Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lakbay siyensiya

Isang reperensiya ng buhay na aking sinasabuhay, siyensiya ang laman ng isip


maging ang lahat ng umiikot sa mundong buhay. Kung ako’y tatanungin ito ay para lang
isang mahaba at nakakainip na paglalakbay bagama’t nakapupulutan ng kaalaman higit
at lingid sa abot ng aking pag-unawa. Sa unang tingin, akala ko ito ay wika, isang wika
na iilan lamang ang nakakaunawa at nais na umuunawa.

Wika pa nga nang isang batikang siyentipiko na si Albert Einstein, “ang siyensiya na
wala ang relihiyon ay malamya, ang relihiyon na walang siyensiya ay di nakakakita”;
ang siyensiya ang isang napakamahalagang aspeto ng buhay ng tao gaya ng
pilosopiya, nais nitong ipakita kung ano ang mundo at kung paano tayo paikot-ikot dito.

Ito ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, hindi Diyos kundi aspetong gabay ng tao
sa natural na kalagayan ng mga bagay-bagay. Imahinasyon ay mas mahalaga sa
kaalaman, dahil ang kaalaman ay may hangganan, ngunit ang imahinasyon ay walang
katapusan, pumupukaw sa pag-uunlad, naglalaan sa pagbabago at pagpapalago ng
indibidwal na tao.

Isang karanasan, maraming kaisipan, nabibigay ng konkretong kaalaman. Ito ang


siyensiya na aking nakagisnan, makatotohanan at puno ng mga palaisipan, likas na
hilig sa pagkilala at karunungan. Isang lakbay patungo sa kaisipan, walang hanggang
hantungan upang ang lihim ng mundo ay tuklasin, alamin ang lahat ng kaalaman,
sagutin ang lahat ng mga katanungan, ang mundo na isang palaisipan, pabago-bago,
gaya nito, ito ang siyensiya.

Ngunit ako’y magpapa-alam na, ito ang siyensiya, at ito ang aking istorya kasama ang
kaibigan kong siyensiya. Kung saan man patungo, isa lang ang alam ko, doon ako kung
saan ang alam ko, siyensiya ay ang reperensiya ng aking pilosopiya.

You might also like