Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ang Kwento ni Mabuti

Ni Genoveva Edrozo Matute

“May pakpak ang balita, may tainga ang lupa”

Buod
Uminog ang kwento sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang kinukwento mula sa
punto de vista ng isa sa kanya ng mga estudyante.
Tinatawag siyang Mabuti ng kaniyang mga estudyante sa kanyang likod dahil lahat
ng kaniyang mga salita ay naglalaman ng mga kabutihan. Bukod roon ay binudburan rin ng
salitang 'mabuti' ang mga sinasabi niya.
Isang hapon ay may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa silid-aklatan,
nakita siya ni Mabuti at inalo ito. Sinabi ni Mabuti na hindi niya alam na may tao roon at ang
pagpunta niya roon ay hindi rin nagkataon lamang. Pumupunta rin si Mabuti sa sulok ng sild
aklatan na iyon upang umiyak rin.
Kung anong kadahilanan ay hindi niya na sinabi. Nakinig lamang siya sa kanyang
estudyante kahit na napakababaw lamang ng iniiyak nito.
Simula ng engkwentrong iyon ay mas naging bukas na si mabuti sa pagkekwento ng
kaniyang buhay, liban ng tungkol sa kaniyang asawa. Iniikutan ng kaniyang mga pangarap
ng kabutihan ang kaniyang anak, halata sa mga kwento niyang patungkol dito na ang
anak niyang ito ang kaniyang buhay. Wala pang isang taon mula ng siya'y mabiyuda. Sa
kabila ng bigat na kaniyang dinadala ay patuloy pa rin ang kaniyang positibismo. Ang
kanyang katatagan ay patuloy ang pagningas kahit nilulunod na siya ng kalungkutan.

I. Pagsusuri sa Makling Kwento

Sa "Ang Kuwento ni 'Mabuti'" (1948), inilarawan sa punto de bista ng isang mag-aaral ang
katauhan ng kaniyang gurong kung tawagin ay si "Mabuti" dahil sa nakagawian nitong
simulan ang bawat pangungusap sa katagang "mabuti" tuwing magtuturo sa klase sa
elementarya. Ngunit taliwas sa dapat asahan, ang tagapagsalaysay ay hindi muslak na
bata, bagkus batang naghunos ang kamalayan upang maunawaan ang inililihim ng
kaniyang gurong ang bana'y may ibang pamilya. Ang nasabing lalaki ay ibinurol sa ibang
bahay nang mamatay, at mahihinuhang ang guro ay kabit ng naturang lalaki. Ang parikala
ng kuwento ay ang taguring "mabuti" ay lumalampas na sa dating pagtanaw na "mabuting
babae," dahil ang babae na bagaman ulirang guro ay nagkakamali rin, at nalilinlang, at
nadudungisan.
Maiisip na ang tagapagsalaysay sa kuwento ni Matute ay isang tao na nagbabalik sa
kaniyang kabataan, at ang kaniyang paggunita ay walang bahid ng panunumbat,
paghuhusga, at prehuwisyo. Ngunit ang nasabing tao rin ay masasabing hindi karaniwan, at
posibleng babae rin, dahil tanggap niya ang katauhan ni Mabuti, at bukas ang isip sa
komplikasyon ng mga relasyong pampamilya. Ang maganda sa kuwento ay iniiwan sa
mambabasa kung ano ang magiging epekto ng pagkakatuklas sa buhay ng guro, at ang
parikala'y ang guro na nagtuturo ay naging tulay mismo upang maituro sa mambabasa
ang lihim at dilim na kaniyang nadarama.

II. Uri ng Maikling Kwento

Ang akdang “Kwento ni Mabuti” na isinulat ni Genoveva S. Matute ay isang uri ng

maikling kwento na pangkatauhan. Ang pangkatauhan ay ang mga pangyayaring
pangkaugalian ng mga tauhang nagsiganap para mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa
sa mga mambabasa. Masasabi nating pangkatauhan ang akdang ito dahil tinignan natin
dito ang katauhan ni Mabuti.

III. Sangkap ng Maikling Kwento

Tauhan
Lapad na Tauhan:
Mabuti- isang guro sa Pampublikong paaralan. Hindi mabuti ang tunay niyang pangalan,
nagiging mabuti lamang ang tawag sa kanya sapagkat ito ang palagi niyang sinasabi sa
kanyang klase sa simula at katapusan. Kung minsan ay sinasabi niya ang salitang mabuti
kapag wala na siyang masabi o nalilimutan na niya ang dapat niyang sabihin.
Masasabing tauhang lapad si Mabuti sapagkat hindi siya nagbabago ng katauhan.
Anak ni Mabuti- Anim na taong batang babae na nais maging manggagamot ni Mabuti.
Mga Estudyante- mga mag-aaral na tinuturuan ni Mabuti sa Panitikan at pinagtitiisan ang
paulit-ulit na kwento ni Mabuti tungkol sa anak.
Asawa ni Mabuti- mahihinuha natin na iniwan niya si Mabuti at ang kanyang anak para sa
ibang babae.

