TV Patrol 24 Oras

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TV PATROL 24 ORAS

ANCHOR: SA ULO NG MGA NAGBABAGANG BALITA! BUONG PWERSA NG TALISAY PHILIPPINE


NATIONAL POLICE (PNP), SANGKOT SA DROGA. BASE PAY NG SUNDALO, 29K NA. PILIPINAS,
NAGTAPOS SA IKA-19 NA PWESTO SA 18TH ASIAN GAMES. COLEEN, HINDI LALAYASAN ANG
SHOWBIZ.

VOICE: LIVE MULA SA ROOM 45 NG COLLEGE OF BUSINESS AND ACCOUNTANCY NG JOSE RIZAL
MEMORIAL STATE UNIVERSITY. ITO ANG TV PATROL 24 ORAS!

ANCHOR: MAGANDANG HAPON BAYAN! SINIBAK NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE ANG MAY
ANIM NAPU’T WALONG PULIS SA TALISAY CITY, CEBU DAHIL SA UMANO’Y PAGKAKASANGKOT SA
DROGA. NARITO ANG REPORT NI MITZI SHEEN OPERARIO. MITZI PASOK!

MITZI: Sinibak ng Philippine National Police (PNP) ang may 68 pulis mula sa Talisay City,
Cebu dahil sa umano’y pagkakasangkot sa droga. Ayon kay PNP Regional Office
spokesman Supt. Reyman Tolentin, ang pagsibak sa buong puwersa ng Talisay Police
force ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Duterte na ang mga pulis dito ay sangkot sa
recycling ng mga nakumpiskang iligal na droga. Sinabi pa ni Tolentin na sa 68 police
officers na sinibak, walo rito ang iniimbestigahan dahil ang mga ito ang tinukoy na
binabawasan ang mga nakumpiska nilang iligal na droga sa mga ikinasang buy-bust ope-
rations. Hindi naman kasama sa nasibak ang Chief of Police ng Talisay na si Supt. Marlu
Conag dahil bago lamang ito sa nasabing puwesto. Ayon kay PRO-7 regional police
director C/Supt. Debold Sinas, ang mga sinibak na pulis ay pansamantalang ililipat sa
Regional Mobile Police Battalion para isailalim sa apat na buwan na retraining partikular
sa basic internal security course. MITZI SHEEN OPERARIO NAG-uulat. Balik sayo,
JOSHUA.

ANCHOR: Abangan! BASE PAY NG SUNDALO, 29K NA. PILIPINAS, NAGTAPOS SA IKA-19 NA
PWESTO SA 18TH ASIAN GAMES. COLEEN, HINDI LALAYASAN ANG SHOWBIZ. Sa Pagbabalik ng TV
Patrol 24 oras!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -COMMERCIAL BREAK! - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

ANCHOR: NAGBABALIK ANG TV PATROL 24 ORAS! Base pay ng sundalo, P29K na.
SOPHIA DONAL, IBAHAGI MO!
SOPHIA: Kinumpirma ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na
kasama na sa base-pay increase ang mga bagong sundalo. Ayon kay Go, mula sa dating
P14,000 ay naging P29,000 na ang entry level ng mga sundalo kaya naman marami ang
mga nai-engganyong pumasok sa serbisyo. Sinabi ni Go na sa katunayan ay aabot sa
10,000 ang mga bagong sundalo ng AFP. Samantala, tiniyak ni Go na pagkatapos ng sa-
lary standardization ng mga guro sa 2019, ay agad na susunod ang pangakong
adjustment ni Pangulong Duterte sa mga ito. Ipinangako rin ni SAP Go na siya mismo
ang magpapaalala sa Pangulo hinggil sa inaasam na salary increase ng mga guro
pagkatapos ng 2019. SOPHIA DONAL, NAG-UULAT. BALIK SAYO JOSHUA.

ANCHOR: ABANGAN! PILIPINAS, NAGTAPOS SA IKA-19 NA PWESTO SA 18TH ASIAN GAMES.


