Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang kurikulum ng Filipino sa batayang antas ng Edukasyon

Paksa 2 Mga Lapit hinggil sa pag-aaral ng kurikulum


Tatlong pamamaraan sap ag-unawa sa kurikulum
Ang kurikulum ay mauunawa sa pamamagitan ng talong proseso. Ito ay maaring tingnan
bilang isang nilalaman, proseso at isang produkto.
1. Kurikulum bilang isang nilalaman
Ang kurikulum ay nilalaman kung ito ay tinitingnan bilang isang balangkas ng mga
paksa, bilang paksang aralin, o komnsepto na maihahal;intuad sa silabus ng kurso o kahit
ng isang aklat.

4 na paraan sa pagpapakilala ng kurikulum bilang isang nilalaman


A. Paksang lapit
Ang nilalaman ay ibinanabatay sa kaalaman at karanasan.
B. Konspetuwal na lapit
Ang paksa ay naipapaliwanag sa isang cluster o pangkat at naitutukoy din sa sub-
konsepto; ang kaugnayan at kaangkupan nito ay binibigyang diin.
C. Tematikong lapit
Ito ay kombinasyon ng mga konsepto na batay sa isang konseptuwal na estruktura.
D. Modyular na lapit\
Ito ay lapit na nakatuon sa pagbubuo sa lahat ng yunit ng instruksiyon.

Krayterya sa Pagpili ng nilalaman: (SCHEFER 1970)

1. Kahalagahan- Ang nilalaman ay dapat na magbahagi ng mga kaisipan, konsepto,


prinsipyo at paglalahat na bahagi ng kabuuang tunguhin ng kurikulum. Ang nilalaman ay
mahalaga kung ito ay nakatuon sa kognito, afektibo at saykomotor na domeyn ng
pagkatuto.
2. Baliditi- Ang kadalisayan ng paksang aralin, ang mga paksang pinag-aaralan ay dapat
tumgon sa hinihingi ng panahon.
3. Kagamitan- ang nilalaman ay dapat na magamit sa panahon at angkop sa mga mag-aaral
na kasangkot.
4. Kakayahang matutuhan- Ang kompleksiti ng mga nilalaman ay dapat saklaw sa
karanasan ng mga mag-aaral. Ito ay batay sa sikolohikal na prinsipyo ng pagkatuto.
5. Posibilidad- Ang nilalaman ba ay matutunan batay sa oras, kagamitan, o kakayahan ng
mga guro?
6. Interes- May inters baa ng mga mag-aaral na mtutunan ang isang paksa? Bakit? Ang
mga paksa ba ay makabuluhan o makahulugan?

Sanggunian: Bilbao et. Al ( 2014). Curriculum development for teachers, Lorimar publishing,inc. isbn 971-
685-782-5
Ang kurikulum ng Filipino sa batayang antas ng Edukasyon

Batayang prinsipyo ng nilalaman sa kurikulum


Balanse- Ang isang paksa ay dapat na pantay na maibahagi. Ito ay makakapagsisigurong ang
isang paksa ay matutuhan sa angkop na oras at panahon.

Artikulasyon- Habang ang paksa at nilalaman ay nagiging kompleks batay sa edukasyonal


na antas, bertikal man o horizontal nangangailangan na may banayad na koneksyon at
paglalangkap.
Pagkasunod-sunod- Ang lohikal na pagkasunod-sunod ng nilalaman.
Pagsasanib- maaaring ang isang paksa ay mauugnay sa paksa ng ibang disiplina.

Pagpapatuloy- Ang mga nilalaman na tinalay sa mababang antas ay maaring magamit sa


lalomng higit na mataas na antas.

2. Kurikulum bilang isang proseso


Ang kurikulum bilang isang proseso ay maaring tingnan bilang isang iskema sa mga
naging gawi sa pagtuturo. Sa konseptong ito, tinitingnan ang kurikulum bilang isang
nucleus ng pagtuturo-pagkatuto.

3. Kurikulum bilang isang produkto


Ang kurikulum ay tinitingan bilang isang produkto ng mga makabuluhan at
makahulugang karanasan ng mga mag-aaral sa loob ng klasrum.

Sanggunian: Bilbao et. Al ( 2014). Curriculum development for teachers, Lorimar publishing,inc. isbn 971-
685-782-5

You might also like