pang-ekonomiya.
3. Paano nakatulong ang pagtatag ng national monarchy sa paglakas ng Europe?
A. Paggamit ng sistemang merkantilismo
B. Dahil sa Piyudalismo
C. Pag-usbong ng mga Nation-state
D. Sa pamamagitan ng doktrinang bullionism
4. Bakit mahalaga ang impluwensya ng Simbahan sa paglakas ng Europe?
A. Dahil ito ang pinakamakapangyarihang institusyon sa panahon ng Middle Ages.
B. Tinuligsa ang pang-aabuso ng mga hari.
C. Dahil sa Investiture Controversy.
D. Lumaki ang populasyon, nanumbalik ang dating siglang pangkalakalan.
5. Bakit sa tingin mo sa Italya sumibol ang Renaissance?
A. Dahil sa magandang lokasyon nito
B. Mahalaga ang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa Italy.
C. Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome.
D. Lahat ng nabanggit
6. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagkabuo ng prinsipyo ng merkantilismo, maliban sa
isa. Alin dito?
A. Upang magkaroon ng malaking kitang magbibigay daan upang ang hari ay
makapagpagawa ng mga barko
B. Mapondohan ang kaniyang mga hukbo
C. Magkaroon ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig
D. Palayain ang bansa mula sa anino ng piyudalismo.
7. Ito ang itinuring na pinakamakapangyarihang institusyon sa panahon ng Middle Ages
A. Simbahan B. Paaralan C. Pamilihan D. Wala sa nabanggit
8. Ito ay isang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng
pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito
ng lahat ng aral na dapat matutuhn upang magkaroon ng isang moral at epektibong
buhay.
A. Merkantilismo B. Humanismo C. Piyudalismo D. Kolonyalismo
9. Ito ay binubuo ng mga mamamayan na kabilang sa panggitnang uri ng lipunan.
A. Humanista B. Bourgeoisie C. monarchs D. iskolar
10. Ito ang tawag sa pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang
bansa.
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Merkantilismo D. Humanismo
11. Patakarang pang-ekonomiya na nakatuon sa pag-iipon ng mahahalagang metal tulad ng
ginto at tanso.
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Merkantilismo D. Humanismo
12. Pagpapalawig at pagpapalakas ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng
pananakop, pakikipagkalakalan, panggigipit, at iba pang pamamaraan upang
maisakatuparan ang layunin
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Merkantilismo D. Humanismo
13. Kilusang panrelihiyon na naglalayong manghingi ng reporma sa Simbahang Katoliko na
humantong sa pagkakahati ng Simbahang Katoliko.
A. Renaissance B. Repormasyon C. Kontra-repormasyon D. Rebolusyon
14. Kilusang panrelihiyon ng Simbahang Katoliko na naglalayong panumbalikin ang tiwala ng
mga mananampalataya sa Kristiyanismo partikulas sa Katolisismo.
A. Renaissance B. Repormasyon C. Kontra-repormasyon D. Rebolusyon
15. Uri ng pamahalaan ng Pilipinas kung saan pinamumunuan ng Presidente.
A. Monarkiya B. Demokrasya C. Aristokrasya D. Nasyonalismo
16. Grupo ng mga intelektuwal sa panahon ng Enlightenment na naniniwalang ang reason o
katwiran ay magagamit sa lahat ng aspekto ng buhay.
A. Aristocrats B. Physiocrats C. Philosophes D. bourgeoisie
17. Terminong pampolitika na tumutukoy sa isang teritoryo na pinananahanan ng
mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan at
napasasailalim ng isang pamahalaan.
A. Nasyonalismo B. Imperyalismo C. Nation-state D. Industriyalisasyon
18. Binibigyang- diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya at hindi nararapat
na pakialaman ng pamahalaan.
A. Laissez Faire B. Heliocentrism C. Geocentrism D. Humanismo
19. Pagbabagong pang-ekonomiya na unang naranasan sa England na umamit ng mga kaya
nagkaroon ng mabilisang produksyon.
A. Nasyonalismo B. Imperyalismo C. Nation-state D. Industriyalisasyon
20. Nangangahulugan ng mabilis, agaran, at radikal na pagbabago sa isang lipunan.
A. Renaissance B. Repormasyon C. Kontra-repormasyon D. Rebolusyon
21. Isang mongheng Augustinian at propesor ng Teolohiya sa Unibersidad ng Wittenberg na
itinuring na Ama ng Protestanteng Paghihimagsik.
A. Galileo Galilei B. Miguel de Cervantes C. Martin Luther D. Raphael Santi
22. Ito ay isang kapirasong papel na nagsasaad at nagpapalabas na ang grasya ng Diyos ay
maaaring ipagbili at bilhin para sa kapatawaran at kaligtasan ng tao.
A. Indulhensiya B. alimony C. theses D. eisleben
23. Ang mga sumusunod ay ang mga pagbabagong ginawa ng Simbahang Katoliko kontra-
repormasyon na pinangunahan ni Pope Gregory VII, maliban sa isa. Alin dito?
A. Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa upang malayo sa suliranin ng pamilya at nang
mailaan ang buong sarili sa paglilingkod sa Diyos.
B. Pag-aalis ng simony
C. Pagbabawal sa tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa
Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno.
D. Pagkaroon ng dibisyong panrelihiyon sa Europe.
24. Ang mga sumusunod ay mga bagay na itinuturing na motibo para sa kolonyalismong
dulot ng eksplorasyon, maliban sa isa. Alin dito?
A. Paghahanap ng kayamanan
B. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
C. Paghahangad ng katanyagan at karangalan
D. Pagsulong ng kapayapaan at kalayaan
25. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng unang yugto ng Kolonisasyon, maliban sa isa.
Alin dito?
A. Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa
heograpiya at paglalayag.
B. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan.
C. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng
mga hayop, halaman, pati na sa mga sakit sa pagitan ng Old World at New World.
D. Lahat ng nabanggit
Tama o Mali. Bilang 26 to 30
_______26. Naniniwala ang mga philosophes na ang katotohanan (truth) ay maaaring
malaman gamit ang katuwiran.
_______27. Ayon sa philosophes walang likas na batas (natural law) ang lahat ng bagay.
_______28. Ang kaligayahan para sa mga philosophes ay matatagpuan ng mga taong
sumusunod sa batas ng kalikasan.
_______29. Ang mga philosophes ang unang Europeong hindi naniniwala sa maaaring pag-
unlad kung gagamit ng makaagham na paraan
_______30. Hindi nagnanais ng kalayaan ang mga philosophes.
Para sa bilang 31 to 40. Piliin sa kahon na nasa ibaba ang wastong sagot.

