Ang Tatlong Relihiyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG TATLONG RELIHIYON (REFLECTION)

HINDUISMO

Ang mahalagang aspeto ng relihiyong Hinduismo ay ang paniniwala sa Karma


o Dharma. Sa pananaw na ito, ang tao ay makararanas ng good karma or bad karma
depende kung ang kanyang ginagawa ay mabuti o masama. Para sa akin, ang
pagsunod sa mga aral ng Hinduismo ay magdudulot ng masinsinang pagtingin ng
isang tao sa kanyang sarili at titingnan kung ang kanyang ginagawa ay naayon ba o
sumusuway sa wastong moralidad.

Ang konsepto naman ng reincarnation ay kabalikat sa konsepto ng karma. Dahil


ang reincarnation ang nagbibigay buhay sa konsepto ng karma. Samakatuwid,
maaring mabuhay sa isang marangal at mataas na uri ng “life form” ang isang tao
kung mabuti ang kanyang ginagawa sa nakalipas na buhay nito. Kabaliktaran naman
ang mangyayari kung ang kanyang ginagawa ay sumusuway sa mga aral ng wastong
moralidad ng Hinduismo, makakaranas ang tao ng isang bad karma at mabubuhay
siya sa mababang uri ng “life form”. Kung ninanais ng isang tao na mabuhay sa mataas
na uri ng life form ay kinakailangan niyang sundin ang mga aral ng Hinduism.

Ang relihiyong Hinduism ay sumasalamin sa paniniwala ng mga Hindu at


kanilang buhay at paniniwala ay makikita at matatanaw sa mga obrang hindu tulad
nga Rayamana at Mahabharata.

BUDDHISMO

Ang Buddhismo ay nakabatay sa mga aral ni Buddha na isang mangangaral


noong unang panahon sa India. Ang pinakamagandang natutunan ko sa paniniwalang
Buddhism ay ang pagsunod sa “Dakilang Landas” o Right Path na magdudulot ng
karanasan ng kapanatagan ng isip o peace of mind. Sa panahon ngayon na lubhang
ligalig ang dulot sa mga tao sa mga pangyayaring dulot ng sakuna, lindol at insidente
ng karahasan, importante nating matutunan ang Kapanatagan ng Isip sa gitna ng mga
kahindik-hindik na pangyayari na nasasaksihan natin sa ating panahon.

Kailangan natin ang isang Buddha sa buhay natin na magbibigay gabay tungo
sa matuwid na landas. sa isang meditasyon, makakamit ng tao ang Nirvana dahil sa
paniniwalang Buddhismo ang kaligayahan ay matatagpuan sa matinding meditasyon
at matuklasan sa sarili ang kapanatagan sa isip.
Sa palagay ko hindi na kailangan na tayo ay maging Buddhist para sundin ang
mga aral ni Buddha. Siguro ang kailangan lang natin ay maghanap ng pagkakataon
para sa isang meditasyon tuklasin sa ating sarili ang kapayapaan at sa pamamagitan
nito maaring mapalaganap ang kapayapaan sa buong mundo.

KRISTIYANISMO

Ito ang kinalakihang kong relihiyon. Ako ay nabigyagan bilang kristiyano ng


Simbahang Katoliko sa Pilipinas. Sa maraming aral ng kristiyanismo, iisa lamang ang
sa tingin ko ang dapat gawin para maturingan kristiyano at iyon ay ang pagsunod sa
yapak ni Kristo. Ngunit simple mang sabihin ito, ito ang pinakamahirap gawin sa lahat.

Si kristo ay nagtuturo ng kapayapaan sa mundo. Subalit kung titingnan ang


kasaysayan ng Kristiyanismo, makikita natin ang madugo at magulong kabanata.
Hindi ko maisip kung bakit kailangan pang humantong sa digmaan ang hindi
pagkakaroon ng unawaan dahil sa interpretasyon sa pangaral ni Kristo.

Sa panguguna ng Simbahang Katoliko ang kristiyanismo ay lumaganap at


naging isang pinakamalaking relihiyon sa buong mundo. Pero sa kabila nito, ang
Kristiyanismo, Islam, Hinduism, Buddhism at iba pang rehiliyon at paniniwala ng mga
tao, ay hindi nakapigil sa paglaganap ng kaguluhan at digmaan sa mundo.

Siguro napakahirap sundin ang mga pangaral ni Kristo at mananatili itong isang
malaking hamon para sa atin na gawin natin ang maari nating maging kontribusyon
para paglaganap ng kristiyanismo sa ating mga sarili.

You might also like