Mga Makrong Kasanayan

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ang Kurikulum ng Filipino sa Batayang antas ng Edukasyon

MGA MAKRONG KASANAYAN


1. PAKIKINIG
2. PAGSASALITA
3. PAGBASA
4. PAGSULAT

PANIMULA:
Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang
kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag
nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa.
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang
matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang
kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag
ang mensaheng nais niyang ipaabot.
Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t ibang makatotohanang
gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing
aklat, palikhain ng tula at pasulatin ng maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin – lahat ng mga
karanasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.

A. Makrong Kasanayan sa Pakikinig

KAHULUGAN NG PAKIKINIG
• Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-
iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan
at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
• Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang
sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig
natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve
patungo sa utak.
• Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At
naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory
nerve patungo sa utak.

Kahalagahan ng Pakikinig
• Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang
pagbabasa.
• Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting
palagayan.
• Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil
mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-
aralan. Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa
kanila.

45% ay nagagamit sa pakikinig


30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat

Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig


• Alamin ang layunin sa pakikinig
• Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan
• Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
• Maging isang aktibong kalahok
1
Ang Kurikulum ng Filipino sa Batayang antas ng Edukasyon

• Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita


• Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig
• Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan

MGA URI NG PAKIKINIG


1. Deskriminatibo
Layunin;
• matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon.
• binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya kumikilos
habang nagsasalita.

2. Komprehensibo
Kahalagahan:
• Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
• Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang pinakikinggan.
3. Paglilibang
Layunin:
• upang malibang o aliwin ang sarili
• ginagawa para sa sariling kasiyahan
4. Paggamot
Kahalagahan: matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa
pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita.
5. Kritikal
Layunin:
• gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa
paksang narinig.
• Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig
• Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan

Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig


1. Edad o gulang - Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil
masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa.
- Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil
sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanilang kantandaan,
katulad ng pag-atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang pandinig.
2. Oras - Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig. Ang isang tagapakinig na tawagan sa
hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang
kanyang kamalayan. May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng
panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig. Ang mga
estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.
3. Kasarian - Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae. Ang mga lalaking tagapakinig ay
ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o
ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang
pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes. Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking
tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag. Higit na mahaba ang
pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip
4. Tsanel - Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan
gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp. Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng
mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na
masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.
5. Kultura - Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-mabuting
kawilihan sa pakikinig. Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa pananalangin
nating mga kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura. Sa panayam, may mga tao na
malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon
namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong
lamang sila kapag tapos na itong magsalita.
2
Ang Kurikulum ng Filipino sa Batayang antas ng Edukasyon

6. Konsepto sa sarili - ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa pagkontra
o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita. Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang
naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan.
7. Lugar - Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng
konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam. Ang mainit, maliit at magulong lugar ay
nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig.
MGA URI NG TAGAPAKINIG
• Eager Beaver - Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa
kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.
• Sleeper - Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay
na intensyong makinig.
• Tiger - Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng
tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang,
• Bewildered - Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig.
Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang
kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.
• Frowner - Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita
sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang
pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para
makapag-paimpres.
• Relaxed - Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes
sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon
mula sa kanya, positibo man o negatibo.
• Busy Bee - Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig,
abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o
anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
• Two-eared Listener - Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang
kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig.
Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.

MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG


 Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdamin
 Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanya
 Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan
 Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat
nagsasalita
 Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig
 Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masususri at maaanalisa ang
mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig

MGA MALING PANINIWALA SA PAKIKINIG


 ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na makrong kasanayan
 ang mga marurunog lamang daw ang mahuhusay makinig
 hindi na raw kailangang pagplanuhan ang pakikinig

MGA HADLANG SA PAKIKINIG


• Pagbuo ng maling kaisipan
• Pagkiling sa sariling opinion
• Pagkakaiba-iba ng pakahulugan
• Pisikal na dahilan
• Pagkakaiba ng kultura
• Suliraning pansarili

B. Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Kahulugan ng Pagsasalita
3
Ang Kurikulum ng Filipino sa Batayang antas ng Edukasyon

•Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at
nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
• Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap
Kahalagahan ng Pagsasalita
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
• naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita
• nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
• nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
• naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang
magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.

