Tagapagsalaysay Scene

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1ST SCENE

TAGAPAGSALAYSAY: Noong Pebrero 27, 1872 ang kolonyal na pamahalaan ng


Kastila sa Pilipinas ay sinumpaan ng tatlong paring martyr na pinangalanang
GOMBURZA. Ang Cavite Mutiny ay sinasagawa sa pamamagitan ng pagtanggal ng
personal na benepisyo ng mga manggagawa tulad ng buwis at sapilitang paggawa na
pinamumunuan ni Gobernador Heneral Rafael de Izquierdo. Ang tatlong sikular na
Pilipinong pari ay pinagbintangan na nagpasimula ng munting rebelyon ng gabi noong
Enero 20, 1872. Ang tatlo ay inakusahan, nilitis at sinintinsyahan na patayin sa
pamamagitan ng paggarrote. Na wala man lamang abogado para depensyahan doon
sa mga paratang na ginawa sa kanila. Si Padre Mariano Gomez ay isang banal na pari.
Malaki ang naitulong nya sa pagreporma ng lupa para makatulong sa mga pilipinong
magsasaka. Ang mga mahihirap at magsasaka ay siya sanang ipagtatanggol. Kaso ang
mga pilipino ay nasa ilalim rin ng pamumuno ng mga Kastila na syang nang-api rin sa
mga pilipino.

TAGAPAGSALAYSAY: Habang nagpapagod magtrabaho ang mga


magsasakang pilipino papunta naman ang mga Kastilang Militar sa mga magsasaka
para maniningil at piliting magbayad ng kanilang buwis.

2ND SCENE

TAGAPAGSALAYSAY: Nagpatuloy ang pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino. Kaya ito ang
nag-udyok sa ibang mga Pilipino na mag-alsa laban sa mga Kastila. Kaya dito mabubuo ang
isang rebolusyon. At nagkaroon sila ng usapan na magtitipon upang pag-usapan ang pag-
aalsa.

TAGAPAGSALAYSAY: Pumunta ang isa sa mga tauhan ni kapitan upang ibigay ang
sulat kay Padre Zamora.
Tapos binisita nina Padre Burgos at Padre Gomez si Padre Zamora.