COLEEN, HINDI LALAYASAN ANG SHOWBIZ. Sa pagbabalik ng tv patrol 24 oras!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -COMMERCIAL BREAK! - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

ANCHOR: NAGBABALIK ANG TV PATROL 24 ORAS! SA BALITANG ISPORTS, NAKAMIT NG


TEAM PILIPINAS ANG HINDI INAASAHANG PAGWAWAGI NG APAT NA GINTONG
MEDALYA SA 18TH ASIAN GAMES NA NAGTAPOS LINGGO NG GABI. NARITO ANG
REPORT NI GENDI KAY HAMOY PASOK!

GENDI: Nagtapos sa ika-19 na pwesto ang Pilipinas sa pagtatapos ng 2018 Asian games
sa Jakarta, Indonesia ngayong araw. Dalawampu’t isang medalya ang naibulsa ng bansa
kabilang ang apat na gold, dalawang silver at 15 bronze. Pinakaunang nagkamit ng
gintong medalya si Hidilyn Diaz para sa weightlifting 53 kilogram category. Gold medalist
din si Yuka Saso para sa golf competition women’s individual category at isa pang gold
para sa women’s team category kasama si Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go. Ang
isa pang ginto ay nasungkit ni Margielyn Didal sa skateboarding. Ang dalawang silver
medal naman ay nakuha nina Ragon Ladon para sa men’s fly 52 kg category sa boxing
at Kiyomi Watanabe para sa women’s 63 kg category sa judo. Habang ang 15 bronze ay
nasungkit ng mga pambato ng pilipinas sa larong golf (1), boxing (2), pencak silat (4),
taekwondo (3), wushu (2), cycling bmx (1), ju-jitsu (1) at karate (1). Ngayong araw ang
closing ceremony ng 2018 Asian games. GENDI KAY HAMOY, NAG-UULAT.

ANCHOR: ABANGAN! Coleen, hindi lalayasan ang showbiz. SA PAGBABALIK NG TV


PATROL BALITA!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -COMMERCIAL BREAK! - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

ANCHOR: NAGBABALIK ANG TV PATROL BALITA. SA SHOWBIZ CHIKA NAMAN.


COLEEN GARCIA, HINDI LALAYASAN ANG SHOWBIZ. LLANA, IBAHAGI MO!

LLANA: Maglilimang buwan na mula nang magpakasal sina Coleen Garcia at Billy
Crawford. Ayon sa aktres ay malaki na talaga ang ipinagbago ng kanilang buhay ngayon
ng singer bilang mag-asawa. “Right now everything basically changes. I’m still kind of
getting settled in. I think it’s really a process. For us right now there’s no better feeling
really and to have a partner that you know you’re going to spend the rest of your life with.
It really changes everything. Kasi everything you decide, everything you think of,
everything you do, you put the other person into consideration,” pahayag ni Coleen. Para
sa aktres ay mas nadagdagan ang tiwala niya sa sarili mula nang magkaroon ng asawa.
“It’s great because no matter what you do, you know you’re supported as well. So that’s
how I feel. I feel like I’m never going to lose my partner like hindi ako mawawalan ng
kakampi. Hindi ako mawawalan ng taong sumusuporta sa akin at naniniwala sa akin. So
it’s really nice feeling to know na kahit anong mangyari, may sasalo sa akin,” paliwanag
ng aktres. Hinding-hindi raw iiwan ni Coleen ang pagiging isang artista kahit sinusubukan
na nila ni Billy na bumuo ng pamilya. “Marriage hasn’t really changed where I want to go
in my career actually. I still have my own goals, my own dreams, and I plan on pursuing
that still,” pagtatapos ni Coleen. AT YAN LANG PO ANG CHIKA NATIN NGAYONG
HAPON. BALIK SAYO JOSHUA.

ANCHOR: SALAMAT LLANA. Ito ang walang sawa at tapat na maghatid sa inyo ng mga
maiinit na balita. Ang balita ngayon, bukas, at magpakailanman. Walang pinuprotektahan,
walang kasinungalingan, serbisyong totoo lamang. Dahil hindi natutulog ang balita. Ito
ang tv patrol 24 oras! Magandang gabi bayan!

You might also like