Grade 10 AP Q 3 SY 18-19 - TQ

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI- Western Visayas
Division of Negros Occidental

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Kagawarang Pagsusulit
S.Y. 2019-2020

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa inyong
sagutang papel.
1. Ano ang panlipunang gampanin, pagkilos at gawain na batay sa lugar, panahon o lipunang ginagalawan ng mga babae
at lalaki?
A. Gender B. Homosexual C. Heterosexual D.Sex
2. Alin dito ang tumutukoy sa katangian ng sex maliban sa isa?
A. babae at lalaki C. pagmamaneho ng lalaki at babae
B. bayolohikal at pisyolohikal D. pagreregla ng babae at pagkakaroon ng testicle ng lalaki
3. Ano ang tawag sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal,
at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang
higit sa isa?
A. Gender Identity B. Gender Roles C. Sexual Orientation D. Transgender
4. Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity?
A. Ang sexual orientation ay kung kanino ka nagkakagusto o na-aakit samantalang ang gender identity ay kung ano ka
na may malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian.
B. Ang sexual orientation ay maaaring maiuri bilang heterosekswal, homosekswal, at bisekswal ganoon din ang gender
identity.
C. Ang sexual orientation at gender identity ay magkapareho lamang.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
5. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa gender roles ng isang lipunan?
A. Kategorya-babae o lalaki C. Mas malakas ang mga lalaki kaysa mga babae
B. Ang mga babae ay may buwanag regla. D. Magkaiba ang mga gawain at kilos ng mga lalaki kaysa babae.
6. Ano ang tawag kay Josia kung saan nakararamdam siya ng atraksyon sa kapwa niya lalaki, nagdadamit at
kumikilos na parang babae?
A. asexual B. bisexual C. gay D. lesbian
7. Alin sa kanila ang asexual?
A. Kung si Cardo ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang
pangangatawan ay hindi magkatugma.
B. Kung si Lian ay walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
C. Kung si Marie ay nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
D. Lahat ng nabanggit ay tama
8. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng transgender.Alin dito ang hindi?
A. cross-dresser B. straight gender C. ladyboy D.transexual
9. Si Michelle Rodriguez ay isang hollywood actress na bisexual.Ano ang bisexual?
A. Sila ay mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki.
B. Sila ay mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.
C. Sila ay mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki.
D. Sila ay mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian.
10. Si Vice Ganda ay isang gay na nagbibihis gamit ang damit pambabae ngunit hindi niya binago ang mga parte sa
katawan niya. Anong kategoraya ng transgender siya nabibilang?
A. cross dresser B. lady boy C. transman D. transexual
11.Bakit limitado ang karapatang taglay ng kababaihan sa panahon ng mga Espanyol?
A. Dahil ang lalaki lamang ang pwedeng manuno sa pamahalaan
B. Dahil ang kakabaihan noon ay nasa bahay lamang at nag-aalaga sa pamilya
C. Dahil ang mga kalalakihan noon ay matatapang at matatalino sa lahat ng bagay
D. Dahil nakabatay sa kanilang batas na tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan
12. Sa Panahon bago dumating ang Kastila sa Pilipinas, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa
subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki.
Ano ang ipinapakita nito sa ganitong kalagayan?
A. Ipinapakita nito na ang lalaki ay may pantay na karapatan kaysa sa babae.
B. Sinusunod lamang ng mga kalalakihan kung ano ang batas noon kaya pwede nilang gawin ito sa asawa nila.
C. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatan na tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatan na tinatamasa ng kababaihan noon kaysa sa kalalakihan.
Page 1 of 4
13. Ano ang tawag sa mga babae na itinatago sa mata ng publiko at tinuturing silang prinsesa noong panahon bago
dumating ang mga Kastila?
A. binukot B. dinukot C. linukot D. mandirigma
14. Alin sa mga sumusunod na mga pangyayari ang nagpapakita ng gampanin ng mga kakababaihan sa Pilipinas
