Objection

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

SWA

Handling Prospect Objections (SCRIPTS.)

Objection #1: Magkano Na Ba Ang Kinikita / Kinita Mo Dyan?

Objection #2: Sasali Ako Pag Kumita Ka Na.

Objection #3: Pag-iisipan Ko Muna..

Objection #4: Yayaman Ba Ko Dyan? / Magkano Ba Kikitain Ko Dyan?

Objection #5: Pyramiding Ba To? / Scam Ba To?

Objection #6: Networking Ba To?

Objection #7: Sigurado Bang Kikita Ako Dyan?

Objection #8: Paano Kung Wala Akong Ma-recruit / Ma-invite / Mapasali?

Objection #9: Paano Ang Kitaan? / Paano Ba Ang Marketing Plan (Pay Plan) Nyo?

Objection #10: Ang Mahal Ng Pay-In / 2500

Objection #11: Wala Akong Pera.

Objection #12: Wala Pa Akong Pera.

Objection #13: Pautangin Mo Muna Ako Babayaran Ko Nalang Pag Kumita Na Ako.

Objection #14: Wala Akong Time.

Objection #15: Alam Ko Na Yan.

Objection #16: Sabi Ng Kaibigan / Kakilala Ko Hindi Daw Totoo Yung Ganyan.

Objection #17: Sasabihin / Ipapaalam Ko Muna Sa Asawa Ko.

Objection #18: Hindi Ko Linya Yan.

Objection #19: Nasubukan Ko Na Yan Dati.

Objection #20: Hindi Ako Interesado.


➜4 STEPS BEFORE HANDLING OBJECTIONS

1. Qualify and Build Rapport

2. Identify Their Reason Why (Lalo na ito)

3. Identify the Objection if It's Real or Palusot

4. Handle the Objection

THE 8 RULES OF ANSWERING PROSPECT OBJECTIONS

1. Never Argue- wag magsayang ng oras sa mga unqualified prospects.

2. Never Convince- kung mataas ang belief level mo at kung naniniwala ka na talagang
makakatulong sa prospect mo ang product at opportunity mo, hindi mo na kailangan mag
CONVINCE or mag HARD SELL sa kanila.

3. Never Assume Negativity- hindi porket may mga objection ang isang prospect, ibig
sabihin ay negative na sya.

4. Always Be The One Asking- use questions para ma control mo ang conversation

5. Always Listen Carefully- Eto ang pinaka importante sa lahat para ma DIG mo yung reason
nya at ma close nya ang sarili nya sa Business mo.

6. Always Tell Your Prospect What To Do Next- lagi mo silang gabayan sa kung ano-ano
yung mga susunod na gagawin nila.

7. Never Disagree- Kung hindi ka sang-ayon sa sinabi ng prospect mo, pwede mong gamitin
tong mga linya na to bago mo sabihin ang opinyon mo.

"Naiintindihan kita pero...""Alam ko yang nararamdamannmo pero...""May point ka dyan sa


sinabi mo pero..."

Etc...
8. Always Know Their Reason WHY Before Answering Any Objections- wag na wag kang
sasagot ng objections hanggat hindi mo pa nalalaman ang reason why ng prospect mo. Kung
simula pa lang ay nagbato kaagad sya ng objection, pwede mong kontrolin ang conversation
nyo by telling your prospect...

"That's a good question sasagutin ko lahat ng mga tanong mo mamaya. Ngayon gusto muna
kitang interviewhin para malaman natin parehas kung para ba sayo ang opportunity na to. Do
you want to continue?"

HOW TO MINIMIZE OBJECTIONS?

1. Can I Trust You?2. Can I Do It?3. Can You Help Me?

➜OBJECTION #1. MAGKANO NA BA ANG KINIKITA / KINITA MO DYAN?

Kapag bago ka palang dito sa SWA, ito yung tanong na kapag tinanong sayo ay
pagpapawisan ka at kakabahan.. :D

Pwedeng ang pumasok sa isip mo nung naitanong sayo 'to ay"Nako Patay! Wala pa kong
kinikita, baka hindi ito sumali"

Eto yung kaylangan mong maintindihan… Most people kapag tinanong nila ito, ay hindi
naman talaga nila gustong malaman kung magkano yung eksaktong kinikita mo.

Ang pinaka gusto talaga nilang malaman ay kung:

Totoo ba yan?Totoo bang na may kumikita dito sa SWA?O nagaksaya ka lang ba ng


pinang-invest mo.

Sa madaling salita gusto nila ng pruweba or ng social proof kung may mga kumikita ba
talaga sa opportunity mo.

Eto yung pwede mong isagot sa tanong na 'to...

Prospect: Magkano na bang kinita mo dyan?

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado kang tignan maige ang
opportunity na ‘to? :)

OR

Ikaw: Magkano ba ang gusto mongmadinig para maging interesado ka?