Mga Pangangailangan sa mabisang pagsasalita


• Kaalaman
• Kasanayan
• Tiwala sa Sarili

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita


 tinig
 bigkas
 tindig
 kumpas
 kilos

Limang Kasanayan sa Pagsasalita

Pakikipag-usap
pakikipanayam
pagkatang talakayan
pagtatalumpati
pakikipagdebate
C. Makrong Kasanayan sa Pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
• Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng
mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.
• Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa
mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.
• Ang mpagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang panahon.
• Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay,
nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay.
• Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin
• Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi
pangangatwiran at pag-iisip.
• Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at
krunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at
nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.

Bumabasa ang tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan:


• may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan
• may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag-
iwanan ng takbo ng panahon
• may nagbabasa upang maaliw o malibang , mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na
nararamdaman

Apat na hakbang ng pagbasa: Ayon kay William Gray “Ama ng Pagbasa”


• Ang pagbasa sa akda
• Ang pag-unawa sa binasa

4
Ang Kurikulum ng Filipino sa Batayang antas ng Edukasyon

• Ang reaksyon sa binasa


• Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at ng dating kaalaman

Layunin sa Maunlad na Pagbasa

• Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa


• Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at masidhing pagbasa
• Makilala ang mga bpaksang pinag-aaralan upang matamo ang impormaasyon hinggil sa iba’t ibang
larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na pangkatauhan o humanities.
• Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat
• Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at magkaroon ng mabisang pag-uugali sa pag-aaral sa tahanan,
paaralan at aklatan.
• Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng pagtataya at pagpapahalaga
sa mga binabasa.
• Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng pagbabasa.

MGA URI NG PAGBASA


Mabilisang pagbasa – (skimming) ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao. Nagtuturo
ito sa mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang
nakalaimbag na babasahin. Tinatatawag din itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng pagbasa.
Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
• Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang nilalaman ng isang aklat
• pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na kailangan sa pananaliksik (key word)
• pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman
Pahapyaw na Pagbasa - (scanning) tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa
isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga
rito’y makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan. Tulad ng paghahanap ng telepono sa direktoryo,
paghahanap ng trabaho, mga paupahang establisemento (buy & sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen ,
numerong nanalo sa swipstiks, lotto atbp.
Pagsusuring Pagbasa – (Analytical reading) nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri sa
pagbasa. Ginagamit dito ng matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa
pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip.
Pamumunang Pagbasa (Critical reading) - Dapat na matiyak ng mambabasa na naunawaan ang
buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin.
Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula, katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng
pansin o puna ang istruktura ng mga pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat ng may-akda.
Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.
Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang
puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto.
Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga
salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.
Masinsinang Pagbasa – hindi ito “undertime pressure” na pagbasa. Binibigyan dito ng guro ang mga
mag-aaral ng sapat na panahon upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng pansin ang mga salitang
bumubuo sa teksto.
- Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalahad
ang buod, aral at pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan ang kanyang kaalaman sa
pamamagitan ng ganitong pamamaraan.

Limang dimensyon sa pagbasa


1. Pag-unawang literal
2 Pagbibigay ng Interpretasyon
3. Mapanuri o kritikal na pagbasa
4. Paglalapat o Aplikasyon
5. Pagpapahalaga

D. Makrong Kasanayan sa Pagsulat


5
Ang Kurikulum ng Filipino sa Batayang antas ng Edukasyon

Kahulugan ng Pagsulat
 Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos
ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.
Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil:
• kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon
sa ngayon.
• Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng
mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng
pananagumpay.
• Sa daigdig ng edukasyon, kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng
balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa
pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.
Proseso ng Pagsulat
Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-
uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t
kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan sa buong mundo.
Pamamaraan ng Pagsulat
1. Pag-asinta (Triggering)
Kailangang may isang bagasy na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y may paniniwala
sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng
mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.
2. Pagtipon (Gathering)
Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas.
Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating sariling
karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal, magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at
maging sa panonood ng sine at telebisyon.
3. Paghugis (Shaping)
Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng hugis an gating paksang susulatin.
Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan.
Kailangan Makita natin ang pokus n gating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano
ang tunay na paksa.
4. Pagrebisa (Revising)
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng
ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na
papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat
hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.

Mga Bahagi ng Pagsulat


Panimula
Katawan
Konklusyon
Rekomendasyon

6
Ang Kurikulum ng Filipino sa Batayang antas ng Edukasyon

You might also like