Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Ang literasi ay mahalagang iugnay sa wika lalo na kung susuriin ito

bilang mahalagang aspekto ng edukasyon, pulitika at ekonomiya


ng bansa. Ang literasi ay hindi lamang pagkatuto kundi pagkatuto
sa wika upang maging kapakipakinabang ang mamamayan sa
lipunan. Ang isang bansang may problemang ekonomiko ay
siguradong mababa o di malawak ang literasi ng mamamayan.
Dahil dito ang kanilang pagsangkot sa mga prosesong pulitikal ay
mahina rin. Dahil din dito, ang eksploytasyon at pagdodomina sa
kanila ay lalong naging malalim at masidhi. Ayon nga kay Gunnar
Myrdal (1970:1983)
Anumang pagtatangkang bumuo ng isang bagay na may pag
uugnayan at may malawak na pakikisangkot ng mga mamamayan
ay nangangailangan ng mas malawak na literasi. Malinaw na ito rin
ang kailangan para magkaroon ng epektibong demokrasyang
pulitikal. (salin)
1. Sa Pilipinas, ang lumalalang problemang ekonomiko ay
nakakaapekto nang malaki sa literasi ng bansa. Ayon sa World
Health Development Report noong 1986, noong 1973-1974 ang
Pilipinas ang may pinaka- mababang porsyento ng pag-unlad sa
mga bansang ASEAN.
Ang kahirapan ay may malaking impak sa literasi dahil sa
pagdami ng drop-outs kayat hindi dapat magulat at magtaka
ang marami kung bakit ngayong madaling bilhin ang boto
ng mga botante at kung bakit alyenado, walang alam at
walang interes ang mga karaniwang mga mamamayan.
Makakatulong ang paggamit ng katutubong wika (maaaring
ang wika sa rehiyon o kaya wikang pambansa) upang
magkaroon ng minimum functional literacy ( o iyong
kaalaman sa wika para sa mga praktikal na
pangangailangan) ang mga naka raraming mamamayan sa
Pilipinas at nang sa gayoy maging kapaki pakinabang sila sa
lipunan.
Ang kapakinabangan ito naman ang siyang tutulong upang
magkaroon ng kapakinabangang sosyal at panlipunang
pakikisangot ang mga mamamayan. Ang pakiisangkot na ito
ay tutulong naman upang magkaroon ng kultural na
pagbabago at pagkakaisa, Tutulong lalo ito para ang bawat
mamamayan ay hindi maging kaaway ng lipunan at
gobyerno sa halip ay maging kasama nga mga ito tungo sa
pag unlad ng bansa.
Mula sa Wika Bilang Kasangkapang Panlipunan: Wikang
Pambansa Tungo sa Pangkaisipan at Pang-ekonomikong
Kaunlaran ni Pamela C. Constantino

You might also like