OR

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para ma-impress ka? :)

Wag mong kakalimutan ilagay yung Smiley kapag sa chat para hindi magmukang maangas.
Kapag kausap mo yung prospect face to face, ikaw ang mag Smiley Face. :)

Medyo kaylangan ng konting posture sa sagot na ito sa una, pero masasanay ka din kapag
ginamit mo na ‘tong script na 'to ng ilang beses.

Hindi mahalaga kung hindi mo pa kinita yung halaga na isasagot ng prospect mo sa’yo.

Kaylangan lang ay may mga alam kang success stories from SWA kung gagamitin mo ang
objection handling na ito para maikwento mo yung story na yun sa prospect mo.

Parang ganito ang magiging flow ng paguusap n’yo…

Prospect: Magkano na bang kinita mo dyan?

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado kang tignan maige ang
opportunity na ‘to? :)

OR

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado?

ORIkaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para ma-impress ka? :)

Prospect: P30,000

**Kung kinita mo na yung sinabi nyang figures sa’yo, sabihin mo yan na ang kinikita ko
dito.**

Kung hindi pa eto ang isagot mo…

Ikaw: Well, Basically kakasimula ko pa lang sa business na ‘to kaya hindi ko pan nari-reach
yung income na ganyan.

Pero let me tell you about ________, na kumikita na ng ganyan income at kung ano yung
ginawa n’ya para kitain yung ganung income.

(Kwento mo yung maikling storya ng taong binanggit mo)

Ikaw: Kung willing kang sundin at gawin yung ginawa n’ya possible din na kitain mo yung
income na ganun.

Gusto mo bang matutunan kung paano yung ginawa n’ya?

FINAL Thoughts: Wag kang kakabahan kapag may nagtanong sayo ng question na 'to. Relax
ka lang. At lalong wag ka magpapadiscourage sa ganitong klase ng tanong.

Basta gamitin mo lang yung mga script na nilagay ko dito at alamin mo lang yung mga
success stories ng mga ibang members ng ating Team at ng SWA tapos ikwento mo yun sa
prospect mo. OK? So ang huling tanong ko sa'yo ay...

Magkano na ba ang kinita mo? :)

Or...

Alam mo Ms. NAME, palaging itinatanong yan sa amin ng mga nag ininquire or naalok
namin ng opportunity na to. Madalas yan ang karaniwang tanong dahil gusto nilang
malaman kung meron ba talagang kumita sa business na to, yung iba ang Akala nila porket
sumali ka lang sa business na to ay kikita ka na...

Bottom line, SWA is a Business Opportunity at depende sa 'yo at sa effort mo ang kikitain
mo. Pag MALAKI ang effort na ginawa mo, MALAKI din ang kikitain mo, Pag konti lang
ang ginawa mong effort, konti lang din ang kita mo. Pero pag wala kang effort na ginawa,
wala ka ding kita.

I want to remind you na ito ay isang Business Opportunity at hindi mga Get Rich Quick
Scams. Ngayon tatanungin kita, anong gusto mong kitain, Wala, Maliit o MALAKI?"

OBJECTION #2: Sasali Ako Pag Kumita Ka Na

Paano ba sagutin ang nakakaasar na tanong na 'to?! LOL


Kapag bago ka palang dito sa SWA, ito yung tanong na kapag tinanong sayo ay
pagpapawisan ka at kakabahan.. :D

Pwedeng ang pumasok sa isip mo nung naitanong sayo 'to ay"Nako Patay! Wala pa kong
kinikita, baka hindi ito sumali"

Eto yung kaylangan mong maintindihan… Most people kapag tinanong nila ito, ay hindi
naman talaga nila gustong malaman kung magkano yung eksaktong kinikita mo.

Ang pinaka gusto talaga nilang malaman ay kung:Totoo ba yan?Totoo bang na may kumikita
dito sa SWA?O nag-aksaya ka lang ba ng pinang-invest mo?

Sa madaling salita gusto nila ng pruweba or ng social proof kung may mga kumikita ba
talaga sa opportunity mo.

Eto yung pwede mong isagot sa tanong na 'to... (Pwede mong hati-hatiin, para hindi mahaba
at mag mukang Nobela :D)

Prospect: Sasali Ako Pag Kumita Ka Na

Sa totoo lang NAME, nagsisimula pa lang ako sa opportunity na 'to at hindi pa ko kumikita /
maliit palang ang kinikita ko. Kung ang reason mo bakit mo tinatanong yan ay dahil gusto
mong malaman kung totoo bang may kumikita dito, Ipapkilala kita sa mga partners ko na
kumikita sa opportunity na to.

"Ngayon tanungin kita NAME, Anong gusto mong pagusapan natin, Kung magkano na ang
kinita ko, O kung magkano ang pwede mong kitain at kung paano ka din kikita sa
opportunity na to?

"Kasi kahit sabihin ko sayo kung magkano na ang kinita ko, hindi ibig sabihin nun na ganun
din ang kikitain mo. Pwedeng mas malaki ang kitain mo kumpara sa kinikita ko, Pwede din
na mas maliit.