Bilog na Tauhan:
Fe: ang estudyante ni Mabuti sa kwento, kung saan siya ang batang nadatnan ni Mabuti
sa sulok ng silid aklatan.
Si Fe ay tauhang bilog sapagkat dati ay negatibo siyang mag-isip, sa simpleng
problema, pakiramdam niya na siya na ang may pinakamabigat na problema sa buong
mundo. Ngunit nang makilala niya sa Mabuti, na sa kabila ng problema nito ay mabuti,
nagiging positibo na ang paningin niya sa buhay.

Tagpuan
Sa Paaralan
Ang uri ng paglalarawan ng tagpuan ay pahiwatig sapagkat hindi direktang
sinabi sa akda na sa ganitong uri ng lugar ginanap ang kwento.

Banghay
Panimulang Pangyayari
Isang guro na tinatawag na Mabuti ng kanyang mga estudyante kapag nakatalikod
dahil sa lagi niya itong tinuturan kapag wala siyang masabi. Tinuturuan niya ang mga mag-
aaral sa Panitikan dahil dito siya bihasa.

Suliranin
Magtatakip-silim na n gang isang mag-aaral ay umiiyak sa isang sulok ng silid-aklatan
dahil sa isang maliit na problema. Nilapitan siya ni Mabuti at kinausa, inusisa at pinatahan.
Namangha ang bata dahil doon din tumatangis si Mabuti sa sulok na iyon. Tinanong niya si
Mabuti kung ano ang dahilan ng kanyang pagtangis sa sulok na iyon ngunit hindi siya
nasagot ni Mabuti. Simula noon, ang mag-aaral ay nagkaroon ng matinding damdamin sa
pagtuklas sa suliranin ni Mabuti na pilit ikinukubli ng guro.

Kasukdulan
Isang araw, nagkwento si Mabuti tungkol sa kanyang anak mag-aaral na sa susunod
na pasukan. Nasambit niya na nais niyang maging manggagamot ang kanyang anak,
isang mabuting manggagamot. Bigla niyang narinig ang bulung-bulungan ng dalawang
estudyante na ang sinasabi ay “Gaya ng kanyang ama!”. Tumakas ang dugo sa mukha ni
Mabuti na parang isang puting tela. Gayunpaman, siya ngumiti ng pilit at sinabing, “Oo,
gaya ng kanyang ama”. Sa pagkabigla at pagkakilabot sa narinig nay nakuha parin niyang
ngumiti bagamat pilit. Ilang araw din ang itinagal ng pagkamutla ng kanyang mukha.
Samantala, napgtagpi-tagpi na ng bata ng mga impormasyon ngunit bigo parin siyang
matuklasan ang lihim at suliranin ni Mabuti.
Kakalasan
Natuklasan ng mag-aaral na nagging malapit kay Mabuti, na kasalukuyang
nakaburol ang asawa ngunit hindi sa tinitirhan ni Mabuti.

Wakas
Lubos na naunawaan at nabatid ng mag-aaral na naging malapit kay Mabuti ang
lahat at iyon ang nagpagaan ng damdamin nito.

Mga Leksyon o Aral

Huwag kang makiapid.
Mahalin at maging tapat ka sa iyong pamilya.
Maging positibo ka sa lahat ng aspeto sa buhay.
Huwag mong itago ang iyong nadarama dahil hindi ito makatutulong.
Laging isipin na lahat ng bagay ay mabuti.
Pahalagahan mo ang mga tao sa paligid.
Ang babae ay matatag sa mga problema lingid sa kaalaman ng mundo.
Bisang Pandamdamin
Nahihiwagaan ako kay Mabuti dahil sa kanyang kinikilos. Sa mga nakasaad sa
kwento, sa harap ng klase ay nakangiti siya ngunit tumatangis siya sa sulok ng silid-
aklatan. Naitatago niya ang kanyang damdamin at nakamamangha sa pagiging matatag
at positibo niya.
Nakakainis ang asawa ni Mabuti dahil iniwan siya nito pati na rin ang kaniyang
anak para lang sa ibang babae. Kaya siguro siya ay namatay dahilbinalikan siya ng mga
kasamaang ginawa niya.