noong panahon ng Hapon?
A. Sa panahong ito, maraming kababaihan ang namumuno sa pamahalaan.
B. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod ng buhay sa Diyos.
C. Ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi sa pakikipagdigma laban sa Hapon.
D. Ang kababaihan sa Pilipinas, kabilang sa pinakamataas na uri o timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
15. Paano nagsimula ang pakikilahok ng mga kababaihan sa Pilipinas sa mga isyu na may kinalaman sa politika?
A. Sa pamamagitan ng pagbibigay karapatan sa pagboto ng kababaihan
B. Sa pamamagitan ng pagbibigay karapatan na mamuno sa pamahalaan
C. Sa pamamagitan ng pabibigay karapatan sa mga kababaihan na makapagtrabaho
D. Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman kaya
maraming kababaihan ang nakapag-aral
16.Sa anong panahon kung saan naidala ang ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa kasarian sa
Pilipinas?
A. Panahon ng Amerikano B.Panahon ng Hapon C. Panahon ng Kastila D. Sa Kaslukuyang Panahon
17. Paano nagsimulang lumawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa LGBT?
A. Sa pamamagitan ng mga beauty pageant para sa mga LGBT
B. Sa pamamagitan ng mga social media na may kinalaman sa pagsulong ng LGBT
C. Sa pamamagitan ng mga palabas sa telebisyon at pelikula tugkol sa mga homosexual
D. Sa pamamagitan ng mga akda at antolohiya tungkol sa homosexual, impluwensiya ng international media at mga
Pilipinong LGBT na nakaranas mangibang-bansa
18. Sino ang sumulat ng A Different Love: Being Gay in the Philippines?
A. Danton Remoto B. Geraldine Roman C. Margarita Go-Singco Homes D. Vice Ganda
19. Bakit hindi pinayagan ng COMELEC ang Ang LADLAD na tumakbo sa halalan 2010?
A. Dahil masasama sila C. Dahil hindi sila kwalipikado
B. Dahil sa isyung imoralidad D. Dahil hindi sila magtatagumpay
20. Kailan nagsimula ang LGBT movement sa Pilipinas?
A. Noong ika 16-17 siglo C. Noong dekada 90
B. Noong dekada 60 hanggang 80 D. Noong 2000 hanggang sa kasalukuyan
21. Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang
walang anumang benepisyong medical. Bakit patuloy pa rin itong isinasagawa ng ilang bansa sa Africa?
A. Dahil ito ay pagsunod sa batas ng lipunan C. Dahil sa takot na mabuntis at kalakaran sa kanilang lipunan
B. Upang hindi dapat mag-asawa ang mga kababaihan D. Dahil sa impluwensiya ng tradisyon at paniniwala ng lipunan
22. Bakit pinipigilan ang Female Genital Mutilation na gawin ito sa mga kababaihan?
A. Dahil ang ganitong gawain ay masakit sa mga kababaihan
B. Dahil ang ganitong gawain ay maituturing na may benepisyong medical
C. Dahil ang ganitong gawain ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan
D. Wala sa nabanggit
23. Sa Kaharian ng Saudi Arabia ang mga babae ay ipinagbabawal na bumoto at magmaneho. Ano ang ipinapahiwatig
nito?
A. Ito ay kanilang batas kaya sundin na lamang ng mga kababaihan.
B. Ang mga kababaihan doon ay nasa bahay lamang hindi pwedeng lumabas.
C. Hindi pa rin pantay ang pagtingin nila sa mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan.
D. Mahalaga ang kaligtasan at proteksyon para sa mga kababaihan sa kanilang bansa.
24. Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian (tomboy). Ano ang kanilang paniniwala?
A. Naniniwala sila na pagkatapos gahasain ng mga kalalakihan ang lesbian ay mabubuntis.
B. Naniniwala sila na pagkatapos gahasain ng mga kalalakihan ang lesbian ay maghihiganti ang mga ito.
C. Naniniwala sila na pagkatapos gahasain ng mga kalalakihan ang lesbian ay magiging isa itong ganap na lesbian.
D. Naniniwala sila na pagkatapos gahasain ng mga kalalakihan ang lesbian ay magbabago ang kanilang oryentasyon
sekswal.
25. Bakit mayroong mga bansa na pinipigilan ang paglalakbay mag-isa ng mga kababaihan?
A. Dahil baka mawala sila sa ibang bansa
B. Dahil hindi na ito bumabalik sa kanilang bansa at doon na nagtatrabaho
C. Dahil nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (sekswal at pisikal) at human trafricking
D. Dahil natatakot sila na ang mga kababaihan ay makapag-asawa sa ibang bansa at hindi na rin makabalik
26. Sinong artistang lesbian, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa pinakamatagumpay na talk- show sa