Bottom line, This is a business Opportunity at Depende sa 'yo at sa effort mo ang kikitain mo.
Pag MALAKI ang effort na ginawa mo, MALAKI din ang kikitain mo, Pag konti lang ang
ginawa mong effort, konti lang din ang kita mo. Pero pag wala kang effort na ginawa, wala
ka ding kita.

I want to remind you na ito ay isang Business Opportunity at hindi mga Get Rich
Quick Scams. Ngayon tatanungin kita, anong gusto mong kitain, Wala, Maliit
o MALAKI?"
OBJECTION #3: PAG-IISIPAN KO MUNA

ANSWER #1: Kung na qualify mo ng mabuti yung prospect na kausap mo, eto yung pwede
mong isagot sa kanya.

Prospect: pag-iisipan ko muna.

Ikaw: Let's be honest with each other, kaya tayo magkausap ngayon ay dahil may mga goals
ka na gusto mong ma achieve at may problema ka na gusto mong masolusyonan.

Sabi mo, (THEIR WHY). Ngayon pinakita ko sayo yung solusyon na makakatulong sayo.
Ngayon tatanungin kita.. Ano pa yung kaylangan mong pag- isipan?

➜ANSWER #2:

P: pag-iisipan ko muna.

I: Alam mo tama ka. Pag-isipan mo muna ng mabuti to. Kasi ayaw ko din mag-invest ng oras
na turuan ka tapos hindi ka ka naman pala ganun ka-desidido na gawin tong Business na to.

Eto yung contact number ko, bibigyan kita ng 3 days para makapag-isip ng mabuti. Kapag
hindi mo ako kinontak within 3 days. We'll consider na hindi para sayo ang Opportunity na
to.

➜ANSWER #3: Posible din naman na baka may hindi lang naintindihan yung prospect mo
kaya nya sinasabi ang objection na to.

P: pag-iisipan ko muna.

I: Meron ka bang hindi naintindihan dun sa Business Presentation?

P: wala naman. Ok naman


I: Pwede mo bang sabihin kung ano yung kaylangan mong pag-isipan?

P: yung tungkol sa____.

(Help your prospect na makagawa ng informed Decision by EDUCATING them properly


about dun sa Pag-iisipan nya.)

Kapag wala ilang maisagot, eto ang pwede mong sabihin:

I: NAME, I want to ask you a direct question, please answer me honestly. Ok lang ba?

P: ok

I: Pwede mo bang sabihin sakin kung pag-iisipan mo ba talaga ang pagsali sa business na to?

Alam mo, karamihan kasi ng mga nakakausap namin ay sinsabi lang na pag-iisipan nila pero
ang totoo, ayaw lang nila maka-disappoint ng tao.

I want to know now, you can tell me honestly.

P: pag-iisipan ko talaga

I: Ok. I will give you a week para mapag-isipan ang Business Opportunity na to. Kung sa
tingin mo ay talagang makakatulong sayo ang SWA para (THEIR WHY).

I'll be happy to help and guide you.

Pero kung hindi naman, walang problema. Dito sa business na to, hindi naman namin
kaylangan mamilit dahil alam namin na napakaraming Tao ang nangangailangan ng ganitong
klase ng opportunity. Nandito lang kami para ipakita ang magandang opportunity na
to. Kaylan kita pwedeng kontakin next week?

Note: Kaylangan mong malaman kung pag-iisipan ba talaga ng prospects mo ang pagsali.
Dahil ikaw din ang mapapagod at mag-aaksaya ng oras kapag yung pina-follow up mo pala
at kunwari lang na pag-iisipan ang Business na inooffer mo.

Ang goal mo ay maibigay sa prospects ang lahat ng information na kaylangan nya para
magkaron sya ng tamang desisyon.

Always remember: Our job is to inform and to educate.

OBJECTION #4: Yayaman Ba ko Dyan? / Magkano ba Kikitain ko Dyan?

Be honest... The answer is: "Hindi ko alam."

P: magkano ba kikitain ko dyan?

I: Gusto mo ba ng honest na sagot?

P: syempre naman / Oo.

I: Hindi ko alam. Hindi ko alam kung magkano ang kikitain mo dito o kung kikita ka ba dito,
gusto mo bang malaman kung bakit hindi ko alam?

P: Bakit?

I: Hindi ko kasi alam kung anong gagawin mo kapag sumali ka sa business na to. Dito kasi,
pag wala kang effort na ginawa, wala ka ding kita. Pag konti lang ang ginawa mong effort,
konti lang din ang kita mo. Pag MALAKI ang effort na ginawa mo, MALAKI din ang
kikitain.

I want to remind you na ito ay isang Business Opportunity, at hindi business guarantee.
Depende sayo at sa effort mo ang kikitain mo.

Ngayon tatanungin kita, anong gusto mong kitain? Wala, Maliit o MALAKI?

P: Mas gusto ko yung malaki.

I: That's Good! :) Kaylan mo gustong simulan ang pag e-effort?


