Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Dinilat ko ang aking naniningkit na mga mata. Andito pa rin ako sa isang madilim na lugar.

Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, apat na haliging ang kulay ay pinaglipasan na ng panahon. Ako’y
nasa dulo ng isang nakakatakot na bangin. Wala akong lakas upang umalis. Wala sa aking isipan
ang mang-iwan. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng loob kong pagsilbihan siya. Tama ba ito?
Lalo na ngayon, umalis siyang mainit ang ulo. Natatakot ako, natatakot ako na baka umuwi siyang
galit pa rin. Tiktak! tiktak!, tunog ng isang pagod na orasan na bumalot sa buong silid. Makalipas
ang hindi ko na mabilang na oras, darating pa ba siya? Unti- unti akong nalugmok nang may
narinig akong sigaw. Sumisigaw siya! Kasabay ng kanyang sigaw ang pagbilis ng pintig ng aking
puso. Unti-unting bumubukas ang pinto at isang malakas na pagsara ang mas lalong nagpakaba
saakin. Ayokong lumingon. Ayokong masilayan ang mukha niyang pulang-pula na, ang mga mata
niyang nanlilisik at tila gusto ng pumatay na tao. Kasabay ng madiin niyang pagkuyom ng kanyang
kamao ang luhang dumaloy sa aking pisngi. Ayoko! Ayoko ko siyang makita! Natatakot ako sa
possible niyang gawin. Nanginginig ang aking buong katawan. Wala akong laban. Walang akong
karapatang lumaban. Sa isang pikit mata, tila tumigil ang oras na pagdilat ko wala na. Wala na
akong magagawa. Ang aking katawan ay unti unti ng nabiyak. Bakit may umaagos na dugo? Kahit
hirap ay nilingon ko siya. Isang hiwa sa paa ang aking nasaksihan. Gumuho ang aking
pagkatao. Sana ay napawi ang bigat ng iyong nararamdaman. Sa pagpikit ng aking mata ang
siyang pagbigkas ko ng huling linya. Patawad aking butihing kaibigan”.

You might also like