Amerika?
A. Aderson Cooper B. Charice Pempengco C. Ellen Degenenes D. Tim Cook
Page 2 of 4
27. Sino ang kauna-unahang transgender na naging miyembro ng Kongreso ng Pilipinas?
A. Aderson Cooper B. Danton Remoto C. Geraldine Roman D. Parker Gunderson
28. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang homosexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo ay mga
bata pa at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong
gagawin?
A. Igagalang ko at panatilihin ang aming pagkakaibigan. C. Susumbatan siya kung bakit niya inilihim ito sa akin.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual. D. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan
29. Ano ang naging resulta ng pagbaril kay Malala Yousafzai ng Taliban dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa
karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan?
A. Tama nga lang barilin si Malala
B. Ang pagbaril kay Malala ay hindi makatarungan.
C. Ang pagbaril kay Malala ay dapat siyang tulungan para mabuhay at maging alerto ang lahat sa terorismo.
D. Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan.
30. Ano ang tawag sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng
hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan?
A. diskriminasyon B. pang-aabuso C. prostitusyon D. slavery
31. Anong bansa ang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same- sex
relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?
A. Canada B. India C. Thailand D. Uganda
32. Ang foot binding ay pagpapaliit ng paa ng mga sinaunang kababaihan sa Tsina hanggang sa tatlong pulgada gamit
ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ano ang resulta nito sa mga kakabaihan sa Tsina?
A. Dahil sa ang paa,hini sila nakikilahok sa politika,
B. Dahil nakagapos ang paa,hindi sila nakikisalamuha sa iba
C. Dahil nakagapos ang paa, nalimitahan ang kanilang pagkilos
D. Lahat ng nabanggit ay tama
33.Alin dito ang kasama sa Seven Deadly Sins Against Women ng GABRIELA?
A. Pagiging-abala sa trabaho C. pambubugbog/pananakit at panggagahasa
B. Pagkakaroon ng access sa reproductive health D. pangungutang ng pera sa malaking halaga
34. Ano ang tawag sa pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o
spatula na pinainit sa apoy ng taga-Cameroon ng Africa?
A. Breast Ironing o Breast Flattening C. Foot Binding
B. Female Genital Mutilation D. Prostitusyon
35. Ang mga sumusunod ay mga domestic violence na nararanasan ng mga tao sa lipunan kasama ng kanilang kapareha.
Alin dito ang hindi?
A. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko
B. Kung ikaw ay pinapatrabaho para sa pangangailangan ng pamilya
C. Tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at iniinsulto
D. Sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot
36. Bakit sinabi ni Ban Ki – Moon na ang “LGBT rights are human rights” ?
A. May karapan LGBT na lumigaya C. Ang LGBT ay walang karapatang pantao
B. Ang LGBT ay dapat tratuhing tao D. Kabilang sa karapatang pantao ang mga LGBT
37. Si Angela ay isang lesbian. Dahil siya ay may karapatan din tulad natin, paano mo siya matutulungan kung sakaling
humihingi siya ng tulong tungkol sa kanyang pakikipaglaban na matanggap siya ng lipunan?
A. Ikahiya siya dahil masama ang pagiging lesbian
B. Huwang siyang pansinin dahil nagdadrama lamang siya.
C. Mahalin siya bilag tao,igalang at tulungan sa kanyang kalayagan.
D. Saktan at ipagkakalat na siya ay isang lesbian sa inyong lipunan .
38. “Ang karapatan sa unibersal na pagtamasa ng mga KARAPATANG PANTAO”ay unang Prinsipyo ng Yogyakarta.
Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang tao ay may kapatang mabuhay
B. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyon
C. Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at may mga karapatang pantao
D. Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho at paborableng mga kondisyon sa paggawa
39. Ano ang tawag sa kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-
ekonomiya, panlipunan at pampamilya?
A. Anti-Violence against Women C. Magna Carta for Women
B. CEDAW D. Prinsipyo ng Yogyakarta