NOTE: Dapat lang na sa umpisa pa lang ay malaman na ng prospects mo ang totoo, na ang
kikitain nya o ang magiging resulta nya ay depende sa gagawin nyang effort sa business nya.

Let them know na as their Sponsor, tuturuan at iga-guide mo sila but ultimately, sila ang
magde-determine ng results nila.

May risk sa kahit anong business. What you're offering isn't a guarantee, it's an opportunity.
If they're looking for a "sure thing", then tell them na hindi pa sila handa para maging
entrepreneur. Because all Businesses have risk attached.

➜OBJECTION #5: Pyramiding Ba To? Scam Ba To?

➜ANSWER #1:

P: Pyramiding Ba To?

I: Anong Ibig Mong Sabihin? Yung mga illegal?

P: Oo

I: Yung tipong nangangako na mg-invest ka lang tapos do-doble na ang pera mo kahit wala
kang gawin?

P: oo

I: Yung mag-invest ka lang ng pera tapos wala kang makukuhang produkto, basta sabi nila
ay kikita yung pera mo?

P: Oo

I: Ganun ba ang hinahanap mo?


P: Hindi

I: Ok, that's good dahil kabaligtaran ito nun.

NOTE: Teach them kung ano ang pinagkaiba ng mga pyramiding scams sa mga legitimate
network marketing opportunities..

Pero halos sinabi mo na din sa kanya ang mga yun.

➜ANSWER #2:

P: Pyramiding ba to?

I: Magandang tanong yan. Pwede mo bang sabihin kung ano ang unang pumapasok sa isip
mo kapag nadidinig mo ang salitang Pyramiding?

P: Yung mga Scams.

I: Tama ka dyan ang pyramiding ay mga scams. May bad experience ka ba sa mga scams?

P: wala naman, may nakita lang ako sa Tv na parang ganyan.

I: Scams ba ang hinahanap mo?

P: Hindi

I: That's good kasi hindi ito scam. Gusto mo bang ituro ko sayo kung ano ang pagkakaiba ng
legitimate na mga business opportunity sa mga pyramiding scams?
P: ok

NOTE: Assuming na inaral at alam mo din ng maige kung ano yung difference ng legal
MLM sa mga pyramiding.

Or pwede ka mag refer sa ANSWER #1.

➜ANSWER #3: KWENTO

I understand you NAME. Sa totoo lang, noong unang pinakita sakin ang business na to
ganyan din yung iniisip at akala ko. Akala ko scam ito. Ang dami ko din kasing nadidinig sa
mga balita na madami nga daw ang mga sumusulpot na mga scams.

Pero na realize ko na wala naman palang mawawala kung titignan at aaralin kong mabuti
kung totoo ba ito. Malay ko ba kung totoo?

Kaya ang ginawa ko.. Inaral kong maige kung scam ba yung business o hindi.

Natutunan ko na meron pala talagang mga scams pero meron din pala talagang mga legal at
totoong business opportunity.

Na realize ko din na may mga scams naman talaga kahit anong industriya pa.

May scammer na travel agency, may scammer na booker,may scammer na employment


agency,may scammer na abogado,may scammer na doctor,may scammer na religion,

Sa mga pulis may mga tiwali pero may mga tapat.

Sa gobyerno may tapat at may mga kurakot, etc..

Ganun din dito sa Network Marketing, may mga scams pero meron ding mga legal at totoo.

Gusto mo bang ituro ko sayo kung paano mo malalaman kung legal at totoo ang isang
business opportunity?

NOTE: Remember, madalas na itatanong ng isang prospect ang objection na to kung hindi
nya nakikita yung confidence sayo habang ine-explain mo yung negosyo mo o habang
kinakausap mo sya.
➜OBJECTION #6: Networking Ba To?

I: Great question, pwede mo bang sabihin kung ano yung unang pumapasok sa isipan mo
kapag sinabing Networking?

P: Yung mga scam.

I: Gusto mo bang sumali sa mga scams?

P: Syempre hindi

I: Pwede ko bang i-share sayo kung bakit yung iba ay scam ang tingin sa mga network
marketing opportunity?

P: sige

I: Sige ipapaliwanag ko sayo ng maige. Gagawin kong example ay ang mga pulis. Lahat ba
ng mga pulis ay matino at tapat sa tungkulin?

P: Hindi

I: Tama ka, may mga ilan na may maling gawain, pero hindi natin maiiwasan na kung
minsan, porke't may mga tiwaling pulis ang tingin na ng karamihan ay masama na sa buong
kapulisan, tama ba?

P: Oo tama

I: Ganun din sa gobyerno, di naman lahat ay corrupt pero ang tingin ng marami kapag may
posisyon ay corrupt na agad, tama ba?

P: oo tama ka dyan

I: Ganun din dito sa network marketing industry NAME, may mga ilan din talagang mga
scams at nagte-take advantage sa mga tao.

Pero hindi lahat, dahil meron talagang mga legal na opportunity kung saan pwede ka
talagang kumita.