Napoleonic Wars Louis XVIII Thomas Jefferson Bastille Josef Stalin


Creole Nasyonalismo Maximilien Robespierre Simon Bolivar Pranses

__________31. Siya ang tinaguriang “ Tagapagpalaya ng South America”.


__________32. Tawag sa mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahing Europeo.
__________33. Tumutukoy sa digmaang ipinangalan sa isang heneral na Pranses, naglalayong
magpakilala ng kaisipang rebolusyonaryo sa kabuuan ng Europe.
__________34. Haring iniluklok sa France matapos magapi ang puwersa ni Napoleon
Bonaparte.
__________35. Siya ang pinakamabisa at aktibong miyembro ng Committee of Public Safety na
nagtanggol laban sa nga nagtatangkang buwagin ito.
__________36. Siya ang manananggol na nagsulat ng Deklarasyon ng Kalayaan ng Amerika.
__________37. Ang kulungang ito ay sumisimbolo sa kapangyarihang monarkal ng France.
__________38. Humalili kay Vladimir Lenin bilang pinuno ng USSR.
__________39. Sila ang nagging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano laban sa
mga British.
__________40. Masidhing damdamin na nagtutulak sa isang taong ipaglaban ang kaniyang
kalayaan, karangalan, at karapatan.

You might also like