3RD SCENE

TAGAPAGSALAYSAY: Sa pagtitipon ng mga pilipino kasama si kapitan at Padre


Zamora, wala silang ibang ninais kundi makamit nila uli ang kalayaan at kapayapaan ng
mga pilipino mula sa pamumuno at pang-aapi ng mga dayuhan.
~~~~~~~~~~~~
Lumusob sina Fernando La Madrid(tumatayong leader sa grupo), at ang kanyang
Kanang kamy na si Jaerel Brent Senior at ibang pang mga pilipino. Sa naganap na
paglusob may napatay silang labing-isang (11) kastilang militar.
4TH SCENE

TAGAPAGSALAYSAY: Inaakala nila La Madrid at mga kasamahan niya sa pag-aalsa


na may kakampi sila sa na iba pang pilipino mula sa Maynila. Naniwala sila na
maraming mga pilipino rin sa Manila ang mga nag-aalsa laban sa mga dayun, sa
pamamagitan ng pagpapaputok na nagpapahiwatig na kakampi nila ito. Pero ang
inaakala nilang signal ay mga pagsabog pala ng mga paputok para sa selebrasyon ng
Our Lady Of Loreto na Patron ng Sampaloc. At nagplano sila na sunugin ang Tondo
para gambalahin ang mga autoridad habang lulusob naman ang mga pilipinong taga
Manila doon sa Fort Santiago at kailangan nilang guamamit ng mga kanyon para signal
sa mga taga Cavite. Kailangan nilang mapatay lahat ng mga Kastila maliban sa mga
babae.

TAGAPAGSALAYSAY: Pero ang lahat ng plano nila La Madrid nakarating sa mga


autoridad sa Manila sa pamamagitan ng magkasintahang Filipina at Sarhento ng mga
Kastila at agad itong ipinagbigay alam sa mga nakakataas sa kanya sa militar na
kaaagad naman inaksyunan ng mga Kastilang Militar at naghanda kaagad sa paglusob
ng mga Pilipinong nag-alsa.

5TH SCENE
TAGAPAGSALAYSAY: Kaya Kinabukasan Si Heneral Filipe Ginoves at ang kanyang
mga militar ay naghanda sa paglusob ng mga Pilipino sa Fort Santiago hanggang sa
sumuko ang mga pilipino. Si Ginoves ay nag-utos sa kanyang mga militar na barilin at
patayin ang lahat ng mga bihag nila kasama na si La Madrid. At ang ibang rebelde ay
pinalinya. At biglang nagtanong si Koronel Sabas na kung sino daw yung mga hindi
iiyak at sabihin ang, "Viva España", at may isang matapang na pilipino ang umabante
na kaagad naman binaril ni Koronel Sabas. Tapos lahat ng kanilang bihag ay ikulong.

6TH SCENE
TAGAPAGSALAYSAY: Mula nung matalo ang mga nag-alsang pilipino at nakulong,
nagkaroon ng paglilitis. Sa paglilitis may isang bihag na kasama sa nag-alsa ang
nagbigay testimonya laban kay Padre Burgos na si Francisco Saldua. Sinabi niya sa
testimonya niya na si Padre Burgos daw ang nagpasimuno at nakaisip ng pag-alsa na
si Padre burgos daw ang nag-utos na kanila para lusubin at patayin ang mga Kastila.
Kaya napagdisisyunan ito na kailangan dispatsahin si Padre burgos sa pagpapaplano
ng pag-alsa.
Sa paparating na pagdispatsa kay Padre Burgos may isang tao ang nagpanggap bilang
Padre Burgos na siya daw talaga ang nagplano ng pag-aalsa. Gumamit rin siya ng una
fuerte suma de dinero o pagbibigay ng malaking halaga kay Governador-Heneral
Rafael de Izquierdo na si Padre Burgos nga ang pasimuno ng lahat. At ang dalawa
pang pari na sina Padre Gomez at Padre Zamora ay mga matalik na kaibigan ni Padre
Burgos kaya sila rin ay kasamang idispatsa sa pag-aakalang kasama rin sila sa
pagpapalano ni Padre Burgos.
TAGAPAGSALAYSAY: Ngunit sa araw ng pagbitay pinatay rin si Francisco Saldua na
siyang tumayong saksi sa paratang na si Padre Burgos ang pasimuno ng pag-aalsa sa
Cavite.

TAGAPAGSALAYSAY: Si salduana nakangiti pa habang pumapanhik sa pag aakalang


siya ay mapapawalang sala alinsunod sa pangako sakanya ng mga kastila., ngunit …..

TAGAPAGSALAYSAY: Ang sumunod sa pagbitay ay ang 85 na taong gulang na si


Padre Gomez.

TAGAPAGSALAYSAY: Nang marinig ni Padre Zamora na tawagin ang kaniyang


pangalan, ito'y umakyat sa entablado na wala man lang na sinabi, ...matahimik at
mahinahong nagpalagay ng itim na tela sa kaniyang mukha at umupo sa silya ng
garrote. Natulala na tila ang lahat ng nangyayari ay isang panaginip lamang.
Nanginginig ang buong katawan at namimilipit, habang hinihigpitan ang panakal na
garrote.

TAGAPAGSALAYSAY : Matapos magarrote ang dalawang kasamang pari, si Padre


Burgos ay pumanhik sa entablado nang kamatayan, doon siya ay tumigil at humarap sa
kastilang Koronel Boscasa, taglay pa rin ang pagkamapusok, at katapangan.

TAGAPAGSALAYSAY : At hindi na niya naituloy ang kaniyang iba pa sanang sasabihin


dahil siya ay nalagutan na ng hininga.

Ang mga labing bangkay ng GOMBURZA ay ibinaon sa isang sulok sa Sementeryo ng


Paco na wala man lang inilagay na krus o palatandaan. Kamakailan lang nitong taon
lamang napag-alaman na isang sa "rest room" na pangbabae ang naitayo ngayon sa
pinagbaunan ng mga labi ng dakilang GOMBURZA! Talagang nakakaawa at kahabag-
habag ang hinantungan ng tatlong Pari.
Hanggang ngayon patuloy pa ring inaalala at tinatangkilik ang kadakilaan ng tatlong
Pari at tinuturo pa rin sa paaralan ang kaganapang ito.

You might also like