Pero ang nangyayari, pati yung mga legal ay napapagkamalan na scams dahil nga sa mga
maling gawain at pagsasamantala ng ibang tao.

May gusto akong ipakita sayong mga katibayan para makita mo na legitimate ang program at
opportunity na to. Ok ba sayo yun?

(show our legalities)

Or..

Gusti mo bang ituro ko sayo kung paano mo malalaman na legitimate ang isang Network
Marketing company / opportunity?

(Refer to pyramiding ba to?)

➜OBJECTION #7: Sigurado Bang Kikita Ako Dyan?

I: Depende sayo, dahil ito ay business opportunity at hindi buainess guarantee. Pero alam mo
ba kung ano yung sigurado?

P: Ano yun?
I: Kung patuloy parin gagawin ang ginagawa mo at kung hindi ka gagawa ng bago, kung ano
man ang sitwasyon mo ngayon, 5 Years from now malamang ganun pa rin ang magiging
sitwasyon mo.

5 years from now malamang inaasam mo pa rin na (THEIR REASON WHY)

Sigurado bang yayaman ka dito? Depende kung gaano mo ka gusto na magkaron ng


pagbabago sa buhay mo. Tanungin kita, sigurado ka ba talaga kanina nung sinabi mo na
(THEIR WHY)

P: Oo naman

I: Handa ka na bang gumawa ng bago?

P: Oo

I: Good. Welcome sa team. Ituturo ko sayo kung paano ka magsisimula.

➜OBJECTION #8: Paano Kung Wala Akong Ma-recruit? / Mapasali?

I: Curious lang, bakit mo naitanong yan?

P: Baka kasi wala akong ma-invite.

I: Tanungin kita, asasabi mo ba na coachable ka? Masasabi mo ba na willing kang pakinggan


yung mga ituturo namin sayo at willing ka bang gawin yung mga ipapagawa namin sayo
para (THEIR WHY)

Or..

I: Tanungin kita, masasabi mo ba na coachable ka? Masasabi mo ba na willing kang matuto


at gawin yung mga ituturo namin sayo para maging successful ka sa business na to?

P: Oo, willing ako

I: Ok great, may iba ka pa bang concern bago ka magsimula?

P: Wala na.

I: Great! Welcome to our team. Let me guide you kung paano ka makakapagsimula sa
business mo.

➜OBJECTION #9: Paano Ang Kitaan? / Paano Ba Ang Marketing Plan / Pay Plan Nyo?

This objection ay kadalasang manggagaling sa mga prospects mo na meron ng background


sa network marketing o pagiging entrepreneur. All you need to do is just to show/ explain
them your pay plan. (Ipanood ang Video)

And don't just show them the good side of your pay plan, also present them the advantage
and disadvantage. Just be transparent. Aminin natin na wala naman talagang perfect
compensation plan.

Kapag ginawa mo yun, your prospect will reapect you and trust you more dahil you are
showing them that you're concern at ayaw mong magkaroon sila ng maling decision.

➜OBJECTION #10: Ang Mahal Ng Pay-In (2500)

I: I understand and I'm sure may dahilan kung bakit mo nasasabi na mahal yung 2500. Ano
yung dahilan mo?
P: Ah kasi may blah, blah, blah..

I: Ok naiintindihan kita. Sa totoo lang ganyan din yung akala ko bago ako sumali dito. Pero...

(Kung may RESULTA ka na, eto ang sabihin mo..)

Share ko lang sayo itong istorya ko. Nuong sumali ako dito, nag/invest din ako ng 2500,
ngayon kumita na ako ng P70,000 in just 4 Months.

Tatanungin kita, Tingin mo posible ba na mas malaki pa yung babalik sayo kumpara sa
ilalabas mo kung magjo-join ka dito sa SWA?

Kung bago ka pa lang, share mo yung story ng isa sa mga successful sa SWA.

I: Share ko lang sayo itong istorya Marvin Marcelo. Dati nuong nagsisimula sya sa Business
na to ay nag/invest din sya ng 2500.

Ngayon kumita na itong tao na to ng P70,000 in just 4 Months.

Tatanungin kita, sa tingin mo posible ba na doble-doble pa yung babalik sayo kumpara sa


ilalabas mo kung magjo-join ka dito sa SWA at kung gagawin mo ang business na to?

➜OBJECTION #11: Wala Akong Pera.

I: Pwede bang magtanong? Ok lang ba sayo kung magtapatan tayo sa isa't-isa?

P: Ok lang

I: Ibig mo bang sabihin ay interesado ka sa business na to pero wala ka lang pera O sinasabi
mo lang na wala kang pera dahil mabait kang tao at ayaw mo kong ma-offend kaya hindi mo
agad masabi na hindi ka interesado?

Kapag sinabi nilang hindi sila interesado, eto ang sabihin mo...
I: Sabi ko na eh.. Hahaha! Ikaw talaga... Walang problema. I understand. Hindi naman kasi
talaga para sa lahat ang Business Opportunity na ito. Ang hinahanap ko lang ay yung
talagang interesadong matulungan ng opportunity na to.