Pananalita
“Mabuti, ang sasabihin niya,..ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. mabuti naman
umabot tayo sa bahaging ito…Mabuti…mabuti..!”
Ito ang mga binibitiwang salita ni Mabuti kapag siya ay nasa harap ng kanyang klase.
Kung wala siyang masabi ang salitang ”mabuti” na lamang kanyang sinasabi mula sa
umpisa hanggang matapos ang kanyang pagtuturo.

“siya nga pala, Ma’am kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyon
na iniiyakan ko?
Ito naman ang pagtatanong ng isa sa mga estudyante ni Mabuti na kung saan pumunta rin
siya sa isang sulok na kung saan doon rin umiiyak si Mabuti.

“Gaya ng kanyang ama”

Ang kataga namang ito ay ibinulong ng isa sa mga estudyante ni mabuti na kung saan may
alam ang batang ito tungkol sa totoong pagkatao ni Mabuti.

IV. Pagdulog na Ginamit

Ang Humanismo ay pilosopiya na nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, at dahil
ay ginawang panukat tao o pamantayan para sa lahat ng tao sa madaling salita ang
teoryang Humanismo ay ang pokus nito ay tao. Sa teoryang ito pinagtutuunan ng
kakalasan at kahinaan ng isang tao. Sa akdang “Kwento ni Mabuti” ay kabilang ito sa
teoryang Humanismo sapagkat ipinapakita rito ang kabutihang tinataglay ni Mabuti sa
kabila ng kanyang mga problema. Napatunayan din sa kwento na kahit mayroong
problemang hinaharap ang isang tao ay maari pa rin siyang makatulong. Ipinakita iyon ni
Mabuti noong tinulungan niya ang isang kamag-aral. Kahit may pinagdadaanan ay
nagawa niyang bigyang payo si Fe.
Masasabi ko na ang akdang ito ay nagpapakita na ang kababaihan ay tunay na
matatag sa mga problema. Dapat isipin natin na ang ating mga guro ay ating
pangalawang magulang at dapat natin silang tulungan sa kanilang mga suliranin kapalit ng
kanilang mga sakripisyo para sa atin.
Dabat bigyan natin ng importansya ang ating mga kabiyak dahil sila ay kalahati na
ng ating buhay. Dapat maging positibo tayo sa buhay tulad ni Mabuti.
May Akda
Maraming kuwentong naisulat si Genoveva Edroza-Matute, at sabihin nang marami rin
ang sablay, ngunit ang ilan sa matatagumpay niyang kuwento ay nalathala noong 1948-
1949, may 60 taon na ang nakalilipas, ang panahon ng kaniyang kasibulan. Ang panahon
ng pagsibol ni Matute ay kaugnay ng nagbabagong anyo ng lipunang Filipino, na dumanas
ng digma at nagbihis ng liberal na pananaw na hatid ng Amerikanisasyon, samantalang
nagsisikap ang mga manunulat na Filipino noon na maitakda ang wikang pambansa at
ang mataas na pamantayan sa pagsulat ng katha.
TEORYANG PAMPANITIKAN
Ang teoriyang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikan.
Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.

Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat
makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad
sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari
subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na
bagay ay totoong makasisira rin sa tao.

Uri nito:

1. MORALISTIKO
sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob
sa akda
2. SOSYOLOHIKAL.
mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan
3. SIKOLOHIKAL
makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at mga
tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.
4. FORMALISMO
Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag
(sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda
5. IMAHISMO
Umusbong noong 1900 Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda
mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa
6. HUMANISMO
Ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming bagay
7. MARXISMO
Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa malakas at mahina mayaman at
mahirap Kapangyarihan at naaapi
8. ARKETIPO / ARKITAYPAL
gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda nangangailangan ng masusing pag-aaral sa
kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga simbolismong ginamit upang maipabatid ang
pinakamensahe ng akda
9. FEMINISMO
maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad
din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon,
exploitation , at operasyon sa kababaihan Lualhati Bautista, Genoveva Edroza Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo
10. EKSISTENSYALISMO
Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan Ang tao ay may malayang
pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa
lipunan
11. KLASISISMO
Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri Layon ay katotohanan, kabutihan at kagandahan Malinaw, marangal, payak,
matimpi, obhetibo, magkakasunud-sunod at may hangganan
12. ROMANTISISMO
Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas Pagtakas mula sa realidad o katotohanan
nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa mga sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan
sa pamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-paniwala o sa paraang nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti
ay makikita nating may iba itong kahulugan at kaisipan
13. REALISMO
Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay pinapaksa ang kalagayan na
nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon Madalas din itong naka pokus sa
lipunan at gobyerno

You might also like