Page 3 of 4
40. Saan nakaayon ang mga nabuong Prinsipyo ng Yogyakarta?
A. CEDAW C. Universal Declaration of Human Rights o UDHR
B. International Law Commission o ILC D. World Health Organization o WHO
41. Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit na maaring kasuhan ng batas na
Anti-Violence Against Women and their Children Act ?
A. Mga kasalukuyan at dating asawang lalaki C. Mga mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae
B. Mga mga kasalukuyan at dating kasintahan D. Lahat ng nabanggit ay tama
42. Ano ang tawag sa batas kung saan alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay
itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay?
A. Anti-Violence against Women C. Magna Carta for Women
B. CEDAW D. Prinsipyo ng Yogyakarta
43. Ano ang resulta ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?
A. Tungkulin ng Pilipinas na ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon
B. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang kondisyon at karampatang aksiyon
C. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang mga
tungkulin sa kasunduan
D. Lahat ng nabanggit ay tama
44. Ano ang layunin ng Magna Carta for Women?
A. Layunin nito na makapagtrabaho ang mga kababaihan
B. Layunin nito na magkaroon ng malusog na pamumuhay at pangangatawan
C. Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago
at pag-unlad
D. Layunin nito na maghiganti laban sa mga nanakit sa kanya sa pamamagitan ng pagpatay o pagbitay at
pagpapakulong ng habambuhay
45. Bakit itinalaga ng Magna Carta for Women na ang pamahalaan ang pangunahing tagapagpatupad (“primary duty
bearer”) ng komprehensibong batas na ito?
A. Dahil ang pamahalaan ang gumawa ng batas na ito
B. Dahil ang pamahalaan lamang ang may karapatang ipatupad ang batas na ito
C. Dahil responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasiyon
D. Dahil ang pamahalaan lamang ang may kapangyarihan na ipagtanggol ang mga na-aaping kababaihan sa lipunan
46. Ayon sa Magna Carta for Women,ano ang tawag sa mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan, mga
wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo?
A. marginalized women C. widow o balo
B. PWD D.women in especially difficult circumstances
47. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in
especially difficult circumstances?
A. Mga kababaihan sa lungsod C. Mga katutubong kababaihan
B. Mga kababaihang biktima ng karahasan D. Mga kababaihang magsasaka at maggagawa sa bukid
48.Anong kampanya ng UN Women para sa pagakakapantay-pantay ng kasarian ang pinangunahan ni Emma Watson na
naglalayong isama din ang mga kalalakihan sa laban sa di-pantay na pagtrato sa mga kababaihan ?
A. #HeForShe B.#LGBT C. #MeAndYou D. #SHEme
49. Bilang isang kabataang Pilipino, paano ka makakatulong sa mga isyung pang-aabuso sa mga kakababaihan sa iyong
lipunan?
A. Magsaliksik sa internet at gumawa ng fake news
B. Pagsasagawa ng panayam sa mga taong biktima ng karahasan
C. Mag-post sa social media ng mga masasamang pangyayari tungkol sa mga kababaihan at ipalaganap ito
D. Sumali sa mga programa sa inyong lipunan na kung saan naglalayon na magpalaganap ng pagkakapantay-
pantay sa kasarian at pagbibigay tulong
50. Kung ang lipunang iyong ginalawan ay talamak ang diskriminasyon sa mga LGBT. Bilang isang mag-aaral,ano ang
pwede mo gawin para ikaw ay makatulong upang magkaroon ng kamalayan ang mga gumagawa nito?
A. Bugbugin na lamang sila dahil salot naman sila sa lipunan
B. Sumali sa mga welga laban sa karahasan sa mga LGBT
C. Bumuo ng sariling batas na magbibigay proteksiyon sa LGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.
D. Pagtibayin ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta iyong napag-aralan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng media-
advocacy o symposium sa iyong paaralan o baranggay

WAKAS

“Remember who you are.”


-from Spider Man

Page 4 of 4

You might also like