Or.. You can also ask for referrals.

May kakilala ka bang gustong kumita ng additional 10,000 per month gamit lang ang
Facebook at Internet at pwedeng matulungan ng opportunity na to?

Pag sinabing interesado talaga sila at wala lang talagang pera, ang kaylangan mo lang gawin
ay turuan sila kung paano mag isip ang mga mayayaman.

I: Alam Mo Sa totoo lang, Naiintindihan ko yang sitwasyon mo NAME.

Kasi Nung una kong nakita 'tong Business na 'to ganyan din yung sitwasyon ko at ganyan
din yung sinabi ko…

"Wala akong Pera".

Pero narealize ko, kung wala akong gagawin na paraan. At kung wala akong gagawing bago
wala ding mangyayaring bago sa Buhay ko..

Kung 5 years ago sinasabi ko na yung salitang “Wala akong pera, Malamang 5 years from
now ay paulit ulit ko pading sasabihin yung salitang "Wala akong Pera".

Kaya ang ginawa ko.. Gumawa ako ng paraan, Binaba ko yung Pride ko, kahit masakit at
napaka hirap para sakin nun ay nangutang ako sa mga Kakilala ko, Specially sa mga taong
Pinagkakatiwalaan ako..

Eto lang yung gusto kong itanong sa'yo…

Gusto mo ba na palagi mo na lang sasabihin yung salitang yan "WALA AKONG PERA"?

Gusto mo ba sakto o KULANG na lang palagi yung pera mo?

P: syempre hindi
I: Ano yung 3 bagay na pwede mong gawin para makagawa ka ng paraan at para makapag
raise ka ng puhunan?

ANSWER #2:

Make them Uncomfortable with their situation (in a nice way :P).

Prospect: Wala akong pera?

Ikaw: Totoo bang wala kang pera?

Prospect: Oo totoo

Ikaw: Anong pakiramdam ng walang pera? (Pagkatapos mong magtanong tumahimik ka at


pakinggan mo yung sasabihin n’ya)

Prospect: Hindi OK

Ikaw: Paanong hindi OK? Pwede mo bang i-explain? (Let them talk)

Ikaw: Naku! NAME, mukang hindi nga OK yung ganyang sitwasyon at pakiramdam.

Pero pano mo magagawang mabago yang sitwasyon mo kung hindi mo babaguhin yung
ginagawa mo o kung wala kang gagawing bago?

➜Kung gusto mo ng mabilisang sagot, eto yung pwede mong sabihin..

Seryoso ka ba talaga kanina nung sinabi mo na makakatulong itong opportunity na to para


(THEIR WHY)

P: Oo, seryoso ako

I: Kung may maiisip kang 5 na magandang paraan para makapag-raise ng pang-invest para
makapag start ka na sa business na to at para (THEIR WHY), ano-ano yung mga paraan na
yun?

➜OBJECTION #12: Wala Pa Kong Pera

I: Walang problema kung wala kang pera. Ang gusto kong malaman ay kung meron kang
nakitang benefits sa opportunity na to na makakatulonh sayo para hindi ka na ulit
mawawalan ng pera at para hindi mo na ulit sasabihin yang salitang "Wala Akong Pera."?

P: Oo

I: Ano yung mga benefits na yun?

P: Yung ganito, tsaka ganire.. blah blah blah

I: Ok good, kaylan ka magkakaron ng pera?

P: sa katapusan

I: Great! Welcome in advance. Kokontakin kita sa katapusan para ma guide kita at para
maituto ko sayo kung paano ka makakapagsimula at para maranasan mo na agad yung mga
benefits na nakita mo sa opportunity na to.

➜OBJECTION #13: Pautangin Mo Muna Ako / Babayaran na Lang Kita Pag Kumita Na Ko.

Ang kulit ng Objection na to. Ikaw na nga ang nag offer ng magandang opportunity, ikaw
pa ang uutangan. Hehehe

Minsan, may mga malupit pang banat ang mga prospecta at ganito ang sinasabi.. "Kung
talagang gusto mo akong tulungan, pautangin mo muna ako." Nyay! Lupit diba?
Eto yung pwede mong sabihin para matulungan mo s'ya ng hindi ka magpapautang. :)

Ikaw: Willing ka ba talagang mangutang para makapagsimula sa business na ‘to?

Prospect: Oo.

Ikaw: Ano yung magandang dahilan bakit kita papautangin?

Prospect: Ay syempre…. ganito, ganyan, ganire…

Ikaw: Maipapangako mo bang ibabalik mo yung hihiramin mo kapag may pera ka na?

Prospect: Oo promise.

Ikaw: OK, matutulungan kita kung paano ka magkakaron ng pera, pero di kita mapapautang.
Ganito gawin mo, kuha ka ng papel at ballpen.

Ikaw: Isulat mo sa papel ito P2,500 devided by 25. Anong sagot?(Ipasulat mo sa kanya
P2500 devided by 25)

Prospect: P100

Ikaw: Ok, good. Ngayon magsulat ka d’yan sa papel ng 1 up to 25.

Prospect: Ok na.

Ikaw: Isulat mo dyan yung mga pangalan ng mga pinaka malapit mong kaibigan,
kamag-anak at kakilala.

Prospect: Ok na.
Ikaw: Ok great, ‘di ba kanina sabi mo na willing kang manghiram para makapagsimula ka sa
business na ‘to at para (Their why).

At sinabi mo din na mapapangako mo na maibabalik mo yung hiniram mo once na


magkapera ka na.

Ngayon kung talagang gusto mong makapag simula sa business na ‘to, ganito ang gawin mo,
lapitan at kausapin mo yang mga tao na sinulat mo d’yan sa papel na yan.

Sa 25 mong kaibigan na yan ka manghihiram ng tig P100. Siguro naman ay hindi ka


mahihirapan na manghiram dahil hindi naman kalakihan yung P100.

Sabihin mo sa kanila yung dahilan na sinabi mo sa’kin kanina kung bakit kita papautangin
ng pera.

Sabihin mo din sa kanila yung sinabi mo sa’kin na maipapangako mo na ibabalik mo yung


hiniram mo kapag nagkapera ka na.

Tapos kontakin mo ko kapag OK na para maituro ko sa’yo yung mga gagawin mo para
makapagsimula.

NOTE: Kung talagang seryoso sila, gagawin nila ang pinagawa mo, kung hindi sila seryoso,
hinid nila gagawin. Kaya wag ka din mage-expect.

➜OBJECTION #14: Wala Akong Time.

Makukuha mo lang ang objection na to kung hindi mo na QUALIFY / SORT ng mabuti ang
prospect mo.

P: Busy ako

I: Anong ibig mong sabihin?

P: Busy kasi ako sa trabaho. Wala akong oras para gawin to.
I: Alam mo, naiintindihan kita. Sa totoo lang noong una kong nakita tong business na to
ganyan na ganyan din ako. Nagta trabaho kasi ako at sobrang busy ko.

Pero alam mo ba kung ano yung na realize ko kaya ko ginagawa ngayon ang business na to?

P: Ano yun?

I: Na-realize ko na busy lang pala ako na payamanin yung Boss ko! Sa sobrang busy ko na
payamanin yung boss ko, wala na kong time para sa pamilya ko at para abutin yung mga
sariling pangarap ko.

Na-realize ko na yung mga mayayaman kaya yumayaman at dahil ginagamit nila yung oras
nila at yung oras ng ibang tao para payamanin ang sarili nila. Ginagamit nila yung oras nila
para abutin yung mga pangarap nila.

Pero karamihan ng tao ginagamit nila ang oras nila para payamanin ang ibang tao. BUSY
silang magtrabaho ng 8-10 hours para payamanin yung boss nila.

Ilang taon ka na NAME?

P: 32

I: Tatanungin kita, gusto mo bang habang buhay kang maging busy at ilaan ang oras mo para
payamanin ng ibang tao imbes na payamanin ang sarili mo? Imbes na abutin yung mga
pangarap mo?

P: Hindi

➜OBJECTION #15: Alam Ko Na Yan.

I: Pwede mo bang sabihin kung ano yung nalalaman mo na?

Or..
I: Anong ibig mong sabihin na "Alam Ko Na Yan?"

P: Networking yan diba?

I: Anong ibig mong sabihin sa Networking?

-Ngayon ang next na gagawin mo ay sagutin kung ano talaga yung Objection nila.

➜OBJECTION #16: Sabi Ng Kaibigan / Kakilala Ko Hindi Daw Totoo Yung Ganyan.

I: Ok lang ba kung tanungin kita ng seryosong tanong?

P: Ok lang.

I: Businessman ba yung kaibigan mo?

P: Hindi

I: May background ba sya sa kahit anong negosyo?

P: wala

I: Masasabi mo bang Financially Successful yung kaibigan mo?

P: Hindi

I: Gusto mo ba talagang makinig sa advice ng kaibigan mo?


➜OBJECTION #17: Sasabihin / Ipapaalam Ko Muna Sa Asawa Ko.

I: Ok NAME, walang problema. Pwede mong gawin yan. Pero tatanungin muna kita, seryoso
ka ba kanina noong sinabi mo na (THEIR WHY)

P: Oo naman. Seryoso ako

I: Sabihin natin na pumayag ang asawa mo, anong gagawin mo?

P: Sasali ako

I: Paano kung hindi sya pumayag? Ibig sabihin bang hindi ka na seryoso na (THEIR WHY)

Look NAME, willing ako na tulungan ka sa Business na ito, pero ang hinahanap ko lang ay
yung mga seryosong tao. Yung mga tao na seryoso talaga na mabago ang sitwasyon nila sa
tulong ng opportunity na to.

I will give you until tomorrow para kontakin ako, dun natin malalaman kung para ba talaga
sayo ang opportunity na to.

NOTE: This is a vey postured answer, kaylangan ng practice sa simula kung gagamitin mo
ang objection handling na ito. Pero yun lang naman talaga ang paraan para mahasa ka, by
practicing or by doing it.

➜OBJECTION #18: Hindi Ko Linya Yan

I: Curius lang ako, Ano yung hindi mo linya? Yung kumita ng extra income, maabot yung
mga pangarap mo o yung makatulong sa ibang tao?

(pagkasabi mo nito, ibibigay nya sayo yung tunay na objection at concern nya. Handle that
REAL Objection of your prospect.

➜OBJECTION #19: Nasubukan Ko Na Yan Dati

Hindi porket hindi sya naging successful dati, ibig sabihin ay hindi na sya magiging
successful kahit kaylan. Eto ang pwede mong sabihin para ma-realize nya iyon.

I: Tingin mo, ano yung dahilan bakit hindi ka naging successful dati?

(Madalas isasagot ng prospect mo ay tulad ng mga.. Pinabayaan kasi ako ng upline ko, hindi
ko kasi nabigyan ng sapat na oras, nagsara kasi agad yung company, etc.,

Eto yung pwede mong sabihin sa kanya..

I: Thank You sa pag-share mo ng experiences mo. Tatanungin kita, masasabi mo ba sa sarili


mo na coachable ka? Masasabi mo ba sa sarili mo na willing kang aralin at gawin yung mga
ituturo sayo para magkaron ng resulta sa business na to?

P: Oo willing ako

I: Kung magsisimula ka ulit ng MLM Business mo ngayon, ano sa tingin mo yung kaylangan
mong gawin para hindi ka na ulit mag-failed?

Listen carefully sa isasagot nya. Dun sa sagot nya matatantsa mo yung willingness nyang
matuto at maging successful.

Quick TIP: Aralin muna ng mabuti ang Negosyo mo bago i-share.

Kasi mahirap talagang maging successful sa isang bagay na hindi mo naman talaga alam
kung ano ang tamang gagawin.

pansinin mo, sa lahat ng company na nasalihan mo, merong mga tao na halos hindi na nag
iinvite, pero sya ang nilalapitan ng Tao para mag join sa kanya or para bumili ng products
nya ino offer nya.

In short, sya ang hinahabol at hindi sya ang mukang kawawa na naghahabol.

Gusto mo bang matutunan yung ganung strategy?

➜OBJECTION #20: Hindi Ako Interesado

P: nagustuhan ko, pero next month na.

I: Ok lang naman yan, walang problema. Pero tatanungin kita, what's the difference kung
mag simula ka na ngayon kumpara next month? Bakit mo pa gugustuhin na i-delay ang
pagsali mo kung ngayon pa lang ay pwede mo nang simulang ma-experience yung mga
benefits na makukuha mo mula sa opportunity na to?

Ano yung pumipigil sayo para makagawa ng aksyon ngayon?

➥PAG NASAGOT MO NA LAHAT NG OBJECTIONS AT NYA AYAW TALAGA.. ETO


ANG SAGOT!

Okay NAME, ayoko mang sabihin to pero mukang hindi ka pa handa para sa Opportunity
na to..

Ang hinahanap kasi namin ay yung tao na kayang gumawa ng Smart Decision kapag
nakakita ng magandang Opportunity sa harap nila.

Okay lang yun at walang problema dun, dahil hindi naman talaga lahat ng tao ay para sa
Opportunity na to..

Don't worry, magkaybigan parin naman tayo :)

Dahil yung Opportunity naman ang tinanggihan mo at hindi yung pagkakaybigan natin,

Tama? ;)
Eto lang ang Huling bagay na masasabi ko..

NORMAL LANG NA MAG-DUDA, OK DIN ANG MAG IMBESTIGA.

Pero ang tanong lang naman dyan..

Hanggang kaylan na ganyan?

At saang part ka may Mapapala?

Maraming salamat sa oras mo NAME.

God Bless You.

Kaylangan mong Tapusin ang conversation nyo in a Very Professional And Postured Way.
Wag kang magagalit o magtatampo sa kanya dahil normal lang naman talaga na hindi
magustuhan ng lahat ang Business natin. Pero kadalasan ang totoong reason ay hindi pa
talaga sila ready nung time na inoffer mo sa kanila ang business mo. Magugulat ka nalang,
one time., sila pa mismo ang lalapit para sumali sayo.

So Congratulations! And I hope na madami kang natutunan dito, at MAKE SURE na I


Apply mo talaga ang mga Objection Handling Scripts na ito sa iyong SWA Business.

MAKE SURE din na kopyahin mo ito at i save sa notes mo para hindi ka na paulit ulit na
maghahanap at para mas madali mo itong ulit ulitin at mapag aralan ang Handling
Objections na ito.

Wishing You A Greater Success,

You might also like